Chapter T-74

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

 

Tok tok tok     

 

"Nay? Mimi?" 

 

 

"Karina! Mag-bihis ka dali! Si Khio nasa labas!" 

 

 

Nataranta kami mag-asawa ng marinig namin ang boses ni Khio na nasa labas ng kwarto namin at kumakatok na, gising na pala ang mochi.

 

 

Sinasanay na kasi namin si Khio na sa kwarto nya na sya matulog kahit tanghali, dahil sa gabi ay hindi talaga sya maiwan. Takot ang bochog namin mag-isa sa dilim kahit pa nga bukas ang ilaw, basta alam nya na gabi na, ay ayaw nya talaga na nag-iisa sya kwarto.

 

 

"Wait mochi!" lalong nataranta si Karina dahil nag-kalat yung mga damit nya sa paligid ng kama at sahig. 

 

 

Ako naman ay nag-tapis lang ng tuwalya dahil kaka-ligo ko lang naman talaga ng harutin ako ni Karina. 

 

 

Grabe, ang sarap pala talaga bumukod, tamang harutan lang kami mag-asawa lalo na kapag tulog ang mochi namin. 

 

 

Char!

 

 

Pero ayon na nga, mabilis kami nag-ayos mag-asawa, pagkatapos ay binuksan na agad ni Karina ang pintuan ng kwarto namin at pinapasok si Khio na pupungas-pungas pa at nagku-kusot ng mga mata nya. 

 

 

"Hi baby, sandali lang anak ha? Mag-half bath lang si nanay." paalam ko sandali kay Khio na kinarga na muna ni Karina. 

 

 

"Otey po nay.." sagot naman ni mochi na nag-hihikab pa, sabay yakap sa mommy nya.

 

 

Agad ako pumasok sa banyo namin dito sa kwarto para mag-half bath, dahil alam ko na dedede si Khio sa akin, kaya naglinis na muna ako ng katawan. Saglit lang naman ako sa loob dahil naka-ligo na ako kanina. Kaya lumabas din ako agad, suot ang duster na susuotin ko dapat kanina pero hindi na natuloy dahil nga sa asawa ko.

 

 

"Mahal maligo ka na, ako na dyan kay mochi." tawag ko kay Karina na naka-upo sa kama namin, at pinapanuod si Khio habang nagla-laro ito ng dinosaur toys nya sa sahig. 

 

 

Naka-ngiting lumapit naman ang asawa ko sa akin at kumindat pa nga. 

 

 

"Mas masarap talaga kumaldag kesa mag-siesta, thank you nay, I love you." bulong nya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Napa-igtad pa nga ako ng bigla nya akong tapikin sa puwetan.

 

 

Juskoday, apaka-harot talaga nito ni Karina, di bale ng puyat sya, basta may kaldag, ayos na sya. Nakakakola        

"Ang harot mo!" tumawa lang ang loko ng hampasin ko sya sa balikat, pagkatapos ay dumaretso na sya sa banyo para maligo. 

 

 

Napa-iling na lang ako.

 

 

Ginusto ko din naman ito kaya nga kami bumukod.

 

 

"Nay..I'm hungwy.." 

 

 

Napangiti ako bago na-upo sa sahig sa tabi ni Khio, niyakap ko ang mochi namin na umu-ungot na dahil gutom na daw sya. 

 

 

"Aww kawawa naman ang baby namin, anong gustong kainin ng mochi ko na yan?" lambing ko kay Khio, habang inaamoy-amoy ko ang likod ng ulo nya. 

 

 

Ang bango, baby na baby pa talaga ang mochi namin. 

 

 

Pero napangiti na lang ulit ako ng mapansin ko na marahan nyang hinigit ang harapan ng duster ko sa may bandang dibdib, bago sya tumingin sa akin at ngumiti. 

 

 

"Didi po ato naynay pliss~" 

 

 

Hindi na ako nakapa-pigil at kinalong ko na ang bochog namin para pupugin sya ng halik sa pisngi at leeg nya.

 

 

Ang lusog lusog, ang lambot lambot at ang bango bango ng baby namin na to. Ang sarap kagatin kung hindi lang talaga mamumula ang yayamanin nyang kutis na mana sa mommy nya. 

 

 

"Nay didi plis~" ungot nya ulit pagkatapos ko syang pangigilan. 

 

 

Kaya ibinaba ko na agad ang manggas ng duster ko at tuwang-tuwa naman na nagsimula na agad na dumede si Khio. Naka-kalong sya sa akin habang marahan ko na inihe-hele ng abutan kami ni Karina, na kakatapos lang maligo. 

 

 

"Why are you two sitting on the floor?" tanong ni Karina na nangingiti sa itsura namin mag-ina nya sa sahig. 

 

 

"Hindi na ako makatayo mahal, ang bigat ng bochog natin." sagot ko.

 

 

Totoo naman na hindi ako makaka-tayo na buhat ang mochi namin.

 

 

Sobrang bigat na kasi ni Khio, maliban kasi sa gatas ay malakas na talaga sya kumain ng kanin, lalo na ng tinapay. Kaya kapag gusto nya dumede sa akin ay kailangan naka-upo ako, isang beses kasi na wala sya sa mood ay kinarga ko sya at ini-hele para tumahan.

 

 

Ayon, at sa hilot ang bagsak ko, naipitan lang naman ako ng ugat sa balakang.

 

 

Simula noon ay ayaw na ni Karina na lagi ko buhat si Khio, kinukuha na agad nya si mochi sa akin at sya na ang ka-karga dito. 

 

 

"Mimi hew?" tawag ni Khio sa mommy nya sabay turo sa tabi ko sa sahig para pa-upuin si Karina doon, agad naman na na-upo ang mommy nya sa tabi ko at yumakap sa amin mag-nanay.

 

 

"Big na ikaw mochi, dapat hindi ka na na-dede kay nanay." nangingiting biro ni Karina kay Khio na agad naman bumitaw sa pag-dede sa akin.

 

 

Umupo sya ng ayos at malungkot na tumingin sa amin ng mommy nya, pagkatapos ay sa dibdib ko.

 

 

"B-but, yiit pa po ato mimi.. and I'm hungwy.." 

 

 

Marahan ko siniko si Karina na naka-yakap sa akin ng marinig ko ang pigil nyang tawa. Habang si Khio naman ay lungkot na lungkot talaga na naka-tingin pa din sa dibdib ko. Naawa ako, napaka-sutil naman kasi nitong mommy nya. 

 

 

Simula kasi ng mag-tatlong taon si Khio ay lagi na syang bini-biro ni Karina at mga tita nya. Dahil nga na-dede pa daw, para sa akin naman ay mas okay na din ang ganito. Sabi ko nga, pa-patigilin ko na lang sya kapag na-buntis na ulit ako. Tsaka kasi na-aawa talaga ako kay mochi, hindi ko sya matiis kapag nagma-makaawa na sa akin para sa didi nya. 

 

 

"Oo nga naman mommy, maliit pa ang baby mochi natin, sige lang anak, bini-biro ka lang ni mommy mo, dede ka lang kay nanay." muli kong niyakap si Khio at pina-dede sa akin. 

 

 

Hinaplos ko ang likod nya at naka-hinga naman ako ng maluwag ng muli syang mag-simulang dumede. 

 

 

"Ang sutil mo talaga mommy, papa-iyakin mo na naman eh." saway ko kay Karina na panay na ang halik sa braso ng mochi namin. 

 

 

"I'm just kidding nanay, baby pa yan si mochi eh, diba baby? I love you my eggnog~" 

 

 

"Yabyu mimi, chute chute po itaw." nakangiting sabi ni mochi sabay pisil pa sa pisngi ng mommy nya. Napailing na lang ako sa mag-kamukhang ito. 

 

 

"See nanay? Cute daw ako, kaya bati kami nyan ni mochi eh." 

 

 

"Hay nako, magtataka pa ba ako? 

 

 

______

 

 

 

"What did you eat last night ba mahal maliban sa ulam natin? Here, drink some water muna." 

 

 

Nag-aalalang hinagod ni Karina ang likod ni Winter na galing sa pagsu-suka sa banyo. Inabutan na din nya ito ng maligamgam na tubig para pa-inumin, at guminhawa ang pakiramdam nito. 

 

 

Nag-alala sya dahil tila nanla-lambot si Winter at namumutla pa nga, kaya naman agad nyang ipinatong ang baso na ininuman nito sa lababo at binuhat na nya ito pabalik ng higaan nila. Pagkatapos ay marahan nya itong ini-higa sa kama katabi ni Khio na mahimbing pa na natutulog. 

 

 

Ala-sais pa lang kasi ng umaga, at nagising na lang si Karina ng may marinig sya na nag-duduwal sa banyo, pagka-kita nga nya ay naka-upo na sa sahig ng banyo si Winter at nasu-suka sa inodoro.

 

 

"May nakain ka ba na sira?" kunot ang noong tanong ulit ni Karina kay Winter na naka-pikit at tila hinang-hina na naka-higa sa kama. Naka-takip din ang mga kamay nito sa mukha, na tila ba nasisilaw kahit pa nga may kurtina at sarado pa ang bintana nila sa loob ng kwarto. 

 

 

"W-wala naman...nahi-hilo ako mahal.." daing ni Winter na tumagilid pa nga sa pagkaka-higa at namaluktot sa tabi ni Khio. 

 

 

"I will bring you to the hospital na, baka low blood ka mahal, ilang days ka na nahihilo eh." 

 

 

Hindi maiwasan ni Karina ang mag-isip sa kalagayan ni Winter, lalo pa't ilang araw na itong biglang nahi-hilo. Ngayon nga ay nagsu-suka pa, ini-isip tuloy nya ay baka low blood ito o mataas ang grado sa mata. Ayaw naman magpa-dala nito sa ospital, dahil baka sign lang daw iyon na magkakaroon ito ng buwanang dalaw.

 

 

Imposible naman na buntis si Winter, dahil palaging nagp-pt ang asawa nya, kung buntis man ito ay magsa-sabi agad ito sa kanya. 

 

 

"Ayoko, baka kulang lang ako sa tulog." tanggi ni Winter. 

 

 

Napahinga na lang ng malalim si Karina.

 

 

"But it has happened many times.." 

 

 

Hindi na sumagot si Winter, at nang tanggalin ni Karina ang pagkaka-harang ng mga kamay nito sa mukha ay naka-tulog na pala ulit ito. 

 

 

Wala na syang nagawa kung hindi ang hintayin na lang na magising ulit si Winter, hindi na din sya natulog para bantayan ito. 

 

 

_____

 

 

"Nakaka-stress ka na besh, saan naman tayo ha-hanap ng kulay puting biko? Inaway mo pa yung asawa mo, ayon at nakarating na sa kabilang bayan para lang sa puting biko na yan." 

 

 

Napa-hilamos na lang ng kamay nya sa mukha si Ningning habang tini-tingnan ang bestfriend nya na naka-busangot ang mukha habang nagma-maktol sa kwarto ng mga ito. 

 

 

"Eh gusto ko nga non eh, pwede naman yon diba? Basta puting asukal ang gamit." pagma-maktol pa din nito. 

 

 

Lalo lang nainis si Winter dahil naalala na naman nya yung dala ni Karina galing palengke kanina, wala daw biko kaya maja blanca na lang ang binili ng magaling nyang asawa, atleast daw puti din yung maja. 

 

 

Sa sobrang inis nya ay umiyak talaga sya, at dahil doon ay na-guilty si Karina kaya agad itong nag-ikot sa mga palengke sa ibang bayan para hanapan sya ng puting biko. 

 

 

"Ayon naman pala, edi sana nagluto na lang tayo, hindi yung pina-dayo mo pa si Karina sa kabilang bayan para bumili ng kakanin, eh kahit makarating sa Babuyan Island ang asawa mo walang makikitang puting biko yon." sermon ni Ning sa bestfriend nyang nangha-haba na ang nguso. 

 

 

Pero may topak talaga ngayon si Winter, kaya sa sobrang inis nito ay maluha-luha pa nga itong tumingin kay Ningning.

 

 

"Ah basta, g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
#1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
137 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
191 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂