Chapter T-32

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

"Ampotek na pusta yan Ryujin bente pesos? kahit cornetto hindi na makakabili to!" 

 

 

"Napaka arte mo naman eh matatalo ka din naman!" 

 

 

"Sinong may sabi? Sure ako sa pusta ko no."

 

 

"Ihanda mo yang isang libo mo ha, baby pakisampal nga ng isang libo tong chekwang to." 

 

 

"Wala akong cash baby, card ba ok lang?" 

 

 

"Mas maganda yan, pwedeng pang-swipe sa leeg nya pag natalo sya." 

 

 

"Aba gag-" 

 

 

Ang ingay!        

Nagising ako ng may marinig ako na malalakas na boses na nagtatalo malapit sa akin. Tatagilid sana ako para ituloy ang tulog ko ng makaramdam ako ng sakit ng katawan at kirot sa may bandang ano ko.

 

 

"A-aray.." napahawak ako dito dahil ramdam na ramdam ko yung kirot sa paggalaw ko.

 

 

Ang hapdi! 

 

 

"Winter! Huy! Wag ka muna magkikilos, kakapanganak mo pa lang beshie." nagmulat ako ng mata at nakita ko ang nag aalalang si Ningning sa tabi ko, tinulungan nya ulit ako humiga sa kama ng ayos. Sa kabilang side naman si Ryujin na naka-suporta sa likod ko. 

 

 

 

"Insan sandali, relax ka lang baka mabinat ka. Baby, pakipindot ng emergency button, pindutin daw yan sabi ng doktor kapag gising na si insan eh." utos ni Ryujin kay Yeji na agad naman pinindot ang pulang bilog sa gilid ng kama ko. 

 

 

Oo nga pala kakapanganak ko palang, parang ang haba na kasi ng tulog ko dahil sa pagod ko sa panganganak, ang huling naalala ko na lang ay nakatulog ako na nasa dibdib ko si Khio at nilalaro sya ni Karina. 

 

 

 

Si Khio...

 

 

 

Sandali!

 

 

 

Nasaan ang anak at asawa ko?! 

 

 

 

Nataranta ako na kinapa ang dibdib ko kung saan nakahiga si Khio kagabi at ng hindi ko sya nakapa ay kinakabahan ako na tumingin kay Ning.

 

 

 

Yung anak ko!

 

 

 

"N-ning nasaan si Khio?!" uupo sana ulit ako ng mahagip ng paningin ko si Karina na nakaupo sa upuan sa tapat ng bed ko sa paanan habang nakayuko at natutulog.

 

 

 

Nandito ang asawa ko, nasaan ang anak namin?

 

 

 

"Besh kalma, nasa nursery pa si baby mochi, mamaya daw sya dadalhin ng nurse dito kasi kailangan pa nya i-prenatal check up." tinulungan ulit ako ni Ning humiga sa kama.

 

 

 

Jusko, akala ko nawala na si Khio namin...

 

 

 

"Winter here, drink some water, gutom ka na ba? Anong gusto mong food para makabili kami. Baka hindi masarap pagkain dito. Tinanong na din namin ang doctor mo kanina kung pwede ka na kumain pag gising, ok naman na daw." tanong ni Giselle at iniabot nya kay Ning ang bote ng mineral water na may straw para ipainom sa akin.

 

 

Ngumiti ako kay Giselle, grabe lang, full force ang mga kaibigan at pinsan namin para asikasuhin kaming pamilya. Hindi ko na talaga alam mangyayari sa amin ng asawa ko kung wala sila. Dahil nung dadalhin na ako sa ospital kahapon, kitang kita ko ang nerbyos ni Karina. Buti na lang at dumating agad yung apat galing sa bayan. Kaya sobrang pasalamat ko talaga sa kanila, kahit makukulit, super love naman nila kami.

 

 

"Thank you Gigi, pwede ba mag request ng may sabaw? Parang nanunuyo ang lalamunan ko." inilapit na sa akin ni Ning ang straw at uminom ako. Napapikit ako habang umiinom. Ang sakit ng lalamunan ko. 

 

 

"Sure. What do you like to eat ba?" nakangiti nyang tanong sa akin. 

 

 

"Tinolang manok please gigi, thank you.." tumango naman sya at kinuha na ang wallet nya sa bag ni Ning.

 

 

"Welcome! Order lang kami sa labas. Babe, baba muna ako ha." paalam nya kay Ning. "Yeji, tara!" hinila nya ang braso nito na busy magpipindot sa cellphone nya, malamang ay naglalaro ito. Katulad kasi ni Karina, tinuruan din ito ni Ryujin mag online games para daw may kalaban sya dahil nagagalit nga ako kapag si Karina ang niyayaya nya.

 

 

"Baby sama ako kay Gigi, sama ka ba?" paalam ni Yeji kay Ryujin na kumakain ng saging sa tabi ko.

 

 

"Hindi na baby, baka dalhin dito si Khio eh, hindi ako papayag na mauuna pa si Ning na makita pamangkin natin." ismid nito kay Ning na nasa tabi ko, natawa ako ng dumila lang si Ning sa kanya. 

 

 

Ayan na nga nagsisimula na silang mag-kumpitensya para kay Khio. 

 

 

"Ok baby. See you later. Mabilis lang kami." 

 

 

"Ingat kayo."  yun lang at lumabas na ang dalawa.

 

 

"Ning, painom ulit ako please, ang sakit ng lalamunan ko." tawag ko kay Ning at itinapat nya ulit ang straw sa bibig ko para makainom ako. Grabe tuyong tuyo ang lalamunan ko.

 

 

"Gagawan kita ng ginger tea mamaya beshie wag ka mag alala. Grabe ka mag concert sa loob ng delivery room besh, ansabe ni Regine Velasquez? highnotes teh!" biro ni Ning sa akin. 

 

 

"Masakit kaya manganak! Buti nga hindi ko nasipa si Karina kagabi eh, pasalamat sya nasa ulunan ko sya." 

 

 

"Gaga! Hindi mo nga sinipa, puro kalmot naman ang katawan at may sprained ang kamay ng lumabas ng delivery room, akala mo nanggaling sa giyera eh." napakunot ang noo ko at tiningnan ko si Karina na nasa paanan ko at himbing na himbing sa pag tulog, ni hindi manlang nagising sa ingay nung apat kanina.

 

 

Napadako ang tingin ko sa braso nya, ngayon ko lang napansin ang benda sa kamay nya, pati na din ang mahahabang pulang linya at bakat na bumaon na kuko sa braso nya at kamay. Maputi si Karina kaya kitang kita ang mga marka ng kalmot sa kanya lalo't naka-tshirt lang sya na lukot lukot ang likurang kwelyo na nilambitinan at hinila hila ko kagabi sa delivery room.

 

 

Naluha ako, jusko yung asawa ko kawawa naman, hindi ko naman sinasadya na saktan sya, hindi ko na kasi alam ang ginagawa ko sa delivery room dahil puro sakit na lang ang nararamdaman ko. 

 

 

"Huy, Wag ka umiyak dyan! Ok lang si Karina. Hindi naman bali ang buto, sprained lang, malayo sa bituka." kumuha si Ning ng tissue at pinunasan ang luha ko. 

 

 

Kahit na no! Nasaktan ko pa din sya. Kawawa naman...

 

 

"Oo nga insan, ok na yan kesa hinimatay sya sa gitna ng pag ire mo. Mukhang wala nga lang sa kanya eh, lahat ng dumaan kagabi paglabas nya ng delivery room nayakap nya ata sa sobra tuwa." natatawang sabi ni Ryujin habang namimili ng prutas na isusunod nyang lantakan sa malaking fruit basket sa lamesa.

 

 

"True besh, ang saya ng asawa mo kagabi, nag-announced pa nga ng bonus sa mga empleyado dito. Sana all na lang talaga." nanlaki ang mata ko sa gulat na tiningnan si Ning. Kinuha ko ang tissue sa kamay nya at suminga dito. Tsaka ko ulit inabot sa kanya, nakangiwit naman nya na inabot ito at itinapon sa basurahan.

 

 

"Eww dugyot mo beshie, buti na lang talaga mahal kita."  sabi nya sabay pagpag ng kamay.

 

 

Inirapan ko lang sya, arte, nung bata nga kami ako nagpapahid ng sipon nya kapag umiiyak sya pag inaasar sya ni Ryujin.

 

 

Pero mabalik tayo sa pa-bonus ng asawa ko.         Seryoso ba?!

 

 

Gagi, iba talaga sumaya ang mayayaman, namimigay ng pera, sana all talaga.         Mnsan talaga hindi pa din ako makapaniwala na nakapangasawa ako ng ganitong kayaman.          _______    

Winter's Pov

     

Napatigil kami sa pag uusap ng may kumatok sa pinto at pumasok ang ob ko na may kasamang dalawang nurse.

 

 

"Good morning misis, kamusta po ang pakiramdam nyo? Congratulations po pala ulit. Ang ganda ng baby nyo, tuwang tuwa yung mga nurses sa nursery room sa kanya." nakangiting bati nya sa akin habang chineck naman ng nurse na kasama nya ang dextrose at mga kung anik anik pa sa akin. 

 

 

"Ok naman na po ako, thank you po pala doc sa tulong nyo, healthy and safe po kami ng baby namin." pasasalamat ko, ang swerte ko kasi mabait talaga itong si doc, naalagaan talaga kami ni khio, lalo na't first baby namin sya. 

 

 

"You're welcome. By the way, mag sabi lang kayo kapag may problema, any pain.." 

 

 

"D-doc ano po...yung ano ko po kumikirot...alam ko naman po na normal na sasakit kasi may lumabas na bata, pero kasi ang hapdi parang may sugat."  tanong ko dahil nahihirapan ako kumilos, ang hapdi at kirot kasi. Iniisip ko tuloy kung paano ako magbabanyo nito.

 

 

"Ay misis, dahil po sa stitches yan, normal po na i-cut ang labasan ng bata para po hindi maipit ang ulo ng baby nyo. May 6 stitches po kayo." nanlaki ang mata ko sa gulat. Narinig ko pa na napa-sipol si Ryujin sa tabi ko. 

 

 

 

6 stitches?! 

 

 

 

Napakahaba naman.             na ba ako ulit?      

 

"Pero wag po kayong mag alala, may pain reliever naman if hindi nyo na kaya ang sakit, ipapahatid ko mamaya sa nurse after nyo po kumain." nakangiting sabi ni Doc. 

 

 

"T-thank you po doc.." hindi ko alam kung ngingiti din ba ako sa kanya o ano, naiimagine ko yung tahi ko. 

 

 

"Welcome po." tiningnan nya ang clipboard na binigay ng nurse pagkatapos ako i-check at tumango tango sya. 

 

 

"Good, ok po ang vital signs nyo. Dadalhin na din po si baby dito maya maya, i-aassist na din po kayo ng nurse, kailangan na din po kasi i-feed si baby." 

 

 

Natuwa naman ako, excited na ako makita ulit ang anak namin, hindi ko kasi sya masyado naaninagan kagabi dahil nanlalabo na ang mata ko sa pagod. Tanging ilong at labi nya lang ang naaalala ko. Gustong gusto ko na din sya halikan at yakapin. Miss na miss ko na ang anak namin.

 

 

"Thank you po doc." 

 

 

"You're welcome misis. Una na muna po ako, tawag lang po kayo kung may mga kailangan kayo or tanong." sabi nito at lumabas na. 

 

 

Mochi, excited na si nanay makita ka ulit anak..  

_____

 

 

 

"Mahal..." nagising si Karina at pupungas pungas na tumingin sa paligid. Ang sakit ng likod nya, hindi..buong katawan nya masakit at mahapdi. 

 

 

"Mahal nandito ako.." agad syang napatingin kay Winter na nakahiga sa tabi nya. Oo nga pala, naalala nya na nakatulog sya sa paanan ng kama ng asawa nya. 

 

 

Ngumiti ito sa kanya "Halika mahal, namiss kita, nasaan na kiss and hug ko?" ungot ni Winter sa kanya.

 

 

Napangiti sya at mabilis syang lumapit sa asawa nya, kahit nga walang toothbrush ay binigay nya ang gusto nito. Mukhang wala lang naman sa asawa nya dahil hinigit pa sya nito sa batok para idiin ang halik nito sa kanya.

 

 

"Good morning nanay Winter, how are you?" tanong nya kay Winter ng humiwalay sila sa isa't isa pagkatapos ay binigyan nya ulit ito ng mabilis na halik sa labi bago nya binaon ang mukha nya sa leeg ni Winter. Inamoy amoy nya ito at hinalikan doon, narinig pa nya ang mahinang tawa nito na tila nakikiliti. Namiss nya asawa nya. Nakahinga na sya ng maluwag dahil maayos na ang mag ina nya.

 

 

"Good morning din mommy Jimin, ok na po ako, masakit lang ang tahi, pero kaya naman na. Oo nga pala, mag ready ka na, dadalhin na dito maya maya si Khio. Malamang sayo na naman didikit ang baby na yun." narinig nya ang tampo sa boses ni Winter kaya natawa sya.

 

 

Ayaw na kasi syang bitawan ni Khio kagabi, hanggang kunin na ito ng doctor ulit dahil nakatulog na si Winter. Umiyak pa nga ang anak nila kaya natagalan sya lumabas ng delivery room dahil pinatulog pa nya ito.

 

 

"Wag ka na magtampo mahal, love love ka naman namin ni baby eh." 

 

 

"Hindi ako tampo hmph!" pabirong irap ni Winter sa kanya. Napatawa na lang si Karina sa asawa nya, napaka-cute kasi, kaya nilambing lambing na lang nya muna si Winter dahil mamaya, ibang baby na ang hawak nya.

 

 

 

 

"Mahal sorry dito..." naramdaman nya na hinaplos ni Winter ang braso nya at ang benda sa may kamay nya. Tiningnan nya ang asawa nya at nakita nya na maluha luha na itong nakatingin sa mga gasgas at sprained nya sa kamay na may benda. Kaya mabilis syang tumayo para halikan si Winter sa noo at aluin ito. 

 

 

"Hey, don't cry mahal, ayos lang ako. Walang wala to sa naranasan mo, kaya wag ka ma-guilty ok? shhh stop na." 

 

 

"Eh kasi naman ang daming sugat mahal, tapos yung kamay mo..s-sorry..." mabilis syang kumuha ng tissue sa tabi nya para punasan ang luha ni Winter at binigyan nya ito ng mabilis na halik sa labi. 

 

 

"Stop na mahal, ok lang ako. Proud pa nga ako kapag nakikita ko to eh, kasi naalala ko na sobrang tapang mo kagabi mahal, I'm so proud and sobrang thankful sayo, grabe yung sacrifices mo para kay Khio. I love you so much nanay Winter." 

 

 

"I love you too, thank you din kasi hindi mo ako iniwan sa delivery room kagabi kahit na ninenerbyos ka at nabubugbog na kita. At syempre kahit ako ang nagdala kay Khio, sobra sobra naman yung pag aalaga mo sa amin ng anak natin. Thank you Mommy Jimin."  

 

 

"You're welcome mahal, para sa inyo ni Khio, gagawin ko ang lahat. Mahal na mahal ko kayo."  muli sya yumakap kay W

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
crimson_snow 0 points #1
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #2
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
184 streak 0 points #3
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi 0 points #4
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon 0 points #5
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
0 points #6
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
523 streak 0 points #7
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha
dandileon 0 points #8
Chapter 82: Leron-leron sinta SNSD version pala tong si Khione
shajanie
0 points #9
Chapter 82: Khio always makes our day!!!😁
sepvenanje 0 points #10
Chapter 82: ang cute cute ng mochi namin, future songerist pala e habahshshshs