Chapter T-47

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

 

"Jimin!" 

 

 

 

"Yuji ok lang yan!" 

 

 

 

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto namin at nakita ko na pumasok si Karina at daretsong dumapa sa tabi ko sa higaan namin, walang sabi-sabi ay i-sinub-sob nya lang ang mukha nya sa unan kaya nagtaka ako. 

 

 

 

"Mahal?" mahinang tawag ko sa kanya dahil baka magising ang anak namin na nasa kuna, kakatulog lang din kasi ulit ni Khio ng magising kanina dahil nilipat ko sya sa kuna nya. 

 

 

 

Hindi sya kumibo kaya hinaplos ko ang likod nya, nag-taka ako ng biglang marinig ko ang paghikbi nya kasunod ang pag alog ng balikat nya, umiiyak sya. Nag alala naman ako dahil ayos naman sya kanina noong lumabas sya, naririnig ko pa nga ang tawanan nilang tatlo nila Ryujin at Yeji sa labas. Tapos babalik na lang sya dito na umiiyak na, at ayaw na magsalita. 

 

 

 

"Mahal bakit ka umiiyak? May problema ba?" mahinahon na tanong ko. Lumapit na ako sa kanya habang hinahaplos ko pa din ang likod nya dahil yung iyak nya talaga nauubo na sya. 

 

 

 

Nakasubsob pa din sya sa unan at tuloy pa din na umiiyak. Niyakap ko sya at hinintay na kumalma muna dahil hindi naman sya sumasagot. Hindi tuloy nawawala ang pagtataka at pag aalala ko. Pero mas mabuti ng hintayin ko muna na maging ayos sya. 

 

 

 

Maya-maya pa ay ini-angat nya ang mukha nya sa pagkakasubsob sa unan at inihilig ang ulo nya dito patagilid para humarap sa akin. Parang nadudurog ang puso ko sa itsura nya, yung luha nya talaga walang tigil na pumapatak papunta sa unan namin kaya pinunasan ko ito agad at tsaka ko sya kinabig sa dibdib ko para yakapin.

 

 

 

"M-mahal si G-george..." iyak nya sa dibdib ko. 

 

 

 

Napakunot ang noo ko. 

 

 

 

 

Si George?               Napaano si George?

 

 

 

 

Sandali...

 

 

 

 

Yare, mukhang walang nabiling kapalit si lolo.

 

 

 

 

"S-sabi ni lolo hindi n-nya.." hinagod ko agad ang likod nya ng maubo ulit sya kaya napatigil sya sa pagsasalita, para talaga syang batang napalo ng nanay, humihikbi-hikbi at sinisinok pa. "Lolo-h-he c-cooked george m-mahal...w-why?" sumubsob ulit sya sa dibdib ko at doon nilabas ang hinanakit nya. 

 

 

 

Wala naman na ako magagawa dahil nakatay na pala yung alaga nyang si George, si George yung baboy namin na inalagaan ni Karina simula ng maipanganak hanggang sa lumaki ito. Sakto kasi na naka-leave pa si Karina ng nanganak ang inahing baboy namin at katulong sila ni lolo para paanakin ang inahin nito. Si Karina ang taga-punas sa labas ng kural ng mga biik na naipapanganak dahil takot nga sya sa loob.

 

 

 

Si George ang naging ang favorite ni Karina dahil ito ang pinakamaliit at huling pinanganak, sya din yung akala nila ay hindi mabubuhay pero itong asawa ko hindi talaga tinigilan na hipan sa bibig yung biik para lang mabuhay ito, at noong naging ayos na nga ay eto na ang lagi nyang binibisita sa kural namin.

 

 

 

Nai-benta na nga lahat ng kapatid ni George pero sya ay nandito pa din. Ewan ko ba anong ginagawa ni Karina at laging na-rereject si George kapag kikiluhin na ng bibili. Malusog naman si George bago ito ibenta, pero sa tuwing may nagkaka-interest kasi dito na bibili at nandoon si Karina, bigla na lang aayaw ang bibili, biglang nagkaka-problema.

 

 

 

Nandyan yung nasira ang timbangan, may sipon daw si George, kulang daw sa timbang. Kaya kapag umalis na yung bibili nakikita ko ng ngiting tagumpay na ang asawa ko, hindi ko tuloy maiwasan isipin na pakana nya ang lahat para lang hindi maibenta si George. 

 

 

 

"A-ayos lang naman sa akin k-kumain ng tilapia sa n-new year m-ahal b-bakit si George pa? o kaya bibili na lang ako ng pork sa palengke..."  sinisinok na sabi nya. 

 

 

 

Naawa ako sa kanya, mahilig kasi talaga sa mga hayop itong si Karina, lalo na yung baboy na inalagaan nya, kaya hindi ako magtataka bakit nagkakaganito sya. Pet na talaga yung turing nya kay George, kaso baboy kasi yon eh, pagiging lechon o menudo talaga ang future ni George. 

 

 

 

Wala sigurong nabiling baboy na pang-handa sila lolo kaya wala silang choice kundi si George na lang. Ang masama nga lang hindi alam ni Karina. Kasi kung alam nya, papakyaw ng tindang baboy to sa palengke o grocery basta wag lang galawin si George nya.

 

 

 

Nako po Vicente, kasalanan mo to. 

 

 

 

Charot! 

 

 

 

"Wala na tayong magagawa mahal, nakatay na pala." 

 

 

 

"I k-know...It's j-just, I'm g-gonna miss him..." iyak nya.

 

 

 

"Wag ka na lang muna bumaba kung hindi mo kayang makita yung nasa baba, sabihan ko na lang sila Ryujin na sila na lang muna doon." sabi ko, na-aawa kasi ako sa kanya, makikita nya na tinatadtad at mina-marinate si George sa baba, baka ma-trauma to at hindi na kumain ng handa namin. 

 

 

 

2:30 pa lang kasi ng madaling araw ngayon, pero nagsisimula ng mag-katay ng baboy at magluto sila lolo para sa pang-handa namin mamayang media noche at birthday ko, madami-dami din kasi silang lulutuin dahil ang iba ay ipapadala namin sa kumbento para sa mga bata sa bahay ampunan at mga pari at madre doon. Naging panata na kasi namin ito sa pamilya. Dahil pinagpala kami ng isang buong taon, gusto lang namin i-share ang mag blessings na natanggap namin. 

 

 

 

"N-no, I'ts okay...I'll be fine.." sabi nya, pagkatapos ay bumuntong hininga sya at yumakap sa bewang ko. "We need to cook kakanin din kasi, kami daw ni Yeji ang maghahalo sabi ni lolo." 

 

 

 

"Yuji! Halika na dito! I-shot puno na lang natin ang pagdadalamhati mo kay peppa pig." narinig ko ang tawag ni Yeji sa baba.

 

 

 

"Yeji is so annoying.." bulong nya, pinigilan ko ang sarili ko na hindi matawa. Sa peppa pig nya kasi kinuha yung George na pangalan sa baboy nya, kaya inaasar sya ni Yeji. 

 

 

 

"Jimin we need you here! This thing is so heavy!" tawag din ni Giselle na umagang-umaga para na naman machine gun ang bibig sa ingay. Nahahawa na talaga sya kay Ning.

 

 

 

"Bakit ba gumising pa ng maaga si Giselle? Papanoorin lang naman nya kami maghalo ni Yeji ng kalamay." reklamo ni Karina, sumiksik pa sya lalo sa akin kaya hinalikan ko sya sa noo. 

 

 

 

Natawa naman ako, kahit puro reklamo kasi si Giselle ay hindi din naman ito natigil kakasama sa kanila kapag may ginagawa o pinupuntahan yung tatlo. Kahit na nga kadalasan ay madudumi na sila pag uwi, magrereklamo lang sya pero bubuntot pa din naman sya. Apat na bibe kasi talaga sila. Bagong recruit si Yeji.

 

 

 

"Hayaan nyo na, masipag naman maglagay ng gatong si Gigi." natatawang sabi ko. 

 

 

 

"Ano pa nga ba..." umupo na ulit sya at pasalamat ako dahil tumahan na sya. Parang ayoko na kasi syang pababain kanina, naawa talaga ako.

 

 

 

Yumuko sya palapit sa akin para bigyan ako ng halik sa labi. 

 

 

 

"Tulog ka pa ulit mahal, sorry if nagising kita." 

 

 

 

Ngumiti ako at umiling lang sa kanya, inabot ko ang pisngi nya at marahan pinunasan ang bakas ng luha na naiwan dito. 

 

 

 

"Okay lang mahal, naiintindihan ko naman. Sorry kung niluto ni lolo si George.." malungkot syang ngumuso at umiling sa akin.

 

 

 

Kawawa naman ang asawa ko...      

 

"No need to say sorry mahal, natatanggap ko naman na, iisipin ko na lang, maraming bata ang mapapasaya si George ngayong new year."  

 

 

 

"Awww...thank you mahal, halika nga dito, hug mo ko mahal." tinaas ko ang dalawang kamay ko at tuwang tuwa naman syang nagpayakap sa akin. 

 

 

 

Abunjing ko...          

Sana lang ay kumain pa din sya ng handa namin mamaya, kung hindi ay baka carbonara at kakanin lang ang makain nya mamayang media noche.

 

 

 

Fly high siguro George. 

 

 

______

 

 

Winter's Pov

 

 

"Halo lang ng halo mga iha, wag titigil para hindi dumikit sa talyase ang malagkit, ayan at medyo malapot na. Kaya nyo pa ba?" tanong ni Lolo kila Yeji at Karina na mag iisang oras ng naghahalo ng kalamay na kakanin sa talyase. 

 

 

 

Ala-sais na ng umaga at nagtutulong-tulong na kami dito sa pagluluto dahil sa tanghalian ay kailangan ayos na ang lahat para dalhin sa kumbento. Nandito na din yung mga trabahador nila Ning sa bakery nila, pati na din yung mag ina sa pwesto ng tuhog-tuhog namin sa bayan para tumulong at mapabilis na ang paghahanda namin.

 

 

 

Nandito naman kami sa ilalim ng puno ng mangga at nag-gagawa ng suman na gawa sa malagkit at ang isa naman ay gawa sa kamoteng kahoy. Si Ningning ang nag-aalaga ngayon kay Khio habang tumutulong ako dito dahil sa mga ganitong gawain ay hindi mo maasahan ang bff ko.

 

 

 

Marunong lang talaga sya kumain, mas pinili nya din talaga ang maging babysitter ng inaanak nya. Kaya inihiwalay namin sa tabi ang isang papag para kay Khio, doon sila ng ninang nya, para kung dedede man sya, makukuha ko agad. 

 

 

 

"Opo lolo kaya pa, parang nag-ggym lang po kami ni Yuji dito. Diba couz?" 

 

 

 

"Opo, kaya pa po." sagot din ni Karina. 

 

 

 

Pawis-pawisan na silang dalawa kaya nilagyan ko na si Karina ng bimpo sa likod, napaka-pawisin pa naman nya. Naka-sando na nga lang din sila pareho dahil kahit malamig ang panahon ngayon ay mainit sa pwesto nila lalo na't sa kahoy sila nagluluto. 

 

 

 

"Oh sige, kapag hindi nyo na kaya, pwede naman kayo makipagpalitan kila Giselle at Ryujin." sabi ni lolo na agad naman ikinalingon nung dalawa na busy mag-hiwa ng sahog.

 

 

 

Kanina pa kasi nila iniiwasan ang mautusan na mag-halo dahil mabigat at nakakangalay naman talaga ang mag-halo ng kakanin lalo na't hindi ka pwedeng tumigil sa pag hahalo nito para hindi dumikit at masunog. Tapos ilang oras pa ang itatagal ng pagluluto. Kaya yung dalawa ni Giselle at Ryujin kahit maluha-luha na ay mas pinili pa ang maghiwa ng mga sibuyas. Ang kaso nga hindi sila makakaligtas kay lolo. 

 

 

 

"Hala ayoko po lolo." angal ni Ryujin na ikinakunot ng noo ni lolo. 

 

 

 

"At bakit? Hindi kamo't nandito ang girlfriend mo ay hindi ka na kikilos bata ka, ginagawa mo naman na ito dati ah." sermon ni lolo kay Ryujin na sumimangot pa lalo. 

 

 

 

"Mabigat po kasi yan, bawal po sa akin ang mapagod, buntis po ako." sagot ni Ryujin. 

 

 

 

 

Gago!     

 

 

Katahimikan....

 

 

 

Parang lahat kami napahinto sa mga ginagawa namin, kahit sila Yeji at Karina na hindi pwedeng tumigil sa paghahalo ng kakanin ay napahinto din ng marinig ang sinabi ni Ryujin. 

 

 

 

"B-baby...w-hat...h-howw...?" nanlalaki ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
132 streak #2
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #3
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #4
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #6
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #7
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #8
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#9
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
528 streak #10
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha