Chapter T-63

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Isang malakas na tunog ng sampal ang uma-lingawngaw sa loob ng opisina ni Karina. Huli na bago pa napigilan ng ceo ang sarili, sa tanang buhay nya ngayon lang sya nakasakit ng babae. Ngunit hindi nya iyon pinagsi-sisihan, lalo na ng makita nya kung paano sumilay ang naka-kakalokong ngiti sa mga labi ni Lily ng muling dumako ang tingnan nito sa kanya, habang hawak ang namumulang pisngi. 

 

 

 

Ni wala itong bakas ng pagsi-sisi, na lalo nyang i-kinagalit. 

 

 

 

"After what we shared last night? I didn't expect a slap babe, what I expect from you is a welcome kiss, Jimin. I'm excited to go in to see you pa naman." 

 

 

 

Tila lalong nandilim ang paningin ni Karina ng makita nya kung paano mas lalong lumaki ang ngiti ni Lily, na tila walang epekto ang sampal na ibinibigay nya dito. Malandi pa itong umakto na lalapit at hahawak sa braso nya kaya mabilis nyang pinalis ang kamay nito at lumayo. 

 

 

 

" you!" 

 

 

 

"My pleasure babe~" malanding sagot nito sa kanya. 

 

 

 

Hindi na naka-tiis pa si Karina, para syang sasabog sa galit, susugurin na sana nya ito ng biglang pumasok ang ama nito na si Mr. Morrow sa opisina nya. 

 

 

 

"Jimin stop! Please, I'm sorry-" mabilis na pigil ni Mr Morrow sa kanya, sabay hila ng anak nito para protektahan. 

 

 

 

"BULL! Both of you get out!" galit na sigaw ni Karina sa mag-ama na naging dahilan ng kaguluhan sa pamilya nya ngayon. 

 

 

 

"Jimin please, forgive me if I put my feelings first as a father, I couldn't think straight, Lily was hurt and I couldn't bear it I-" pagma-makaawa ni Mr. Morrow.

 

 

 

Ngunit tila lalong nag-panting ang tenga ni Karina sa narinig sa ama ni Lily. 

 

 

 

"Kayo ang nag-set up sa akin, niilagyan nyo ng drugs ang mga inumin ko last night sa party diba?! I know you all planned it! And those pictures..." napa-buga ng hangin si Karina sa bibig. 

 

 

 

Nagsi-sisi sya, hindi na sana ulit sya nagpa-dala pa sa mga ka-dramahan ni Lily. Naniwala sya na totoo ang pag-hingi nito tawad sa kanya, kaya nangyari ang lahat ng ito. 

 

 

 

Ang mga litrato na magka-yakap sila sa balcony ng hotel ay kuha dahil sinundan sya doon ni Lily, aalis na sana sya ng magsabi ito na gusto nitong humingi ng tawad sa mga nagawa nito noong binyag ni Khio, lalong-lalo na kay Winter. Pinatawad naman nya ito dahil akala nya ay totoo ang paghingi nito ng tawad.

 

 

 

Hindi alam ni Karina na unti-unti na nitong kinukuha ulit ang loob nya, may kasabwat na pala si Lily na syang naglagay ng drugs sa mga inumin nya, ang huling naalala na lamang nya ay ang pagtakas nya kay Lily at nang pinilit nyang umalis sa party para maka-uwi dahil sa sobrang kalasingan, nagtaka pa sya noon dahil grabe ang kanyang pagka-hilo, eh dalawang shots lang naman ang naiinom nya.

 

 

 

"Acting lang pala ang paghingi mo ng sorry? So you can used that moment para makuhaan tayo ng picture to send it to my wife and make her think that I'm cheating on her?!" sigaw ni Karina kay Lily na walang emosyon lang na nakatayo sa tabi ng ama nito. 

 

 

 

"And you even helped your daughter even though you knew it was wrong! HOW DARE YOU?!" 

 

 

 

Galit na dinuro ni Karina si Mr. Morrow na napa-lunok na lang sa takot. Kilala nya ang ceo, nakita nya kung paano lumaki si Karina dahil kaibigan nya ang lolo nito. Mabait itong bata, matalino at hindi lang basta talino kundi mahusay din ito sa pagpa-patakbo ng kumpanya. Kakayahan na nakuha nito sa matandang Yu.

 

 

 

Mabait ang mga Yu, ngunit iba maging kaaway, bigla syang nagsisi na hindi nya ito naisip. Dahil mas nanaig ang kagustuhan nyang makuha ng anak nya ang nakababatang Yu, kahit alam nyang may pamilya na ito. 

 

 

 

"Get out." nanghihinang utos ni Karina, sobra ang galit na nararamdaman nya ngayon sa mag-ama, kung hindi lang sya naka-pagpigil ay baka kung ano na ang nagawa nya sa mga ito. 

 

 

 

Hindi nya inakala na aabot sa ganito ang gagawin ni Lily para makuha lang sya. Pati si Winter at ang pamilya nila ay idinamay nito, hindi pa naka-tulong na pagkatapos i-send ni Winter ang mga pictures sa kanya ay hindi na nya ito matawagan, naka-off ang cellphone ng asawa nya, at nang contact-in nya si Ning ay ayaw daw makipag-usap ni Winter sa kanya.

 

 

 

Para lang syang bumalik sa panahon na nagalit si Winter sa kanya noon. Ang i-kinakatakot nya ay baka hindi na sya nito bigyan ng pagka-kataon pa na makapag-paliwanag, dahil alam nya ang inis ni Winter kay Lily.

 

 

 

Ayaw nyang masira ang pamilya nila, kaya sinisisi nya ang sarili kung bakit nagpa-dala pa sya dito. 

 

 

 

"Jimi-" 

 

 

 

"Out! Both of you! or I will call for security." 

 

 

 

"Jimin I'm sorry.." ulit ni Mr. Morrow, pinigilan nya ito ng aktong lalapit sana ito sa kanya. 

 

 

 

"I'm filing a restraining order and a case for what you did to me, I don't want to see, BOTH of your faces here in my company ever again." matigas nyang banta sa mag ama. 

 

 

 

Huminga sya ng malalim bago nya tingnan ang mga ito na halatang nagulat sa binitawan nyang salita. 

 

 

 

"But see you in court, now out!" 

 

 

 

Kasabay ng malakas na dagundong ng boses ni Karina ay ang pagpasok ng ilang pulis at bodyguards nya sa opisina. Na-ireport na nya ang nangyari sa pulis kasama ng mga ibi-densya. Mabuti na lang at may mga cctv sa ballroom, hallways at mismong bar ng hotel kung saan ginanap ang party kagabi.

 

 

 

May isang witness din na lumutang para ituro si Lily na syang naglagay ng drugs sa inumin nya. Na-traced din nila ang taong kumuha ng litrato, ito ay ang secretary ni Mr Morrow, umamin ito na pinagbantaan syang tatanggalin sa trabaho kung hindi gagawin ang inutos ng boss nito. 

 

 

 

Pasalamat na lang sya na nagawa pa nyang maka-uwi kagabi ng maramdaman nyang may ginagawa ng hindi maganda si Lily sa kanya sa loob ng bar. Nasa katinuan at may lakas pa sya para itulak ito palayo at tsaka sya nanakbo palabas ng bar papunta sa mga bodyguards nyang naghihintay sa labas nito. 

 

 

 

Napa-hilot sya ng sentido ng ma-ilabas na ng mga pulis at bodyguards ang mag ama. 

 

 

 

Uuwi sya para ayusin ang pamilya nya, uuwi sya para makapag-paliwanag at masabi kay Winter kung ano ang totoong nangyari. 

 

 

 

Hinihiling nya lang na sana sa pagkakataong ito, ay pakinggan sya ng asawa nya. Dahil hindi nya kakayanin na masira ang pamilya nila, hindi nya kakayanin na mawala ang mag ina nya sa kanya. 

 

 

_____

 

Karina's Pov

 

 

 

Nasa byahe na ako papunta ng airport, pauwi ng Pilipinas. Hindi ko na hinintay na matapos ang project namin sa company dahil mas mahalaga sa akin ang pamilya ko. Mawala na ang lahat sa akin wag lang ang mag ina ko. 

 

 

 

Kaya eto, hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinu-subukan tawagan si Winter kahit alam ko na naka-off ang cellphone nya. Nagbabaka-sakali na muli nya itong bubuksan at sagutin para kausapin ako. 

 

 

 

Maya-maya lang ay napa-upo ako ng tuwid ng muling mag-ring ang cellphone nya sa kabilang linya. Pagkatapos ng 24 oras na paghihintay, para akong hindi maka-hinga sa kaba. Natatakot ako sa magiging desisyon nya sa mga nangyari. 

 

 

 

Hindi ko alam kung gal-

 

 

 

"M-mahal..." 

 

 

 

Hindi agad ako naka-sagot, para akong sinuntok sa dibdib ng marinig ko ang boses ni Winter sa kabilang linya ng sagutin nya ang tawag ko. Alam ko na umiiyak sya, alam ko na nasaktan ko ang asawa ko ng dahil sa nangyari. 

 

 

 

"I'm sorry...m-mahal uuwi na ako."  pinunasan ko ang luha na tuloy-tuloy na dumadaloy sa pisngi ko, at pinigilan ang pag iyak ko. 

 

 

 

"K-karina...pwede bang-"       

 

Napahinto sya sa pagsasalita ng marinig ko ang pigil na hikbi nya. 

         

Ang sakit na ako ang dahilan ng pag iyak ni Winter, na ako na naman ang dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon. 

 

 

 

Ang sama sama ko na asawa, ilang pasakit na ang naibibigay ko sa kanya. 

 

 

 

Hindi ko maiwasan na mag isip ng kung ano-ano, hindi ko alam kung deserve ko pa ba ang asawa ko pagkatapos ng lahat ng nangyari. 

 

 

 

"P-please, wag ka muna u-umuwi dito sa bahay.."         

 

Patuloy nya.

 

 

   

Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa katawan, dahil sa totoo lang, naiisip ko na ang mga pwedeng mangyari pag uwi ko. At isa na ito sa mga iyon, pero iba pala talaga kapag totoo na...

 

 

 

"I'm s-sorry.." ang tanging nasabi ko na lang, wala na akong pakialam kahit nakikita na ako ng driver ko na umiiyak dito sa loob ng sasakyan. 

 

 

 

Ganito ba yung pakiramdam ng sinasabi nila na pinagsakluban ng langit at lupa? 

 

 

 

Parang nawalan ako ng lakas sa sakit.

 

 

 

"M-mahal...patawarin mo ako, a-ayoko kasi na may masabi na hindi maganda, a-ayokong masaktan ka, magulo pa ang isip ko ngayon at ayoko na sayo ko iyon mabunton."          

Tumango ako kahit hindi naman ako nakikita ni Winter, naiintindihan ko naman sya. Pero may malaking part pa din sa puso ko na sini-sisi ko pa din ang sarili ko dahil hindi ako umiwas kay Lily, katulad ng pangako ko kay Winter. 

 

 

 

Kasalanan ko pa din. 

         

"Mahal..." 

 

 

 

"H-hindi ako galit sayo, gusto kong m-malaman mo na sa kabila ng mga nangyari, sayo ako naniniwala mahal, may tiwala ako sayo kahit anong mangyari dahil kilala kita, alam ko na hindi mo magagawa na masira ang pamilya natin."       

 

"I'm really s-sorry, sorry m-mahal, h-hindi ko gusto na magkaganito, h-hindi talaga..I'm sorry...hindi ko natupad yung promise ko s-sayo." 

 

 

 

"Shhh mahal, tahan na, h-hindi kita sinisisi, wala kang kasalanan, mag uusap tayo kapag ayos na ang lahat okay? Makikinig ako sayo.."          

"Thank you..." ang dami kong gustong sabihin. Pero hindi ko alam ang uunahin ko kaya isang mahabang katahimikan lamang ang namagitan sa amin. 

 

     

 Naririnig ko ang tahimik na iyak ni Winter dahilan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂