Chapter T-68

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

"OOAAAHHHH OAAAHHH OAAAAHHH!" 

 

 

"I'm sorry, I'm sorry last na baby, wait Allison-don't move please.." 

 

 

Pagod, puyat, ngalay at kung ano-ano pa, ang magka-kahalo ng nararamdaman ngayon ni Giselle, parang kahit yung purong kape na ininom nya kanina ay wala na din talab sa kanya. 

 

 

Apat na buwan na ngayon si Allison at apat na buwan na din silang walang maayos na tulog mag-asawa. Pakiramdam nga nya ay nasanay na sila sa malakas na iyak ng anak, na tipong kapag natahimik ito buong magdamag ay natataranta na sila na baka kung napa-ano na ito.

 

 

Kung baga, once in a bluemoon lang manahimik si Allison, yun ay kung na-dede lang ito. Hindi nya alam kung normal ba sa baby na ngumawa oras-oras, pero si Allison, parang ginawa ng hobby ang pag-iingay, tipong nagigising talaga ang buong bahay sa lakas lagi ng iyak nito. 

 

 

"OAAAHHH OAAAHHHH!" 

 

 

"Come on baby, It's okay, you're okay, I'll give you your milk na please, stop crying na.." halos mag-makaawa na si Giselle sa anak, habang nagma-madali na syang palitan ito ng diaper. 

 

 

Nasa sala silang mag-mommy ngayon, na-awa na sya kay Ning, alam nyang kailangan pa ng asawa nya ang pahinga, kaya naman sa gabi ay sya na ang nagvo-volunteer na mag-asikaso sa anak nila o kapag wala sya masyadong ina-asikaso sa trabaho kapag umaga.

 

 

Nandito sila ngayon sa bahay ni lolo Vicente, dahil nga mag-damag may gising sa bahay nila Ning, hindi sila doon makapag-tigil. Tulog manok kasi si Allison, kaya kahit konting kalansing lang ng mga gamit sa bakery ay nagi-gising na ito at hindi na sila papatulugin ulit kakaiyak. 

 

 

"OAAAHHHHH OAAAAHHHH OAAAHHHH!" 

 

 

Hindi na alam ni Giselle ang uunahin, palakas lang ng palakas ang iyak ni Allison kaya naman mabilis na nyang kinuha ang bote ng gatas para padedehin na ang anak. 

 

 

"OAAAHHH OAAAHH OAA-hmmm..." 

 

 

"You're so noisy baby, buti na lang cute ka... I love you so much." marahan nyang pinisil bago halikan ang pisngi ni Allison na ngayon ay mukhang inaantok na, naka-hinga na sya ng maluwag dahil tumahan na din ito sa wakas ng mabigyan nya ng bote ng gatas. 

 

 

Napangiti si Giselle ng makita nya ang kalma ng mukha ng anak, habang tinititigan nya si Allison ay tila ngayon lang nya naintindihan ang sinasabi ni Karina at Winter. Totoong naka-kapagod, naka-kapuyat at minsan ay pati ang pasensya nya ay nasusubukan sa pag-aalaga ng anak nila ni Ning.

 

 

Pero lahat nang iyon biglang nawawala agad kapag nakikita nyang maayos si Allison, kapag ngumingiti ito sa kanila dahil busog na o kapag masarap ang tulog nito. Para bang lahat ng pagod nya ay napapalitan bigla ng saya, worth it naman talaga ng hirap, para kay Allison, handa si Giselle maging pandang puyat, basta makita nya lang na na-alagan ng maayos ang prinsesa nila ni Ning.

 

 

"Sleep na baby, so we can go back to mama na. Let's be quiet okay? Mama needs to get some rest too, kasi inalagaan ka nya for a whole day."

 

 

"Ahmmm~" 

 

 

Napangiti din si Giselle ng may sumilay na ngiti sa labi ni Allison habang magana itong na-dede sa bote ng gatas nito. Minsan lang talaga ngumiti si Allison, dahil kadalasan ay kung hindi ito na-iyak, ay nagtataray naman ito. Minsan tuloy parang nakikita na nya ang sarili kapag umi-irap ang anak nila. 

 

 

"My beautiful Allison, I love you baby dumpling..." hinalikan muli ni Giselle si Allison sa pinsgi bago sya dahan-dahang naglakad pabalik sa kwarto nila habang inihe-hele ito. 

 

 

Simula ng mai-panganak si Allison, ay natuto na si Giselle na mag-palit ng diaper habang nagse-send ng email sa trabaho. Natuto na sya mag-multitasking, nakaka-tulog na nga sya ngayon ng hindi natigil sa pagtapik kay Allison habang natutulog ito, ganoong level na talaga ang nagagawa nya. 

 

 

"Tulog na babe?" inabutan ni Giselle na gising si Ningning pagpasok nila ng kwarto, tumango sya dito at itinuloy pa din nya ang pag-hehele kay Allison. 

 

 

Mga kalahating oras nya pa gagawin ito para maka-sigurado na mahimbing na talaga ang tulog ni Allison. Dahil kung hindi ay iiyak na naman ito.

 

 

"Sorry babe, dapat nagpa-pahinga ka ngayon eh." tila nagi-guilty na paumahin ni Ning sa asawa. 

 

 

Alam ni Ningning na pagod din si Giselle sa trabaho kahit na nga si Karina na ang nag-insist na work from home muna ito. Ang kaso ay ayaw talaga pa-awat ng asawa nya, hindi ito napayag na mag-isa nyang alagaan si Allison kahit anong pagod nito. 

 

 

Minsan nga ay sa sobrang antok nya sa tanghali ay nagising na lang syang inihe-hele na ni Giselle ang anak nila habang nasa zoom meeting ito. Nang kukunin na sana nya si Allison ay pinigilan sya nito at sinabing ayos lang, dahil mahimbing na ang tulog ng anak nila.

 

 

Sobrang laki ng pinagbago ni Giselle, alam ni Ning na lumaki ang asawa nya na magaan ang lahat para dito, dahil katulad nya, ay solong anak din ito. Kaya naman ibinuhos ni Mr.Uchinaga ang lahat ng pagmamahal at makakaya nito para mapa-laking hindi nahihirapan si Giselle dahil maaga itong na-ulila sa ina.

 

 

Kaya nga wala itong alam gawin sa loob ng bahay, pati ang pasensya nito ay napaka-ikli din.

 

 

Pero nakita ni Ning, simula ng makilala nya si Giselle kung paano unti-unting nagbago ang asawa nya. Aaminin nya na may pagka-maarte talaga ito, pareho sila. Pero pag-dating sa kanya o sa anak nila, lahat yon kinakalimutan ni Giselle. Handa itong magpalit ng diaper, mag-kusot ng mga bibero, lampin na may dumi o ihi ni Allison. At kahit pa nga puno na ang damit nito ng lungad ay hindi nya narinig na nagreklamo ang asawa nya.

 

 

Kahit ngayon na pareho silang pagod, ni hindi naranasan ni Ning ang mag-asikaso sa gabi ng anak nila, hindi talaga napayag si Giselle.

 

 

"Halika na kayo dito babe, tulog na yan si Alli, para makapag-pahinga ka na din." yaya ni Ning kay Giselle na dahan-dahan at maingat na inihiga si Alli sa pagitan nila. 

 

 

"Grabe babe, yung iyak nya kanina sa sala, sa sobrang lakas parang nandito na din sya sa kwarto." 

 

 

Natawa na lang si Giselle sa sinabi ni Ning dahil totoo naman na napaka-lakas talaga umiyak ng anak nila. Humiga na din sya sa tabi ng mag-ina nya habang tuloy pa din sya sa pagtapik kay Allison na mahimbing na ang tulog. 

 

 

"She got it from us babe." biro ni Giselle, ngumuso sya kay Ning na nakuha naman agad ang gusto nya. Nakangiting lumapit ito sa kanya at binigyan sya ng mabilis na halik sa labi, pagkatapos ay sa pisngi. Bago ito bumalik sa pagkakahiga sa pwesto nito.

 

 

"Magulat na lang talaga tayo kung tahimik ang anak natin, dahil wala syang pagma-manahan ng katahimikan." biro din ni Ning. 

 

 

"I know right? But she's cute, so it's okay." nakangiting hinaplos ni Giselle ang ulo ng anak na himbing na himbing na ngayon sa pagtulog.

 

 

"Oh syempre kamukha mo eh, kaya proud ka." irap kunwari ni Ning na ikinatawa ni Giselle. 

 

 

Hindi pa din nya matanggap na sya ang naghirap ng siyam na buwan sa anak nila, pero paglabas ni Allison ay parang kambal ito ni Giselle. Halos kilay nga lang ata ang nakuha nito sa kanya at ka-ingay/kamalditahan, ayon lang, lahat sa asawa na nya.

 

 

"That's okay babe, bawi ka na lang sa next na baby natin." 

 

 

"Anong next? Ayoko na umire, tama na yan si Allison no." kontra agad ni Ning.

 

 

Nadala talaga sya sa sakit ng panganganak, kaya sya na lang mag-isa ang nag-desisyon na magiging only child lang nila si Allison.

 

 

Walang say si Giselle dahil hindi naman ito ang i-ire. 

 

 

"B-but, I want a mini you bebu~" napa-irap lang si Ningning ng mag-pa-awa effect pa si Giselle sa kanya. 

 

 

"Nako Giselle tigilan mo ako sa pagpapa-cute mo, hindi candy ang hinihingi mo sa akin ha." 

 

 

"Babe, ang lungkot kaya kapag only child.." 

 

 

"Pag-iisipan ko, pero wag muna, jusko naman Giselle, nakaka-dala manganak." 

 

 

"Edi CS na lang next." 

 

 

"Sira! Ikaw dyan biyakin ko eh." banta ni Ning na ikinatawa na lang si Giselle "Matulog ka na babe, puyat lang yan.Hindi ka pa pwede dumilig okay?" 

 

 

Gustuhin man ni Giselle makipag-loving loving ay baka bago sya makapag-hubad ay naka-tulog na sya. Dahil pagod at puyat na talaga sya.

 

 

"Okay babe, good night, I love you..." 

 

 

"I love you too mommy, thank you sa pag-aasikaso samin ni baby." 

 

 

"You're always welcome mama, I love you both so much." 

 

 

"We love you too babe..." 

 

 

At syempre, isang oras lang sila pinatahimik ni Allison, dahil nagising na naman ito sa tahol ng aso sa labas ng bahay. 

 

 

"Babe? Is it okay if I cry muna?" 

 

 

"Mamaya na babe, patulugin mo na muna ulit si Alli." 

 

 

Wala ng nagawa si Giselle, kinuha na nya ulit ang umiiyak na si Allison para i-hele ito. 

 

 

"OAAAHHHH OAAAHHHH OAAAHHHH!"

 

 

"Baby? Do you wanna watch cocomelon?" 

 

 

"Uchinaga!" 

 

 

Napakamot na lang ng ulo si Giselle, next time na lang siguro kapag wala si Ning. 

 

____

 

 

"Inaantok na ako anak matulog ka na please..." 

 

 

Napa-hilamos na lang ng mukha si Yeji habang naghi-hikab ng makita nya ang orasan. Mag-aalas-tres na ng umaga, pero ni isang minuto ay hindi pa sya naka-idlip. Katulad ni Giselle, sya ang naka-tokang nightshift ngayon sa pagbabantay sa anak nila ni Ryujin. 

 

 

Na-ubos na nga ang lahat ng lullaby songs na alam nya, pati na nga ang leron-leron sinta eh ginawan na nya ng lullaby version pero si Yumi, ang tatag talaga maki-pagpuyatan sa kanya. Pakiramdam ni Yeji ay mau-una pa syang makatulog kesa sa anak.

 

 

"Ahmm.." 

 

 

Mas lalong napa-kamot ng ulo si Yeji nang tila nakikipag-usap pa sa kanya si Yumi. I-winawasiwas nito ang kamay at panay ang ngiti sa kanya. Kaya dumapa sya sa kama nila kung saan ito naka-higa, katabi ni Yumi ang mama Ryujin nito na mahimbing na ang tulog. 

 

 

Marahang hinawakan ni Yeji ang kamay ng anak at hinalikan ito. Napangiti sya ng tila natuwa si Yumi sa ginawa nya dahil nagsisipa ito at nag-ingay. Kaya i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
134 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂