Chapter T-66

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

 

 

"Nay.." 

 

 

 

"Nay...nay.." 

 

 

 

"didi..." 

 

 

 

Nag-dilat ako ng mga mata ng makaramdam ako ng maliit na kamay na humawak sa pisngi ko, bumungad sa akin si Khio na sinusundot ako sa ilong. Gising na pala ang baby namin, napangiti ako ng unti-unti din lumaki ang ngiti nya ng makita nyang gising na ako.

 

 

 

"naynay!" 

 

 

 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pupugin sya ng halik sa mukha at sa bintog nyang braso pati na din sa kili-kili ng makita ko syang mag-unat pa sa kama namin. Namula ang mukha nya at nang-hahaba pa nga ang nguso bago sya humikab at nag-unat ulit. 

 

 

 

Ang cute cute!   

 

 

Umurong ako palapit kay Karina na nasa likuran ko naka-pwesto matulog, para bigyan ng space ang mochi namin sa morning unat nya. Pinag-gi-gitnaan ako ng mag-mommy kaya naman medyo masakit ang katawan ko pag-gising. Inilipat kasi ni Karina si Khio sa tabi namin kaninang madaling araw ng umiyak ito. 

 

 

 

Dalawang clingy babies ba naman ang katabi ko sa pag-tulog, sinong hindi mangangalay?

 

 

 

Si Khio kahit tulog malikot pa din, nagising ako kanina na pata na nya ang kaharap ko at naka-harap na sa tiyan ko ang mukha nya. Kaya naman wala akong nagawa kundi ayusin ang pagkakahiga nya at baka maipit ko. Eto naman si Karina, ginawa akong bolster, yakap kung yakap ang asawa ko, ang laking tao pa naman nya. 

 

 

 

"Good morning baby ko, dede agad wala pa nga good morning kiss si nanay eh." bati ko kay Khio na humikab ulit pagkatapos ay tahimik na sumiksik sa dibdib ko, pero ang kamay nya ay unti-unti nang puma-pasok sa t-shirt ko at hinihigit na ang bra ko. 

 

 

 

"Nasaan ang kiss ni nanay mochi?" ungot ko kay Khio na mabilis din naman tumingala sa akin at ngumiti, umupo ito, at tsaka sya gumapang palapit sa mukha ko para bigyan ako ng kiss sa labi, tatlong kiss pa nga. 

 

 

 

"mah nay..mm ma..mah bubuh.." 

 

 

 

"Aww~ I love you too baby ko, thank you, ang sweet sweet naman may three kisses si nanay." sobrang lambing talaga ni Khio, kaya naman sa tuwa ko ay niyakap ko sya at paulit-ulit na hinalikan sa pisngi nyang sobrang lambot.

 

 

 

Pwera usog, pero hiyang na hiyang talaga ang mochi namin sa gatas ko, ang lusog-lusog eh. 

 

 

 

"didi.." 

 

 

 

Napangiti ako, ang akala ko ay nalimutan na nya ang pakay nya. Pero hindi pala, umupo pa nga sa tabi ko at sya na mismo ang nag-angat ng damit ko. Marunong na talaga ang mochi namin, hindi na magugutom basta katabi ang nanay, madiskarteng baby. 

 

 

 

"Halika anak-- Ay sandale Khio, umayos ka muna ng pwesto, paano ka dedede nyan eh nasa mukha ko na yang diaper mo?" 

 

 

 

At syempre, ang aking morning routine nag-uumpisa na naman. Ang pananaway sa cute pero makulit namin na mochi. Eto nga't dedede na't lahat, nag-ggymnastic pa dito. Yung diaper na suot nya ay nasa mukha ko na naka-tapat dahil naka-baligtad sya ng higa habang na-dede sa akin.

 

 

 

Kapag nasa labas naman kami at naglalaro sya, makita nya lang ako na umupo, lalapit na yan at dedede kahit naka-tayo pa sya. 

 

 

 

Parang baka daw sabi ni lolo, kung saan kasi talaga abutan si Khio ng gutom at basta nandoon ako, kahit anong pwesto pa namin mang-nanay, wala syang pake, basta kapag sinabi nyang "didi", kasehodang nagpa-paypay ako ng ihawin na tinda namin, naka-lambitin yan si bochog sa akin at enjoy na enjoy sa gatas nya. Habang ako bigat na bigat na sa pag-karga sa kanya. 

 

 

 

"Hmm.." ungot nya lang, wala na din akong nagawa dahil nagsimula na syang dumede. 

 

 

 

"Good morning nanay.." garal-gal ang boses na bati ni Karina sa akin. Hinapit nya ako palapit sa harap nya, at naramdaman ko din ang pag-halik nya sa likod ng ulo ko. 

 

 

 

Hinayaan ko na si Khio at nilingon ko naman ang isa ko pang baby na nagising at naka-backhug na nga sa akin ngayon. Nakatulog ulit kasi si Karina ng sunduin nya sina Ning at Ryujin sa ospital kaninang madaling araw. Nakaka-proud etong asawa ko na to, ang laki talaga ng tulong nya doon sa apat.

 

 

 

Hindi na sya yung Karina na hinimatay sa lamaze class dati. 

 

 

 

"Good morning mahal ko." bati ko kay Karina, malambing ko syang hinalikan sa labi at hinaplos ang pisngi nya. Naka-pikit ang matang ngumiti sya at halatang antok na antok pa. 

 

 

 

"Tulog ka pa mahal, maaga pa." muli ko syang hinalikan at dahil antok pa nga ay nakatulog ulit sya. Kawawa naman..

 

 

 

Hinawakan ko ang braso ni Karina na nasa bewang ko at sumiksik sa kanya. Hinila ko na din ang kumot na nasa paanan para ikumot sa amin mag-asawa. Hindi ko na kinumutan si Khio dahil ang bochog, ang paa, naka-taas pa sa head board ng higaan namin habang na-dede sa akin.

 

 

 

Mga trip talaga ni Khio, hay ewan.

 

 

 

"Tulog pa mochi, mamaya ka na mangulit ha? Ina-antok pa si nanay.." bulong ko kay Khio na malamlam na ang mata. 

 

 

 

Humikab ako at tinapik-tapik ko ang diaper na suot ni Khio para makatulog ulit sya. Balak kong bumalik sa tulog dahil napuyat ako kagabi, eto kasing mommy nya, nalingat lang ako saglit, napa-tikim na pala agad ng stick-o si Khio. Ayon, ala-una na ng madaling araw gising pa din si mochi at kinakausap pa ang mga laruan nyang dinosaurs. 

 

 

 

Maya-maya lang ay naramdaman ko na pa-tigil-tigil na sa pagdede si Khio, at nang yumuko ako para tingnan sya ay nakita kong naka-tulog na ulit sya. Kaya naman iniayos ko na ang higa nya para hindi mangalay. 

 

 

 

Grabe ang bigat...

 

 

 

"I love you Khio, mamaya na ulit tayo magkulitan anak." hinamplos ko ang malago nyang buhok at niyakap ko na sya palapit sa dibdib ko. 

 

 

 

Tutulog muna ako, dahil mamaya ay para na naman kaming turumpo mag-nanay. Hindi naman kasi masyadong malikot si Khio, tama lang, sapat lang para tubuan agad ako ng puting buhok. Kaloka.

 

 

_____

 

 

"Naynay!" 

 

 

 

"Khio! Wag ka dyan natutulog pa ang pinsan mo at si Alli!" 

 

 

 

"Nay-!" 

 

 

 

"Khio!" 

 

 

 

"Yeji si Khio!" halos mapa-balikwas si Ryujin ng makita nyang naitulak ni Khio ang pintuan ng kwarto nila dahilan para mapa-subsob ito sa sahig.

 

 

 

"Titi! Aah!" tili ni Khio.

 

 

 

Tatayo na sana si Yeji para tulungan ang pamangkin nyang sumubsob sa sahig, pero napahinto din sya ng gumulong lang ito at mabilis na tumayo na parang walang nangyari, sabay takbo papunta sa kanya sa kama.

 

 

 

"Titi! Tata!" natatarantang tawag ni Khio sa kanila ni Ryujin

 

 

 

Natawa na lang silang mag-asawa ng lumambitin pa ito sa kobre kama at humawak sa binti nya para maka-akyat. Pilit nito ini-aakyat ang mga bintog na binti sa kama pero dahil nga may kalusugan si Khio ay hindi ito umaabot kahit sa kalahati ng taas ng higaan nila. 

 

 

 

"Ano na naman ba ang ginawa mo bochog? Ang aga-aga pa, parang armalite na naman ang bibig nanay Winter mo." natatawang tanong ni Yeji na tinapos na ang paghihirap ng pamangkin nya, binuhat na nya ito para itabi kay Ryujin na nagpapa-dede kay Yumi. 

 

 

 

Kaka-uwi lang nila galing sa ospital at dalawang araw din silang nanatili doon. Eto nga't kakauwi lang nila at boses agad ni Winter na sinasaway si Khio ang naririnig nila. 

 

 

 

"Khio!" rinig nilang tawag ni Winter na papalapit na sa kwarto nila dahil rinig nila ang yabag ng paa nito sa kahoy na sahig ng bahay.

 

 

 

"Aah!" gulat na sigaw ni Khio ng marinig ang nanay nya, sa taranta nito ay sumubsob pa ito sa unan at nagtakip ng tenga. 

 

 

 

"Sobrang cute mo mochi~pero lagot ka, nandyan na ang nanay Winter mo." nangingiting tinapik ni Ryujin ang pwet ni Khio na naka-tuwad sa tabi nya at naka-subsob pa din ang mukha sa unan. 

 

 

 

"Khio isa!" 

 

 

 

Tamang-tamang pag-pasok ni Winter sa kwarto nila Ryujin ay sya ding mabilis na pag-upo ni Khio na muntik pa nga mapa-higa ng mawalan ito ng balanse, pero naka-bawi din ito at agad naman sumiksik sa kili-kili ng tita Ryujin nya para magtago.

 

 

 

Natawa na lang si Ryujin sa pamangkin nya, lalo na kay Winter na halatang kagi-gising lang dahil hindi pa ito nakaka-pagsuklay, gulo-gulo pa ang buhok ng pinsan nya. May hawak din itong diaper, at puting bimpo na nakasabit sa balikat nito. 

 

 

 

"Anak, tulog si Yumi, mamaya na tayo pupunta dito pagod pa ang tita Ryujin mo." hininaan naman ni Winter ang boses nya ng makita nyang tulog ang pamangkin nya. Ang kaso ay ang anak naman nya ang maingay at tila naki-kipaglaro pa ito ng tagu-taguan sa kanya. 

 

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Winter, inisip nyang kasalanan din nya kaya nakatakas si Khio at naka-labas ito ng kwarto nila. Panatag sya na nasa kama pa si Khio at tulog katabi ni Karina, kaya naman binuksan nya ang harang ng kama nila dahil nga ihahanda sana nya ang gagamitin ni Khio sa pagligo.

 

 

 

Ang kaso nga lang paglingon nya sa higaan galing sa pagkuha ng diaper sa cabinet nito, ay tanging likod na lang ni Khio ang nakita nya, dahil naka-labas na ito ng kwart

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂