Chapter T-11

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

"Baby ko, mag bless ka sa Ninang" 

 

Mungtanga na naman itong si Ningning, laging dala yung anak daw nila ni Giselle na berdeng sisiw, halos isang linggo na nya yang kasa-kasama kapag natambay dito sa bahay. Minsan naman ay naiiwan dito kay Giselle kapag busy sa trabaho si Ningning.

 

Joint custody nga daw sila.

 

Napasama ata sakay namin sa mga rides, lalong nag-buhol buhol utak nitong kaibigan ko, pati etong jowa jowaan nya na nahawa na sa mga trip nya sa buhay.

 

"Ano ba yan ning, hindi ba yan nahihilo sa kakagala mo? Bakit hindi mo na lang iwan dito yan, tamang tama may patuka dito para sa manok" 

 

Ngumuso sya " Beshie, hindi mo pa kasi alam ang pakiramdam ng isang nanay, namimiss ko anak namin kapag wala sya sa piling ko" madramang sabi pa nito at malungkot na tiningnan ang berdeng sisiw sa kulungan.

 

Wala na to mga teh,

 

Hindi na kaya ng albularyo to

 

"Baliw! Itabi mo na nga yan dun, tulungan mo nalang ako mag ihaw dito madaming orders sa court may pa-liga si kapitan" utos ko, buo buo na kasi yung pawis ko, dahil kanina pa ako nagpapaypay dito. 

 

Mag isa lang kasi ako sa ihawan dahil umalis sila Karina, Ryujin at Giselle kaninang 6:30 ng hapon para kunin yung mga rekado at malagkit na bigas sa bayan. Gagamitin para sa fiesta, maghahanda kasi kami kahit papaano dahil tradisyon na din ito sa amin. Pupunta din kasi ang Lolo ni Karina kaya nakakahiya kung hindi kami maghanda, wala naman daw yun problema kung walang handa, simple lang na salo salo ok na daw sabi ng asawa ko, pero syempre, nakakahiya din, kasi ang laki ng naitulong sa amin ni Mr. Yu. Sa ganitong pamamaraan man lang e makabawi kami sa kanya.

 

Eto naman si Karina at Giselle nagpupumilit na sila na ang sagot sa handa pero hindi pumayag si Lolo, kahit sa bahay ayaw nya pagastusin si Karina. Sapat na daw yung araw araw na tulong ni Karina sa kanya at sa akin. Ngayon eto pang si Giselle, nahihiya daw sya kasi nakikituloy sya. Ayaw talaga pumayag ni lolo, pero sa huli naman pumayag sya na kahit kuryente na lang ang bayaran ni Karina, dahil naawa na sya dun sa dalawa baka daw hindi na malunok ang pag kain sa hiya.

 

At eto na nga, Alas otso na ng gabi wala pa yung tatlo! Nakakaloka! Ang dami pa naman tao sa court hindi na ako magkandaugaga dito. 

 

"Chill ka lang beshie, ako na dito, relax lang marsh" kinuha nya sa akin yung pamaypay at nag umpisa mag paypay ng mga ihawin. 

 

"Napaka tagal naman nung tatlo! Saan ba mga nag-suot ang mga yun?!"  muryot ko habang ibinabalot at ibinibigay yung mga tuhog tuhog sa mga bumibili.

 

Mukhang maaga na naman kami makakaubos. Ayos talaga kapag may liga, triple ang customers. 

 

"Baka napatagal sa kiskisan ng palay, alam mo naman doon, pila ang magpapakiskis dahil malapit na ang fiesta" alo ni ning sakin. Naupo ako sa tabi nya pagkatapos ko mag sukli.

 

May kasalanan kasi si Karina, hanggang ngayon hindi ko parin sya pinapansin. Naiirita talaga ako, tatlong araw na syang puro dutdot sa cellphone nya! Tinuruan ni Ryujin mag-ML dahil wala daw sya kakampi.

 

Ayan! Napupuyat kakalaro, baka hindi nya alam, ramdam ko kapag nababa sya sa gilid ng higaan namin at dun bubulong bulong dahil may kinakalaban sila ni Ryujin. Nakakagigil! 

 

"Hmp!" 

 

"Ano ba yan besh! kinulang ka ba sa lambing ng asawa mo at tinotoyo ka na naman"  nakapamewang na puna nya sa akin at nagpaypay ulit.

 

"Heh! Wala akong toyo!" inirapan ko sya.

 

"Ok besh" tiningnan ko sya ng masama pero busy parin sya magpaypay.

 

"...."

 

"Wala nga sabi akong toyo!" naiinis ako, Napuno na talaga ako sa kanilang dalawa kaninang umaga, paano ba naman, tinatawag ko hindi nasagot, yun pala magkasama sila naglalaro ng lintek na mobile games na yan dun sa malapit sa kural.  May mga pasak pa ang tenga ng earphones! 

 

Nang gigigil ako sa ML na yan ha! 

 

Tatlong araw ng bingi asawa at pinsan ko!

 

"Ok nga sabi!" humarap sya sa akin at hahablutin sana ako sa buhok ng marinig namin yung paparating na tricycle. Bumaba na yung tatlo, dala ni Giselle yung mga supot ng rekado, nag tulong naman si Karina at Ryujin sa sako ng bigas. 

 

"Hi Mahal, Hi Ning!" nakangiting bati ni Karina ng ibaba nila ni Ryujin ang sako sa tabi ng cart. Hindi ko sya pinansin. Nakasunod naman si Giselle na ngiting ngiti sa bff ko.

 

Grabe, anong orasyon kaya ang ginawa ni ning dito sa haponesa na to? ang lakas ng tama eh.

 

"Nako Karina ,buti nandito ka na, kanina pa tinotopak yang asawa mo, pakilambing nga at baka masabunutan ko pilik mata nyan" 

 

Aba!

 

Hmp! Walang lambing na mangyayari naiinis ako! Matulog sya sa tabi ni Ryujin mamayang gabi, mamuti mata nila kaka-attack bwiset!

 

Hindi ko sya pinansin at nagbusy busyhan ako sa tuhog tuhog ko.

 

Akala mo dyan ah, bingi bingihan ka ng tatlong araw, sige, kausapin mo hangin. 

 

"Mahal sorry, bumili pa kasi kami ng dinner natin e"  hindi ko sya tiningnan o pinansin.

 

"Uy! Ryujin patikim naman ng ano mo-"

 

" Eww hindi tayo talo ning, baka i-samurai ako ng ka-MU mo-" hindi na natapos ni Ryujin ang sasabihin ng ipukpok ni ning yung tong sa kanya.

 

"Apaka bastos mo talagang bwiset ka! Patikim kasi ng mais mo yun! Nako Ryujin nagdidilim na naman paningin ko sayo" inambahan pa nya ng hampas si Ryujin na pinangsangga ang mais na kinakain nya.

 

"Sorry na, linawin mo kasi!"

 

"Siraulo ka talaga!" 

 

Nag angat ako ng tingin ng makita ko na nakatingin parin si Karina sa akin.

 

Pumikit ka Winter, hindi ka marupok, hindi ka maawa sa mukha nyang mukhang inaping tuta.

 

Pikit ka bhe.

 

Tumalikod ako at narinig ko na bumuntong hininga sya.

 

"Tara na Ryujin, pasok na natin sa loob mga pinamili natin. Ning, we will bring the foods na lang dito ha, pakitulungan muna si Winter please." 

 

"Ok beshie in law, ako na bahala sa asawa mo" 

 

"Thank you" nagtulong na sila ni Ryujin ulit at ipinasok na ang mga pinamili. Sumunod naman si Giselle na nag flying kiss pa sa mag ina kuno nya.

 

Ang lande.

 

Sana all

 

Miss ko na asawa ko! Pero dapat lang yan. para matuto sya. 

 

"LQ kayo beshie?" sinundot ni gaga ang tagiliran ko. Tumango ako. Tapos kinuwento ko kay Ning yung dahilan.

 

"Tsk tsk, maraming daw nag bbreak dahil sa larong yan beshie, kaya tama, kung naadik na sa laro kailangan na talaga pag sabihan habang maaga pa." 

 

"Bahala sya dyan naiinis ako sa kanya, bingi bingihan pala ah. Pagbibigyan ko sya" 

 

"Kakayanin mo?" nanunuksong tanong ni Ning

 

"Oo naman! pagbuhulin ko pa sila ni Ryujin eh" 

 

"Ok besh, kayanin mo"

 

_______

 

Hindi ko pa rin sya pinapansin, kumain kami, nag ayos ng mga gamit ng mag-sara kami ihawan, hindi ko sya pinapansin kahit katulong ko sya mag hugas ng mga gamit, puro buntong hininga nya lang naririnig ko.

 

Nag tagal din ako sa sala bago ako pumasok sa kwarto, nauna sya sa akin maligo dahil nagpatulong pa sa akin si nanay magsukat ng tela para sa kurtina na tatahiin ni lola.

 

Pag pasok ko sa kwarto nakadapa sya sa kama,pinakiramdaman ko muna, mukhang tulog na dahil malalim na ang hinga nya. Himala! tulog na at hindi hawak ang cellphone nya. Inilibot ko ang paningin ko, wala yung cellphone nya. 

 

Saan nya naman kaya tinago?

 

Tingnan mo matutulog yan ngayon, tapos mamaya gigising para mag laro, isa pa talaga Karina Jimin Yu, makakatikim ka na matulog sa sala. 

 

Dahan dahan ako tumabi sa kanya, at nilingon sya, sa totoo lang awang awa na ako kanina sa kan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
crimson_snow 0 points #1
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #2
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
184 streak 0 points #3
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi 0 points #4
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon 0 points #5
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
0 points #6
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
522 streak 0 points #7
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha
dandileon 0 points #8
Chapter 82: Leron-leron sinta SNSD version pala tong si Khione
shajanie
0 points #9
Chapter 82: Khio always makes our day!!!😁
sepvenanje 0 points #10
Chapter 82: ang cute cute ng mochi namin, future songerist pala e habahshshshs