Bingo

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     Thursdayyyy,

     Dalawa lang class ko ngayon tapos natapos din agad sila lahat bago pa mag 3pm kaya naka-idlip pa ako ng one hour.

     Ang sarap lang sa pakiramdam at talagang namimiss ko ang kama ko kapag may klase.

     Kahapon, sabay kami umuwi ni Ning- pero andami lang naman naming side trips at kung saan saan kami napunta.

     Nagpasama siya bumili ng something sa bookstore malapit sa campus, kumain kami ng meryenda sa tabi tabi tapos natakam ako dun sa I love milktea kaya nalibre ko siya ng wala sa oras.

     Nonetheless, as I expected, masaya umuwi kapag kasama si Ning.

     Ang daldal lang namin sa jeep kaya buti nalang walang sumaway sa’min.

     Naglakad nalang kami mula sa babaan ng jeep kaya nakita ko na may tindahan na pala sila.

     Niyaya pa nga niya ako pumasok kaso sa sobrang pagod, sabi ko next time nalang. Wala naman siyang angal at dire-diretso ng pumasok matapos magpaalam sa’kin. Iba din talaga tong si Ning.

 

 

     ‘San punta?’ saway sa’kin ni Kuya. To talaga, alam na lalabas ako kapag may dala akong wallet.

     Maaga kasi uwian nina Monique ngayon tapos ayaw pa daw niya umuwi kaso may pupuntahan daw si Gi right after school tapos si Ning naman sinamahan si Ninang mamalengke kaya ito, tinanong niya if it’s okay to go here sa’min and I immediately said yes.

     Wala namang problema sina Mama sa bisita, wag lang lalagpas sa dalawa kapag walang pasabi beforehand.

     ‘Sunduin ko lang si Monique’ I said. I stood in front of the mirror next to our bathroom to check if I look presentable and of course I was, ako lang naman to.

     ‘Pupunta si Ate Monique?’ tanong ni Rylee habang nakatingin siya sa mata ko sa salamin.

     ‘Oo,’ I giggled. Minsan kasi vinivideohan ko si Rylee at random at pinapa-hello ko siya kay Monique kaya parang kilala na din niya yun. ‘Excited ka din?’

     ‘Onti lang’ pabebe niyang sabi. Mana talaga to kay Kuya.

     ‘Baliw’

     ‘Mabilis lang ako’ hindi ko na sila hinintay pa magsalita at baka may ipabili pa sa’kin sa labas. Kaya lang naman ako may dalang wallet at baka walang barya yung si Monique.

     Baka hindi pa makapag bayad ng sakto sa tricycle.

     Madami din scammer dito.

     Walking, walking, walking.

     Iwas tae there, gilid sa daan here.

     Hindi naman malayo yung binabaan niyang kanto pero hindi rin siya totally malapit sa’min kaya mabilis akong naglakad.

     Hindi daw siya familiar with the place lagpas kayna Ning kaya dun daw siya bababa sa sumunod na kanto mula sa bahay nila. At sakto, nakita ko naman siya agad pagliko ko.

     ‘Hi!’ she happily greeted me. Ang liwanag lang ng ngiti niya, hindi din siya mukhang haggard. Kavogue.

     ‘Hi’ bati ko pabalik. ‘Kanina ka pa?’

     ‘Kakababa ko lang ng tricycle? You literally saw me getting my sukli’ sarkastiko niyang sabi sa’kin.

     Well, tama naman siya, bakit ko nga ba tinanong yun.

     Bahala na, nubayan self.

     ‘Conyo’ pagpuna ko. Ayaw na ayaw niyang nag-eenglish sa labas ng bahay nila dahil nagmumukha nga daw siyang conyo pero dun na kasi talaga siya sanay kaya mix mix na palagi.

     ‘Weird no?’

     ‘So true’ tumango tango ako. ‘Lika na, madami manyak dito’

     I linked my arm with hers, pulling her closer to me at maliit lang ang daanan ng tao dito sa lugar.

     At oo, may times na madaming manyak kaya wag ngayon, layuan niyo kami.

     ‘Hala di pala ako safe dito’ alam kong nagbibiro siya pero nahuli ko yung katiting na kaba na meron yung boses niya.

     Kaya hindi rin ako nagdadala ng mga kaibigan dito na hindi taga Manila is kasi nga andaming manyak sa tabi tabi, ayoko naman sila ma-trauma dahil sa’kin. Hindi ako ganun ka worth it.

     ‘Kasama mo ‘ko,’ I reminded her. Even holding her hand that was grazing mine while our arms were linked.

     Hindi ako marunong mag-comfort ng tao pero knowing na ako to, I always try my best and I always do what I can.

     I always try to show that I care.

     ‘Safe ka.’ Dagdag ko.

     Binilisan ko ng onti yung pace ng lakad ko para makadating na kami sa bahay, so far so good naman. Mabuti.

     ‘Your brothers know me diba?’ I hummed. ‘Andun ba sila?’ tanong niya ulit.

     ‘Yep, si Mama din nasa kwarto’ I glanced at her while we crossed the street. Malapit na kami.

     Nakatingin lang din siya sa dinadaanan namin.

     ‘Kaba?’ I asked just to know.

     ‘Not sure’ mahina niyang sagot.

     ‘Di ka naman kakagatin nung mga yun, paluin ko sila subukan nila’ I joked. Making a small smile appear on her lips.

     Talent ko ata ang pasayahin tong si Monique.

     ‘Ansama mo’

     ‘Di ka na nasanay’

     Binuksan ko ang gate habang tinatahulan si Monique nung aso sa bahay sa tapat namin. Nakatali naman yun at mukhang hindi naman bothered tong isa.

     ‘Pasok’ dire-diresto naman kaming

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!