Chapter T-58

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Oh parine kayo at kumain sa loob, halina kayo't wag na mahiya, maraming pagkain sa loob mga iha." 

 

 

 

"May halaya po ba kayo?" 

 

 

 

"Aba oo marami ineng, ang gaganda nyo naman, sige sige pasok. Tutoy! Maglabas ka ng madaming halayang ube at naghahanap ang mga bisita natin." 

 

 

 

"Opo inay!" 

 

 

 

"Salamat po." 

 

 

 

"Walang anuman, pasok kayo at may baby pala kayo na kasama, aba'y kaputing bata ang ganda mo naman, pwera usog sayo nene." 

 

 

 

"Mahal, relatives nyo din ba sila?" tanong ni Karina kay Winter ng makapasok sila sa bahay ng matanda.

 

 

 

Dumaretso sila sa may lamesa na puno ng iba't-ibang putaheng handa, may mangilan-ngilan din na bisita sa loob na na-kain habang nagkwe-kwentuhan. Nakasunod lang si Karina kay Winter na may hawak na ngayong kutsara at pinggan habang nasa unahan nito ang mag jojowa na halatang natatakam na sa mga pagkain sa mesa. 

 

 

 

Tiningnan nya si Khio sa baby carrier nito sa harapan nya, at lihim syang napangiti dahil pati ito ay nakatutok din ang tingin sa mga handa. 

 

 

 

"Hindi." sagot naman ni Winter na sumasandok na ng hamonadong baboy at caldereta, sa harapan nya ay si Ryujin na ang unang dinampot ay ang halaya na kanina pa nila hinahanap dahil naglilihi nga ito.

 

 

 

"Mahal gusto mo ng embutido?" nakakunot ang noo na tumango lang si Karina ng tanungin sya ni Winter, habang pinapanuod nya ito na punuin ng ulam ang isang pinggan na pagsasaluhan nilang mag-asawa. Napag-pasyahan nila na isang pinggan na lang sila kumain mag-asawa dahil walang mag-aasikaso kay Khio. 

 

 

 

"Ah, so family friend nyo? " tanong nya ulit, pero umiling lang si Winter na may hawak ng lumpia, kumagat sya dito ng itapat ito ni Winter sa bibig nya. 

 

 

 

"Hindi din, hindi ko din sila kilala." nanlaki ang mata ni Karina, napahinto din sya sa pag-nguya ng lumpiang shanghai sa sagot ni Winter. Pati sila Yeji at Giselle ay napahinto din sa pagkuha ng ulam at napatingin na lang kay Winter na natawa sa reaksyon ng tatlo

 

 

 

"Ganito talaga sa fiesta-han dito, welcome ka kumain kahit hindi nyo kakilala. Kaya go lang, eat all you can tayo dito mahal, kainin natin dito yung mga pagkain na hindi naluto nila lola, eto oh, may lechong paksiw pa."

 

 

 

"Are you sure?" alinlangang tanong pa din ni Karina kay Winter. 

 

 

 

Napakapa sya sa bulsa nya, para kung sakali man na singilin sila sa mga kinain nila ay may pang bayad sila. Punong-puno pa naman ang mga pinggan nila ng pagkain. Lalo na si Yeji at Ryujin, parang dalawang kutsarang kanin lang ata ang dami ng kanin nung mag-jowa, lahat ulam na. 

 

 

 

"Oo nga mahal, wag ka na mag-alala dyan, tara na para makakain na tayo, nagutom ako kakalakad, subuan na lang kita para hindi ka na mahirapan." yaya ni Winter sa kanya.

 

 

 

Pumunta sila sa sulok na lamesa kung saan naabutan nilang nakain na din yung apat. Inihanda na din nila ang pagkain ni Khio na baon nila dahil kapag hindi nila ito isinabay sa pagkain ay magmumuryot ang bochog nila. Hindi pa nga sila nakaka-upo ay muntik na agad mahablot ni Khio ang pinggan na hawak ng nanay Winter nya. 

 

 

 

"waaarrhhhh"

 

 

 

"Anak sandali, eto ang food mo oh, si mommy ang magpapa-kain sayo baby ha?" mabilis na inabot ni Winter ang baunan ni Khio kay Karina para mapakain na nito ang anak nila. Sinigurado nya lang na kumakain ng ayos si Khio tsaka sya nagsimulang kumain, sinusubuan nya na lang si Karina para makakain din ito. 

 

 

 

"Kumain kayo ng marami hane? At kung gusto nyo pa ng halaya eh mag uwi kayo, marami pa diyan." nagulat si Karina ng biglang sumulpot sa kusina ang matandang babae na nag-imbeta sa kanila. 

 

 

 

Natuwa lang sya dahil sobra silang inaasikaso nito kahit ang totoo ay hindi nila ito kakilala. Natanaw din nya kanina ang matanda na nagbibigay ng maiinom sa pumaparadang banda na huminto sandali sa tapat ng bahay nito para magpa-hinga. 

 

 

 

Sobrang na-aamaze lang sya sa buhay probinsya, akala nya noon ay naranasan na nya lahat sa San Isidro simula ng mapangasawa nya si Winter. Pero ngayon ay na-realized nya na marami pa pala syang matututunan sa ganitong pamumuhay. 

 

 

 

"Ay thank you po, napag-lilihian ko po ata to ngayon." tuwang-tuwang sabi ni Ryujin na masayang kumakain sa tabi ni Yeji. 

 

 

 

"Ay ganoon ba? Sige at magdala kayo ng madami."

 

 

 

"Thank you po." 

 

 

 

"nayyy nyaamm...babaaa." 

 

 

 

"Bawal ka nito anak eh, ubos mo muna ang food mo kay mommy, baby ko." lambing ni Winter kay Khio ng umungot ito at inaabot ang pinggan na hawak nya dahil nakita nito na sinubuan nya si Karina ng leche plan. 

 

 

 

"didi..." pa-hikbing ungot ni Khio at ang t-shirt naman nya ang inabot nito. 

 

 

 

"Anak mag-water ka, mamaya na ang dede." pigil nya kay Khio.

 

 

 

Inabot nya ang bote ng dede nito na may laman na tubig sa lamesa para ipa-inom dito, sinasanay na kasi nila na mag-tubig si Khio imbes na gatas lalo na tuwing nakain. Kapag kasi nasimulan nito na dumede ay hindi na nila ito maawat.

 

 

 

"aammhhhhh! naaay diii." maktol ni Khio. 

 

 

 

"Khio mamaya na ang dede anak, ubusin mo muna pagkain mo." saway ni Winter ng makita nyang paiyak na ang mochi nila. Umiiwas lang ito kapag inilalapit nya ang bote ng tubig sa bibig nito. 

 

 

 

"Love, finish your food muna, last na oh, very good si Khio diba nanay? Ubos na oh, last na baby..." alo ni Karina ng makita nyang malapit na umiyak ang anak nila na pilit inaabot ang tshirt ng nanay Winter nya. 

 

 

 

"Yes po mommy, very good ang baby natin na yan, eat na baby, say aahhh~" alo din ni Winter, buti na lang ay sumunod naman si Khio at kinain na din ang natitirang pagkain nito sa kutsara. "Very good! Halika na anak, dedede na ang baby mochi namin." 

 

 

 

Kinuha naman agad ni Winter si Khio kay Karina para padedehin ito, Si Karina naman ay kinuha ang dala nilang manipis na towel at itinakip nya ito sa balikat at sa may bandang dibdib ni Winter habang pinapadede nito ang anak nila. 

 

 

 

"Kumain ka pa mahal, ako na dito kay Khio, busog na din talaga ako, pakiubos na lang yung leche plan sayang eh." 

 

 

 

"Sure ka? May suman doon na gawa sa kamoteng kahoy yung favourite mo, gusto mo ikuha kita mahal?" paninigurado ni Karina.

 

 

 

Baka kasi nabitin si Winter dahil nag-muryot si Khio, kilala nya ang asawa nya, mahilig ito sa kakanin lalo na sa matamisin.

 

 

 

"Okay na ako mahal, busog na talaga ako, tsaka wag ka mag-alala, nakapag-sharon na ako kanina ng tatlong suman, nasa bag ko na." 

 

 

 

Natawa si Winter ng makita nya ang reaksyon ni Karina ng ituro nya dito ang bag sa tabi nito. Napa-nganga pa ito ng makita ang plastik na may laman na tatlong bundle ng suman.

 

 

 

"What the- baka makita ka mahal, nakakahiya kay manang." hiyang-hiyang bulong ni Karina sa kanya habang natataranta itong patingin-tingin sa mga tao sa paligid. Lalo na sa pinto na may tabing na kurtina kung saan lumabas kanina ang matanda. 

 

 

 

Mas natawa si Winter ng pag lingon ni Karina sa apat ay nakita nito na nagbabalot din sina Ryujin at Ning ng kalamay at kutsinta. Habang sila Yeji at Giselle naman ay parang si Karina din, palinga-linga sa paligid na mukhang kabado sa ginagawa ng mga jowa nila.

 

 

 

"Omg babe, this is so embarrasing!" narinig nilang bulong ni Giselle kay Ningning na inirapan lang ang jowa nya. 

 

 

 

"Ano ka ba babe? Normal to, ang tawag dito pag-shasharon." 

 

 

 

"Anong connect ni Sharon Cuneta sa pagbabalot nyo ng kakanin?" kunot noong tanong ni Yeji habang nagbu-buhol ng plastic na may laman na kalamay na iniabot ni Ryujin sa kanya dahil busy pa ito magbalot. 

 

 

 

"Alam mo yung kantang Bituing walang ningning?" seryosong tanong ni Ningning, busy din sya pilitin si Giselle na ibulsa yung kutsinta dahil wala silang dalang bag. "Lagay mo na babe, sayang outfit mo oh, anim ang bulsa, lagyan natin lahat ng binalot na ulam yan." 

 

 

 

"No! Omg this is enough, may ulam sa bahay babe." mabilis na tanggi ni Giselle, kinuha na nya agad ang supot ng kutsinta kay Ning at ibinulsa ito, bago pa makaisip ng ibang kalokohan ang jowa nya. 

 

 

 

"Kantahin mo nga Ning, baka alam ko yun." 

 

 

 

"Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin~"           

Napa-irap na lang si Ryujin ng sa harapan nya pa mismo kumanta si Ningning habang binabalot nya yung isang buong embutido na ini-abot sa kanya ng matanda kanina. 

 

 

 

"Naks Ryujin, may ketchup dito baka gusto mo din magbaon ng sawsawan." biro ni Ning sa kaibigan.

 

 

 

"Pwede naman, palagay na lang sa madaming bulsa ni Giselle." 

 

 

 

"No! I said stop na... Babe! Bakit may menudo na dito sa bulsa ko?!" 

 

 

 

"hehhehe." 

 

 

 

"Gusto mo pa ng embutido mahal? Pag-balot din kita gusto mo?" biro ni Winter. Aliw na aliw sya ng mabilis na lumingon si Karina sa kanya at umiling na ismo makakalas na ang ulo sa pag-tanggi. 

 

 

 

"N-no need mahal, I think busog na din ako. Uwi na tayo please..." yaya ni Karina. 

 

 

 

Natatakot sya na baka pati yung bulsa ng suot nyang pants ay maisipan din lagyan ni Winter ng ulam katulad kay Yeji at Giselle.

 

 

 

Tuluyan ng natawa si Winter, pinisil nya ang pisngi ni Karina dahil nanggigil sya sa ka-cute-an at pagka-inosente ng asawa nya. Ngumuso lang ito sa kanya at itinuloy na nito ubusin ang natira nyang leche plan sa pinggan nila. 

 

 

 

"Joke lang kasi mahal, yung suman lang, kasi wala tayo nun sa bahay eh." 

 

 

 

"Hmp-" 

 

 

 

"Beshie in law, may leche plan pa dito konti lang nagalaw ko, busog na ako, busog na din si Gigi, kukuha-kuha kasi hindi naman pala uubusin." irap ni Ning kay Giselle na tila problemado pa din sa kutsinta at menudo na nasa bulsa nito. "Sayo na lang, sayang eh." alok ni Ning kay Karina na simaan lang ng tingin si Giselle na nag-peace sign lang sa kanya. 

 

 

 

Sanay na sya kay Giselle dahil alam nyang may pagka-takaw mata talaga ito. 

 

 

 

"Give me." 

 

 

 

Wala ng nagawa si Karina kundi maging taga-ubos ng natirang pagkain ng mag-jojowa dahil inalok din sya ni Ryujin ng buko pandan na hindi din nito naubos. 

 

 

 

Hindi nya maintindihan, may handa naman sila sa bahay nila lola Pureng nila pero eto sila't nakikikain sa bahay ng hindi nila kakilala. Naisip na lang ni Karina na baka ganun talaga ang trip ng mga tao dito kaya hinayaan na lang nya. Masarap naman yung mga pagkain na karamihan ay first time nya lang makain. 

 

 

 

____

 

Winter's Pov

 

 

"Huy, mahal ayos ka lang ba? Anong na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂