Chapter T-22

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

"Ugh! Karina magpatulog ka naman!" hingal na hingal ko na tinulak si Karina paalis sa ibabaw ko. Natutuyo na lalamunan ko at garalgal na din ang boses ko dahil kagabi pa ako nag iingay dito sa kaharutan ni Karina!

 

Nakakaloka mga te! Hinayaan nga ako matulog ng asawa ko kagabi pero ng magising ako ng alas tres ng madaling araw para mag banyo sana, pag balik ko ay umisa na naman sa akin, hindi lang talaga isa yun e.

 

Tumingin ako sa orasan at napa-buntong hininga na lang 

 

Mag aala sais na..

 

Kaya siguro sumasabay na yung kulo ng tyan ko sa sakit ng katawan ko.

 

"Ok! Kiss ko muna." ngumuso sya palapit sa akin pero iniharang ko na ang palad ko sa mukha nya bago sya makalapit.

 

"Mahal..." ungot nya at ngumuso sa akin.

 

"Karina dalawang beses ka na nanghingi ng halik sa akin simula kaninang madaling araw, kasi sabi mo matutulog ka na, pero kada halik mo nauuwi sa chukchakan." 

 

"Promise wala ako gagawin, pagod na din talaga ako mahal, pleaseee." 

 

Tiningnan ko sya, akala mo kung sinong inosente syang nagmamakaawa sa akin, eh ang sakit sakit na ng balakang ko sa pinaggagawa nya!

 

Haynaku.

 

"Kiss lang ha, pag ikaw talaga may ginawa na naman sinasabi ko sayo." banta ko sa kanya na agad nyang ikinangiti.

 

Nakakabudol talaga itsura ni Karina, ngayon mukha na naman syang bata na napagbigyan sa candy. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa labi, ilong, pisngi at noo ko.

 

"Good mornight mahal." babalik na sana sya sa pagkakahiga sa tabi ko at yumakap na din dahil handa na syang matulog ulit ng pigilan ko sya.

 

"Mahal?" nagtataka syang tumingin sa akin ng tapikin ko sya sa braso nya.

 

"Bawal ka muna matulog, nagugutom ako, kasalanan mo to kaya humanap ka ng makakain natin ngayon." napakamot sya ng ulo.

 

 Ayan sige.

 

Kaldag pa more.

 

"What do you want to eat ba? gusto mo ng may rice or sandwich lang?" Umupo sya sa kama at inabot ang bathrobe na nakasampay sa bedframe ng kama, isinuot nya ito at tumayo na.

 

"Kanin sana mahal please, gutom talaga ako e, lalabas ba tayo?" tanong ko, parang wala ako sa mood lumabas ngayon, hindi ko alam kung makakalakad ba ako ng ayos pag lumabas kami. kasalanan nya talaga to. Pagod na yung pearl of the orient ko. 

 

Umiling sya at lumapit sa akin, yumuko sya para bigyan ako ng mabilis na halik sa labi, napangiti ako, namiss ko talaga to, yung paglalambing nya. Kahit masakit ang katawan ko, mas gugustuhin ko pa na ganito araw araw, kasi mas masakit gumising ng hindi ko alam kung nasaan sya. Sobrang ayoko na pag daanan yung ilang linggo na wala sya sa tabi ko.

 

"We'll stay home today, you need to rest. Stay here muna mahal ha, oorder ako ng foods natin, bukas mag grocery na tayo para dito na lang tayo sa Villa kakain, gusto mo ba?" tumango at ngumiti sa kanya.

 

"Oo naman, diba sabi ko sayo pag ako kasama mo ipagluluto kita." 

 

"Namiss ko luto mo, please sinigang na salmon bukas mahal ha." 

 

"Ok mahal." 

 

Umorder na sya ng pagkain at nagulat ako sa dami nyang binili, inasar ko pa nga sya kasi mas mukhang pa syang gutom kesa sa akin ng makita ko na sya na ang umubos pati na ng tira ko.

 

Pagkatapos ay nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano at maya maya pa ay napansin ko na lang na hindi na sya sumasagot, nakatulog na pala habang nakasiksik sa kili-kili ko, naka-nganga at naghihilik pa. 

 

Loko, napagod din sa kaharutan nya.

 

Dalawang araw din na halos hindi kami nalabas sa villa dahil sa tuwing magbibihis kami para sana umalis, kapag yumakap na si Karina sa akin at naglambing habang nagbibihis ako, namamalayan ko na lang nakahubad na ulit ako at nasa kama na naman.

 

Napilitan lang si Karina na tigilan na ako dahil kinalabog na talaga ni Yeji ang pinto ng Villa dahil ilang beses na pala syang pinapatay ng phone ni Karina kapag natawag sya at hindi rin sya nirereplyan sa text. Kaya sumugod na sya, gusto daw nya mamasyal kasama namin. Ayon, nagpang-abot na naman ang mag pinsan, nag asaran na naman sila. 

 

Jusme, parang Ryujin lang din si Yeji sa kakulitan.

 

_________

 

Winter's Pov

 

"Mahal sige naaa please.."  kanina pa ako nagtitimpi kay Karina dahil kanina pa rin nya ako pinipilit na payagan ko sya sumisid kasama ang mga pating sa dagat.

 

Wala akong pakialam kung maamo ang pating dito sa Maldives at pwedeng mag swimming ang mga turista kasama sila, pating pa rin yun! Hindi mo alam kung kelan sila aatake bigla sa tao. 

 

Dalawang linggo din kami nanatili ni Karina sa Naifaru Island ng magpagpasyahan namin na mamasyal sa iba pang parte ng Maldives. At dahil nga may kakaiba sa asawa ko na mahilig sa wild animals, dito kami napadpad sa Four Seasons Resort sa Landaa Giraavaru Maldives.

 

Limang araw lang kami dito at uuwi na rin kami kaya nilulubos lubos na namin ang pag gala, kahit na nga hirap na hirap ako yayain minsan si Karina dahil halos ayaw na ako palabasin ng kwarto kakaharot.

 

"Hindi." sagot ko at ininom ko ang juice na hawak ko.

 

Nandito kami ngayon sa restaurant sa baba ng hotel at nagmemeryenda, alas tres na kasi ng hapon.

 

Malungkot syang nagbaba ng tingin at ngumuso. Naawa ako sa kanya kasi talagang gustong gusto nya. Ang kaso hindi ko talaga kaya na makita syang lumalanggoy kasama ng mga pating, iniisip ko pa nga lang kinikilabutan na ako 

 

"Mahal, iba na lang please, wag na to, ninenerbyos ako sa gusto mong gawin eh. Mamaya nyan gutom pala sila pag lusong mo, edi naging pagkain ka pa nila?"  lumapit ako sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Lambing lambingin ko na lang baka sakaling mauto ko. 

 

"Ok." tahimik na sabi nya, nagtampo na nga. Ano ba naman kasing trip tong pinauso nila?! Nakakainis, pucha pag may nangyaring masama sa asawa ko, papaksiwin ko talaga lahat ng pating dito!

 

"Wag ka na magtampo please?" niyakap ko ang braso nya at kitang kita ko na talagang marupok ang asawa ko sa akin. Namumula ang tenga eh, palatandaan na kinikilig sya. Nagpipigil din ng ngiti.

 

Grabe sya, nakakahaba ka na talaga ng bangs Karina Yu! 

 

"Sige na nga! Basta sandali ka lang ha, wag ka din hahawak ng pating, tingnan mo lang." biglang lumawak ang ngiti nya at tumango tango sa akin.

 

"Thank you mahal! Promise saglit lang talaga, magbebehave ako." 

 

Sana behave din yung mga pating kasi baka magka-paksiw party dito sa Maldives.

 

 

"Ang cute nila diba mahal?" excited na pinakita sa akin ni Karina ang mga pictures nya sa ilalim ng dagat kasama nyang lumalangoy ang mga pating, ang saya saya nya lang, pero yung kilabot ko sa mga litrato na pinapakita nya malala. 

 

Hindi talaga ko tumingin sa kanya kanina habang nasa dagat sya, kasi parang masusuka ako nerbyos, halos nakaubos ata ako ng dalawang bote ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.

 

"Thank you mahal pinayagan mo ako, alam mo ba? Isa to sa dreams ko simula bata ako, ayaw lang ako payagan ni grandpa, ninenerbyos din sya." humalik sya sa pisngi ko. Mukhang mapapagalitan ako ni grandpa kapag nalaman nya na pinayagan ko yung kaisa isa nyang apo na makipag laro sa mga pating. Pero sige, ok lang, yung ngiti nya kasi ngayon worth it yung nerbyos ko at sermon ni grandpa sa susunod. 

 

"Last na yan Karina ha, maawa ka sa puso ko" 

 

"Ok po mahal, thank you!"  

 

_______

 

Winter's Pov

 

Bukas ng tanghali ay uuwi na kami kaya tinodo na namin ang pag gagala ngayon, mag swimming daw kami mamayang hapon at mag-hahapunan sa labas sabi ni Karina. Pero dahil alas nuwebe pa lang ng umaga ngayon, nag aayos na muna ako maleta namin at inilalagay ko na ang mga pasalubong na napamili namin. 

 

Naalala ko kanina na nag chat si Ning sa akin kagabi at tinatanong kung kamusta na kami, sinabi ko na ok na kami ni Karina at magkasama na kami. Tuwang tuwa ang babaita at sinabi pa na oras na daw para buksan ko ang pinadala nya sa akin. Na-disappoint pa nga dahil nalaman nya na uuwi na kami bukas tapos ngayon ko pa lang daw mabubuksan yung pinadala nya. Hindi ko na daw magagamit ng bongga.

 

Sorry naman busy ako.

 

Busy kay Karina.

 

Harot.

 

 

Nakita ko ang isang maliit na paper bag sa maleta ko, eto na malamang yung sinasabi ni Ning. Nawala talaga sa isip ko to. 

 

Sinilip ko ang nasa loob, kinuha ko ito at inangat. Napakunot ang noo ko.

 

Ano to? 

 

Lambat? ang liit naman nito na lambat, hindi naman siguro pang huli ng dilis to.

 

Binuklat ko ito at ganun na lang gulat ko ng makuha ko kung ano ang mga ito. May nalalag pa na papel pag angat ko.

 

SHUTAH! 

 

Gagang Ningning to! Bakit may lingerie dito?! 

 

Pinulot ko ang nalaglag na papel sa sahig at binasa ang nakasulat dito.

 

Beshie!!!!    Enjoy kayo sa pabaon ko! Advanced christmas gift ko na yan sayo ha, pwedeng kay Beshie in law na din kasi alam ko mag eenjoy sya dyan. (⑅•ᴗ•⑅) use it well beshie!!! siguradong hindi ka na palalabasin ni Karina ng hotel room nyan, Fighting beshie!   Giling well muwahh!   Ikaw ang pambato ng San Isidro!   Laban! (ง •̀ㅁ•́)ง✧                                                                                              Pretty Ningning ๑•‿•๑    

Gagang to! Akala nya ba masusuot ko to? Eh parang sinulid na lang ang nasa puwetan? Kabag ang aabutin ko dito puro butas to, hindi nalang sana ako nag .

 

Napahilamos na lang ako ng mukha, naloka ako, gusto ko sana syang imessage ngayon at sabihing pinanggigilan pa rin ako ng asawa ko kahit so-en na lang ang suot ko. Minsan nga parang ayoko na din magpanty para hindi na sya mahirap kakahubad eh,  Boset sya. 

 

"Mahal what's that?" nagulat ako ng lumabas bigla si Karina sa banyo pagkatapos nya maligo, agad agad ko ibinalik ang mga lingerie sa paper bag at isiniksik ito sa maleta. 

 

Mahirap na, last day na namin dito, baka hindi na naman kami lumabas sayang naman yung swimming at pa-dinner nya, baka ako na naman ang gawin nyang dinner kapag nakita nya to.

 

"W-wala, nag aayos ako ng bagahe natin para ok na bukas. Wala ka na bang ilalagay?" pagbabago ko ng topic.

 

"Wala na, ready ka na mamaya sa swimming?" 

 

Ngumiti ako at tumango tango sa kanya.

 

"Mag bikini ka ba mahal?" binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti at dahan dahan lumapit sa akin. 

 

Langya! good luck na lang talaga sa balangkang ko mamaya!

 

 

______

 

Winter's Pov

 

Isa at kalahating linggo na ang nakakalipas ng makauwi na kami ni Karina, nalaman na rin namin ang nangyari kay Mr. Choi, pumunta si grandpa sa bahay para ipaliwanag ang lahat, humingi din sya ng sorry kila Lolo dahil sa nangyari, pero todo paliwanag din sila lolo na naiintindihan namin ang lahat. Nabawi na din nila ang kumpanya nila kaya balik trabaho na naman ang asawa ko.

 

Nalaman din ni grandpa ang pagbabantang ginawa ni Mr.Choi kay Karina kaya naisipan ng asawa ko na lumayo sa amin. Galit na galit ang matanda kaya agad nitong tinawagan si Mr. Uchinaga para dagdagan pa ang kaso ni Mr. Choi. 

 

Masaya ako na ayos na ang lahat, bago man lang magpasko ay natapos na din lahat ng problema, magiging masa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
joyheartsoshi
0 points #1
Chapter 79: made in the philippines talaga ang teiplets 🤣🤣

at jusko naynay at mimi traumatized na naman si ryujin narinig ang halinghing ng tuta
asdfghjklmaeee
105 streak 0 points #2
Chapter 79: Nako karina what if lagyan mo ng kung ano ano yang kwarto niyo HAHAHAHA tawang tawa ako nag flashback na naman kay ryujin yung dati 😭 buti na lang madali lang ma divert attention ni mochi basta pagkain talaga HAHAHAHA
aaprilkim 0 points #3
Chapter 79: kapag nabuo ang mga babies dahil kay ryujin dapat magpakain sila mimi at naynay!! salamat sa update hehehehe
tipsylesbi 0 points #4
Chapter 79: ang cute talaga ng story na 'to. mamahalin mo lahat ng chapters kahit na up and down sila
ROYAL_LOCKSMITH 11 streak 0 points #5
Chapter 79: Wag ka na sad naynay, parating na yung babies mo. Kaya yan ni mimi at Rex.hahhaha.

Buti na lang talaga kasama ni khio si ryujin, kung hindi nalintikan na.hahaha. basta pag kain talaga mabilis ma divert ang attention ni mochi.😅

Thank you author.
meagerp
12 streak 0 points #6
Chapter 79: Grabe!! Sobrang thank you talaga author sa palaging update 😭😭😭😭. We llove you!!!


Grabe pala emotional damage ni winter sa pag buo ng bibis! Buti na lang triplets!!!!
winjeongsimp 13 streak 0 points #7
Chapter 79: tibay rin hano 😂
Jaeeeeee_
166 streak 0 points #8
Chapter 79: Karina and her love languages 🥺 okay lang yan Nay. Worth it naman kapag nag positive ka. Sa kaka OT niyo nga napasobra sa plano ni Karina na kambal eh hahaha 🤣

Siguro kung kay Yeji umiyak si Winter baka inaaway na siya ni Khio hahaha 🤣

Karina nag yaman yaman mo wag mo naman tipirin yung kwarto niyo! What if ipa soundproof mo naman 😭
ryujinie__
654 streak 0 points #9
🤍
winjnng_01 0 points #10
Chapter 79: Bka mabuo na tlaga yung baby #2 kasi narinig na ni Ryujin🤣🤣🤣