Chapter T-56

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

 

"Naaay aahhh!" 

 

 

 

"Anak hindi ka pa kasi pwede ng kinakain nila eh, eto na lang muna apple oh." 

 

 

 

"Nyanya aaahhh nay! waahhh!" 

 

 

 

At nag-muryot na nga ang bochog namin, umalog-alog lang naman ang car seat nya na parang makakalas na kakasipa. Pati si kuku na yakap nya kanina tumilapon sa tapat namin na upuan kung saan naka-upo ang ninang Ningning at ninang Giselle nya na palihim kumakain ng buko pie na iniiyakan ni Khio. 

 

 

 

Ang kaso nakita na sila ng inaanak nila, lalo pa si Yeji na syang nag-distribute ng buko pie sa mga tao sa loob ng sasakyan namin habang nguya ng nguya.

 

 

 

Ayan tuloy, nagising ang bituka ni Khio, gusto din manghingi. 

 

 

 

Speaking of buko pie, may gala ngayon ang pamilya namin kung saan galing ang masarap na buko pie na nabili ni Yeji, ma-mimiyesta kami ngayon sa Tubuan Laguna, sa lugar kung saan ipinanganak at nag-dalaga si Lola.

 

 

 

Tubong Laguna si lola, kaya lang nang mag-tanan sila ni lolo noon ay sumama na sya dito sa San Isidro kung saan mas pinili nila manirahan at bumuo ng pamilya.

 

 

 

At doon ko lang na-realized na may pinagmanahan pala talaga kami ni Ryujin ng kaharutan, Char! 

 

 

 

Papunta na kami doon, mula San Isidro papuntang Laguna ay limang oras ang biyahe namin. Kaya napag-pasyahan ni Karina na mini bus na yung gamitin namin para maluwag at kasya ang lahat. May built-in bathroon na din ito kaya wala ng problema na mag-hanap pa kami maya't-maya ng cr para sa dalawang buntis na kasama namin. 

 

 

 

"Kumagat na kayo ng malaki, mamaya na tayo kumain pag-tulog ni Khio." sabi ni Ning sa mga tao sa bus habang namumualan ang bibig nya ng buko pie. "Babe, mabilaukan ka naman, sarap na sarap lang?" puna nya kay Giselle na dumalawang kagat pa sa buko pie bago ito balutin ulit at itabi. Mukhang nagustuhan talaga ni Gigi, kanina kasi ay aayaw-ayaw pa sya.

 

 

 

"It's yummy kaya." ani Giselle sabay inom ng tubig.

 

 

 

Muntik na ako matawa dahil nag-mamadali silang kumagat ng malaki sa mga hawak nilang slice ng buko pie, sabay balot sa tissue at balik sa karton.

 

 

 

Pati si Karina na sarap na sarap kumain dahil first time nya makatikim ng buko pie ay huminto din sa pagkain dahil nakikita sya ni Khio. Sinubuan nya din ako, ang kaso pagkatapos ko kumagat hindi ko na halos manguya, pag-tingin ko kasi kay Khio ang sama na ng tingin nya sa amin ng mommy nya. 

 

 

 

Sorry naman anak, bawal ka pa nito, bawi ka na lang pag malaki ka na, purée ka lang muna ngayon.           

Pwede naman na si Khio ng solid foods dahil 9 months na sya, ang kaso natatakot ako pakainin sya ngayon dahil nasa sasakyan kami, maalog sa loob baka mabilaukan sya. Kaya purée lahat ang hinanda namin, pero may dala naman ako na avocado, malambot naman yon. 

         

"Eto na anak, apple oh, favourite mo to diba? Kain na ikaw mochi." malambing na sabi ko kay Khio na tila masama pa din ang tingin sa akin. Kinuha sya ni Karina sa car seat nya at kinalong para mapakain ko ng ayos. 

 

 

 

Buti na nga lang at kumain sya, nag-uungot nga lang, mukha masama pa din ang loob. Amoy na amoy kasi yung buko pie sa loob ng bus pagkabukas ni Yeji kanina, bagong luto pa kasi, kaya siguro si Khio nagalit ng hindi namin sya bigyan habang lahat ng tao sa bus ay nakain. 

 

 

 

"Ang sarap naman nyan naynay Winter, pwede po pahingi si tata nyan?" biro ni Ryujin na naka-upo sa tapat sa kabilang side namin. "Subuan mo ako naynay." patuloy na asar nya kay Khio, nagkunwari pa sya na ngumanga. 

 

 

 

"Ay bigyan ko ba si tata, mochi? Tata oh.." tanong ko kay Khio habang inilalapit ko kunwari ang kutsara sa bibig ni Ryujin.

 

 

 

"Tata waaahhh!!!" 

 

 

 

"Ay joke lang! Joke lang po, kay mochi lang yan, ayaw ni tata nyan eh. Joke lang baby Khio. Galet agad yan?" lumayo agad si Ryujin ng lumiyad na naman ang pamangkin nya. 

 

 

 

Nako talaga, ang dami-daming matutunan ng anak namin, pagiging Pilita Corales pa. Kaya simula nung insidente noong bagong taon, yung kamay namin lagi ng naka-abang sa likod nya, ang hilig lang kasi talaga lumiyad ng bochog na ito, buti sana kung magaan sya, eh halos malaki pa hita nya sa braso ko. kalokang bata.

 

 

 

"Shhh Khio, tahan na, eat your food na." 

 

 

 

Lihim ako na napangiti ng marinig ko ang striktong boses ni Karina na sinaway si Khio. Simula kasi nung mapag-sabihan ko sya na masyado nyang inii-spoiled si Khio, paminsan-minsan na syang nagiging matigas sa anak namin.

 

 

 

Paano ba naman, isang iyak lang ni Khio tila umiikot na agad ang pwet nya, ayan tuloy, kapag may gusto ang bochog na ito kahit hindi pwede ay iiyakan lang sya ni Khio, bigay agad sya. 

 

 

 

Minsan tuloy nagtatalo kami, pero madalas ako talaga ang naiinis sa kanya, sa parenting ata kami magtatalo mag-asawa dahil nga magka-iba kami ng kinalakihang pamumuhay. Para sa akin kasi ayoko ng inii-spoiled si Khio, oo at baby pa sya. HIndi din maiiwasan na ma-spoiled sya dahil unang anak, pamangkin at apo sya sa pamilya namin kaya lahat kami gustong mapasaya si Khio.

 

 

 

Pero kahit papaano unti-unti ko na syang tinuturuan na kapag hindi pwede, hindi talaga pwede. Kasi makakalakihan nya eh, kung baga unti-unti ng nade-develop ang isip nya, ang kaso eto naman si Karina, bigay lahat. 

 

 

 

Parang may isip na pa naman itong si mochi, kapag hindi nya makuha sa akin ang gusto nya, ang mommy nya ang hinahanap tas iiyakan nya. Ang mommy naman nya, ayon, nilambing-lambing na ang unica iha hija nya.

 

 

 

Nako talaga.

 

 

 

Hindi ko din naman masisi ang asawa ko dahil ganoon sya pina-laki, bigay lahat ang gusto. Mabuti na nga lang at kahit ganoon ay humble at hindi naman sya spoiled brat. Pero kahit na, ayoko na ganun din kami kay Khio, hindi naman pare-pareho ang ugali ng mga bata pag-laki. Tsaka kahit may kakayanan kami na ibigay ang gusto nya, paano kung mapadpad sya sa ibang lugar na wala kami ng mommy nya para ibigay ang gusto nya?

 

 

 

Kaya maganda na malaman nya habang lumalaki sya na hindi lahat ng bagay pwede sa kanya. 

 

 

 

Strict yern?

 

 

 

Ang labas talaga nito, ako yung striktong nanay tapos si Karina yung favourite na mommy kasi cool lang.           Hindi bale na, kesa naman lumaki ang anak namin na walang kinakatakutan, kami din mag-asawa ang mahihirapan sa future.           Try lang nila mag-kampihan, paluin ko pa silang mag-mommy eh, char.            

Kumain naman na si Khio, tahimik na din sya habang kalong ni Karina. Hindi na nya napapansin yung mga kasama namin sa bus na nakain na ulit dahil nililibang sya ng mommy nya kay kuku.

 

 

 

"Malapit na tayo, Victoria na." anunsyo ni lola na nasa unahan katabi si nanay. 

 

 

 

Pang-limang beses ko pa lang nakakapunta dito sa Laguna, madalas kasi ay nagpapa-iwan kami ni Ryujin sa bahay dahil sa tuhog-tuhog namin. Pero ngayon ay sumama na kami, gusto daw kasi ng mga kamag-anak namin na makita ang asawa at anak ko, pati na daw ang mapapangasawa ni Ryujin.

 

 

 

Pati sila Ning at Giselle ay kasama din namin dahil buntot-buntot na namin ang bff ko dati pa kapag nauwi kami dito sa Laguna, kaya kilala na din sya ng mga kamag-anak ni lola. 

 

 

 

On the spot pa nga sya isinali noon sa singing contest sa plaza. Nanalo naman sya kaya tuwang-tuwa ang mga kamag-anak namin sa kanya, bibo kasi talaga si Ning simula noong mga bata pa kami, kahit ano ang ipagawa sa kanya, go lang sya. Kaya pag-uwi namin sa San Isidro, may 500 pesos sya at isang kabang bigas na grand prize sa sinalihan nyang singing contest.

 

 

 

Oh diba? Hindi lang binalot na ulam galing sa fiestahan ang dala nya pag-uwi sa kanila, may isang sako na din syang bigas, ang tuwa lang ni Aling Tess. Kaya siguro simula noon halos ipa-ampon na si Ning sa amin. Kasi daw natututo rumaket kapag kasa-kasama namin ni Ryujin, sabi ng mommy nya. 

 

 

 

"Grabe, dati isa lang ang estatwang itik dito, ngayon may tropa at sisiw na sya. Isipin mo yon insan? Nangitlog sya mag-isa."  ani Ryujin na nakatingin sa labas. 

 

 

 

"Sira!" natatawang sagot ko.

 

 

 

Pero totoo, dinagdagan nila yung estatwang itik dito. 

 

 

 

"Alam mo ba mahal, dito sa Victoria Laguna yung duck raising capital ng Pilipinas, signature dish nila yung kinulob na itik." sabi ko kay Karina na pini-picturan yung estatwa ng mga itik sa dinaan namin. Pagkatapos ay inilapit nya si Khio sa bintana dahil nagpumiglas ang bochog namin ng makita nya yung mga malalaking itik. Mahilig din talaga si Khio sa kahayupan, mana talaga sa mommy nya.

 

 

 

"Really? Mas masarap ba luto dito kesa sa San Isidro?" excited na tanong ni Karina, nakasandal ako sa balikat nya habang ikinalong nya ulit si Khio na tahimik na ngayon at nakatingin na lang din sa labas.

 

 

 

"Oo naman, hayaan mo, mamayang hapunan ayon malamang ang ulam natin." 

 

 

 

"Edi marami din balut dito?" tanong naman ni Yeji na kumakain pa din ng buko pie. 

 

 

 

"Madami, gusto mo ba baby? Papakuha tayo mamaya." ani Ryujin habang pinupunasan ang bibig ni Yeji.

 

 

 

"Talaga baby? Ayan tamang-tama, tara mamaya couz, shot tayo nila lolo." yaya ni Yeji kay Karina na tumango naman agad kaya sinamaan ko sya ng tingin, si Yeji naman ay nakipag-apiran pa kay lolo. 

 

 

 

Close na sila ngayon, pakiramdam ko nga pati si lolo nahawa na din sa kakulitan ni Yeji, laging nasasaway ni lola eh.

 

 

 

"Anong inom? Sa isang araw pa ang fiesta pagla-lasing na agad ang uunahin nyo? Magsi-tigil kayo, mamaya ay tumulong kayo sa pag-sisibak ng kahoy at paglalagay ng tolda doon." sermon agad ni lola. 

 

 

 

Buti nga sa kanila, tahimik agad yung tatlo eh.

 

 

 

"Hindi po ba pwede mag-shot habang nagkakabit ng tolda lola? Pangpa-ini-oww Joke lang naman baby eh." daing ni Yeji ng lihim syang kurutin ni Ryujin sa tagiliran. Inirapan lang naman sya ng pinsan ko, ang taray talaga ni Ryujin simula nung nabuntis sya, kawawa lagi jowa nya eh. 

 

 

 

"Oh, gisingin nyo na sina Ning at Giselle. malapit na tayo." 

 

 

 

Bigla ko namiss ang Laguna, lalo na dito sa parteng plaza sa bayan ng Pila. Dito kami madalas dalhin ng mga nakakalaro namin ni Ryujin noon na mga batang kamag-anak namin. Ang laki na ng pinagbago, yung munisipyo dati na mukhang hunted house may kulay na ngayon.

 

 

 

Pati na din yung mga ancestral houses kung saan kilala ang bayan ng Pila na pinag-shoshootingan madalas ng mga pelikula, yung iba na-renovate na, madami na din palamuti at bilihan ng street foods. May pa-perya na din sila, Mayo nga pala ngayon, at sunod-sunod ang mga pa-fiesta sa mga barangay dito kapag ganitong buwan. 

 

 

 

Maya-maya lang ay lumiko na ang bus namin papunta sa Tubuan, parang San Isidro lang din naman ang itsura, isang mahabang palayaan din ang madaraanan para makarating sa mga kabahayan.

 

 

 

Mga limang minuto lang ang lumipas ay huminto na ang bus namin sa tapat ng isang malawak na bakuran na may malaking bahay na gawa sa sawali, ang pinakababang bahagi nito ay gawa sa bato. Eto yung bahay kung saan lumaki si lola Soledad namin, buo pa din ang bahay kahit may kalumaan na, ang sabi ni lola ay ang mga pinsan nya ang nagpapanatili ng ayos nito simula noong pumanaw si lola Metring, ang kaisa-isa at panganay na kapatid ni lola, tatlong taon na ang nakararaan.

 

 

 

Dito kami natigil kapag nauwi kami tuwing fiesta, sakto naman lalo na't madami kami ngayon, kahit na gawa ito sa sawali ay may limang maliliit na kwarto ito sa loob. May magagamit pa si Mang Berto dahil sya ang driver namin ngayon.

 

 

 

"Ate! Kami'y ka-ganina pa naghihintay sa inyo, pa-rine muna kayo at ng makapagpahinga kayo at ang mga apo mo. Aba, at ito na ba sina Winter, Ryujin at Ningning? Ang lalake nyo na mga iha, kagagandang mga bata aba! Balita ko'y buntis kayo, aba't nagsabay-sabay talaga kayong tatlo." excited na salubong ni Lola Pureng sa aming tatlo, hinawakan pa nga ako sa tiyan.

 

 

 

Napakamot na lang ako ng ulo ko.

 

 

 

Mali na naman ang na-marites ni lola, hirap talaga kapag may edad na yung natuto mag-cellphone. Kaloka. 

 

 

 

"Ay lola Pureng, si Ning at Ryujin lang po ang buntis, busog lang po ako sa buko pie." pagtatama ko, narinig ko na tumawa si Ning at Ryujin sa tabi ko, sisikuhin ko sana eh, naalala ko, mga jontis nga pala. 

 

 

 

"Ate naman, ang sabi mo ay tatlo silang buntis." baling ni lola Pureng kay lola na tumawa lang. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂