Chapter T-16

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

"Nakita mo na ba yung asawa daw ni Ms. Yu? Maganda ba? Siguro mayaman din yun tas mala super model! kasi gurl, nakakahiya naman kung chaka sya tas katabi nya si Ms. Yu! Ang dyosa lang ng taong yun."

 

"Hindi pa te, pero chinichika ni Annie kanina doon sa pantry narinig ko."

 

"Chismosa ka talaga!."

 

"Luh? edi sige wag ko na lang sabihin."

 

"Joke lang te! anong chika ng chismosang receptionist?"

 

"Ayun na nga! hindi naman daw kaganda simple lang daw, ang akala nga daw nya kung sinong naligaw kung hindi lang daw kasunod yung mga bodyguards ni Ms.Yu muntik na nya tarayan."

 

"HAHAHAHA gaga sya! mawawalan pa sya ng trabaho kung pinairal nya kamalditahan nya."

 

"True! sabi din nya hindi nya aakalain na mga ganun pala type ni Ms.Yu sa babae, walang wala daw sa kalahati ni Ms. Lily ang itsura na matangkad at sophisticated na mala-model! kasi yung asawa daw talaga eh as in simple lang parang bata pa nga daw."

 

Napakunot ang noo ko. Lily?

 

"Mygosh! kung alam ko lang na ganun naman pala ang tipong babae ni Ms Yu, Hindi na sana ako nag-effort manuod ng mga make up tutorials para lang mag-mukhang mala Ms Lily din ako tapos magkagusto sa akin si Ms. Yu! "

 

"Gaga! Si Ms. Lily nga-" Naputol ang sasabihin nila ng babae ng bumukas nag pinto ng banyo.

 

"Hoy! tapos na ang conferrence, pabalik na si Ms.Yu anong ginagawa nyo dyan sa cr ? chismisan sa gitna ng trabaho?"

 

"Heh! mamaya chika namin sayo teh! tara na nga muna at magpanggap, alam ko na super hot magalit si Ms. Yu, pero ayoko na ako ang maging dahilan ng galit nya, katakot."

 

Maya-maya pa ay narinig ko na nagsara na ang pinto ng banyo. Nanatili pa din ako na nakatayo dito sa loob ng isang cubicle, lalabas na sana ako kanina ng narinig ko na may malakas na boses na nagtatawanan kaya hindi muna ako lumabas.

 

May sariling banyo naman yung pagkalaki laking opisina ng asawa ko pero nung umalis si Karina para sa conferrence naisipan ko maglakad lakad sa labas ng opisina nya, wala naman masyadong tao at busy sila kaya nakalibot ako, kaya nung na-iihi na ako, dito ko na lang pinili pumasok sa banyo sa isang pasilyo dahil napalayo na pala ako at baka hindi na ako umabot sa opisina ng asawa ko.

 

Marahan ko itinulak ang pinto at pinakiramdaman kung may tao pa sa loob bago ako lumabas sa cubicle at ng maka sigurado na wala ng tao ay lumabas na ako para maghugas ng kamay, pagkatapos ay kumuha ako ng tissue para punasan ang kamay ko, napabuntong hininga ako ng makita ko ang sarili ko sa malaking salamin sa banyo. 

 

"hindi naman daw kagandahan." 

 

"simple lang daw."

 

"walang wala daw sa kalahati ni Ms Lily ang itsura."

 

Ibinaba ko ang tingin ko sa suot ko na damit, naka-simpleng summer dress lang ako na kulay baby blue tsaka white shoes. Nag angat ako ng tingin sa mukha ko, wala din akong make up, liptint at pulbo lang naman kasi talaga ang ginagamit ko, kapag kasama ko si Ning at inaatake sya ng pagka-kikay nya ako yung ginagawa nyang manika, pero kung sarili ko lang din naman, hindi na lang. busy ako mag ihaw. Basta ba malinis at mabango ako ok na ako. 

 

Ano ba tipo ni Karina?

 

Lahat ng binanggit nila kanina, parang lahat kabaliktaran ko. 

 

Sino si Lily?

 

Ex ba sya ng asawa ko?

 

Akala ko ba ako lang ang gusto nya simula noong mga bata pa kami?

 

Pero nanirahan nga pala si Karina sa London ng Ilang buwan at nagtraining sya sa branch ng kumpanya nila doon. Baka dun nya nakilala yung Lily. Naging sila ba? Siguro naging sila, kasi kilala ng mga empleyado nya eh. Pero bakit hindi sinabi ni Karina? Wala naman sakin kung may ex sya.

 

Biglang tumunog ang cellphone ko, dahilan para maputol ang iniisip ko.

 

Mahal 💙 calling....

 

Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag ni Karina.

 

"Mahal where are you?" Naiimagine ko na yung pag nguso nya.

 

"Pabalik na ako, nag banyo lang ako, nag-ikot ikot  kasi ako dito sa labas ng office mo ." Sagot ko at itinapon sa basurahan ang hawak ko na tissue.

 

"Ok po, bilis mahal, miss na kita.." 

 

"Oo na, sandali lang."

 

"Are you ok mahal?" 

 

"Oo naman, bakit?" 

 

"Nothing..."

 

"Pabalik na ko." 

 

"Ok mahal." 

 

Naramdaman ata ng asawa ko na nag iba tono ng boses ko. Hindi ko din alam bakit ganito nararamdaman ko.

 

Pag bukas ko ng pinto ng banyo ay bigla ako napaatras ng may bumunggo sa akin, buti nalang at maagap ako na nakahawak sa pader.

 

"I'm sorry Miss! hindi ko sinasadya, are you ok? " Isang lalaki ang nakabunggo sa akin. Matangkad ito na at medyo kayumanggi.

 

"O-okay lang , sorry din." tumayo ako ng tuwid at aalis na sana ng hawakan nya ako sa braso, nagulat ako kaya nahigit ko ang braso ko at gulat na tiningnan ang lalaki na nakabunggo ko.

 

"Sorry..h-hi, I'm John." nilahad nya ang kamay nya sa akin. Ayoko naman maging bastos kaya kahit nagaalangan ay inabot ko ang kamay nya para kamayan sya. Mabilis ko din ito binitawan.

 

"Winter.."

 

"Nice to meet you Winter, would you like to have some coffee with me? as an apology, ano ah..break ko kasi."  Umiling ako at ngumiti ng pilit, hindi sa pagmamaganda pero parang hindi maganda kakalabasan nito. Ayoko din yung kilos nya, mukhang presko. 

 

"Pasensya na, nagmamadali kasi ako, may naghihintay sa akin, sige alis na ako." mabilis ako na tumalikod pero sa pangalawang pagkakataon ay hinawakan na naman nya ako sa braso, ramdam ko na yung mahigpit na hawak nya sa akin, nakaramdam na ako ng inis, dahil una sa lahat sinabi ko na ayaw ko sumama sa kanya at pangalawa, wala syang karapatan na hawakan ako.

 

Humarap ako sa kanya at hindi ko na itinago ang inis ko, nakakunot ang noo ko na tiningnan sya.

 

"Mabilis lang naman tayo, promise, coffee lang and then later if you like, after work we can have a dinner." Ngumisi sya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at akala nya ba hindi ko nakita ang pagkagat nya sa labi nya? Nailang ako at medyo natakot na ako kaya tiningnan ko ang paligid, walang tao. Oo nga pala break time ng mga empleyado. Nasa tagong bahagi din itong cr sa hallway. 

 

Muli ko sya tiningnan at kitang kita ko paano lumaki ang pagkakangisi nya.

 

"So? Let's go? Don't worry mabilis lang tayo." Akmang lalapit sya sa akin kaya napaatras ako, hindi ako rinig dito ni Karina kapag sumigaw ako, masyadong malayo ang opisina nya. Bigla tuloy ako nagsisi na naglibot pa ako. 

 

"Or gusto mo dito na lang, busog pa naman ako, pwede muna tayo mag usap, tsaka mukhang bago ka dito, I can accompany you here. " ngumiti sya at pilyong tinaasan ako ng kilay.

 

"P-pasensya na, may naghihintay talaga sakin e."

 

"Makakapaghintay naman siguro yan, wag ka ng pakipot, tayo lang ang makakaalam-" hinawakan nya ulit ako sa braso at mabilis nyang itulak ang pinto ng banyo, marahas nya ako hinigit papasok. Napapikit ako sa takot at pagkabigla. Sisigaw na dapat ako ng may biglang humigit sa bewang ko, naramdaman ko din na napabitaw si John sa braso ko. 

 

"What do you think you're doing?" mabilis ako nagmulat at nakita ko na lang sa tabi ko si Karina na nakahawak sa bewang ko at nanlilisik ang mata na nakatigin kay John.

 

"M-ms Yu?!" nanlaki ang mata ni John ng makita nya si Karina.

 

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, biglang bumitaw sa akin si Karina at nakita ko na lang na nahawakan nya na sa kwelyo si John at malakas na itinulak sa pader habang hindi parin nabitaw sa kwelyo nito na halos ikasakal ng lalaki.

 

"M-ms.." impit na tawag ni John, pulang pula na rin sya at pilit tinatanggal ang kamay ni Karina na nakahawak sa kwelyo nya na dahilan ng pagkakasakal nya.

 

"What do you think you're doing dragging her to the bathroom?!" nakita ko na mas idiniin ni Karina ang pagkakasakal sa kwelyo ni John. 

 

"YOU ING TOUCHED MY WIFE?! " galit at gigil na gigil na sigaw ni Karina. Dumagundong ang malalim na boses nya sa buong pasilyo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nabigla pa rin ako sa mga pangyayari. 

 

"I just touc-"  biglang tumilapon si John sa sahig ng ibalibag sya ni Karina, "WHO TOLD YOU TO TOUCHED HER?!" lumuhod si Karina para hawakan ulit si John sa kwelyo at marahas itong hinigit. "This is the second time that you direspect someone here in my company, you're lucky Ms. Torres forgave you and beg me to not terminate you! But this! Kung hindi ako dumating anong gagawin mo sa asawa ko sa loob ng banyo?! You fckin !"

 

"Ms Yu, I'm sorry please! hindi ko na uulitin!" nakita ko na lang ng biglang  mamilipit si John na hawak ang tyan nya ng bigla syang suntukin ni Karina, hindi pa sya nakuntento at itinayo si John at tsaka sinuntok sa mukha, parang natauhan ako ng mapahiga si John malapit sa tabi ko. Susugod pa sana ulit si Karina pero sinalubong ko na sya at niyakap sa bewang, ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nya, hinihingal sya, ramdam ko din yung mabilis na tibok ng puso nya. 

 

"Mahal tama na!" impit na tili ko ng hawakan ako ni Karina sa braso para ilayo sa kanya dahil lalapit na naman sya kay John.

 

"M-ms Yu.." namimilipit na si John, inuubo na rin ito, malamang sa pagkabigla sa suntok ni Karina sa sikmura nya.

 

" you! I'm gonna kill you!" pumipiglas si Karina sa hawak ko, at akmang susugod na naman kaya buong lakas ko syang pinigilan, alam ko naman na wala akong laban sa lakas nya, pero baka mapatay na nya si John, ramdam ko yung galit ng asawa ko. Parang hindi na rin nya ako naririnig, pulang pula na sya sa galit.

 

"KARINA TAMA NA SABI!" Sigaw ko at  niyakap ko sya palayo. 

 

"MS. YU?! ano pong nangyari?" narinig ko ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
132 streak #2
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #3
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #4
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #6
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #7
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #8
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#9
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
528 streak #10
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha