Depends on my mood

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

     So, gusto ko nga si Monique.

     HALA! PANO TO TEKA.

     Papunta si Ning dito sa’min, siya na kasi pinakamalapit na naisip ko na pwede kong kausapin tungkol dito, sabado naman ngayon tas nag-offer na din ako sakanya kung gusto ba niya na dito nalang siya mamaya pag nanood kami nina Gi ng movie- mag-zoom lang naman ata kami or google meet para kita namin ang isa’t isa.

     ‘Pag-isipan ko bes, depends on my mood’

     Di ko naman siya pipilitin kung ayaw niya, hindi ako ganung tao no- hindi ako pinalaking desperada! Ang OA self.

     Matapos ko magsaing sa loob, sinama ko na yung puno naming basurahan palabas para hindi sila magtaka kung bakit ako biglang lumabas.

     Isa kasi tong pagtatapon ng basura sa pinaka-ayaw kong gawaing bahay at kadalasan si Rylee ang gumagawa nito, pero ito ako ngayon, nakatayo sa harap ng gate, hinihintay lumitaw si Luningning.

     Hindi naman siguro mabbother sina mama kung bigla tong dumating dito.

     Dati nga nung bata siya dire-diretso lang siya papasok kapag kailangan niya maki-cr bigla, ang dug-

     ‘Hoi!’

     ‘Oy!’ napasigaw ako pabalik.

     Inangat ko yung tingin ko mula sa sahig at tama, palapit na nga sa akin si Ning. Hawak hawak yung cellphone niya saka wallet ata. Naka-tshirt lang siya saka shorts kasi hindi naman need sa bahay ng formal attire pero ang ganda pa rin nito ha. Talo yung suot kong sando na mukhang pambata.

     ‘Tulala yarn’ bungad niya sa'kin.

     ‘Di kita napansin’

     ‘Syempre sabog ka eh’ inirapan ko siya. Tinawanan niya lang naman ako.

     She linked her arms with me kahit na pa nga nasa harap na kami ng bahay ko.

     Huhugasan ko pa yung basurahan para malinis kaya she was just there standing by the door, nervously looking around, probably scared by the fact na someone from inside the house could just walk out on her.

     Hindi naman siya hubo bat ba kinakabahan siya.

     ‘Kumain ka na?’ tanong ko, pinupunasan ko nalang tong hawak ko, matatapos na din ako. ‘Lunch?’ I nodded at her. ‘Oo,’

     ‘Pero kung aalukin mo ako hindi naman ako tatanggi’ she added. Tinignan ko lang siya, hindi masama, hindi masaya, basta nakatingin ako sakanya. ‘Joke lang, andyan sina Tita?’

     ‘Pati si Papa andyan’ pagsagot ko.

     ‘Oh my gad, antagal ko na hindi nakita si Papa Kim!’

     At dahil hindi pa naman ako tapos kumain nung nag-chat si Ning na ngayon na siya pupunta, bumalik kami sa hapagkainan pagkapasok. Katabi ko lang si Ning, kumakain ng hotdog saka suman.

     Kaharap namin si Papa na nagkakape saka egg sandwich tapos katabi niya lang din si Mama, may inaayos na papeles.

     ‘Dito ka na kumain mamaya’ pag-alok ni Mama, pinigilan ko agad yung tawa ko at umiinom ng tubig tong katabi ko. ‘Ay hindi Ma kakakain lang daw niyan’ inunahan ko siya. Ikaw may sabi niyan Ning, not my words.

     ‘Ay tita kung luto niyo po yung pagkain sino ba ako para tumanggi’ nginitian naman siya ni Papa.

     Mahilig kasi si Papa sa mga bibo na personality, kaya siguro na inlove kay Ma-

     ‘Just tell us or Minjeong if you want to eat here Ning’

     ‘Opo tito’ pagmamaganda nitong katabi ko.

     Dali dali ko namang inubos yung pagkain ko at baka pati dinner dito na nila pakainin si Ning. ‘Akyat muna kami’ sumunod naman sa pagtayo ko si Ning na naghihintay na sa bungad ng kusina. Ngumunguya pa rin siya at nabigla ata sa pagbilis ko sa pagkain.

     ‘May iuutos pa ba kayo?’ umiling naman ang aking mga magulang. Sayang. ‘Pwede gawin ni Ning yan’

     ‘Umayos ka Minjeong, mahiya ka kay Ning’ si Mama naman iinit agad ulo, di mabiro.

     ‘Oh mahiya ka daw sa’kin’ paggatong ni Ning. Inabot ko nalang yung basong hawak niya at sa wakas ay nalunok na niya yung kinakain niya.

 

 

 

     ‘So, what is the meaning of this?’ impatient na sabi ni Ning.

     Magkatabi lang kami sa dulo ng kama, nakadantay yung isa niyang kamay sakin habang ang likod naming pareho ay nakasandal sa headboard ng kama, half lang kasi tong ulunan ng kama ko kaya may unan sa pagitan ng likod namin mismo saka nung kahoy na material. Masakit din kasi pag matagal ng nakasandal.

     ‘Why was I summoned?’ tanong niya ulit ng makita ang itsura ko. Bigla kasi siyang nagsalita eh nakikinig lang kami sa tugtog simula ng umakyat kami dito, may kausap pa nga ata siya sa cellphone niya kanina.

     ‘Ah….’ I trailed off.

     I'm still skeptical if I should be really doing this lalo na with her, siya lang naman yung isa sa mga best friend ng taong kinababaliwan ko these days.

     Romantically at literally.

     ‘Diba, nakwento ni Gi’ napukaw ko agad ang atensyon niya. Iba din talaga ang effect ni Boss Gi. ‘Madami manliligaw si Monique tapos kayong dalawa taga-taboy’ pagpapatuloy ko.

     Humagalpak si Ning, probably out of pure joy.

     Nique warned me na sila nga daw ni Giselle ay possessive sa kaniya and I don’t see a reason kung bakit hindi.

     Parang napaka-fragile at absentminded kasi ni Monique na tao, pero I must say na minsan lang siya maging ganyan kaya totoo na not every first impression is, even a sliver, true.

     ‘Oo, saya nun bes, walang makaligaw sa aming tatlo kasi pinagtatabuyan talaga namin silang lahat.’

     I can imagine yung amount ng manliligaw nilang tatlo.

     Magaganda kasi silang lahat tapos ayun nga, para silang iba’t iba tao from their varying personalities and ugali. The perfect trio kumbaga, if makatama ka sa isa eh parang na sayo na ang lahat.

     Pero wrong mindset din naman yung hahabol ka sa isa tas target mo pala ay silang lahat.

     Mali yon, maling mali.

     Ekis ka pare.

     ‘Bakit?’ I asked, prying for a reason why it was l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
693 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
693 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!