Chapter T-27

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

"Oww." napahawak si Karina sa pisngi nya ng pisilin ko ito, gigil na gigil ako sa dimple nya. Hindi ko mapigilan na sundut sundutin lagi sa tuwing lumalabas ito. Kaya lang napadiin ata sundot ko ngayon.

 

"Mahal ang sakit naman eh. bakit ba dimple ko naman ang trip mo ngayon?" ipinulupot ko ang braso ko sa leeg nya, nakakandong kasi ako sa kanya habang naka upo sya sa office chair nya sa bahay, paulit ulit ko hinahalikan ang dimple nya sa pisngi. Lambot! Parang marshmallow itong asawa ko! 

 

"Ang cute cute mo eh, nanggigigil ako sayo." narinig ko na natawa sya at naramdaman ko na umakyat ang kamay nya na kanina pa pahimas himas sa loob ng hita ko, papunta sa tiyan ko. 

 

"Kagagawan mo ba to little mochi?" nakangiting tanong nya sa tiyan ko at hinaplos haplos ito. 

 

"Mommmy.." ungot ko.

 

Pag ako hindi pinagbigyan nito, magdadabog talaga ako. 

 

"Yes po Nanay?" nakangiting nyang tanong. 

 

"Pakagat." napahinto ang paghaplos nya sa tiyan ko at nanlaki ang mata na tiningnan ako. 

 

"Mahal, saan ba? Wag lang doon ha, masakit pag doon eh." 

 

Sira ulo.

 

Kinagat ko nga sa tenga. Bastos ng utak e.

 

"Aahhh Ouch! Mahaaal!" 

 

"Bastos mo!" piningot ko sya sa tenga na pulang pula na ngayon. Napaka kasi, kailangan ko talaga mag-ingat ingat dito kay Karina pagkapanganak ko, baka wala pang isang taon ang anak namin mabuntis na naman ako. Kaloka. 

 

Ngumuso sya at yumuko sa tiyan ko para hamplusin.

 

"Baby si nanay mo ang sadista oh, hindi natin sya bati." nakanguso syang humarap sa tiyan ko at tila nagsusumbong sa anak namin.

 

Nagkampi pa yung dalawang mochis.

 

"Pakagat na kasi!" maktol ko dahil nalilibang na naman sya makipagkwentuhan sa anak namin. Ganito ba mangyayari kapag lumabas na si baby? Nalimutan na ako...

 

"Sure Nanay Winter, saan po kayo kakagat?" humarap na sya sa akin at ngiting ngiti nyang ako pinupog ng halik sa mukha. Habang pumapasok na ang kamay nya sa loob ng duster dress ko. 

 

Tanghaling tapat Karina Yu, utang na loob. 

 

"Sa pisngi, pisngi ng mukha mo ha, please ang utak mo." pagliliwanag ko agad, dahil parang kumislap na naman ang mata nya, nilumot na naman ang utak. At baka bigla mag-hubo ito kapag hindi ko nilinaw. Ewan ba dito sa asawa ko, hindi naman nakain ng balot, penoy naman ang tinitira sa gabi kapag nagbabantay sila ni Ryujin sa ihawan.

 

"Wag masakit ha." paninigurado nya.

 

Tumango ako. 

 

Di mo sure.

 

"Go." agad ko syang hinawakan sa pisngi at sakto naman pagpikit nya ng madiin lumabas ang dimple nya. Kaya kinagat ko na ito.

 

Arrgghhh kagigil! 

 

"O-okay... aahh mahal w-wait..m-masakit na." hinawakan na nya ako sa kamay para pigilan, kaya humabol pa ako ng isang pang kagat tsaka ko pinunasan at hinalik halikan ang pisngi nya. 

 

Ay namula. Hehe

 

"Mahal naman sabi mo hindi masakit..." nanghahaba ang nguso nya kaya hinigit ko na naman ang mukha nya palapit sa akin at nguso naman nya ang pinuntirya ko. 

 

Sorry na agad mahal. Gustong gusto na kita lamutakin talaga.

 

"Oww...mahal baka nagiging cannibal ka na, sabihin mo lang, ang sakit tama na." maluha luha na ang mata nya at pulang pula na din ang pisngi, ilong at labi nya. Umisa pa kasi ako ng kagat sa ilong nya hehe. 

 

"Sorry Mommy, thank you sa pakagat." yumakap na ako sa kanya at sumiksik sa leeg nya.

 

Mmmm ang bango, ang puti...

 

Eto naman kaya.

 

"AAAAHHHH vampireeee!!!" wala syang nagawa ng sa leeg naman nya ako umatake.

 

Sorry na karina, napaglilihian ata kita. 

 

_____

Winter's Pov

 

"Oh dalawa na lang aalis na! paki-urong na lang po tayo dyan sa loob para makaupo ang sasakay." sigaw ni kuyang dispatcher sa labas ng jeep. Nag urungan naman ang mga tao maliban kay Karina na kunot na kunot ang noo at masama na ang tingin kay kuyang dispatcher. 

 

Lagot na, first time nga pala nyang sumakay sa jeep.

 

Pupunta kasi kami sa mall sa bayan, katulad ng pinangako ni Karina, magbobonding kaming mag anak. Hindi na spa. Gagala lang talaga, nuod ng sine tapos kakain lang sa labas. Tsaka magtitingin tingin na din kami ng mga gamit para kay baby, bibili na kami ng pa-unti unti. May listahan naman ako ng mga kailangan namin para walang makalimutan o madoble na mabili. 

 

Eto nga nag jeep lang kami, ang daming pakiusapan ang ginawa ko para lang pumayag ang asawa ko na mag-commute lang kami. Ayaw na ayaw ako nyan pinapabyahe ng hindi sasakyan nya ang gamit, kailangan din si Mang Berto o sya ang driver para sure daw na safe ako. Kaya ang dami ko ng lambing na ginawa para lang payagan ako. Ang kaso nalimutan ko na may mga ganitong eksena nga pala kapag nagcocommute lalo na't sabado maraming tao.

 

"What the f-" tinakpan ko na agad ang bibig nya bago pa nya mamura si Manong dispatcher. Namumula na ang tenga ni Karina, halatang nagtitimpi na sya, kanina pa kasi kami dito tapos ang takaw pa sa pasahero ni kuya. Nagrereklamo na din ang ibang pasahero dahil may pasok pa ang iba. 

 

"Mahal, urong na please para makaalis na tayo." pinisil pisil ko sya sa balikat para pakalmahin dahil parang nahawa na ata ang asawa ko sa init ng ulo ng ibang pasahero. 

 

"You can't even sit properly na nga kasi puno na ang jeep, tapos gusto pa nya magdagdag ng dalawa! Saan sila uupo? Sa sahig?!" gigil na gigil na bulong ni Karina at itinuro pa ang pagkakaupo ko. Totoo naman na isang urong na lang matutulad na ako sa iba na kalahating pwet na lang ang nakaupo, si Karina na ang nag adjust para sa akin para makaupo ako ng ayos. 

 

"Sshh mahal, sige na please para makaalis na tayo." rinig ko na nagrereklamo na din ang ibang pasahero. 

 

"Manong puno na! Lugi na ako sa binayad ko, kalahating puwet lang ang nakaupo" reklamo ni Kuya malapit sa pinto ng jeep.

 

"Tutoy maawa ka, may buntis dito hindi na makaayos ng upo, maiipit na!" napatingin ako sa matandang babae sa tapat ko na ngumiti sa akin,  ginantihan ko din sya ng ngiti bilang pasasalamat. Buti pa si Manang may concern, etong si Manong walang pakialam. 

 

Umiling si Karina at bumuntong hininga.

 

"Babayaran ko na yung dalawa, umalis na tayo manong, buntis ang asawa ko maiipit na dito." nag tinginan ang pasahero kay Karina ng bigla itong mag salita. 

 

Tila nakarinig ako ng maraming buntong hininga sa paligid ng magsalita ang asawa ko. Makakaalis na din kami sa wakas.

 

"Yown! sige Miss Ganda. Pre alis na! Babayaran na daw ni Miss Ganda yung dalawa!" sigaw ng dispatcher sa driver ng jeep na nakatambay sa canteen sa paradahan. 

 

"Mahal pahingi ako pambayad please." bulong ni Karina sa akin. 

 

"Akala ko ba ikaw mag bayad?" tukso ko. 

 

"I don't have money mahal, see?" jusko dinukot pa talaga nya ang bulsa ng jogger pants palabas para ipakita ang loob. Natawa ako. Wala naman talaga syang pera na hawak, dahil nasa akin na. Ako na may hawak ng kayamanan nya kaya mahirap na si Karina. 

 

Charet lang! Binigay na nya sa akin lahat ng karapatan, ako na ang nagbubudget lahat, buong kita nya ako na may hawak. Grabe, nalula lang ako noong una. Kasi pakiramdam ko yung pumapasok na pera sa kanya sa isang buwan, parang kaya ng bumuhay ng isang baranggay. Wala pa yun sa iba pa nyang negosyo. Kaloka. Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako. 

 

Nilabas ko na ang wallet ko at naglabas ulit ng isang buo na sikwenta pesos at ibinigay ko sa kanya para iabot kay kuyang dispatcher na ngiting ngiti sa asawa ko. 

 

Lecheng to, makatingin pa sa asawa ko wagas, hindi ata narinig na sinabi ni Karina na may asawa syang buntis. Bwiset!

 

Inirapan ko si manong dispatcher ng tumingin sya sa akin. Naiirita ako sa kanya.

 

Unti unti ng nag urungan ang mga tao sa jeep ng magsimula na itong umandar, nakaupo na din ako ng ayos, buti na lang pala binayaran na ni Karina, kasi nakaramdam ako ng pangangalay sa tagiliran ko ng makaupo na ako ng ayos. Hindi ko ata napansin kanina dahil busy ako pakalmahin si Karina. Hindi ko na din sinabi kay Karina baka mag init lalo ang ulo kay manong na dispatcher. Buti at nawala din agad. 

 

"Are you okay mahal?" tanong ni Karina, umakbay sya sa akin at hinawakan ako sa tiyan.

 

"Ok na, wag na mainit ang ulo ha, may aircon sa mall palamigin natin yan." sumandal na ako sa kanya at pinatong ko din ang kamay ko sa kamay nya na nakahawak sa tiyan ko. 

 

Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo. 

 

"Let me call Mang Berto to pick us up later." bulong nya.

 

"Mahal wag na. Sabado oh, dayoff ni Mang Berto." pigil ko sa kanya ng kukunin na nya ang cellphone nya.

 

Isa din sa dahilan kaya gusto ko mag commute ngayon, kasi dayoff ni Mang Berto at wala ang sasakyan ni Karina sa bahay. Hindi ako pumayag na ipahatid nya sa bahay ang sasakyan nya kay Mang Berto. Wala din ang multicab sa bahay dahil nagdeliver ng paninda si Ryujin sa pwesto namin sa bayan. Kaya wala syang choice kundi sundin ako. 

 

"Doon tayo sasakay sa paradahan sa gilid ng mall mamaya pag uwi para wala masyadong tao. Promise, kapag maraming tao mamaya, magpapasundo tayo kay Ryujin ok?" pinisil pisil ko na ang kamay nya. Naiintindihan ko naman ang asawa ko kaya nagkakaganito sya, nag aalala lang sya sa amin ng anak namin. 

 

"Okay.." seryosong sagot nya kaya tumingin ako sa paligid at ng makita ko na walang nakatingin ay mabilis ko syang hinalikan sa pisngi at ngumiti. 

 

"Smile na mommy, ok lang kami ni Baby mochi, magbobonding pa tayo di ba?" unti unti na syang ngumiti at hinapit ako palapit sa kanya. 

 

Excited na ako! parang gusto ko tuloy ng spaghetti ng jollibee tsaka chickenjoy, tagal ko na hindi nakakain sa jollibee dahil nahinto ang weekly gala namin ni Karina simula ng sa amin na sya tumira, sa ihawaan na kasi ang naging bonding namin. Kaya siguradong mag eenjoy talaga kaming pamilya ngayong araw. Hindi ko aakalain na ang susunod na gala pala namin ni Karina eh yung magkaka-baby na kami.

 

 Eto na ang unang Yu's family day!

 

 

"Mahal may nagbebenta ng chicken skin doon malapit sa pwesto natin, bakit hindi na lang tayo doon kumain, puro balat lang pala ng manok ang gusto mo." kanina pa ako inaasar nito ni Karina eh, hinubaran ko na kasi ng balat yung chickenjoy namin, sa kanya yung laman, akin yung balat.

 

Ngayon ko napatunayan na mahal na mahal talaga ako ng asawa ko, kasi sya na mismo nag-kusang nagtanggal nung balat ng chickenjoy nya at ibinigay sa akin.

 

Hayyy down bad na down bad talaga si Karina Yu. 

 

"Mas masarap naman to, bakit? Nagrereklamo ka ba?" pinaningkitan ko sya ng mata. 

 

"Hindi ah! Sarap nga nito, sobrang juicy, finger in good parang ika-oww!" sinipa ko nga sa binti. 

 

"Bwiset ka nakain tayo, tsaka kfc yung line na yan." 

 

"Opps! sorry." hinimas himas nya ang binti nya. Napa-iling na lang ako. Apaka talaga, walang pinipiling oras ang init ng katawan ng taong to.

 

 

"Mahal huy, gising!" tinapik tapik ko ang pisngi ni Karina ng mapansin ko na, ako na lang pala ang nanunuod ng pelikula at nakatulog na pala sya. Horror movie kasi ang napili ko na panuorin, nanalo kasi ako sa bato bato pick at ako ang pumili ng papanoorin namin. 

 

Ang nakakatawa lang saamin dalawa, ako yung duwag na duwag sa mumu sa totoong buhay pero sa movie malakas ang loob ko manuod, kabaligtaran kay Karina, hindi na halos makadilat ang mata kapag nanunuod ng nakakatakot, kaya ayan, dumaretso na sa tulog ang pagkakapikit nya kanina.

 

"Tapos na?!" napabalikwas sya ng upo sa gulat. At luminga linga sa paligid dahil nag aalisan na ang mga nanuod.

 

"Oo kaya, grabe ka, para akong sira dito nagsasalita mag isa tinulugan mo na pala ako." inayos ko na ang buhok nya na nagsabog sa pagkakatulog nya. 

 

"Sorry, mahina talaga ako sa horror movies mahal." nag unat sya at humikab. "Did you enjoy it?" nakangiting nyang tanong. 

 

"Oo naman, nandyan ka naman sa tabi ko kahit tinulugan mo ako." natawa sya at inalalayan na nya ako tumayo. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
131 streak 0 points #2
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #3
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #4
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #6
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #7
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #8
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#9
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
527 streak #10
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha