Tuhog tuhog

Please Subscribe to read further chapters

Description

         Nung bata pa si Winter, tuwang tuwa sya na panuorin ang nanay at lola nya na mag tuhog ng isaw,betamax,balunbalunan,ulo at paa ng manok at kung ano ano pa, para ibenta sa harap ng bahay nila. Enjoy pa nga sya maging taga paypay,  sa sobrang tuwa nya pati ang laro nila ni ning at ryujin eh mga tinuhog na dahon ng bayabas at bubot na mangga. Syempre, sya yung tindera. Kahit minsan gusto nung dalawa na maglaro ng ibang laro,hindi nila alam bakit sa pag papaypay parin ng mga dahon sila bumabagsak.

   "Winter ano gusto mo maging kapag malaki na tayo?" tanong ni ning habang pinapaypayan ang imaginary ihaw ihaw nila na bubot na mangga. Inanggat pa nya kunwari eto at tinikman, " eekk! ang asim!" napamukasim na lang sya sa lasa.

    Proud na ngumiti si winter at itanaas ang kunwari luto na nyang tinuhog na dahon ng bayabas.

    "Basta ako ang mag mamana ng Ihawan business namin! tapos papangalanan ko ng Winter's Tuhog tuhog at syempre masarap ang ihaw ihaw ko, madaming bibili tapos yayaman ako tapos babayaran ko na lahat ng utang namin sa lu- " hindi na natuloy ni winter ang sasabihin ng maalala nya na pinapabili nga pala sya ng uling ng lola nya.

     Natataranta nyang kinuha ang tsinelas nya na nakasabit sa taas ng sako na ginamit nila sa bahay bahayan, mabilis na nagpaalam sya sa kaibigan at pinsan nya.

    "lagot ako sa lola! inuutusan nga pala ako! ikaw may kasalanan nito ryujin! " napanganga si ryujin sa pinsan nya na hindi malaman ano ang gagawin sa tsinelas nyang natanggal ang kawad sa ilalim ng suwelas, nilagay kasi nila ito dahil nalagot nung naglaro sila ng tumbang preso kahapon, bago pa kasi ito , at mayayari si winter pag umuwi syang sira agad ang kabibili palang na tsinelas. Bilang mabait na pinsan, nilagyan nya ng kawad para makabit ulit, sinabihan na lang nya si winter na wag masyado ipangtakbo ito.

    "Ba't ako? natalo ka sa bato bato pick, ako naghugas ng pinggan tas ikaw bibili ng uling!" nakangusong sagot ni ryujin

     "Hmp! pag nabuo ko na ang winter's tuhog tuhog hindi kita papatikimin!'" nagbuburyot na simangot ni winter, umiinit ulo nya sa tsinelas nya! ilang minuto ang lumipas at sa wakas naikabit na nya uli ito, " alis na ako luningning! mamaya ulit" paalam nya sa nakakabatang kaibigan, sabay irap sa pinsan nya na nakangisi sa kanya, halatang inaasar sya, sabay takbo papuntang tindahan. Naiwan na natatawa ang dalawang bata sa bahay bahayan nila sa gilid ng bagong aning pilapil.

     "Ikaw ryu? ano ka paglaki natin?" tanong ni ning pagkatapos makaalis ni Winter

      "taga bili siguro ng uling para sa ihawan ni winter" natatawang sagot ni ryujin 

      "Ikaw ning?" 

       "Loyal Customer nya siguro" nagkatinginan ang dalawang bata at nag tawanan. 

          Supportive kaya sila kay winter, matupad man ang Winter's tuhog tuhog o makapag asawa man sya ng Afam pag laki nila, basta sama sama parin sila ok na. 

          Pero sana makapangasawa na lang ng Afam si winter, masarap naman ang ihaw ihaw pero hindi naman siguro masama kung mangarap sila makatikim ng steak, yung katulad dun sa pinapanuod ng mga lola at nanay nila sa teleserye, yung kinakain ng mayayaman.

      

Makalipas ang 15 taon...

                   "RYUJIN! ikaw na muna dito! masakit na kili kili ko!" malakas na boses na sigaw ni winter sa pinsan nyang animo turista na nakahiga sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga. 

                   "relax na relax pa ang kumag na to" nagmumulamod na bulong nya 

                   napabalikwas naman si ryujin sa lakas na sigaw ni winter at kamot ulong tumayo palapit dito.

                  "Insan sabi sayo mag asawa ka na lang ng Afam, magkaka-kulani na tayo kakapaypay, may utang parin tayo." sabi ni ryujin habang inaabot ang pamaypay na hawak ni Winter. Pero bago nya yun makuha, nakatanggap muna sya ng hampas gamit ito galing sa pinsan nya.

                   "Manahimik ka kung ayaw mo na ikaw ihawin ko dito" nagsusungit na naman ang pinsan nya naku po, kinuha nya na agad ang pamaypay at agad na sinalo ang pagpapabaga ng uling, mahirap na, baka sya na ang gawing pandingas ng pinsan nya. kunot na naman kasi noo nito.

                   "Wag ka mag alala ryu, hahanap ako ng paraan para mabayaran yang mga umaangkin ng lupa ni lolo" seryosong sabi ni Winter habang pinupunasan ang buo buong pawis nya sa noo dahil sa pagpapabaga ng uling sa ihawan. HIndi nya alam saan sya kukuha ng napakalaking pera, kahit ata ilang isaw ang ibenta nya hindi parin yun sapat, pati part time mananahi pinatos na nya, pero kulang parin.Ang hirap maging mahirap. Pero sabi nga kapag may pangarap ka at masipag ka walang impossible, para sa pamilya nya gagawin nya lahat. Kahit ilang isaw pa tuhugin nya para sa pamilya. kakayanin! laban Winter Reyes!

                    

 

Foreword

          First time ko, una sa lahat, alam ko na both english and tagalog hindi ako fluent hahahha oo medyo ewan talaga kahit tagalog lalo sa spelling. 

try lang to ah,typical story lang,kung kulang sa kilig or corny, sorry agad kasi wala ako huhugutan dahil hindi ko pa na-experience mainlove lol 

oo futa to, pero walang M dito , kasi guys hindi ako marunong gumawa nun HAHAHHA wholesome lang tayo dito, pero depende parin char! 

enjoy!

BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
137 streak 0 points #1
Chapter 74: You will be missed but never forgotten, our kaldagera friend...
aeswinter95 0 points #2
Chapter 74: tor sana wag mo kami tanggalan ng karapatan na makilala ang triplets, wag mong ilayo sa amin si khio huhu si nanay winter, si mommy karina at ang maglalabs TT^TT
kordeisty
0 points #3
reread ko nalang 'to baka gumaan loob ko juseyo
sleepysam 0 points #4
Chapter 74: 'wag ka mo muna i-discontinued 'to tor, pls. Halos lahat na ng winrina authors nagclosed e, sana 'di ka magclosed☹️
Gabriella133
0 points #5
nanay winter at mommy karina ko. masakit man yung news pero pleasee sana mabuo parin ang triplets
PerilouslyDexterous
0 points #6
wag mo idiscontinueee author plssss
sepvenanje 0 points #7
tor confirmed na dating rumor ni Karina at Lee Jaewook 🥲
sepvenanje #8
Chapter 7: tawang tawa padin ako sa zonrox
sepvenanje #9
reread ko nga ulit bago dumating triplets
Taglamignanaman #10
Ang cuteee. Excited na sa pagdating ng triplets