Chapter T-43

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Third Person's Pov

 

 

Nagising si Winter ng bandang alas dyes ng umaga ng marinig nya ang iyak ni Khio. Pakiramdam nya ay gusto na din nya sabayan ang anak nila sa pag-iyak, ang sakit ng katawan nya, pagod at inaantok pa din sya, dahil wala pa halos tatlong oras ang tinulog nya. Talagang nilubos-lubos sya ni Karina sa mag-damag na pinagbigyan nya ito. 

 

 

 

Kasalanan mo talaga to Karina Yu! Mahahati na ata ang balakang ko.          

Agad nagmulat ng mata si Winter ng maramdaman nya na nasa dibdib na nya si Khio at napalahaw ng iyak. Ipinatong ito ni Karina sa dibdib nya kaya tumingala sya sa asawa nya na todo ngiti sa kanya, akala mo nanalo sa lotto dahil kulang na lang kuminang-kinang ang mga mata nito.

 

 

 

Inirapan nya lang ang asawa at ibinaba ang kumot na nakatabing sa kanyang dibdib para padedehin ang anak nila, agad din naman ito tumahan ng makuha na ang gusto. Doon na lang nasabi ni Winter sa sarili nya na ang hirap pala talaga maging isang ina, kahit pagod at puyat sya para pasayahin ang asawa nya ay kailangan nya pa din kumilos para naman asikasuhin ang anak nila.

 

 

 

Hindi naman kasi ako na-orient na pati pala yung mommy kailangan din dumede sa akin. 

 

 

 

Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Winter at tinapik-tapik ang likod ng anak nila na tahimik na ngayon na dumede sa kanya. Mabilis naman nya tinakpan ng kumot ang isa pa nyang dibdib ng mapansin nya na nakangiting nakatingin dito si Karina, pagkatapos ay pilya sya nitong kinindatan.

 

 

 

"Sasapukin na talaga kita kapag hindi ka pa tumigil dyan Karina." banta ni Winter sa asawa nya na ngumuso lang sa kanya. 

 

 

 

Itinaas nya pa lalo ang kumot hanggang sa leeg nya. Tanging ang kabila na lang na dibdib nya ang labas kung saan nadede si Khio. 

 

 

 

"Hindi ko mapigilan mahal, wala ka kasing suot eh. Pero thank you sa ayuda sa umaga." malokong sabi ni Karina sa kanya at mabilis syang hinalikan sa pisngi. 

 

 

 

"Ayuda ka dyan? Masakit na ang katawan ko kaya hindi na ako nakapag-damit kanina, pagod ako." irap ni Winter sa asawa.

 

 

 

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Winter na mag-damit pa ng tigilan na sya ni Karina bandang ala-syete ng umaga, wala pa naman gising sa mga tao sa bahay ng ganoong oras dahil madaling araw na din sila lahat natulog, kaya nag-pabuhat na sya kay Karina para pumunta sa banyo at maligo dahil wala na syang lakas pa kumilos. Nag tapis na lang sya ng tuwalya.

 

 

 

Pagbalik nilang mag-asawa sa kwarto ay gising na si Khio kaya inutusan na lang nya si Karina na sa bote muna padedehin ang anak nila, dahil nanlalambot na talaga sya sa pagod at antok.

 

 

 

Si Karina naman ay tila walang kapaguran at todo asikaso sa mag ina nya. Imbes na mapagod sa pinaggagawa nya kagabi hanggang ngayong umaga ay kabaligtaran nito ang nangyari. Mas lalo syang naging hyper. Parang kaya pa nya mag-sibak ng kahoy na gagamitin sa pagluluto sa bagong taon.

 

 

 

Kabaligtaran ng asawa nya, dahil pagkahiga na pagkahiga pa lang  ni Winter sa kama nila pagkatapos maligo ay ang huling naalala na lamang nya ay ang masayang paghe-hele ni Karina sa anak nila dahil nakatulog na sya sa sobrang pagod.

 

 

 

 

"Ang sakit ng katawan ko mahal...." namamalat ang boses na reklamo ni Winter habang nakadapa si Khio sa dibdib nya at pinapadede ito.

 

 

 

Pasalamat talaga sya at hindi ito nagmumuryot na nakahiga lang silang mag ina dahil wala syang lakas pa para buhatin anak nila. 

 

 

 

"I'm sorry, but don't worry mahal, kahit dito ka lang mag-hapon ako na bahala pati kay Khio." 

 

 

 

"Hindi ka ba pagod?" takang tanong ni Winter kay Karina. Nagtataka sya dahil tila parang walang nangyari. Parang mas dumoble pa yung energy ng asawa nya. Wala din tulog si Karina dahil sya ang nagbantay sa anak nila habang tulog sya.

 

 

 

Nakangiting umiling si Karina sa kanya at hinalikan sya sa noo.

 

 

 

"Nah, nakapag-exercised ako mahal eh, kaya malakas ako ngayon hehe." sagot naman ni Karina at pilya sya nitong nginitian na ikina-irap nya. 

 

 

 

Napaka talaga, pero si Karina yan magtataka pa ba ako?          

"What do you want to eat mahal? Maliban sa aki-ouch!" mabilis na hinimas himas ni Karina ang tagiliran nya ng kurutin sya ng pinong-pino ni Winter dito.

 

 

 

"Bwiset ka talaga hindi ka pa nakuntento, ikuha mo ako ng totoong pagkain, nagugutom talaga ako Karina umayos ka dyan." pagalit ni Winter sa kanya. 

 

 

 

Natawa na lang si Karina at tumayo " Ok po, ano gusto mo mahal?" 

 

 

 

"Kaya mo na ba mag luto ng lucky me noodles yung beef? Gusto ko non mahal, tas lagyan mo na din ng itlog tsaka dala ka din ng kanin please? Ay, tubig na malamig din pala mahal. Salamat."  malambing ang boses na utos ni Winter kay Karina. 

 

 

 

Ewan ba nya, naubusan ata sya ng tubig sa katawan dahil pakiramdam nya ay uhaw na uhaw sya. Pati pag inom ng tubig kaninang madaling araw hindi na nya nagawa. Hindi talaga sya pinakawalan ni Karina. Hindi nga nya alam ano pumasok sa isip nya at bakit nya naakit akit pa ang asawa nya. 

 

 

 

Pero alam din naman ni Winter na deserved din ni Karina to, may pangangailangan ang asawa nya, ang tagal na din nito na nag-tiis at nabibitin sa kanya. Kahit sabihin pa nga ni Karina na maghihintay sya, Eh naawa na sya dito, lalo na't lagi din sila magkasama at likas na malambing ang asawa nya kaya minsan ay hindi maiiwasan na muntik muntikan na sila makalimot na baka masundan agad si Khio.

 

 

 

Kaya nga naisipan na nya na mag-pills na, noong huling check up nila ni Khio ay nagtanong na sya sa OB nya at niresetahan naman sya nito. Mag-sasabi sana sya kay Karina tungkol sa pag-inom nya ng pills pero kilala nya ang asawa nya. Baka unang inom pa lang ay hindi na ito makapagpigil at subukan na agad. Kaya pina-abot nya muna ng dalawang linggo para sigurado na gagana talaga. 

 

 

 

"Papaturo ako kay nanay, wait lang mahal ah. Mabilis lang ako. Wag ka na lumabas ako na dito." paalam ni Karina at mabilis na din ito lumabas ng kwarto.

 

 

 

Hindi talaga ako kikilos Karina Yu, pagsilbihan mo ako ngayon. Pagkatapos mo alipinin ang katawan ko mag-damag, bumawi ka ngayon.           Charot!            

"Anak tulog muna ulit tayo, antok pa si nanay talaga." yumuko si Winter sa dibdib nya kung saan nakahiga si Khio, naramdaman nya na kasi na patigil-tigil na ito sa pagdede sa kanya at ganoon na lang ang tuwa nya ng makita nyang nakatulog na muli ito.

 

 

 

Marahan nya hinaplos ang likod ni khio para palalimin pa ang tulog ng sanggol dahil tila makakatulog na naman sya, kulang na kulang talaga ang tulog nya. 

 

 

 

"Thank you anak, wag ka mag alala, hindi ka pa magiging ate kahit napaharot ng mommy mo." nasabi na lang ni Winter bago sya tuluyang nakatulog ulit. 

 

 

 

______

 

Third Person's Pov

 

 

"Mag iwan na lang ako ng mga damit natin doon mahal, para pagbalik natin pagkatapos ng bagong taon wala na tayo masyadong dadalhin." 

 

 

 

Isinara na ni Winter ang huling maleta ng mga damit nila na inimpake nya, pagkatapos ay binuhat na ito ni Karina para ilagay sa gilid ng pinto ng kwarto nila. Luluwas kasi sila sa makalawa sa Maynila dahil may kailangan tapusin si Karina na trabaho sa kumpanya.

 

 

 

Gustuhin man ni Winter na wag na muna sumama dahil apat na araw lang naman iyon, ang kaso nga ay naawa sya kay Karina. Ayaw na din nya maulit yung nangyari ng nakaraan na umuwi ito bigla sa San Isidro dahil hindi na ito sanay na malayo sila ng anak nila. Nag usap naman na sila tungkol dito pero iniisip nya pa din ang mararamdaman ni Karina. 

 

 

 

"Sure mahal." sagot ni Karina, bumalik ito sa kama at kinuha naman si Khio sa kuna nito, pagkatapos ay inihiga nya ito sa harap ni Winter na ngayon naman ay naghahanda para bihisan na ng pantulog ang anak nila. 

 

 

 

"Hala!" nagulat si Winter ng biglang mamatay ang ilaw nila sa kwarto. "Mahal wala atang kuryente." sabi nito at inabot ang cellphone sa tabi nya para mag bigay ng liwanag sa kanila. 

 

 

 

"Sandali mahal check ko, kukuha na din ako ng kandila." tumayo naman agad si Karina at lumabas ng kwarto dala dala ang sariling cellphone nito para gawing ilaw. 

 

 

 

"Oaaahhh Oaaaahhh" 

 

 

 

"Shhh anak, nandito si nanay, tahan na po, kukuha si mommy ng ilaw natin baby...opo, natatakot ka sa dilim anak? Wag ka mag alala nandito si nanay at mommy." mabilis na kinuha ni Winter si Khio at binuhat ito dahil bigla itong umiyak.

 

 

 

Inilapag nya ang cellphone na hawak nya sa kama para ang ilaw nito ay tumama sa bubong ng kwarto nila. Humikbi-hikbi na lang si Khio ng tumingala ito at makita ang ilaw sa bubong. 

 

 

 

Sa tingin nya ay nasanay ang anak nila na may ilaw kahit papaano sa paligid, dahil kahit nagpapatay sila ng ilaw sa gabi kapag bago sila matulog ay hindi nila pinawawalaan ng ilaw si Khio sa tabi ng kuna nito. May maliit kasi ito na lampshade sa gilid ng kuna, para kapag umiyak ito o dedede sa madaling araw ay makikita agad nila. At iwas na din sa mga insekto.

 

 

 

Hindi din nagtagal ay pumasok na ulit si Karina sa kwarto dala ang dalawang kandila, ang isa ay may sindi na at nakalagay sa gitna ng mangkok na may tubig. Ang isa naman ay hawak nito pati ang posporo.

 

 

 

"Naputol daw yung kawad ng kuryente sa may court mahal, natumbahan daw ng sanga ng puno sabi ni lolo baka daw bukas pa magawa." sabi ni Karina at inilagay nito ang kandila sa may tukador malapit sa kanila. Kahit papaano ay lumiwanag na ang kwarto nila. 

 

 

 

Tumango naman si Winter na hinahaplos ang likod ni Khio na nakahilig sa balikat nya, umuungot ito. Kumunot naman ang noo ni Karina at nag aalala na tiningnan ang anak nila. 

 

 

 

"What happened baby? Why did you cry? Is she ok mahal?" nag aalalang tanong ni Karina kay Winter na umiling lang at marahan ngumiti ng makita nyang lumapit ang asawa nya sa anak nila

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
yeppeungom
0 points #1
Chapter 66: yung mga angst readers ingat kayo baka huntingin kayo Ng mga fluff reader😂🫶🏻
yeppeungom
0 points #2
Chapter 66: eyy satisfying yung sampal ni rina Kay lily sa totoo lang proud Ako Kay wintot Kasi di nya pinakinggan Ang Galit nya at mas pinili na pakinggan si karina🫶🏻
ratedkmj
0 points #3
Chapter 66: ayyy bilis naman binawi tor, dapat nag rambulan muna winter vs lily HAHAHAHHAA para namnam talaga namin ang angst #angstenthusiast
luh_KEY 0 points #4
Chapter 66: Ang satisfying na ang unang bungad ay sampal. Kasi last time, ganoon ang gusto naming gawin kay water lily. Mabuti na lang talaga natuto na silang mag-asawa about confrontations. Naiyak na lang ako doon kay Khio nung hinahanap niya mimi niya. Wala na pwedeng magpalungkot sa pamangkin namin aba naman!
kwinterrr_
118 streak 0 points #5
Chapter 66: yeyyy
ilyy12020530 0 points #6
Chapter 66: Juskoooo... Magbunyi!!!! No to angst! Mga nagrequest ng angst,papaharang ko kayo sa kanto! Chos!

Thanks author!!!!
Bibbibs 0 points #7
Chapter 66: Kung may magcocoment uli ng angst i mamass report ko na talaga🥰
purplejoch
524 streak 0 points #8
Chapter 66: ahhh finally naayos agad, authornim salamat salamat kasi inahon mo kami agad sa angst huhu,
sa nag comment last mo na yun please
naawa ako kay khione nangulila sa mother dinosaur niya 🦖🦕
sabi ko na nga ba napaka hitad talaga ni lily at tinolerate pa talaga ng tatay niya, buti na lang maraming ebidinsya si karina 😭 naawa naman ako dun pumayat pa tuloy buti na lang hinde natiis ni nanay winter si mimi karina, at katuwa din kasi nakita natin na mas nag level up pa yung relationship ng mag asawa in terms of maturity at sana ma pag usapan din nila yung nangyari. cute cute din ng inaanak namin na yan marunong ng tumakas kay nanay at sumasagot na rin 🫣
gorjushuya 31 streak 0 points #9
Chapter 66: HUHUHUHU NAIIYAK AKO. ANG LAKING IMPROVEMENT NITO KAY MARENG WINTER. TSAKA ANG CUTE CUTE NI KHIO. TAPOS ANG CUTE DIN NI KARINA. AAAAA NAIIYAK AKO. TANGINA ANG SAYA SAYA KO LANG 😭😭😭😭
Elle_Altair 0 points #10
Chapter 66: Jusko buti nalang... hindi ko talaga naitulog kagabi yung ganap eh. Nagbasa pa ako ibang winrina au na fluff para maiwasan lang pero pabalik balik parin yung last ud sakin huhuhu author last mo ng angst yan ah😑. Fluff enthusias tau dto author🥺