Chapter T-33

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

Nahahawa ako sa iyak ni grandpa at lolo habang tinitingnan lang nila si Khio na hawak ko, dumako naman ang tingin ko sa gilid at nakita ko si lola at nanay na umiiyak din sa tuwa, hinaplos haplos ni nanay ang binti ko at inayos ang kumot sa paa ko. 

 

 

 

"Kamusta ka anak? Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni nanay sa akin, habang busy ang mga lolo ni Khio titigan sya. Parehong natatakot mag-buhat, baka daw malaglag nila si Khio. 

 

 

 

"Ok naman po ako nay, masakit lang ang tahi pero ok na po, nakainom na din po ako ng gamot pagkatapos ko po kumain." nakangiti ko na sagot kay nanay, nakikita ko kasi na nag aalala sya sa akin. 

 

 

 

"Mabuti naman kung ganun, may dala kaming ulam, may sabaw iyon, tamang tama at nagpapadede ka kay Khio, pang-parami ng gatas." 

 

 

 

"Salamat po nay." Tamang tama parang gustong gusto ko pa naman ngayon ng masasabaw na pagkain, hindi ko alam kung dahil din ba nagbbreastfeed ako o ano.

 

 

 

"Come here sweety...ang tagal na panahon na simula noong huli ako makakarga ng baby, hindi ko alam kung marunong pa ako." natuwa naman ako na pagkatapos titigan ni grandpa at lolo si Khio ay may naglakas na ng loob sa kanila na buhatin ang anak namin. Kaya agad agad ako tinulungan ni Karina sa tabi ko para ilipat si Khio sa nakaabang na bisig ni grandpa.

 

 

 

Tinapik tapik ko pa sa braso si Karina at proud ako na ngumiti sa kanya ng maayos nyang mapakarga ang anak namin kay grandpa.

 

 

 

"Ang galing na ni mommy oh, pwede na mag nightshift pag uwi." biro ko sa kanya dahil naiisip na namin ang puyatan na mangyayari kapag nakauwi na kami bukas sa bahay. Maya't maya ang mangyayaring pagpapalit ng diapers at pagpapadede ang magiging bagong hamon sa aming mag asawa. 

 

 

 

"I'm ready, just relax nanay, ako ang bahala sa inyo ni baby." nakangiting sabi ni Karina sabay halik sa pisngi ko. 

 

 

 

Ang swerte ko lang kasi sobrang maasikaso at maalaga si Karina sa aming mag ina, wala pa sya halos tulog at alam ko na pagod din sya pero eto, hindi talaga sya umaalis sa tabi ko. Pati sa pagkain sinusubuan nya pa din ako kahit kaya ko naman na. Ayaw nya ako pakilusin kasi daw baka bumuka ang tahi ko.

 

 

 

Sobrang tiyaga nya rin kay Khio, sya na nga ang nagpatulog kanina dahil pagod pa nga ang katawan ko at naghahanap talaga ng pahinga. Halos isang oras nyang karga si Khio dahil naiyak ito kapag inilalapag ng mommy nya. 

 

 

 

"Hi sweetheart, I'm your grandpa.." umungot si Khio kaya nataranta naman yung mga lolo "Shh it's ok, it's ok grandpa is here love.." agad agad naman tinapik ni grandpa si Khio at mabuti na lang ay tumahan agad ito. Mukhang nangingilala ang anak namin, nasanay ata sa mommy nya. 

 

 

 

"You're so beautiful my love." pinahid ni grandpa ang luha nya bago nya hinalikan si Khio sa noo. "I love you so much my little Khio.." hindi ko alam pero parang naiiyak ako sa kanilang dalawa, parang naiimagine ko sila ni Karina nung baby pa ang asawa ko, atleast ngayon kabaligtaran na ang lahat. Magiging happy memory na ito para sa kanilang mag lolo. 

 

 

 

"Napakaganda ng apo natin kumpadre, Khio ako nga pala ang lolo Vicente mong pogi." natawa ako kay lolo at talagang nag pogi pose pa sya sa harap ni Khio. 

 

 

 

"Pakarga ako sa apo ko, bakit ba kayong dalawa lang ang nagsisiksikan dyan?" natawa si Karina sa tabi ko ng hawiin ni lola si lolo para makalapit kay grandpa at Khio, hindi naman tumutol si grandpa at ibinigay agad si Khio kay lola na tuwang tuwa ng makita ang apo nya, mabilis naman na lumapit si nanay at hinalikan si Khio sa ulo. 

 

 

 

"Ang gandang bata naman nire, Winter anak mo ba talaga to?" biro ni lola sa akin na ikinasimangot ko. 

 

 

 

Grabe sya..

 

 

 

"Lola anak ko po talaga yan. Alam ko po na mata at pisngi lang nakuha sa akin pero anak ko po talaga si Khio. Para naman sinabi nyong panget ako." napanguso ako kaya tumawa lang sya.

 

 

 

Oo mga indays! hindi lang pisngi at hugis ng mukha ang nakuha sa akin ni Khio, yung mata pala sa akin din, inaasar pa nga ako ni Karina kanina, kasi daw dalawa na ang iirap sa kanya. Pag dasal na lang nya na hindi makuha ni Khio ang topak ko minsan, kasi kawawa talaga sya. Dahil ngayon, wala pang 1 day old ang anak namin mukhang tiklop na tiklop na agad sya. 

 

 

 

"Joke lang apo, si Karina ang mommy kaya maganda talaga ang apo ko." 

 

 

 

"Grabe lola nakaka-hurt na talaga kayo, ako po ang apo nyo hindi si Karina." 

 

 

 

"Ah ikaw nga pala, oh sige." 

 

 

 

"Wow lola. Parang pilit ah." 

 

 

 

"Biro lang, ang ganda ganda nya talaga, kuhang kuha ang mukha nyong mag asawa. Tingnan mo ang ilong.." umungot ulit si Khio dahil nagising ito kaya inihele ni Lola "Opo, opo, ang ganda ganda ng baby na yan kamukha ng lola yan ano po?" 

 

 

 

"Inay syempre sa original magmamana, kamukha ko oh, tingnan nyo ang mata." hindi din nagpatalo si nanay.

 

 

 

Wow, yung totoo? Ang dami ng umaangkin na kamukha nila ang anak ko? Sino ba nagluwal? 

 

 

 

Hinayaan na lang muna namin sila na kausapin ang ngayon ay gising na gising na, na si Khio habang pinapakain ako ni Karina ng binalatan nyang dalandan. Binilhan kasi ako ni Ning kanina bago sila umuwi. Babalik din sila mamaya para magbantay sa akin dahil papatulugin ko muna itong si Karina. Ayaw talaga umalis sa tabi ko kahit na nga nandito naman sila Ning. Buti na lang at uuwi na din kami bukas ng hapon para naman makapagpahinga ang asawa ko. Naaawa na ako, kanina pa hindi magkandaugaga sa aming mag ina. 

 

 

 

"I loves you so much my Khio, sama ka na kay grandpa sa mansion? Let's go.." narinig namin na yaya ni grandpa kay Khio bago nya ito hinalikan sa paa at kinuha sa pagkakakarga ni nanay. 

 

 

 

"Sandali kumpadre, mag usap tayo nang masinsinan mapapag-usapan natin yan." habol naman ni lolo ng makita nyang karga na palabas ng kwarto ni grandpa ang apo nila, natatawa na lang sila nanay at lola habang inaayos ang mga pasalubong nilang pagkain para sa amin. 

 

 

 

Napailing na lang ako habang pinapanuod ko si grandpa at lolo mag diskusyon kung saan titira si Khio. Nahilo na nga ata ang anak namin kakapasa pasa nilang apat kaya nakatulog na ulit kahit kakagising pa lang.

 

 

 

Eto kasi pala si grandpa eh pinagawan ng kwarto ang anak namin sa mansyon, at talagang may interior decorator pa sya na kinuha para sa kwarto ni Khio. Kumpleto na din ito mula sa damit at laruan at iba pang baby supplies para daw pag nandoon ang apo nya eh kumportable daw ito.

 

 

 

Pinakita sa amin ni grandpa ang pictures ng kwarto ni Khio sa mansyon at napanganga na lang ako, grabe, muntik na ako mainggit sa anak namin, yung pangarap ko na kwarto nung bata pa ako parang naging totoo. Ang ganda! Aurora colors yung theme, may pa ilaw ilaw pa sa ceiling, tapos ang ganda ng crib nya, may mga cute pa na carpets na parang nakakahiya tapakan dahil sigurado ako na mamahalin yun, napa-sana all na lang talaga ako nung makita ko. 

 

 

 

Pero hindi din naman nagpatalo si lolo, ginawan pala nya ng kuna na higaan si Khio sa kwarto namin, yung pwedeng i-dugtong sa kama at kasing laki mismo ng higaan namin mag asawa, narra pa ang kahoy na ginamit para daw matibay at makatabi namin matulog si Khio lalo na sa gabi. May pa-duyan din si lolo sa kwarto, sala at pati na din sa labas ng bahay, para daw lagi namin mababantayan ang apo nya, oh diba? Hindi papatalo yan si Vicente.

 

 

 

Kaya pala ayaw nya kami papuntahin sa likod bahay, ayun naman pala yung pinagkaka-busyhan nya ng ilang araw. Ang mga lola naman ni Khio isang tambak na punda ng unan at kumot, pati na din mga lampin na may burda pa ng pangalan ni Khio ang bigay. Kahit ata araw araw magpalit ng punda at kumot si Khio pwedeng pwede sa dami ng ginawa nila.

 

 

 

Isa din sila sa todo pigil sa amin mag asawa na wag bumili ng maraming damit ng baby, ayun naman pala nagtatahi na sila. At hindi lang basta basta ang tela. Nag pa-order pa daw talaga si nanay kay aling Tess ng magaganda at malalambot na tela para sa baby. Ayaw daw nila bumili sa tabi tabi kasi daw baka mangati si Khio.

 

 

 

Jusme, kelan pa naging maselan ang mga to? Sa amin nga ni Ryujin sa bangketa lang nila binibili mga namin dati. Kaloka.

 

 

 

"Look at her, she's so pretty, good job Jimin and Winter!" naluluhang ngiti sa amin ni grandpa, na tila proud na proud at nag thumbs up pa.

 

 

 

 

Maliit na bagay grandpa, hindi naman masakit manganak, parang kagat lang ng dinosaur na favourite ni Karina.  

 

 

 

"Kapag ganito na maganda ang lahi, dapat pinapadami, hindi ba kumpadre?" tanong ni grandpa kay lolo na agad agad naman ikinatango ni lolo, nakaupo na sila ngayon sa sofa "So kelan ang kasunod?" 

 

 

 

"Oo nga, kelan?" tanong din ni lolo.

 

 

 

Muntik ko na maibuga kay Karina yung sabaw ng nilaga na pinahigop nya sa akin sa tanong ng mga lolo namin.

 

 

 

Yung totoo? Inahing baboy ba ako? Yung tahi ko sariwa pa, pwedeng sandali lang?

 

 

 

"Grandpa naman, wala pa nga pong 1 day old si Khio eh, tsaka hindi pa ako ulit ready umire. Masakit po." angal ko sa kanila, natawa lang sila sa akin at nilaro na ulit nila si Khio na tulog na tulog na naman. 

 

 

 

"Fine, as long as may susunod kay Khio ok ako." 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
133 streak #3
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #4
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #5
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #7
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #8
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #9
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#10
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.