Chapter T-13

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

To. Mahal ūüíô Sent: 7:05pm ¬† ¬†Mahal wag ka na muna umuwi ha, ang lakas ng bagyo delikado ang daan. ¬† ¬†

Kanina pa ako pa-lakad lakad sa sala at hinihintay ang sagot ni Karina, pero labing limang minuto na ang nakakalipas wala pa rin syang reply sa message ko sa kanya, nung tinawagan ko ay naka-off na ang cellphone nya, kung ano ano nang pumapasok sa isip ko dahil naririnig ko yung hangin na tumatama sa bahay at bubong namin dahil sa bagyo. Sobrang lakas din ng ulan.

 

Pumunta si Karina sa Maynila dahil kakatapos nya lang italaga bilang Ceo ng kumpanya nila at napapadalas ang pag luwas nya. Ang tigas din kasi ng ulo, ang sabi ko huwag mag uwian dahil mapapagod sya, pero hindi nag-paawat, sobrang clingy ng taong yun talaga haynaku. 

 

Ayaw nya rin naman na sa sumama ako dahil alam nya daw na ayoko mahiwalay sa pamilya ko, pero asawa ko sya, pamilya ko din sya, kung kaya nya mag adjust para sa akin, kaya ko rin! Pwede din naman ako mag uwian, kaya naman ni Ryujin yung isa or dalawang araw na wala ako. Hindi rin naman lagi si Karina sa kumpanya, nag-wowork from home sya madalas para makauwi dito. Bumibisita lang din sya sa kumpanya kapag may mga meetings na kailangan na nandun talaga sya.

 

"Giselle, pakitawagan naman si Mang Berto kung nasaan si Karina. Hindi na sumasagot sa tawag at text ko, nakapatay ang cellphone nya" tinawag ko si Giselle na nakikipag landian kay Ningning sa sala, Oo nandito si Ningning sa bahay, grabe talagang kaharutan nila, susuungin kahit bagyo.

 

"Ok wait." kinuha nito ang cellphone nya at tinawagan si Mang Berto. 

 

Sana naman hindi umandar ang katigasan ng ulo ni Karina. Kung hindi sa sala ko talaga sya papatulugin.

 

"Hello? Mang Berto, nasaan po si Karina? hindi po daw kasi nasagot sa tawag at text ni Winter" narinig ko na tanong ni Giselle sa phone kay Mang Berto. Tinitingnan ko ang nagbabagong ekspresyon ni Giselle at kinabahan ako ng gulat syang tumingin sa akin.

 

"Po?! bakit nyo po hinayaan?! Manong Berto delikado po sa daan!" napatayo si Giselle at lumapit sa akin. Ni-loud speaker nya rin ang cp nya bago iabot ang cellphone nya sa akin.

 

"Ma'am pasensya na po kayo, inutusan nya po ako kanina na bumili ng pagkain, pagbalik ko po wala na sya sa penthouse, yung sasakyan nya rin po ang ginamit nya kaya hindi ko alam."     

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko.

 

"A-anong oras po sya umalis?" tanong ko, lumapit si Ning sa akin at hinagod ang likod ko, hinawakan nya na din ako sa kamay, hindi ko napansin na nanginginig na pala ako. 

 

"Mga 3:30 po ng hapon Ma'am Winter"     

Napapikit ako, mag aapat na oras na sya sa byahe, halos dalawa at kalahating oras lang ang byahe papunta dito galing Maynila kung kotse ang gamit.

 

"Ma'am pasensya na po talaga"       

Narinig ko ang pag hingi ng tawad ni Mang Berto, wala naman syang kasalanan, sadyang matigas lang ang ulo ng asawa ko.

 

"Pakisabihan na lang po kami kapag may balita po kayo, salamat po" Hindi ko na nahintay ang sagot ni Mang Berto, nang-hihina ko ng inabot kay Giselle ang cellphone nya. 

 

Karina Yu makakatikim ka talaga sa akin. 

 

"Beshie, upo ka muna, kalma, ita-try namin ipa-ring ang cellphone ni Karina, baka na-lowbat tas nagcha-charge sa kotse nya" marahan ako hinila ni Ning sa upuan sa kusina at kinuhaan ng tubig. 

 

Napahilamos ako ng mukha, sobra yung kaba ko, hindi pa nakakatulong ang mga naririnig ko sa paligid, yung naghahampasang yero ng mga kapitbahay namin, yung lakas ng ulan at ihip ng hangin, ang lakas ng bagyo at nasa gitna ng kalsada ang asawa ko. Parang mababaliw ako kakaisip sa kalagayan nya ngayon. 

 

"Ning, natawagan nyo ba si Karina?" tanong ni nanay ng pumasok sya sa kusina. "Winter anak, may nangyari ba?" nag aalalang tanong ni nanay ng abutan nya ako na naka upo katabi si Ning na hinahagod ang likod ko. 

 

"N-nay si Karina po, nasa byahe pauwi dito mag-isa ." narinig ko ang pagkabasag ng boses ko, yung takot at kaba ko,  hindi ko na mapigilan.

 

"ANO?! jusko! Ano bang iniisip ng batang yon?! Napaka-delikado sa daan!"  gulat ng sabi ni Nanay.

 

Napa-buntong hininga ako. Napansin ata ni Nanay na nanginginig yung kamay ko na naka-hawak sa baso ng tubig, kaya marahan syang lumapit sa akin at hinawakan ako sa balikat.

 

"Anak kumalma ka muna, maghintay lang tayo baka huminto din si Karina sa mga ligtas na lugar para magpatila. Wag ka masyado mag isip" Lumapit si nanay sa akin at umupo sa tabi ko para haplusin ang likod ko, tumayo na si Ning para bumalik sa sala. Susubukan daw nila ulit tawagan si Karina.

 

Tumango ako, hindi ko maiwasan mag isip, hindi ako makakahinga ng maluwag ng hindi nakakauwi ang asawa ko ng ligtas, hangga't hindi ko sya nakikita at nahahawakan. 

 

Karina..umuwi ka na please, umuwi ka lang ng ligtas hindi kita papatulugin sa sala, hindi kita aawayin, umuwi ka lang ng ayos please.    

Napatingin ako sa orasan, mag aalas otso na. Parang hindi ako tatagal pa ng isang pang oras kakahintay, naiisipan ko na din lumabas pero parang sira naman ako dahil hindi ko naman alam kung saan sya hahanapin. 

 

Maya-maya pa ay biglang nawalan ng kuryente, inaasahan na namin to kaya namili na kami ng mga kakailanganin sa bahay. Pumasok si Giselle sa kusina at ginamit ang cellphone nya para gamiting liwanag habang sinisindihan ni Ningning at Ryujin ang kandila sa sala at kusina, si Lolo naman ay inaayos ang gasera para ilagay sa baba ng bahay. 

 

Napahawak ako sa dibdib ko, sobra yung kabog. Nag aalala na ako ng sobra kay Karina, madilim na sa daan.

 

"Anak, baka mapaano ka naman nyan, uminom ka ng tubig, dadating din ang asawa mo." iniabot sa akin ni Nanay ang baso ng tubig, ininom ko na naman ito, medyo umayos ang pakiramdam ko pag kainom ko, pero yung kaba ko nandun pa rin. Muli ako napatingin sa orasan sa cellphone ko, 8:30 na. 

 

Karina nasaan ka na ba..?    

Limang minuto pa ang nakalipas ng may marinig kami na mahinang busina mula sa labas. Mabilis ako na napatayo at nanakbo pababa ng bahay.

 

Si Karina!

 

"Insan ako na! Mababasa ka pa." mabilis na kinuha ni Ryujin ang payong na hawak ko at pinigilan ako para sunduin si Karina sa labas. Natanaw ko si Ryujin na pumunta sa pinto ng kotse, bumukas ito at lumabas si Karina dala ang bag nya. Mabilis silang nanakbo papasok ng bahay dahil sa lakas ng hangin.

 

"Akala ko matatangay na ako ng hangin!" isinara ni Ryujin ang payong at marahan itong ipinagpag sa labas bago isara ang pinto. Mabilis ko nilapitan si Karina para tulungan sya. Basang basa ang damit nya. 

 

"Hi Mahal, I'm home." lumapit sya sa akin at humalik sa pisngi ko. Hindi ako nakatiis at inagaw ko ang payong na hawak ni Ryujin na ikinagulat nya. At inihampas ito kay Karina.

 

"Leche ka! Anong I'm home?! Papatayin mo ba ako sa pag aalala ha?! Bakit ka bumiyahe ng bumabagyo?! Tinakasan mo pa si Mang Berto!" hinampas ko ulit sya " Oww! Mahal wait! Sorry! Masakit!" ilag sya ng ilag sa hampas ko, kaya kinuha na ni Ryujin ang payong mula sa akin.

 

"Hampasan now, halikan later, galawan nyong mag asawa eh no?!" hahampasin ko na din sana si Ryujin ng manakbo ito paakyat.

 

Huminga ako ng malalim at hinarap si Karina, mukha syang basang sisiw, paano sya nabasa ng ganito? Sumulong ba sya sa ulan?

 

"Sorry mahal..." nakayuko nyang sabi.

 

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit, wala akong pakialam kung mababasa din ako, basta ligtas sya, nandito na sya ulit, nakauwi na ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
Thank you po sa pag-promote ng tuhog tuhog kahapon ūü•ļ


Yabyu po mga tita's at tito ni Khio ūüß°
No comments yet