Chapter T-18

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

Nakaupo kami ngayon sa waiting area dito sa ospital, magkayap sila nanay at lola sa tabi at pa-maya't maya ang pag iyak ni Lola, si Ryujin naman ay nakasandal sa akin at naririnig ko rin ang paghikbi at singhot nya. 

 

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, parang na-blangko ako, hindi ko na nga maalala ang nangyari pagkatapos tumawag ni Ryujin sa akin hanggang sa makarating kami dito. Sa aming apat, ako yung hindi manlang umiyak. Hindi ko magawang umiyak dahil, lutang na lutang ako sa mga nangyayari.

 

Takot at pag aalala para sa kalagayan ni Lolo.

 

Kay Karina, hindi ko alam, hindi ako makapaniwala sa nabalitaan ko, hindi pa rin pumapasok sa isip ko na kaya nyang gawin to. Nandoon pa rin yung indenial ako sa nangyare, kasi mas gusto ko hintayin yung paliwanag nya. Pero sa mga lumilipas na oras may unti unting nabubuo puso ko.

 

Pagka-dismaya

 

Galit

 

Lalo na ng makita ko ang ebidensya, yung pirma nya mismo na sa kontrata na hawak ni Mr Uchinaga. si Mr. Uchinaga, ang family's attoney ng mga Yu ang kanang kamay ng Lolo nya.

 

Ilang beses ko tinawagan si Karina pero hindi sya sumasagot, hanggang sa nakapatay na ang cellphone nya. Kahit si Giselle ay hindi rin nasagot. 

 

"Hindi ka ba makapaniwala Mrs Yu na magagawa sayo ng asawa mo ito? Pwes, ngayon kilala mo na ang totoong pinakasalan mo, ang totoong ugali ng mga Yu."  Nakangising sabi ni Mr. Choi ng sila mismo ang maghatid kay Lolo sa ospital.   "Hayaan mo, igaganti ko kayo, malapit ng matapos ang kasakiman nila. My dad and I are also their victims, don't worry Mrs. Yu, your wife's Company, The YU Corp. will be mine by tomorrow." tumawa sya at tumalikod palabas ng hospital.    

Litong lito ako sa mga nangyayari, wala na akong pakialam sa lupa. Sa kanila na yan mga hayop sila! Sana sumaya sila sa ginawa nila!

 

Maging ayos lang si Lolo gagawin ko ang lahat para makabangon ulit kami. Ayoko ng marinig kung ano pa ang dahilan nila. 

 

Kaya siguro hindi nagsasabi sa akin si Karina, kaya siguro ilang araw na  tila may itinatago sya sa akin dahil ganito ang balak nya. Tangina, ano bang nagawa ko at nagawa nya sa akin to? Siguro lahat ng pinakita nya sa akin, lahat yun eh plano nya. Para lang sa pera? saksak nila sa baga nila yang kayamanan nila! Manloloko silang lahat! 

 

Napaka tanga ko talaga, bumigay agad ako sa kanya, nagpadala ako sa mga pangako nya, sa mga sinasabi nya na akala ko totoo, sa mga pinakita nya, akala ko masakit na yung malaman ko na iniwan ako ng tatay ko dahil nambabae sya. Pero tangina! Mas masakit to, kung kelan bumubuo na ako ng pangarap kasama sya. Kung kelan natutunan ko na ulit magtiwala, na akala ko hindi ko na magagawa ulit ng dahil sa trauma ko sa ginawa ni tatay. 

 

Ang galing nya umarte, paano nya ako napaniwala na mahal nya din ako? tanga mo Winter! 

 

Pareho lang sila ni tatay, parehong manloloko.

 

"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" napatayo kami ni Ryujin ng lumapit sa amin ang doctor ni Lolo.

 

"Opo." sagot ko, mahigpit ang hawak namin ni Ryujin sa isa't isa , pareho kaming hindi humihinga sa kaba sa pwedeng ibalita ng doctor.

 

"The patient is already stable now, pero magru-run parin kami ng ilang test just to make sure, your Lolo is very healthy sa edad nya, hindi din heart attack kung bakit sya nawalan ng malay." nakahinga ako ng maluwag. 

 

Salamat po! 

 

"Over fatigued and stress si Lolo. Pahinga lang at magiging ok na sya. He needs to stay here for a couple of days and wait for the results na rin." 

 

"Thank you po doc, pwede na po ba namin sya makita?"  tanong ko dahil parang ako lang talaga ang nasa wisyo ng mga panahon na to.

 

"Yes you can, pero tulog si Lolo dahil sa pinainom namin ng gamot. Magigising din sya mamaya. For now mauuna na muna ako, you can ask the nurses na lang kung may mga kailangan pa kayo." paalam ni doc nagpasalamat na din ako at hinintay ang nurse na magdadala sa amin sa kwarto ni Lolo.

 

Parang nabunutan ako ng tinik sa balita na ok si lolo, hindi ko kailangan ng kahit ano ngayon, basta ayos ang lolo ko, kunin na nila lahat basta ayos ang pamilya ko. 

 

____

 

 

"Beshie nasa labas si Karina."  bulong sa akin ni Ningning ng makarating sya sa kwarto ni Lolo. 

 

Ayokong makita si Karina, ayoko ng marinig yung sasabihin na naman nya na kasinungalingan. Hindi ako tumayo sa pagkaka upo ko sa tabi ni Lolo, tulog si Ryujin, pinauwi ko muna si nanay at lola para makapagpahinga.

 

"Labasin mo besh, pakinggan mo kung ano yung paliwanag nya." 

 

"Para saan pa? ang dami ng ebidensya Ning. Hindi na ako makikinig sa mga kasinungalingan nya. Tama na." matigas na sabi ko, at inayos ko ang kumot ni Lolo. Kung si nanay binigyan ng pangalawa at higit pang pagkakataon si tatay nuon, pero inulit pa rin, ako hindi, alam ni Karina yan. Pero eto ginawa nya pa rin.

 

Bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko na pumasok si Karina sa loob. 

 

"Mahal." tahimik na tawag nya. 

 

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito pagkatapos ng lahat. Saan ka kumukuha ng lakas ng loob Karina Yu?" galit na galit ako na tumayo.

 

"Besh sa labas kayo mag usap wag dito, si Lolo.."  paalala ni Ning sa akin.

 

"I'll wait for you outside, please hear me out." tumingin si Karina sa akin bago tumalikod at tuluyang lumabas ng pinto.

 

"Beshie , lakad na, pakinggan mo asawa mo." umiling ako.

 

"Wala na syang asawa simula ngayon."  tapos na ang pagpapanggap nya.

 

"Winter." 

 

"Babalik ako Ning, pakibantayan muna si Lolo." tumango sya at sinundan ko na si Karina sa labas. 

 

Nakita ko sya na nakatayo sa isang pasilyo sa ospital. Walang tao ngayon, hating gabi na kasi. Bawal ang maraming bantay at dalaw, pero syempre ospital nila Karina to kaya pwede syang makapasok.

 

"Mahal pakinggan mo muna ako." agad na sabi ni Karina ng makalapit ako sa kanya "I know mahirap paniwalaan ang lahat pero hindi ko ginawa to-" 

 

"Ikaw ba ang pumirma?" putol ko sa sinasabi nya. "Sagutin mo ako, ikaw ba ang pumirma ng kontrata?" nakita ko kung paano sya nanlumo at tumango.

 

"Pucha!" napahilamos ako ng mukha, parang nabingi ako sa pag amin nya.

 

"Plano mo ba lahat ng ito simula noong una pa? pati yung pag sambot mo ng lupa namin? parang gago naman karina! yung lupa lang naman pala ang gusto mo bakit pinahirapan mo pa ang sarili mo na umarte sa harap ko? Sa harap namin? may nagawa ba ako para gawin mo sa akin to? Pati si Lolo, Karina yung Lolo ko kapag may nangyaring masama sa kanya ng dahil sa kasakiman nyo, hinding hindi kita mapapatawad." madiin na banta ko.

 

"Mahal please hindi! Hindi ako umaarte, hindi ko plano to, makinig ka muna sa akin please naman-" umiling ako, napapagod na ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag umiyak sa harap nya, ayokong makita nya na mahina ako, pero lahat ng takot, kaba at galit ko sa mga nangyari sa maghapon na ito lahat ngayon lumalabas. Tuloy tuloy ang daloy ng luha sa mata ko.

 

"K-kanina, kanina tinatawagan kita, ikaw ang una kong tinawagan dahil gusto ko marinig sayo ang lahat, pero wala, hindi ka sumagot, sa mga nakalipas na araw, hindi mo manlang sinabi sa akin ang mga nangyayari, hindi ako nagtatanong dahil may tiwala ako sayo. Nakita ko ang kontrata sa bag mo, narinig ko nung sinabi mo sa secretary mo na pumayag ka Kay Mr Choi." lumapit sya sa akin at akmang hahawak sa kamay ko pero lumayo ako sa kanya.

 

"Mahal.." umiiyak na din sya, pero kahit umiiyak sya hindi ko na maramdaman kung totoo pa ba ang lahat ng luha nya ngayon. 

 

"Tama na Karina, nakuha mo na ang gusto mo, siguro naman masaya ka na, diba may usapan tayo? makabayad lang ako sa pag kakautang namin sa inyo, matatapos na ang pangpapanggap natin."  nanlaki ang mata nya na tumingin sa akin at umiling. 

 

Parang pinipiga yung puso ko, hindi dapat ganito eh, hindi ganito yung binuo ko na pangarap, hindi ganito yung inaasahan ko nung pinagkatiwalaan ko sya. Pero wala eh, wala talagang Happily ever after. Yung taong mahal na mahal ko sinira lahat ng masasayang pangarap at tiwala na meron ako.

 

"Itigil na natin to Karina, nasayo na ang lupa namin, wala na kaming pagbabayaran pa." 

 

"S-sandali mahal, h-hindi na tungkol sa deal natin to eh, mahal makinig ka muna sa akin please, wag ganito, parang awa mo na. Hindi ko alam saan ako mag sisimula, kahit ako naguguluhan na. " sa pangalawang pagkakataon ay lumapit sya sa akin at hinayaan ko syang hawakan ako sa kamay. Nanghihina na ako , napapagod na ako.

 

Sana masamang panaginip na lang to, sana pag gising ko masaya na ulit kaming maghahanda para sa mag hapon, gigising ako na totoong mahal nya ako. 

 

"Mahal, please." pinisil nya ang kamay ko at nilagay nya sa pisngi nya. Pulang pula ang mata nya sa kakaiyak, halos pareho kaming pagod sa mga nangyayare.

 

"Tama na Karina." unti unti kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya "Tigilan na natin to, hayaan mo na ako, hayaan mo na kami, bayad na ako sa pagkakautang ko. Hindi mo na kailangan magpanggap pa, ayoko na kitang makita kahit kailangan Karina Yu. Ayoko ng makaramdam ng galit at sakit na kagaya ng nararamdaman ko ngayon." nagbabara na ang lalamunan ko sa pag titimpi. Gusto ko syang sigawan, gusto ko syang saktan, pero kahit mag wala ako dito, wala na akong magagawa. Tapos na , nangyari na yung kinakatakutan ko.

 

"M-mahal please.." pagmamakaawa nya, umiling ako at mabilis na tumalikod, dali dali akong pumasok sa isang cr na nadaanan ko at dito ko binuhos ang lahat ng iyak na kanina ko pa pinipigilan.

 

Impit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
132 streak #2
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #3
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #4
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #6
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #7
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #8
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#9
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
528 streak #10
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha