Chapter T-39

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"Kumain ka na ba mahal?" tanong ko kay Karina sa kabilang linya.

 

 

Umupo ako ng ayos sa kama at sumandal sa unan habang karga ko si Khio na dumedede sa akin. Nagpuputul-putol kasi ang tulog nya ngayon, hindi katulad ng mga unang buwan nya, dare-daretso ang tulog nya noon. Kanina nakatulog sya ng bandang alas syete ng gabi, tapos nagising sya ngayon, alas dyes pa lang. Buti na lang din at ka-videocall ko si Karina, hindi ako aantukin habang pinapadede ko si Khio. 

 

 

Nasa Maynila si Karina ngayon, inutusan sya ni grandpa sa kumpanya, kaya kahit naka-leave sya ay wala syang magawa dahil ayaw din ni grandpa umalis ng San Isidro, nandito daw kasi si Khio sa mansyon. Isang araw lang naman, kaninang madaling araw umalis si Karina at uuwi din sya bukas. 

 

 

Pahirapan pa nga kami kanina na mapaalis sya dahil nagmamaktol kay grandpa, ang kaso nga nagmatigas din si grandpa, kaya ayon, napilitan talaga sya lumuwas. Gusto pa nga umuwi ngayong gabi pero sabi ko ipagpabukas na dahil sya lang ang nag-drive kanina. Day off ni Mang Berto, ayoko sya mag-drive ng pagod na. Mahirap na at dalawang oras at kalahati din ang byahe nya. 

 

 

"Tapos na mahal."       

Sagot nya sabay higop ng kape. Nakita ko na galing sa starbucks yung kape nya.

 

 

Alam na. 

 

   

"Anong kinain mo? Baka nag kape ka lang at sandwich dyan ha." tanong ko, nakita ko naman na napahinto sya sa pag uunat at napakamot na lang ng ulo na tumango sa akin.

 

 

Sabi na eh. 

 

 

"Tsk, yan na nga ba sinasabi ko eh." pagalit ko sa kanya.

 

 

Ok lang naman sana na kape at tinapay lang ang kainin nya kung meryenda lang, hindi eh, pag mag isa sya ginagawa na nyang umagahan, tanghalian swerte nga ngayon na nag dinner pa sya. Kadalasan nalilipasan sya ng gutom dahil sobra mag trabaho. 

 

 

"Kumain naman ako ng lunch mahal, tsaka naka-dalawa ako na sandwich yung malaki. Nabusog naman ako."         

Depensa nya dahil alam nyang mapapagalitan ko sya.

     

Napailing na lang ako, ano pa nga ba magagawa ko? Ako lang naman ang pumipilit sa kanya na kumain sa tamang oras at kumain ng tama. Kaya kapag sya lang ang naluwas sa Maynila ay pinapabaunan ko talaga sya ng kanin at ulam, yung iinit na lang nya sa microwave sa opisina. Ang kaso nga nag-muryot si Khio kaninang madaling araw kaya hindi ko sya naasikaso at nalutuan. Nakakahiya naman mag utos kila Aling Thelma, ang aga pa para paglutuin ko sila ng ulam. 

 

 

 

"Uuwi din naman ako mamaya, kaya ok lang, bawi na lang ako dyan mahal."         

"Anong mamaya? Bukas ka uuwi Karina, alas dyes na." paalala ko sa kanya.

 

 

Ibinaba ko na ang suot ko na pantulog dahil napansin ko na nakatulog na si Khio. Inehele ko sya at tiningnan ko ulit si Karina na nakanguso na, parang bata. Pinagpipilitan nya kasi na uuwi sya ngayong gabi, hindi ako pumayag, ang sabi ko magpahinga muna sya at matulog. Bukas naman ay uuwi na din sya. 

 

 

"Mahal, miss na kita, miss ko na si Khio. Ayoko matulog na wala kayo."         

"Kung gusto mo hindi ko i-ooff itong laptop." sabi ko at ininguso ko ang laptop na gamit namin sa videocall, nakapatong ito sa side table sa tabi ng kama dito sa kwarto ni Khio. 

 

 

"Para kita mo pa din kami dito. Bukas ka uuwi, wag na matigas ang ulo mo mahal, pagod ka na at gabi na din, delikado." seryosong sabi ko. "Mag-promise ka sa akin na bukas ka uuwi." paninigurado ko. Mahirap na. 

 

 

Malungkot syang tumango at nakita ko na tumayo sya. Tapos na siguro ang trabaho nya. Gabi na din kasi, buti at maaga aga sya natapos, kadalasan kasi ay alas dose na ng hating gabi ay nasa opisina pa din sya.

 

 

"Ok po, promise. Uwi muna ako sa penthouse mahal." 

 

 

"Ingat ka pag uwi mahal, baka gising pa ako mamaya dahil paputul putol ang tulog ni Khio. Mag text ka kapag nakauwi ka na, i-videocall ulit kita." sabi ko, tumango naman sya at inayos ko na ang hihigaan ni Khio sa tabi ko. 

 

 

"Please kiss Khio for me mahal, miss ko na kayo."        

Naawa naman ako sa asawa ko kaya humarap ako sa camera habang karga si Khio para makita sya ng mommy nya, lalo lang nalungkot si Karina sa kabilang linya. Good luck na lang talaga sa kanya sa January kapag balik opisina na sya. Hindi na sya sanay na hindi kami kasama. 

 

 

"We love you mommy, miss ka na din namin. See you tomorrow po. Good night mommy." inangat ko pa ang kamay ni Khio at ikinaway sa kanya bago ko halikan ang anak namin sa noo. 

 

 

Napangiti naman sya sa ginawa ko "I love you both so much too, see you tomorrow my loves, good night." 

 

 

Kumaway na ako sa kanya at natawa pa ako ng mag flying kiss pa sya, kaya kunwari nag kiss na din ako sa screen, ako na ang nag-off ng tawag dahil hindi na naman kami matatapos sa pagpapaalam sa isa't-isa at gagabihin na sya ng uwi.

 

 

Hindi ko na muna isinara ang laptop dahil mag vivideocall pa kami mamaya pag uwi nya sa penthouse.

 

 

"Wawa naman si mommy, baby." sabi ko at hinalikan ko si Khio sa pisngi bago ko sya inihiga sa tabi ko. "Hayaan mo anak, bukas nandito na sya. Maglalaro na ulit kayo." sinigurado ko muna na hindi sya malalamigan bago ako humiga sa tabi nya. "Good night na baby ko, I love you." bulong ko kay Khio. 

 

 

Tumagilid na ako ng higa at humarap sa kanya, sa totoo lang naninibago na din ako matulog ng wala si Karina sa tabi ko, kaya naglagay ako ng unan sa likod ko kung saan sya nakapwesto. Namimiss ko yung yakap nya sa akin, para kasing mas napapanatag ang loob ko kapag nandito lang sya. Kapag alam ko na sama sama kami natutulog ng anak namin.

 

 

Pero hindi bale, konting oras na lang din naman, nandito na ulit sya. Makakasama na ulit namin sya ni Khio. 

 

 

______

 

Winter's Pov

 

 

"OAHHHH OAHHH Uhnngg-OAAHH"  

 

 

Napabalikwas ako sa pagkakatulog sa iyak ni Khio. Inaantok pa talaga ako dahil halos ala-una na ng madaling araw kami natapos mag-videocall ni Karina. Tiningnan ko ang laptop sa side table na hinayaan ko na nakabukas para makita kami ni Karina. Pero naka-off na ang videocall. Na-lowbat na siguro sya. Nakita ko din na 4:30 pa lang ng madaling araw.

 

 

"Good morning mahal ko, gutom na ang baby? Halika na po, tahan na anak, dede na sa nanay." umupo naman na agad ako at binuhat ko na si Khio na umuungot na lang ng maramdaman nya na binuhat ko na sya. Kinuha ko ang unan at inilagay ko sa likod ko bago ako sumandal dito. Hindi na kami lumipat sa recliner chair dahil matutulog pa si Khio, at baka makatulog din ako dahil sa puyat, mabitiwan ko pa sya. 

 

 

"OAAHH Awrhhh" 

 

 

"Opo sandali anak, sasandal lang si nanay, eto na po." natatawa ako habang ini-aangat ko ang laylayan ng suot ko na pantulog para ilabas ko ang dibdib ko at maka-dede na si Khio na nagsisimula na naman umiyak. Inaabot na nya at halos pisilin na nya ang dibdib ko ng makita nya at umungot ungot pa nga bago nagsimulang dumede. 

 

 

"Ahmm.." ungot ni Khio habang nadede. Eto talaga ang ayaw nya, maputol na't lahat ang tulog nya, wag lang syang paghihintayin para maka-dede, naiinip sya. 

 

 

"Anak ikaw ha, ang ikli ng pasensya mo, wala ka naman kaagaw sa milk eh." kunwari ay pagalit ko sa kanya habang Inaayos ko ang buhok nya na nagtayo-tayo na, kahit ata anong gawin ko na haplos dito ay hindi nababa. Para talagang pinya yung buhok nya. Nababa lang kapag bagong ligo sya, kapag natuyo na, para na naman syang anak ni San goku.

 

 

Super saiyan yan anak?

 

 

Lakas talaga ng dugo ni Karina Yu, pati buhok ipinamana, buti na lang maganda buhok nya, sana ganoon din si Khio pag laki. 

 

 

"Uhmm owhh..." tila sagot ni Khio sa akin. Bumitaw pa talaga sya sa pagdede para tumingin sa akin na parang sinisisi ako, napanganga na lang ako ng tila umirap sya sabay balik sa pag dede, parang nakita ko bigla ang sarili ko na mag taray.

 

 

"Jusmiyo Khio, ang dami dami mo matutunan, pag irap pa talaga? Bad yun anak." 

 

 

Mukhang tama nga si Karina, dalawa na kami ng anak namin na magtataray sa kanya. Nakuha kasi ni Khio sa akin ang mata nya. Sana lang wag nya makuha ang pagiging maldita ko minsan, kasi inaamin ko naman, may pagkamaldita din talaga ako minsan. Pero ngayon naman ay iniiwas iwasan ko na. Si Karina kasi kadalasan ang nasa-sample-an ko.

 

 

Ang kulit kasi.

 

 

"Opo, ma-inipin ikaw kapag gutom." sabi ko at pinisil ko ng marahan ang pisngi nya. Ngumiti naman agad sya kaya lumabas na agad ang dimples nya at nag eyesmile na ang mata. Akala mo hindi ako inirapan kaloka. 

 

 

Ayan, kamukha na naman nya mommy nya. cute cute ng baby ko.        

Habang tahimik ko na pinapadede si Khio ay nag-taka ako ng tumunog ang doorknob ng pinto ng kwarto ni Khio. Mabilis ko kinuha ang towel nya para ipangtakip sa dibdib ko dahil baka isa sa kasambahay o si grandpa. Pero laking gulat ko ng magtama ang mata namin ni Karina na sumilip pa sa pinto at tila nagulat pa nga ng makita nya na gising na ako. 

 

 

"M-mahal.. good morning?" alinlangan nyang bati, tahimik syang pumasok sa loob ng kwarto ni Khio at mahinang isinara ang pinto. Kakamot kamot sya ng ulo na tumingin sa akin dahil hindi ako bumati sa kanya, tinaasan ko lang sya ng kilay. 

 

 

"Anong oras ka bumiyahe?" tanong ko.

 

 

Sinusubok na naman ni Karina ang pasensya ko umagang umaga. 

 

 

"2 am ata m-mahal." sagot nya. 

 

 

Dahan dahan na din syang lumapit sa amin at umupo sa tabi ko. Naka-pajama na sya, at naka-punglot na ang buhok. Hindi sya makatingin sa akin pero malambing syang humalik sa pisngi ko at pagkatapos ay kay Khio na nakatulog na ulit. 

 

 

"Diba ang sabi ko sayo umaga ka na umuwi? Ako ba talaga sinusubukan mo Karina huh?" 

 

 

"Mahal umaga naman na ah, 5am na oh?" turo nya sa laptop sa tabi namin.

 

 

Oo nga naman umaga na.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
joyheartsoshi
0 points #1
Chapter 79: made in the philippines talaga ang teiplets 🤣🤣

at jusko naynay at mimi traumatized na naman si ryujin narinig ang halinghing ng tuta
asdfghjklmaeee
105 streak 0 points #2
Chapter 79: Nako karina what if lagyan mo ng kung ano ano yang kwarto niyo HAHAHAHA tawang tawa ako nag flashback na naman kay ryujin yung dati 😭 buti na lang madali lang ma divert attention ni mochi basta pagkain talaga HAHAHAHA
aaprilkim 0 points #3
Chapter 79: kapag nabuo ang mga babies dahil kay ryujin dapat magpakain sila mimi at naynay!! salamat sa update hehehehe
tipsylesbi 0 points #4
Chapter 79: ang cute talaga ng story na 'to. mamahalin mo lahat ng chapters kahit na up and down sila
ROYAL_LOCKSMITH 11 streak 0 points #5
Chapter 79: Wag ka na sad naynay, parating na yung babies mo. Kaya yan ni mimi at Rex.hahhaha.

Buti na lang talaga kasama ni khio si ryujin, kung hindi nalintikan na.hahaha. basta pag kain talaga mabilis ma divert ang attention ni mochi.😅

Thank you author.
meagerp
12 streak 0 points #6
Chapter 79: Grabe!! Sobrang thank you talaga author sa palaging update 😭😭😭😭. We llove you!!!


Grabe pala emotional damage ni winter sa pag buo ng bibis! Buti na lang triplets!!!!
winjeongsimp 13 streak 0 points #7
Chapter 79: tibay rin hano 😂
Jaeeeeee_
166 streak 0 points #8
Chapter 79: Karina and her love languages 🥺 okay lang yan Nay. Worth it naman kapag nag positive ka. Sa kaka OT niyo nga napasobra sa plano ni Karina na kambal eh hahaha 🤣

Siguro kung kay Yeji umiyak si Winter baka inaaway na siya ni Khio hahaha 🤣

Karina nag yaman yaman mo wag mo naman tipirin yung kwarto niyo! What if ipa soundproof mo naman 😭
ryujinie__
654 streak 0 points #9
🤍
winjnng_01 0 points #10
Chapter 79: Bka mabuo na tlaga yung baby #2 kasi narinig na ni Ryujin🤣🤣🤣