Xmas in a nutshell

At our own pace
Please Subscribe to read the full chapter

 

Wednesday, December 19.


     Naisipan namin na magsimba kasama yung family ni Wako kasi magpapasko na din naman. Si Ate Rene ang pasimuno kaya syempre bilang mabait na bayaw, sumama ako, inimbita ko pa pamilya ko.

     Wala nga lang sa equation yung dalawa kong kapatid at parehas may Christmas party, yung kay Kuya actual party tas yung kay Rye online pa din.

     Lungkot nga nun eh, bakit daw online pa din eh pwede naman na daw na face to face, miss na daw niya makipag exchange gift.

     Naisahan nga kami ni Kuya at nagsolicit ng pambili ng pagkain, para naman daw feel niya yung pagkaparty nung party nila, malay ko anong connect. Greenwich daw sana at miss na niya yung lasagna at carbonara nila. Oo mga teh, in the end isang carbonara at isang lasagna pa yung binili niya, ang galing den.

     Nauto naman niya kami ng kuya niya.

     Dito lang naman kami nagsimba sa Divine Mercy sa may Mandaluyong. Magpapa good shot lang ako kay Lord at ang ganda lang ng gift niya sa akin this year.

     Ang gara nga at tatlong kotse pa kami na nakaconvoy, isa sa fam ni Monique, isa sa parents ko tapos sa isa kaming apat nina Ning at Gi. Sinundo ko pa kasi si Giselle bago ko daanan si Ning tapos sa akin na din sumabay si Wako at baka kung ano daw gawin naming tatlo habang wala siya.

     Grabe eh, akala mo naman ang tagal namin magkakasama sa kotse. Mukha tuloy akong ewan na nagroundtrip simula sa amin at bumalik din malapit sa amin, late ko na napagtanto na sana pala hinuli ko nalang si Gi pero wala na eh, nangyare na, nagsisimba na kami.

     Nga pala, mamayang gabi aalis si Giselle papuntang Batangas. Miss na daw niya kasing magpasko kasama ang Mama’t Papa niya, the last two Christmases kasi ay si Naki tapos yung ibang pinsan lang ang kasama niya dito sa Manila.

     Hindi rin daw very festive pag silang magpipinsan ang magkakasama at parang inuman sesh lang ang nagaganap tapos oorder lang sila ng crispy pata kasi yun daw ang tradition ng Uchinagas dito sa Pilipinas kapag pasko.

     ‘Homesick’ na din daw siya for her mother’s touch and cooking kahit pa nga nasa iisang bansa naman sila kaya napasabak si Gi sa pagbbyahe via bus hanggang dun sa kanila.

     Bago naman kasi magkacovid, once or twice a month daw nandun yung Mama ni Gi sa unit niya kaya nung nalimit talaga to once a year yung pagkikita nila, minimake sure niya na sulit na.

     Hay, the struggles of the pandemic.

 

     ‘Huy’ napatalon naman ako sa pagkakalapit ng boses ng huy na yun. Si Wako, nakasiksik sa akin habang yung isa niyang kamay nasa lap ko. I didn’t feel her going there.

     ‘Bakit?’ inosente kong tanong ng tumingin ako sa kaniya. Nakangiti lang siya sa akin. Yung salamin niya bumababa na sa ilong niya habang yung cheeks niya unat nanaman since she’s smiling nga.

     Nahihilo nanaman to eh, feeling ko tumaas lalo grado niya.

     ‘Layo ng iniisip mo’ pananaway niya. ‘I believe its malalim’ pag-correct ko. She looked up front kaya napasunod din ako ng tingin. ‘I believe na patapos na yung mass’ habol niya.

     Nakinig naman ako kaso, I have my tendencies na lumutang kung saan. Yung tendencies kong yung lumalakas pa lalo kapag serious yung situation.

     ‘Ay, sorry bebi’ bulong ko bago hawakan yung kamay niya. I easily laced my fingers with hers and hinigpitan naman niya ang hawak niya sa akin. ‘Something wrong?’ worried niyang bulong while she rubs her thumb on my hand.

     ‘Wala naman, naisip ko lang si Gi’ pag-amin ko. ‘Bakit?’

     Napag-usapan din namin to dati. Ang dali ko nga daw nakaclose yung best friends niya, parang hinihintay lang daw nila talaga akong dumating sa buhay nila.

     Dahil dun, pag bumisita ulit sa amin si Ate Iya, ililibre ko siya ng kahit anong gusto niya. Wag lang Wolfgang.

     ‘Alis na niya mamaya diba’ emosyonal kong sabi. Akala mo magmmigrate sa ibang bansa eh.

     ‘Para kang si Ning, Batangas lang yun. She’ll be back before your birthday’ tumango tango naman ako sa sinabi niya.

     Tama, nasa Luzon pa rin naman siya. Land transport pa din siya and she’ll be back before the year ends.

     ‘Remind ko siya na ichat tayo, mag-isa lang siya dun sa byahe eh’ grabe no, mas matanda sa akin si Gi pero kung umasta ako, akala mo magkadugo kami.

     ‘Ehem’ sinundan ko yung ‘ubo’, nakatingin na pala sa amin si Gi, katabi nga lang pala namin siya. ‘I know, I’ll chat you guys don’t worry’ pag-assure niya bago sumandal at umayos ulit ng upo.

     Nginitian lang ako ni Wako at parehas naman naming narinig yung sinabi ni Giselle.

     Would it be too much if I ask her na i-on and location niya at all times?

     ‘Matutulog ka lang naman sa byahe eh’ narinig kong sabi ni Ning.

     ‘Ang daldal niyo dyan ha’ ay lagot, nasaway na ni Ate Rene. 

 

 

     Natapos na rin agad yung misa ng sawayin kami ni Ate Rene. Tong si Ate eh, akala mo hindi siya nagsabi kailan lang sa akin kung alam ko daw ba na uuwi si Giselle ng Batangas bago magpasko.

     Kunwari pa siya, alam kong worried din yan kay Gi.

     Nagyaya sina Papa maglunch at may alam daw silang resto na malapit dito tapos masarap, hindi na rin naman tumanggi sina Tita Anna at mga balae na daw nila ang nagyaya sa kanila.

     Kainis lang, hanggang sa relasyon namin uso yung balae/manugang/bayaw thing. Hindi naman sa kinamumuhian ko or anything, more like napangungunahan kasi yung nangyayari sa amin.

     Cat advised me just to ignore it daw, sure naman daw kasi siya na baka sa susunod na dekada, yun na daw talaga tawagan ng mga family members namin sa isa’t isa.

     Kinilig naman yung right cheek ko dun.

     Pauwi na kami ngayon at saglit lang din kaming kumain, onting kwentuhan lang kayna Mama tapos si Ate Rene naman nakipag-catch up sa studies naming apat. Sooner or later daw ay may licensed Interior Designer na kami, CPA, Attorney at syempre Economist or kung ano mang hantungan ko. Basta yun.

     ‘Sa’min ka ba sasabay Catcat?’ tanong ni Tito Ernie ng marating na namin kung saan kami nagpark.

     Open lot lang to kaya mainit yung mga kotse, si Kona nga binuksan na ni Papa para makahinga. Hindi ko nga napansin na nakasunod pala sa akin si Wako, sabi ko kasi dun nalang muna siya kayna Ate niya, nasa lilim kasi sila.

     ‘Kay Winter nalang muna Di, hahatid pa niya sina Ning eh’

     ‘Oh sige, mauna na kami, mag-ingat kayo ha’

     ‘Opo Tito’ sagot ko pabalik kay Tito bago kami sabay magbukas ng kotse. ‘Bat di ka pa sumabay kayna Tito?’ tanong ko agad ng maramdaman kong nasa tabi ko siya.

     Binaba ko muna yung mga bintana para makalabas yung mainit na hangin, inabot ko na din sa kaniya yung cap na dala ko, ang init sa ulo ng araw.

     Sinuot naman niya yung cap ko bago kumandong sa akin. Omg ka baby, nandyan lang tatay mo sa katabi nating kotse. Very limited lang naman yung maigagalaw ko habang nakaupo siya sa akin, pinunasan niya pa gamit ng kamay niya yung mga pawis na tumutulo sa noo ko. Ganun kainit, sumabay pa siya.

     ‘I wanna spend more time with you eh’ napakagat naman ako ng labi. Wako…. Mypo…. Isa isa lang, mahina ang kalaban.

     She tapped my cheeks at the same time bago niya panggigilan saglit. Hindi ko naman mapigilan ang mga mata ko na luminga, mukhang hindi naman kami pinapansin ng mga magulang namin at si Ning lang ang nakita kong nakatanaw sa amin mula dun sa lilim na tinatambayan niya.

     I didn’t hold back. Mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi na nakapag pangiti naman sa kaniya. Ito eh, best in pang-aakit.

     ‘I’ll take you on a date soon, promise’ ‘We just went over a week ago sa Mind Museum Gal’ sermon niya bago ako halikan sa pisnge. Tatayo na ata, nakahawak na sa tuhod ko eh.

     ‘Ikaw kaya nakaisip nun’

     ‘You’re the one who bought a ticket.’ Tuluyan na nga siyang tumayo at nilingon ako para sabihin ang pinupunto niya. ‘You went with me naman, that’s still a date baby’ nagngitian lang kami at tama naman yung sinabi niya. I’d just like to take her someplace fancier since palaging nappush back yung balak ko na yun.

     Bigla namang bumusina yung kotse sa kabilang side namin, nakakaba na yung bintana ni Papa at nakasilip sila ni Mama. ‘Una na kami Nak, mag-ingat kayo ha’ bilin niya bago magseatbelt. ‘Opo’

     ‘Cat, si Winter ha’ bilin naman ng nanay ko na parang wala na atang tiwala sa akin. Natawa naman si Wako bago sumagot. Aba, anong nakakatawa ha? ‘Opo Tita’

     Akmang kukurutin ko na siya pero nakaiwas agad, sayang ang lapit ko na eh. She stuck her tongue out to annoy me more. ‘Tawagin mo na nga sina Gi, dinadaldal nanaman Ate mo’ sabi ko bago ko buksan yung makina tapos minax yung fan.

     Agad namang sinigawan ni Cat yung dalawa. Hot din to pag sumisigaw eh, lalim kasi ng boses. Kaya niyang tapatan yung pagkahot ng Pilipinas.

     ‘Oh bobo’ natawa kaming magjowa ng matalapid yung magbest friend, makalink kasi ang braso kaya ng matalapid yung isa, yung isa din nadamay. Buti hindi nakakapit sa kanila si Ate Rene.

     ‘My two idiots’ proud pang sabi ni Wako bago siya umikot sa kabilang side.

 

 

 

 

 

 

Friday, December 21.

     It’s our second monthsary today and me and Gal agreed na we won’t be giving gifts na, it’s going to be Christmas in a few days na din naman kaya pwede nang hindi magbigay this time.

     We also agreed na we don’t really need to buy each other gifts on every monthsary naman, stubborn lang daw talaga si Gal na she’ll give me something for the first three one’s kaya I should and should not be anticipating something for the next month at baka last na daw yun at matagal na bago ulit maulit.

     I don’t mind naman. As long as we’re going to acknowledge even in the simplest way how long we’ve been as a couple, I’m okay with it.

     I’m here right now sa house nila, she invited me to come by since pupunta daw yung Tito niya ngayon, si Tito Ryan and kasama daw yung youngest cousin niya, si Niki. She’s also a girl and super cute niya, mukha siyang Koreana kahit pa nga pure Filipino blood siya.

     Sabi ni Tito Ryan baka daw pinaglihian kasi nung wife niya na si Tita Eps si Winter nung buntis siya. Palagi daw kasi silang nagkikita sa kung saan saan nung buntis siya tapos si Gal din pala yung kasama niya on some check-ups kapag busy sa work yung Tito niya.

     It made me wonder tuloy how hands on she could be to a pregnant lady.

     My ultimatum to not get pregnant is shaking.

     Grabe, hindi man lang guy ang makakabasag sa ultimatum ko na to, babae pa, mas bata pa sa akin. Weird.

     ‘Niki!’ umaalingawngaw nanaman yung boses ng girlfriend ko sa bahay nila. ‘Punta tayo sa taas?’

     I can’t hear Niki’s voice because duh, she’s a kid. But I’m 95% sure that she and Winter may be talking right now.

     ‘Sure?’ nakikinig lang ako habang nakapause yung tiktok video sa phone ko. She went down at dumating na daw kasi yung inorder niya, in which to my surprise is cupcakes.

     Bundle of 6 lang naman daw for 200, sulit na din kasi gusto niya itry yung salted caramel na flavor. Palusot niya lang yun eh, ayaw niya lang sabihin na siya ordered this for our monthsary. Kulit talaga.

     ‘May cupcakes pa dun ha!’

     I sat up on her bed, I think she’s walking on the hallway na and if I’m right, she should be carrying two cupcakes, her water bottle and her classic smile on her face.

     ‘Tada!’ see, I’m always right.

 

 

 

     We shared our cupcakes, hers was the salted caramel one nga tapos yung sa akin pandan flavor, wala eh, pandan lover here. Nagustuhan naman niya yung sa kaniya pero parang nagustuhan din naman niya yung sa akin. I wasn’t able to finish my half of her cupcake kaya she ate that too while I calmly chow down on my pandan cupcake.

     We also took some pictures kasi why not and ito, bago nanaman yung lockscreen niya.

     Nilagyan kasi ako ng icing sa ilong.

     Pag siya nilanggam dito sa kama niya habang natutulog, tatawanan ko lang siya.

     Nakaupo lang kami magkatabi while we watch iZombie, napanood na daw niya yung ibang seasons but hindi niya natapos kaya we casually watch it when we’re together. She has her arm wrapped around my shoulder while I lean on her chest, her hand playing with my ear and hawak ko naman yung phone niya.

     To be honest. Inaantok ako, kung ano ano kasi ginagawa niya.

     My eyes were slowly closing on its own when I heard her door open, a silhouette of a little girl showing itself while she peeks inside to look for us.

     ‘Hi Niki’ bati ko sa kaniya while she looks back and forth to me and Gal.

     ‘Ate Winter….’ she lowly called for her Ate. Umayos ako ng upo at lumayo ng onti kay Gal but she only pulled me back to wrap her arm around my waist. ‘Yes Niki?’

     ‘Batet magkahug kayo ni Ate?’ ….oh I’m the Ate she’s pertaining to. Hindi niya siguro naintindihan yung name ko, Wako lang kasi tawag sa akin ni Gal kanina before we went up. Hindi rin kami nagtagal sa baba kasi they we’re talking about some business stuff ng dumating ako.

     I smiled warmly at Niki before answering her question. ‘Namiss kasi ako ni Ate Winter mo eh’

     ‘Ako din pwede hug?’ she hesitantly asked before walking near us. I felt my heart melt naman. The closest I had to a younger sister was Liz, ang hilig pa ako awayin.

     ‘Oo naman, lika dali’ Gal called her while we shuffle papasok sa bed niya. Niki sat beside Gal and she easily enveloped her whole using one arm. She has her phone with her and is already looking for a game to play when I decided that I want to talk with her.

     Me interacting with such a cute kid shall not be passed.

     ‘Niki diba?’ I gently asked while I look at her. She’s still passing thru her games on her phone, I can see Gal smiling at me naman.

     Cute ko no? Mainlove ka lalo sorry ka.

     ‘Opo’ was her quick answer without even looking at me.

     Gal scoffed at our mini-interaction. She’s having more fun in this than me.

     Inalis niya yung kamay niyang nakapalibot sa akin, pulling Niki to sit on her lap before she covers her view on her phone. Effectively making her look at us. I was just lying my head peacefully on Gal’s shoulder kaya we both kind of have the same view of her.

     ‘Niki, Cat name niya, Ate Cat’ pag-introduce ulit sa akin ni Gal. I smiled at Niki before waving my hand. They say movement makes a kid more interested in things.

     Kung kaya ko lang talaga makaharap ng mga syringes, I would actually be on my way to be a pediatrician right now.

     ‘Cat?.....Pusa?’ inosente niyang tanong. Ang hirap magpigil, ang sarap niyang kurutin, para siyang si Gal but as a kid. Pati yung cheeks ni Gal kuhang kuha niya. ‘Oo pusa, tignan mo mag-mmeow yan’

     They both looked at me.

     Pressured naman akesh. Naging pusa pa ng wala sa oras.

     ‘Meow ka dali’ pagtutulak ni Gal sa akin. I gave her a look na siya lang nakakaalam kung anong kahulugan before I obeyed her favor. ‘Ngyaw’ ‘Oh diba, pusa yan eh’

     Niki was still stoic naman kaya I guess you failed this one baby. You need to hone your skills na ulit.

     Niki moved her gaze to me naman. ‘Ate Cat…?’ unsure niyang pagtawag sa akin. I kept my smile while looking at her. ‘Yes?’ ‘Pusa ka talaga?’

     Ayan Winter. Ayus ayusin mo yung tinuturo mo sa bata, naniniwala tuloy.

     ‘Hindi, baliw lang yang Ate Winter mo’ I told her even though baka hindi niya alam yung meaning ng ‘baliw’, she simply nodded her head naman bago siya lumuhod sa thighs ni Gal, whispering something to her ear na I was still able to perceive a little.

     ‘Ganda’ ‘Ng alin?’ ‘Si Ate Cat.’ ‘Maganda?’ ‘Mhm-hm’

     I was giggling to myself. As if I can’t hear them naman.

     Niki’s holding Gal’s head very tightly pa para di siya makalingon sa akin.

     ‘Ganda ka daw’ sinimangutan naman siya ni Niki ng i-relay niya sa akin what I already know.

     Lagot ka Gal, pag yan umiyak.

 

 

 

 

 

 

 

Tuesday, December 25.

     ‘Catcat!’

     I groaned when I heard Mommy’s voice. Nananahimik ako eh.

     It’s literally Christmas right now, what does she have for me nanaman.

     Gal kissed my cheek to ease my arising rage. We’re just giving each other our gifts right now.

     Common sense na we spent Christmas in our own homes and ito, bawi na namin sa isa’t isa na dito kami sa room ko for the day at dito na din daw siya mag dinner sabi ni Mommy. Andami niya ngang niluto na buttered shrimp para sa handa namin para daw maabutan ni Gal the next day.

     ‘Po!’ I shout back kay Mommy while I set aside the gifts that I got for her. Overall, I got 4 gifts. Usapan namin was 3 kasi she had a thing with giving things in 3 but tignan niyo, siya pa ang may extrang isa at she was supposed to give it to me daw nung monthsary namin a few days ago.

     ‘May naghahanap sayo!’

     ‘Someone’s looking for me?’ unsure kong tanong kay Gal na nagkibit balikat lang din sa akin. I pursed my lips before going to my door. ‘Sino yan Mi!’ sigaw ko ulit ng buksan ko ang pinto.

     Wala si Daddy, may hinahatid na order kaya I can confidently shout kay Mommy. Galing nga eh, sarado yung shop but they processed an order kasi may kasamang heartfelt na note yung order ng buyer.

     OFW daw siya tapos he’ll be surprising his wife kaya naman tinamaan din yung weak spot ni Daddy, tignan mo siya na nag-asikaso siya pag magdedeliver.

     ‘Aba malay ko, bumaba ka na dine’ I barely heard what she said but I disapprovingly looked back at my girlfriend. She’s still staring at the shirt I gave her. It’s just a simple pastel yellow shirt with a penguin printed sa harap, I have one too, kulay pastel green naman tapos may crocodile din sa harap.

     ‘Baba tayo?’ tanong niya when she saw me looking at her. She’s already wearing her bracelet too. Ito yung dagdag niyang gift, couple bracelets na black and purple, they’re handcrafted ata by the same block mate na gumawa nung painting na niregalo niya kayna Mommy.

     Mine’s black then hers is purple then we both have a bead letter M in the middle, for Madrid and Monique.

     As for the colors, they’re the colors of what we were wearing when we first saw each other.

     ‘I haven’t listened to you cover pa’ I’ll tell you in a little bit what this cover is.

     ‘Akyat din tayo agad Wako’ 

     ‘Promise?’ ‘Opo’ okay, a promise she says is a promise she keeps.

 

 

     So ayun nga, napagkasunduan namin yung 3 gifts for each other this Christmas. They don’t have to be grand or expensive naman tapos isang criteria, one has to be useful for the both of us.

     Outcomes nung criteria na yun is the belt she gave me.

     Nagrrant kasi ako sa kaniya nung start ng December, hindi kasi bagay sa lahat ng outfits ko yung black belt na meron ako. It’s too simple for some and it’s against the whole ‘black matches everything’ motion na I believe in.

     She bought me a belt na pwedeng white, pwedeng black, dual sided kumbaga and she already pierced an extra whole kasi malaki daw sa akin kahit yung farthest hole na gamitin ko, ang galing lang pati size ng waist ko alam niya.

     I gave her a desk mirror naman, she’s been looking for a good one kasi at isisiksik niya daw dun sa tabi ng monitor niya. She also said the reason for why she wanted one kanina,

     Brace yourselves.

     Gusto niya daw na one look away lang daw ako dun sa mirror na I gave her when I’m on her bed then she’s doing something on her desk.

     Ang ewan lang.

     Ano akala niyo kinilig ako?

     Syempre oo!

     Pwede naman ako lingunin eh, nagpabili pa ng salamin, tamad.

     Ah right, her cover. It’s her singing the song I said that was meant for her back nung nandun kami sa Wawa. Yung ‘A poem titled you’ ni Taeyeon. She learned the lyrics daw overnight then namemorize na din niya agad tapos it took her a day to come out with a good cover of it.

     Oo na, sweet na. Alam ko, girlfriend ko yan eh. I de

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
scorpiogirl_2917
ano, ayusin ko yung unang limang chapters. may itry lang ako na lay-out. pasabi naman kung mas maganda basahin pag ganun hehez <33


(baka i-draft ko din to ng ilang araw kapag mas maayos yung ganun lay-out :D)

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
692 streak #1
Chapter 77: 🤍🤍🤍
Burgerking_ #2
Chapter 77: NAG UPDATE 😭😭😭
ryujinie__
692 streak #3
Chapter 76: OMG MAY UD 😭🫶🏻
CincoYoo
#4
shet! wait nakalimutan ko na takbo hehe
Noctisnightprince
#5
miss u tor balik ka na
EzraSeige
#6
Chapter 75: 😍😍😍💙❄
bbiiWinkim #7
Chapter 75: ang tamis at ang sarap nung ampaw 😔😔
jmjslrn #8
Chapter 75: tagos hanggang screen ung pakiramdam ng pagiging in love parang three way tuloy ung relationship pati ako kinikilig sa maliit bagay eme
ryujinie__
692 streak #9
Chapter 75: May UD ulit 🥺🖤🖤 tysm author.
Elatedbliss #10
Chapter 74: Khapon lang iniisip ko kung kelan ka mag a-update tapos ngayon meron na hehe welcome back author! Thanks for the update!