Chapter T-6

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

Nagtataka ako habang tinitingnan si Karina na nakaupo sa service na inupahan namin, hindi na ito sidecar kaya si Karina na ang driver, maliit na elf van ito. Motor lang naman kasi ang kayang imaneho ni Ryujin. Hindi kasi kasya yung cart sa sidecar kaya eto na ang inupahan namin.

 

Tatanungin ko sana sya kanina kung sa tingin nya ba ay ok na ang itsura nung pagkakagawa ng cart. Paglingon ko ay wala na sya. Nasa loob na sya ng sasakyan sa driver' seat at seryosong nakaupo lang. 

 

Anyare dun?

 

Yung ganda pa naman ni karina , tipong kapag seryoso sya at hindi mo kilala ang ugali nya, hindi mo talaga lalapitan, sabi nga ni Ningning noon eh RBF daw yun. 

 

Resting B***ch face

 

Ewan ko kay ningning kung ano ano nalang natututunan, tambay kasi sa facebook yan pareho sila ni Ryujin.

 

 

Matagal ko na syang hindi nakikitang ganyan, huling kita ko e nung pinagtripan ako nung mga napadaan na dayo dito sa amin. Lagi sila dito kapag bakasyon dahil may kamag anak din na dayo lang din. Pero simula noong insidente na yun at nakita ni karina, hindi ko na uli sila nakitang nag bakasyon dito sa San Isidro, kahit yung mga kamag anak nila na dito nakatira ay lumipat na rin sa kabilang bayan ng San Luiz.

 

Ayoko man isipin na may kinalaman si Karina sa nangyari sa mga bakasyunista, pero alam ko na sya lang naman ang may kakayahan na gawin yun, makapangyarihan ang pamilya nila , oo at mabait si karina, hindi nanghahamak ng tao yan, hindi nya ginagamit ang estado nila sa buhay para manlamang ng kapwa, pero kapag alam nyang may mali, kabahan ka na talaga kapag sumeryoso yan at pinatawag na si Mr Uchinaga, yung abogado ng pamilya nila, may kakalagyan ka talaga.

 

 

"Winter may gagawin ka ba pagkatapos dito? Gusto mo, ako na maghatid nito sa inyo? tapos labas tayo, kakasahod ko lang libre kita kahit saan mo gusto " lihim ako na napa-irap. 

 

Sumulpot na naman si raymart sa tabi ko. Hindi ko na nga pinapansin bwiset.

 

Ang lakas ng pagkakasabi nya, halos marinig na ng mga kasama nya sa welding shop. Yung ibang kasama nya nag apiran pa! animo proud sa sinabi nya at may narinig pa ako na sumipol, yung iba naman ay napa-iling at nagbusy busyhan na lang.

 

Yawang to! lakas ng hangin talaga! nahiya ang habagat

 

Kanina pa ako kinukulit nito ni Raymart, parang shunga! Ang yabang yabang akala nya ata sya dahilan bakit ako nagpagawa dito, pangit nya! Ilang beses ko na syang binasted dahil ewww masama manlait pero ang pangit na nga nya ,pati ugali nya pangit! Apaka yabang ! 

 

Hindi ko lang mabara dahil nahihiya ako sa may ari ,kaibigan kasi ito ni lolo. Ayokong gumawa ng eskandalo kung pwede naman hindi ko na pansinin. 

 

Pero matigas talaga ang mukha

 

"Ano? pwede ba?" nagulat ako ng bigla nya ako akbayan at bumulong pa sa akin. Halos dumikit na ang bibig nya sa mukha ko! 

 

Tanginang to! Sumahod na pala hindi muna toothpaste at tawas ang binili ! Hayop na amoy yan! Amoy Imburnal!  potek!

 

Hindi na ako nakapagpigil, itutulak ko na sana sya nung kinabig nya ako palapit pa lalo sa kanya, Nang bigla syang napahiyaw ng umangat ang kamay nya na naka-akbay sa akin.

 

Pagka-lingon ko nakita ko na lang na hawak na ni karina ang braso nya at nakapilipit na ito, nanlaki ang mata ko sa gulat, tumingin si karina sa akin.

 

First time ko ata matakot kay karina ng dahil lang sa tingin nya, blangko at ang lamig ng tingin nya sa akin bago lumipat ang tingin kay raymart.

 

Napatulala ako

 

"AA-AAHHH" parang natauhan ako sa sigaw ni Raymart. Hindi parin pala sya binibitawan ni karina, pilipit na lalo ang kamay nya. Ang isang kamay nya ay nakahawak sa kamay ni karina para pigilin ito pero wala syang magawa. 

 

Yung mga kasama nya sa shop na tuwang tuwa kanina ay walang naglakas loob na tumulong. Mukhang alam nila na may kakalagyan din sila. May nakita pa ako na dalawang tao na tumakbo paloob ng shop, mukhang magsusumbong sa may ari. Lagot na!

 

Potek ka! Taekwondo player nga pala si Karina! Varsity player ito sa Maynila nung college sya at lumaban sa national team.

 

"SI-SiNO KA BA?! BITAWAN MO AKO! AAAAHHH!!!!" nakita ko na mas lalong hinigpitan ni karina ang hawak sa kanya.

 

Taranta ko na hinawakan sa braso si Karina para pigilian sya. Baka mabalian na ng buto si raymart makasuhan pa sya.

 

"KARINA! TAMA NA!" hinila hila ko ang manggas ng tshirt nya pero hindi sya nabitaw hindi rin sya natingin sa akin.

 

Anong bang gagawin ko?! Nasaan ba si Ryujin?! Karina tama na pleaseee

 

"Karina! Please tama na! ok lang ako, hindi ako nasaktan promise." kinalma ko ang sarili ko , pumunta ako sa likod nya at humawak na ako sa bewang nya, niyakap ko na sya, ibinaon ko ang mukha ko sa likod nya.

 

"Tama na please karina" ulit ko. 

 

Naramdaman ko na parang nahimasmasan sya ng konti. Hinagod hagod ko ang tagiliran nya baka sakaling kumalma sya. 

 

"Hindi ka ba tinuruan na hindi mo pwedeng hawakan ang babae ng wala kang nakukuhang permiso galing sa kanila?" Malamig ang boses ni karina.

 

Kinakabahan na ako

 

"At lalong lalo na kung may asawa na!" biglang tumilapon paupo si Raymart, napasubsob ako sa likod ni karina ng itulak nya ito palayo. 

 

Nakita ko si Raymart na hawak hawak ang kamay na pinilipit ni Karina, habang nakaupo ito. 

 

"SINO KA BA!? GAG-AAAHHH" hindi na natuloy ni raymart ang sasahihin ng biglang may humigit sa likod na kwelyo ng tshirt nya, napatayo sya sa lakas ng pagkakahigit sa kanya.

 

Si Mang Edwin, yung may ari ng Welding shop.

 

Jusko nakakahiya!

 

"Ms Yu, pasensya na po! kakabalik lang kasi nito galing cebu kaya wala pang alam, pasensya na po sa abala, ako na po ang bahalang magparusa sa kanya." kitang kita ko yung takot sa mata ni Mang Edwin, halos yumuko na ito habang hawak hawak parin sa kwelyo si Raymart na nanlalaki ang mata sa takot na nakatingin kay karina. 

 

"Si Winter ang asawa ni Ms Yu! gago ka! " narinig ko pa na gigil na gigil na bulong ni Mang Edwin kay Raymart. Nanlaki ang mata nito lalo at namutla.

 

Ngayon kilala na nya, gusto nyang makilala diba? 

 

"W-winter iha pasensya na , pasensya na talaga" paulit ulit na pasensya ni mang edwin.

 

Umalis ako sa likod ni Karina pero nakakapit parin ako sa bewang nya.

 

Humarap ako kay Mang Edwin "Ok na po Mang Edwin wala po kayong kasalanan, pasensya na rin po." hinging tawad ko din.

 

Hindi ko alam bakit ako nag sorry, hindi ko lang siguro gusto na si Mang Edwin ang nag sosorry, hindi naman sya ang may kasalanan.

 

Nakita ko ang mabilis na lingon sa akin ni Karina, nakakunot ang noo nya na nakatingin sa akin, pinisil ko ang tagiliran nya at hinagod hagod ito. Tumango lang ako ng bahagya sa kanya.

 

"Ok na, Ok na ako" bulong ko at nilapit ko ang katawan ko sa kanya at sandaling sinandal. Narinig ko ang pag-buntong hiniga nya.

 

Nakahinga ako ng maluwag

 

Ok na

 

"Pa-patawarin mo ako winter. Hindi ko alam, hindi na mauulit pangako" yumuko si raymart ng tumingin si Karina sa kanya "Ms Yu , Sorry po, hindi na po mauulit , hindi na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
133 streak #3
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #4
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #5
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #7
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #8
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #9
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#10
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.