Chapter T-73

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

 

Mag-a-apat na buwan na halos ang naka-lipas ng ma-kasal muli kami ni Karina. Naging maayos naman ang lahat, pakiramdam ko nga ay mas lalo pa naging masaya ang pamilya namin. At mas naging clingy ata kami mag-asawa sa isa't-isa, lalo na ako, kung dati ay ayos lang sa akin na mag-lingguhan ng uwi si Karina, ngayon ay hindi na ako napayag. Suma-sama talaga kami ni Khio kahit saan sya mag-punta. 

 

 

Mukhang pabor naman sa asawa ko, tuwang-tuwa pa nga sya. 

 

 

Ang kaso-

 

 

"Mahal? Baka doon na tayo ma-tulog mamayang gabi sa bagong bahay natin, natapos na mag-lagay ng mga bagong gamit doon." 

 

 

Ngumiti ako at tumango kay Karina ng makita ko syang pumasok sa kwarto namin dito sa bahay nila lolo, last day na nga pala namin dito. Lilipat na kami sa napa-tayo namin na bagong bahay, katabi lang naman ng bahay nila lolo iyon, tapos sila Ryujin, sa tabi lang din namin. Pero next month pa sila makaka-lipat dahil hindi pa tapos yung bahay nila. 

 

 

"Are you okay?" kunot ang noo na tanong ni Karina, lumapit sya sa akin at na-upo sa tabi ko sa kama, marahan nya ako hinapit sa bewang pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

 

 

Napahinga ako ng malalim bago ko ini-hilig ang ulo ko sa balikat nya. 

 

 

"Oo naman mahal, medyo nalu-lungkot lang ako kasi ma-mimiss ko dito." sagot ko, at tsaka ko ipina-ikot ang mga braso ko sa bewang nya. 

 

 

Ang hirap pala iwanan yung bahay na kinalakihan mo, kahit na katabi lang naman ng bahay namin itong kila lolo, pakiramdam ko ay aalis ako ng San Isidro. Pero masaya ako na bu-bukod na kami, lalo na't may anak na kami ni Karina at hindi naman habang buhay ay bata si Khio at mag-isa lang sya. 

 

 

"Don't worry, nag-usap na kami ni lolo about that mahal, we can still stay here during weekends sabi ni lolo. Lahat daw tayo, parang mini reunion na din every week." ani Karina na ikinatuwa ko. 

 

 

"Talaga mahal?" paninigurado ko, naka-ngiting tumango naman si Karina kaya sa sobrang tuwa ay nayakap ko sya. "Thank you mahal.." 

 

 

"Welcome, pero kay lolo ka mag-thank you kasi sya talaga ang may idea nito." dagdag pa nya habang paulit-ulit nya akong hinalikan sa ulo. 

 

 

"Sige mamaya, pero hug muna mommy.." lambing ko sa asawa ko, narinig ko ang mahina nyang tawa at ang muli nyang pag-hapit sa bewang ko para yakapin pa ako ng mahigpit. 

 

 

Napa-pikit ako dahil tila gumaan kahit pa-paano yung nararamdaman ko. 

 

 

"Why are you so clingy, nanay? Don't get me wrong ha? I love it so much and you're so cute." 

 

 

"Ewan ko din mahal, may kung ano ata sa kasal natin, parang mas love na love na love na love kita so much." 

 

 

"Aww nahawa ka na sa akin mahal." tukso nya. 

 

 

"Pag ako sinabihan mo ng corny, sa sala ka matutulog mamayang gabi. Tamang-tama bago yung sofa natin sa bagong bahay, baka gusto mo i-try." banta ko kunwari, kaya natawa si Karina. 

 

 

Hinalikan nya ako sa pisngi, na lalong nagpa-ngiti sa akin. 

 

 

"Sa-sabihin ko kasi talaga, nahawa ka na sa akin ng pagiging sweet, ikaw talaga mahal, hindi kita sasabihan ng corny, tsaka kahit corny ka. I love you very very much pa din." 

 

 

Natawa na lang kami pareho sa pinag-sasabi namin sa isa'-isa. Parang may hangover pa ata talaga kami sa kasal namin kahit pa nga mag-aapat na buwan na ang naka-lipas. 

 

 

"Napaka-corny naman Karina." 

 

 

"Oh tapos ako sasabihan mo ng corny, dapat sa sofa ka din matulog-

 

 

"Edi sige-" 

 

 

"Pero syempre kasama ako." 

 

 

"Harot mo!" 

 

 

"Sayo lang ha-harot mahal.." 

 

 

"Buti alam mo, I love you mommy.." lambing ko, halos kumandong na ata ako kay Karina dahil sa pagkaka-yakap ko.

 

 

Narinig ko na natawa si Karina bago nya ako buhatin at i-kandong na nga ng tuluyan paharap sa kanya. Syempre, tuwang-tuwa ako kaya lalo pa ako sumiksik sa leeg nya, pagkatapos ay naramdaman ko ang marahan nyang pag-haplos sa likod ng bewang ko. Yung isang kamay nya ay umakyat papunta sa likod ng ulo ko at marahan iyong minasahe. 

 

 

"I love you so much nanay." 

 

 

Napangiti ako habang mag-kayakap kami mag-asawa, kahit pa-paano nalimutan ko yung mga ini-isip ko. Nawala yung mga pangamba ko dahil sa asawa ko. 

 

 

____

 

 

"Buntis ka na ba ulit?" 

 

 

Halos masamid sa kinakain nyang mangga at bagoong si Winter dahil sa tanong ni Ningning. Nandito sila ngayon sa tindahan ng tuhog-tuhog nila at nag-mi-meryenda ng mangga at singkamas na ini-request nya kay Karina. At dahil nga nag-craved sya kanina nang ma-asim ay inakala ng bestfriend nya na buntis na sya ulit. 

 

 

Sana nga..

 

 

Na-sabi na lang ni Winter sa sarili nya. 

 

 

"Buntis ka?" tanong ulit ni Ning sa bestfriend nya.

 

 

Huminto sa pagkain ng mangga si Winter at umiling. 

 

 

"H-hindi pa ulit ako nag-pt..." sagot nito. 

 

 

Napa-kunot ang noo ni Ningning ng makita nya kung paano tila biglang nalungkot at nawala sa mood si Winter. Hindi din naman lingid sa kaalaman nya na simula noong nag-London ang mag-anak ay sinu-subukan na ulit ni Winter ang mag-buntis. Ang kaso nga ay ilang buwan na ang nakaka-lipas simula noon at maging ang honeymoon ng mag-asawa ay lumipas na, ngunit bigo pa din ang mga ito. 

 

 

"Parang nata-tatakot na ako mag-pt ulit...kasi laging negative yung result.." 

 

 

Tila may kumurot sa puso ni Ningning ng mapansin nyang maluha-luha na si Winter habang sinasabi ang saloobin nito sa kanya. Noong nakaraang buwan kasi ay inakala nilang lahat na buntis na ulit ito dahil ganito din, nag-craved tapos madalas na ma-hilo. Ang kaso ay ganoon din pala ang sintomas nito kapag nagka-karoon ng buwanang dalaw. 

 

 

Ayon ang pangalawang beses na makita nyang mag-breakdown si Winter, nag-kulong ito sa banyo, kinailangan pa umuwi ni Karina galing sa kabilang bayan kung saan ito may tina-tayong project, para lang mapa-labas nito si Winter sa pagku-kulong sa banyo.

 

 

At pag-bukas nga nila ng pinto ay tumambad sa kanila ang nakaka-durog ng pusong estado ni Winter, Nakasalampak lang ito sa sahig at umiiyak, habang hawak ang ilang pregnancy test na puro negative results. 

 

 

Nai-intindihan nya si Winter, dahil halos buwan-buwan itong nag-p-pt pero lahat, negative pa din ang result. Nagpa-check up naman na ang mag-asawa pero ang sabi ng doctor ay maayos naman sina Karina at Winter, binigyan na din sila ng vitamins at kung ano-anong paraan para lang mabuntis ulit si Winter. 

 

 

Pero walang nangyari, inisip na lang nila ay baka hindi pa talaga ito ang tamang oras para ibigay ang panibago anghel sa mag-asawa. 

 

 

"Wag mo i-pressure ang sarili mo besh, kapag para sa inyo na talaga, malay mo, baka next month buntis ka na. Kaya relax ka lang ha? Hindi ka naman pini-pressure ni Karina-" 

 

 

Agad na umiling si Winter at malungkot pa din ang mukha nito na tumingin kay Ning. 

 

 

"Hindi, kahit kailan hindi ginawa ni Karina yan, kahit noong mga panahon na hindi pa ako nagp-pt. Ganyan din ang lagi nyang pina-paalala sa akin, na mag-hintay kami na ibigay sa amin ang tamang timing para sa second baby namin." ani Winter na binitawan na ang kina-kain nitong mangga.

 

 

Huminga ito ng malalim kaya naman hindi maiwasan ni Ning na maluha na din dahil ramdam nya yung pinagda-daanan ng bestfriend nya. Kaya naman nilapitan nya ito at niyakap, pinag-dasal nya na sana matupad na yung pinagda-dasal nila para hindi na nya ulit makitang malungkot si Winter. 

 

 

"Pero kahit hindi i-pakita at i-paramdam ni Karina sa akin, ako yung nadi-disappoint sa tuwing malalaman ko na hindi pa din ako buntis." basag ang boses na dadag pa ni Winter. "Nalulungkot at nasasaktan ako, lalo na't alam ko kung gaano sya ka-excited sa ideya na magkaroon ulit kami ng bagong baby...p-pero hindi ko na alam, paano kung hindi na kami magka-anak ulit? P-paano kung hindi na maging masaya si Karina sa akin, paano kung ako yung may proble-"  

 

 

"Ssh, besh ano ba? Bakit mo nai-isip yan? Mahal na mahal ka ng asawa mo, yan ang lagi mo ta-tandaan." saway agad ni Ning kay Winter. 

 

 

Nagsi-si tuloy sya kung bakit na-itanong nya pa ang tungkol dito, eh sensitive topic nga pala ito ngayon kay Winter. 

 

 

"Tsaka diba? Sinabihan k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
134 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂