Chapter T-64

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"Kumain ka nang marami mahal, eto ang sabaw humigop ka para mainitan ang sikmura mo, kumain ka ng kanin." 

 

 

 

Kung pwede lang na subuan ko na lang si Karina para maka-sigurado ako na kakain sya ng maayos, ginawa ko na. Sobrang awa at pag aalala ko kanina ng niyaya ko na syang lumabas ng kwarto at pagtayo nga nya ay doon ko nakita ang buong katawan nya. 

 

 

 

Nakaka-panlumo ang itsura ng asawa ko, para syang may sakit, na-nginginig pa sya kanina at duma-daing na masakit daw ang tiyan, malamang dahil iyon sa pagpapalipas nya ng gutom. Kaya ang sabi ko kay Aling Thelma ay ako na ang mag hahanda ng pagkain ni Karina. Baka sakaling kumain na sya ng maayos dahil nandito na kami ni Khio. 

 

 

 

Pero eto nga't kakaunting kanin at panay sabaw lang ang hinihigop. Awang-awa ako kaya hindi na din ako naka-tiis at kinuha ko na ang kutsara nya at ako na ang nagkusang lagyan iyon ng kanin at ulam.

 

 

 

"Kain."

 

 

 

Nagta-taka syang napatingin sa akin ng makita nyang itinapat ko ang kutsara na may laman na kanin, gulay at piraso ng isdang salmon sa bibig nya. Ngumuso lang sya na tila pa-ungot na, pero tina-asan ko ng kilay at i-minuwestra na kumain. 

 

 

 

Ngumanga naman sya at kinain iyon, sinundot ko pa ang dimple nya sa pisngi dahil ang bagal nya ngumuya. Humigop pa nga ulit ng sabaw para mabilis nyang malunok ang kinakain nya. 

 

 

 

Napa-buntong hininga ako habang hini-hintay ko na maubos ni Karina yung pagkain sa bibig nya. Nahuhuli ko din na natutula sya minsan, nag aalala tuloy ako na baka napa-sama ang pagpapa-layo ko sa kanya. Baka pinasukan na ng hangin ang ulo ng asawa ko. 

 

 

 

"Hindi muna tayo uuwi mahal ha? Dito na muna tayo sa mansyon kahit ilang araw lang, mag-bawi ka muna ng lakas. Ayaw kita i-uwi ng ganito, pakiramdam ko mapapagalitan ako nila nanay kapag nakita ang kalagayan mo." 

 

 

 

Ganyan kalakas si Karina sa pamilya ko, sya yung kakampihan kapag may tampuhan kami. Kasi daw alam nila ang toyo ko, at mahaba ang pasensya ni Karina sa akin kaya hindi daw pinapatulan ng asawa ko ang galit ko.

 

 

 

Kunot ang noo nya akong tiningnan, tsaka nya mabilis na nilunok ang pagkain na nasa bibig nya bago mag-salita. 

 

 

 

Pati paglunok nahihirapan sya, naka-kaawa na naka-kaiinis. Isama pa na nagi-guilty ako dahil alam ko na dahil ito sa hindi nya pag-uwi sa amin. 

 

 

 

"But I'm fine mahal..." 

 

 

 

"Fine ka dyan, nakaka-takot ka ilabas, para ka ng liliparin kapag nahanginan ka." 

 

 

 

Napansin ko ang suot nyang t-shirt, naka-laylay na ang manggas nito sa balikat nya. Mabigat ang loob ko na inangat iyon, paboritong nya itong suotin lalo na kapag natutulog, na dati ay tama lang ang sukat sa kanya, ngayon ay tila ang laki na sa kanyang tingnan. 

 

 

 

"I'll be fine, nandito na kayo ni Khio eh." 

 

 

 

Tinuro nya pa si Khio na nasa kabilang gilid ko at kumakain, hina-hayaan na namin sya kumain mag-isa, atleast natututo na syang maging independent. Simot naman yung bowl nya ng pagkain dahil katulad ng mommy nya, sinigang na salmon din ang naging paborito nyang ulam. Tinutulungan ko na lang kapag hihigop sya ng sabaw, gustong-gusto nya din yung labanos sa sinigang. 

 

 

 

Kinuha ko na din ang bowl nya at pinalitan ng pinggan na may laman na strawberries para sa dessert nya. Natawa na lang kami ni Karina ng pumadyak-padyak at pumalakpak pa nga ng makita nya ang strawberry. 

 

 

 

Nang maka-sigurado ako na kumakain na ulit si Khio ay nilingon ko ulit si Karina, nakangiti lang sya na pina-panuod ang anak namin kumain. Kinuha ko ang kutsara nya tsaka ko ulit sya sinubuan ng pagkain.

 

 

 

"Eh kung next week ka pa pala namin sinundo, baka naabutan ka na lang namin dito na dilat na ang mata sa gutom. Wag mo naman pabayaan ang sarili mo mahal, hindi lang eto ang unang beses na ganito ka, kahit busy ka wag mo kakalimutan kumain ng ayos at mag pahinga." 

 

 

 

Lagi ko na lang syang sina-sabihan, pero sadyang workaholic itong asawa ko, kapag na-busy na sa trabaho wala na din pahinga. 

 

 

 

"I'm sorry, kakain na ako sa oras mahal, don't get mad na.." sabi nya sabay pisil sa hita ako.

 

 

 

"Hindi naman ako galit, pinapa-alalahanan lang kita, hindi namin kailangan ng anak mo ang napaka-laking kumpanya at maraming pera kung magka-kasakit ka o mawawala ka naman sa amin. Kaya please, kumain ka ng ayos, magpahinga ka, kakausapin ko si grandpa para makapag-bakasyon ka na muna." 

 

 

 

Wala syang nagawa ng subuan ko ulit sya ng kanin, pinanlakihan ko na ng mata ng makita ko na a-angal pa sya sa sinabi ko. Naiinis ako, pinigilan ko na lang at baka lalong lang makasama sa kanya. 

 

 

 

"Nay didi.." 

 

 

 

Napa-lingon kaming mag-asawa kay Khio at nagulat ako ng makita ko na linis na ang pinggan nya, yung tatlong pirasong malalaking strawberries naubos na nya agad. Sinilip ko pa ang sahig at baka nahulog lang nya, pero wala, kinain nya talaga lahat. 

 

 

 

Grabe talaga ang bituka ni Khio, parang vacuum cleaner, higop kung higop ang pagkain.

 

 

 

"Anak naman, kaka-kain mo lang eh, mamaya na ang dede." 

 

 

 

"Mimi didi.." tawag nya sa mommy nya. 

 

 

 

"I'm sorry love, but mimi doesn't have milk." natawa kami ni Karina ng tila problemadong ini-hilamos ni Khio ang kamay nito sa mukha nya na kulay pula na dahil sa mga strawberries na kinain nya. 

 

 

 

"didi.." naka-ngusong ulit ng mochi namin. Marunong na talaga sya magpa-awa effect.

 

 

 

"Maya-maya anak, water na lang muna." alo ko, kinuha ko na din ang sippy cup nya na hugis dinosaur, ewan ko ba kung saan nabibili ni Karina ang mga ganito. Sa susunod, para na talagang Jurassic park ang kwarto namin. 

 

 

 

"No no.." umiwas pa si Khio at iwinasiwas ang kamay nya ng itapat ko ang dinosaur sippy cup sa bibig nya.

 

 

 

Narinig ko na natawa si Karina sa tabi ko, kagagawan nya lahat ng to eh. 

 

 

 

"Ayan, tinuruan mo ng no no kaya lahat ng sagot no no. Pagbu-buhulin ko na talaga kayong mag-mommy dyan eh." 

 

 

 

Tumawa lang si Karina at kinuha ang sippy cup sa akin sabay abot kay Khio na nakapag-tatakang inabot agad ito. Kinuha naman ni Karina ang baso nya at itinapat kay Khio. 

 

 

 

"Good job Khio, you ate a lot and finished your foods, so let's cheers baby, Cheers!" 

 

 

 

"Chichi!" 

 

 

 

Napa-nganga na lang ako ng nag-cheers nga si Khio, itinaas nya pa ang sippy cup nya gaya ng mommy nya at itinapat sa baso ng tubig ni Karina.

 

 

 

At sabay pa talaga silang tumungga. 

 

 

 

Jusko, may future tomadora pa ata ako, wag naman.          

"Ikaw! Puro kalokohan tinuturo mo sa anak mo-! sige tawa pa!" hinampas ko ang braso ni Karina na nagpi-pigil ng tawa dahil may laman pa na tubig ang bibig nya, pati si Khio tumawa din dahil nakita nya kung paano sumirit ang tubig mula sa bibig ng mommy nya.

 

 

 

"Karina ang kalat!" pagalit ko sa sutil kong asawa ng tumalsik ang tubig mula sa bibig nya papunta sa lamesa, dali dali naman nyang kinuha ang tissue para punasan yon.

 

 

 

"Mimi!" 

 

 

 

Nakakaloka, yung anak namin tuwang-tuwa pa, parang kapag galit ako mas natutuwa pa sya. Nakaka-taas ng presyon ang mag-mommy na to susme.

 

 

 

" Sorry, sorry..Pero atleast uminom sya mahal, diba Khio? Oh, cheers ulit mochi!" 

 

 

 

"chichi!" 

 

 

 

"Khio! Wag ka maglaro ng tubig sa bibig mo!--ayan! Ikaw kasi!"

 

 

 

"Ouch! Baby oh, si nanay inaaway ako.." sumbong ni Karina kay Khio ng hampasin ko ulit sya sa braso. 

 

 

 

"Mimi chi! Abrrrfff!" 

 

 

 

"Khio-!" 

 

 

 

Napa-hilamos na lang ako ng mukha, natalsikan lang naman ako ng binuga nyang tubig at sakto, sabon na lang ang kulang pwede na ako maghilamos. 

 

 

 

Minsan talaga pakiramdam ko dalawa na ang anak ko.

 

 

 

22 pa lang ako pero parang magkaka-uban na ako ngayon pa lang. 

 

 

 

Ang kukulit ng mga dinosaurs ko..  

 

______

 

 

 

"What the fck are you doing here?!" 

 

 

 

Gulat na gulat si Karina ng paglabas nya ng sala ay naabutan nya si Lily na naka-upo doon at naghihintay sa kanya. Nagtataka sya kung paano ito nakapasok sa mansyon at higit sa lahat, kung paano ito nakatakas.

 

 

 

"Mang Berto! Mike!" mabilis nyang tawag sa driver at bodyguard nya para i-alerto ang mga ito. 

 

 

 

Agad din syang umiwas kay Lily ng a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂