Chapter T-46

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"May medyas ka ba? Wag ka maghuhubad ng bota doon mahal ha, matalas ang mga kuhol baka makatapak ka." paalala ko kay Karina habang nilalagyan ko ng bimpo ang likod nya. 

 

 

 

Pupunta sya ngayon sa bukid kasama sina Ryujin, Yeji at Giselle, para manguha ng kuhol sa irigasyon na ipa-pakain sa mga alagang itik at bibe namin, pagkatapos naman ay dadaretso sila sa parang para kuhain ang mga pinatuyong kahoy ni lolo noong nakaraang araw, gagamitin kasi ito bukas na panggatong sa pagluluto ng handa namin sa bagong taon. 

 

 

 

Hindi naman first time ni Karina manguha ng mga kuhol, dahil isinasama na sya noon pa ni lolo at Ryujin sa pangunguha. Si Yeji at Giselle ang first time na makakasama ngayon, good luck na lang siguro kay Giselle, mamaya nyan may maririnig na naman kami na tunog ambulansya sa gitna ng bukid kakasigaw nya.

 

 

 

Madami-dami ang kailangan nila ngayon dahil dumadami na ang mga alaga ni lolo, nasa isang daan na ang itik nya at bente naman ang bibe. Balak na din ata mag benta ni lolo, lalo na't malaki ang bentahan dito sa amin ng mga itik at bibe, kinulob at caldereta ang kalimitan na luto dito na paboritong pulutan ng mga manginginom. Kaya siguradong tiba-tiba si lolo dito. 

 

 

 

"Don't worry mahal, may suot ako." nakangiting humarap sa akin si Karina pagkatapos ko mailagay ang bimpo sa likod nya. Hinawakan ko sya sa makabilang pisngi at tsaka ko sya marahan na hinila palapit sa akin para bigyan sya ng halik sa labi.

 

 

 

"I love you, ingat ka doon mahal wag kung saan saan susuot ha, at utang na loob Karina, wag mo na ulit subukan umakyat ng mga puno sa parang, marupok at mahigad ang mga puno doon delikado." sersyosong paalala ko sa kanya. 

 

 

 

Baka kasi mahila na naman sa kung saan ni Ryujin ang tatlong to, lalo pa itong asawa ko, hindi na talaga ako magtataka kung isang araw maisipan na lang nyang magpatayo ng tree house at doon na tumira, laging naka-akyat sa puno. Malapit ko na talaga silang itali pareho ni Ryujin sa puno ng bayabas makikita talaga nilang dalawa. Tandem sa kalokohan eh. 

 

 

 

Ngumiti naman sya at tumango, pagkatapos ay hinapit nya ako sa bewang para yakapin. Isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko at tsaka nya ako hinalikan doon. Nakiliti naman ako. Jusme. Ang aga namin maglandian mag-asawa.

 

 

 

"I love you too, mag iingat po ako, at hindi na ako aakyat ng puno." malambing na sabi ni Karina sa akin. Humigpit ang yakap nya at naramdaman ko pa ang pag-singhot nya sa leeg ko pagkatapos ay muli syang humalik dito. 

 

 

 

"I'll miss you and Khio...mahal?" 

 

 

 

"Hmm?" 

 

 

 

"Pwede ko na ba sya gisingin?"

 

 

 

"Subukan mo lang talaga Karina Yu." banta ko. 

 

 

 

Kakatulog lang ni Khio dahil halos mag-damag gising ang bata batuta namin, na-sobrahan ata sa laro dahil sa mga bagong dinosaur toys na binili ng mommy nya, tuwang tuwa lang sya dahil natunog ang mga ito at umiilaw-ilaw pa ang mga mata, Ayon, umaga na sya nakatulog.

 

 

 

Palibutan ba naman sya ni Karina ng mga dinosaurs, edi hindi na malaman ni Khio kung saan sya titingin. Aliw na aliw lang sya sa kalokohan ng mommy nya. Nadamay pa ako sa pagpupuyat nilang dalawa. Pakiramdam ko nga, yung mata ko kasing pula na din nung laruan nyang dinosaur dahil sa puyat na inabot ko sa kakalaro nilang mag-mommy. 

 

 

 

Alas kwatro na halos ng madaling araw natulog si Khio, nakatulog naman ako ng apat na oras dahil hindi ko na talaga kaya, kahit natutuwa ako na panuorin si Karina at Khio na mag-bonding kasama ang mga dinosaur pets nila, hinihigit na talaga ng antok ang talukap ng mga mata ko. Napansin naman iyon ni Karina kaya pinatulog na nya ako. Ginising na lang nya ulit ako ng inaantok na si Khio at kailangan na nitong dumede. 

 

 

 

"Joke lang mahal, kiss ko na lang sya." 

 

 

 

"Buti pa nga, sige na mahal, baka hinihintay ka na nung tatlo, aabutan kayo ng init sa bukid." humalik naman agad sya sa noo at pisngi ko bago sya humiwalay sa akin para puntahan si Khio na tulog sa kama namin. 

 

 

 

"Good morning love, see you later, behave ka kay nanay ha? Sleep lang ikaw para makatulog ulit si nanay. I love you anak, hintayin mo si mommy ok? Laro ulit tayo pag uwi ko." mahinang bulong ni Karina kay Khio na  naka-taas pa ang kamay at nakabukaka na halos sa sobrang sarap ng tulog.

 

 

 

Nakakaloka, ilang beses ko na inayos ang pagkakahiga nya pero para talaga syang nagfifieldtrip sa kama namin. Napaka-likot matulog, at wag ka, nagigising na lang kami mag-asawa minsan dahil nasipa na kami sa mukha. Isang beses, aksidente nyang nasipa ang dinosaur ng mommy nya, ang taranta ko lang sa sigaw ni Karina, jusme, yung kaba ko, akala ko kung napaano na sya. Na-flying na pala ng anak namin si rex.

 

 

 

Ayon, Iyak sya eh. 

 

 

 

"You're so cute..." marahang hinalikan ni Karina si Khio sa pisngi at pagkatapos ay sa noo. Hinaplos nya din ang malagong buhok nito na mayabong pa ata sa tanim na tanglad ni lolo sa bakuran namin. Hinahayaan ko na nga lang na nakatayo ang buhok nya, sayang lang ang efforts ko na pababain kapag bagong ligo sya, doon din naman ang punta. 

 

 

 

Tumingin pa sya ng huling beses kay Khio bago sya dahan-dahan na bumaba ng kama at umakbay sa akin. 

 

 

 

"See you later mahal. I love you." 

 

 

 

"I love you too, hintayin ka namin ni baby." binigyan ko sya ng mabilis na halik sa labi. Sinamahan ko na din sya hanggang sa pinto ng kwarto para ihatid. Humabol pa nga ng kiss sa pisngi ko at kumaway bago bumaba ng hagdan, naririnig ko na din yung boses nila Giselle at Ryujin sa baba. Ang aga lang nilang mag-talo na dalawa, parang aso't pusa talaga.

 

 

 

"Shuta Giselle, naka-eyeliner ka pa talaga?" 

 

 

 

"So what? May problema ka ba Ryujin?" 

 

 

 

"Wala naman, ganda mo nga eh, woke up like this yern?" 

 

 

 

"Thanks, kahit pina-plastic mo lang ako." 

 

 

 

"Buti alam mo." 

 

 

 

Napailing na lang ako sa bangayan nung dalawa, hindi bale, nandoon naman sila Yeji at Karina para may taga-awat sila.

 

 

 

Isinara ko na ang pinto ng kwarto, tahimik ako na bumalik sa higaan at baka magising si Khio, gusto ko ulit matulog dahil 5:30 pa lang naman. Sasabayan ko muna syang matulog at kapag nagising na naman ang mochi na ito ay para na naman kaming mag-inang koala. Pag-dede na talaga ang ginagawang hobby ni Khio ngayon. Kitang kita naman sa katawan, lusog busog talaga. 

 

 

 

"I love you baby mochi namin, tulog muna si nanay." mahinang sabi ko kay Khio, inayos ko ang pagkakahiga nya at inilapit sa akin, pagkatapos ay hinalikan ko sya sa pisngi nya, ang tambok talaga, parang gusto ko ng kagatin, parang syang mini siopao na extra fluffy, lalo na kapag nagpapa-araw kami sa umaga, ay grabe, mamula-mula, ang sarap kagatin talaga, mana sa rosy cheeks ni Karina. 

 

 

 

Humiga na ako sa tabi nya at tumagilid paharap sa kanya. Ang huli ko na lang na narinig ay tilaok ng manok, hudyat na kailangang bumangon na at magsimula ng panibagong araw, maliban sa akin na napuyat kakabantay sa asawa ko at anak namin, bahala yang manok na yan, basta ako matutulog.

 

 

_______

 

 

"Baby pakibuhat naman yung isang balde ni pinsan, isalin muna natin yung laman sa sako." 

 

 

 

"Kiss muna." 

 

 

 

"Yeji Hwang isa." 

 

 

 

"Hmph, kiss lang eh, damot."  reklamo ni Yeji habang nagtatampong nalakad papunta kay Karina para kunin ang balde na pinaglalagyan nito ng mga nakuhang kuhol.

 

 

 

"Alam mo Jimin, dapat hindi na lang tayo sumama sa kanila, kanina pa ako nauumay manuod ng pabebeng LQ nila eh." napailing na lang si Karina ng makita nyang namumuti na halos ang mata ni Giselle kaka-irap sa mag-jowa, habang sitting pretty ito sa malaking bato sa ilalim ng puno ng mangga. 

 

 

 

Alas otso na ng umaga, ilang oras na silang nangunguha ng kuhol sa irigasyon, pero itong si Giselle, huminto sa pangunguha ng mapansin nito na napapasukan na ng putik ang suot nyang gloves. Umupo na lang ito sa tabi, at kung hindi namumuna na mabagal sila, nagrereklamo ito na naiinitan na. 

 

 

 

"Hoy! Ikaw na takoyaki ka, kanina ka pa nakaupo dyan, tulungan mo kaya kami dito. Bakit hindi mo muna kunin yung ibang balde sa kubo, hindi yung kulang na lang mag-manicure ka na dyan kakatingin sa kuko mo." pagalit ni Ryujin hawak ang sako na pinag-sasalinan nila ng kuhol, habang si Yeji naman ang may buhat ng balde at syang nagsasalin. 

 

 

 

Ngumisi lang si Giselle kay Ryujin at tinaasan sya ng kilay. 

 

 

 

"Kiss muna." biro ni Giselle na agad naman ikinalingon ni Yeji at kunot noo nitong ini-amba ang balde na hawak nito at akmang ibabato kay Giselle.

 

 

 

Mabilis naman na tumayo si Giselle para umiwas at tumatawang nanakbo papunta sa kubo. 

 

 

 

"Potek na Giselle yan, kinulang na naman sa aruga ni Ningning." reklamo na lang ni Ryujin, may taglay din kasi na kakulitan si Giselle na si Ningning lang ang nakakapagpatigil. Ang kaso nga wala ang jowa nito.

 

 

 

"Napa-inom mo ba ng gamot yung bff mo bago umalis ng bahay Yuji? Tinotopak na naman ah." nakasimangot na lumusong ulit si Yeji sa putikan para ituloy muli ang pangangapa ng kuhol.

 

 

 

"Ning's not here, Nasa bayan sya and lunch pa ang uwi. Hindi din sya pinayagan ni Ning na sumama kasi hindi daw sya makapag-focus kapag nandoon si Gigi. Kasi Gi's keeps on flirting with her kasi." natatawang paliwanag ni Karina.

 

 

 

"AAAHHH AHAS!" 

 

 

 

Sabay na napalingon sina Ryujin at Karina kay Yeji na halos magkanda-sub-sob na sa putikan papunta sa batuhan ng makita nito ang isang mahabang nilalang na gumagalaw sa tabi nito. Naiwan pa ni Yeji ang isang pares ng bota na suot nito dahil bumaon na sa putik, hindi na nito nakuhang hugutin pa sa takot at pag-mamadali. 

 

 

 

"Baby hindi ahas yan! Hito yan! Hulihin mo dali!" utos ni Ryujin kay Yeji habang nagmamadali itong lumapit sa lugar kung saan lumalangoy sa putikan ang nasabing hito.

 

 

 

"No! I'm scared! Paano kung tuklawin ako nyan?" takot na takot na sabi ni Yeji, nasa ibabaw na sya ng bato kung saan nakaupo kanina si Giselle, hindi na nya alintana ang putik sa mga binti nya, niyakap na nya ito sa sobrang takot.

 

 

 

Kung ang pinsan nya na si Karina ay kulang na lang tumira sa amazon river at mag ala-tarzan dahil sa hilig nito sa mga wild animals, sya naman na ikinatakot nya sa mga ito, naalala nya kasi dati noong mga bata pa sila, nakita nyang naglalaro sa garden ng mansyon nila si Karina kaya excited sya na lumapit sa pinsan nya dahil may ipapakilala daw ito sa kanya.

 

 

 

Pet nya daw ito, pinangalanan pa nga itong spinosaurus kaya lalo syang na-excite kasi akala nya totoong dinosaur pet talaga ang ipapakita ng pinsan nya sa kanya. Kaya ganoon na lang ang takot nya ng makita nya kung ano yung pet na sinasabi ni Karina nang inilabas nito mula sa bahay na gawa sa kahon ng zesto ang sinasabi nitong pet. 

 

 

 

Tuko lang naman, tuko na yakap-yakap pa ni Karina na akala mo pusa ang hawak, takot na nga sya sa butiki tapos malaking itsurang butiki pa ang iniharap ng pinsan nya sa kanya. Ang iyak nya lang talaga ng bigla itong tumalon sa ulo nya ng mabitawan ito ni Karina. Pati yung mga kasambahay ng pinsan nya hindi malaman ang gagawin dahil takot din ang mga ito. Hinuli pala ni Karina ang tuko sa garden ng ma-curious ito sa tunog na nililikha ng tuko.

 

 

 

Simula noon, nag-iingat na sya kapag napunta sya sa mansyon para magbakasyon, pati kasi bulate at suso sa garden ginagawa ng pet ni Karina noon, lahat din sila may pangalan, inuto pa nga nya noon si Karina na pangalanan ang mga butete sa lumang fountain sa mansyon. At hindi naman sya binigo ni Karina, bininyagan talaga nito isa-isa ang mga butete doon. 

 

 

 

"Baby, wag kang umupo lang dyan! Tulungan mo kaya kami dito para may ulam tayo mamaya, dali! Ang laking hito nito sayang! Tsaka isa pa, hindi nanunuklaw to baby, isda to." nakita nyang magkatulong na sinunggaban nina Ryujin at Karina ang walang laban na hito sa putikan. Totoo ngang malaki ito, halos ga-braso ang taba at nasa kalahating dipa ata ang haba. 

 

 

 

"S-sure ka?" alinlangang tanong nya. Takot talaga sya kasi mukha itong ahas. 

 

 

 

"Oo, halika na, Ang laki nito oh! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking hito, matutuwa si Winter malamang, paborito nya to." halos mag ala-hito na din sina Ryujin at Karina sa kakagapang sa putikan para lang hulihin ang hito, nahihirapan sila dahil madulas ito at malikot. 

 

 

 

Pagka-rinig naman nito ni Karina ay mabilis itong nag-hubad ng bota at lalong itong nanggigil na mahuli ang paboritong isda ni Winter, tamang-tama, kapag nahuli nila ito ay may pasalubong na sya sa asawa nya. 

 

 

 

"Dali pinsan tulong! Nahuli ko na! baby, bantay ka dyan sa damuhan, ihahagis namin ni pinsan dyan, tas paluin mo agad sa ulo."  sigaw ni Ryujin na tila nakikipag-buno sa putikan hawak-hawak ang pilit na umaalpas na hito. 

 

 

 

"O-ok baby! I'm ready!"  takot man ay pinilit lakasan ni Yeji ang loob nya dahil kita nyang desidido ang girlfriend at pinsan nya na mahuli ito. 

 

 

 

Hinawakan ni Ryujin ang ulo ng hito at sa may katawan naman nito nakahawak si Karina, nahihirapan sila dahil madulas nga ito at magalaw. Kaya mabilis silang nag-sensyasan at pagkatapos ay sabay nilang inihagis ito sa damuhan. 

 

 

 

 

"AAAHHHH SNAKEEE HEEEELLLLLP!!!! AAAAHHHH GET. AWAY. FROM.  ME!" 

 

 

 

"Giselle!"

 

 

 

"Giselle! Oh no!" 

 

 

 

Napanganga na lang silang tatlo at walang nagawa kundi panuorin na lang si Giselle na paluin ng balde ang walang kalaban-laban na hito sa damuhan. Aksidente kasi itong tumalsik sa mismong paanan ni Giselle habang naglalakad ito pabalik galing sa pagkuha ng balde sa kubo. Nagtatalon ito sa takot at ginamit nito ang balde na bitbit para ipang-palo sa isda, pagkatapos ay umakyat ito sa malaking bato na inakyatan din ni Yeji kanina para maka-iwas sa inaakala nitong ahas. 

 

 

 

"GUYS HELP MEEEEE

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
130 streak 0 points #1
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr 0 points #2
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #3
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #4
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
187 streak #5
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #6
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #7
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#8
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
526 streak #9
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha
dandileon #10
Chapter 82: Leron-leron sinta SNSD version pala tong si Khione