Chapter T-70

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

"Ano ba problema mo? Bakit nangha-haba yang nguso mo dyan?" 

 

 

Kunot noo ko na tanong kay Karina, nandito kami sa kwarto namin ngayon at sya muna ang nag-aalaga kay Khio. Dahil mukhang may topak ata tong asawa ko ngayon, ewan ba, okay naman sya kanina noong nasa mall kami.

 

 

Tapos nung pauwi na, puro tango na lang ang i-sinasagot sa akin, eto nga't bago ako pumasok ng kwarto eh ang ingay nilang mag-mommy tapos nung nakita nya ako na pumasok, bigla na lang syang tumahimik. 

 

 

"Nothing.." mahinang sagot nya. 

 

 

Wala daw pero ang nguso, talo pa yung bibe na alaga ni Khio. 

 

 

"Anong wala? Eh kanina ka pa dyan tino-topak-" 

 

 

"Hindi naman ako tino-topak-"

 

 

"Eh ano sa tingin mo yang ina-asta mo ngayon? Tina-tanong kita pero puro ka wala, tango at i-ling lang ang sina-sagot mo sa akin, tapos sasabihin mo wala?" 

 

 

"I don't really want to talk about it-" 

 

 

Napa-hinga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na kumalma dahil kapag hindi ay baka ma-ratrat ko itong si Karina. Ayoko naman maging bungangerang asawa, pero parang nakalimutan ko na yon simula ng maging anak na namin si Khio. Pakiramdam ko nag-ta-transform ako bilang t-rex dinosaur na nanay, tapos sabayan pa na ganito ang mommy nya. 

 

 

Opposite talaga kami mag-asawa, kapag galit ako, bu-bungangaan ko talaga si Karina, pero pag sya yung galit, eto't tinalo pa ang pangalan ko sa sobrang lamig nya sa akin. 

 

 

"Hindi pwedeng hindi natin pag-uusapan ang problema mo Karina, kasi sigurado ako, na ako yung dahilan kung bakit ka nagkaka-ganyan." 

 

 

"Khio's here, we'll talk about it later." mahinahon pa rin nyang sabi. 

 

 

Napa-hilamos na lang ako ng kamay sa mukha ko, napa-tingin ako kay Khio na walang kamuang-muang sa pagto-toyo ng mommy nya dahil todo lambitin sya kay Karina. 

 

 

"Mag-uusap tayo mamaya, lalabas na muna ako." paalam ko sa kanya, habang piit kong kina-kalma ang sarili ko. 

 

 

Isa ito sa napag-usapan namin mag-asawa, na kapag may hindi kami pagkaka-unawaan ay hindi namin iyon pag-uusapan sa harapan ng anak namin. Lalo na't kung katulad ng ganito na may tensyon talaga na nangyayari sa pagitan namin mag-asawa. 

 

 

Parang may kumurot lang sa puso ko ng tumango lang si Karina at hindi pa din sya tumingin sa akin. Mga ilang segundo pa ako na nanatiling naka-tayo sa tapat ng kama namin, umaasa ako na kahit pa-papaano ay, lilingunin nya ako. Pero wala, gusto ko ng ma-iyak sa inis, kasi ang unfair nya. Naga-galit sya sa akin pero ayaw nyang sabihin kung bakit, eh di sana naka-pag-sorry ako kung may mali ako, hindi yung ganito na para akong hangin dito. 

 

 

Paulit-ulit ko din ina-alala yung mga ginawa ko kanina habang kasama ko sya. Pero wala talaga ako maalala na nagawa ko na pwede nyang ika-tampo ng ganito. Pumunta lang naman kami ng mall at nag-tingin-tingin ng souvenirs na gagamitin sa kasal namin, tapos biglang bago kami umuwi eh ganito na sya. 

 

 

Tahimik na lang ako na lumabas ng pinto, baka kasi ma-iyak lang ako doon, at mas okay na din na palipasin muna namin yung taas ng emosyon namin dahil baka sa away pa talaga mapunta itong tampo-tampo nya. Hindi naman kami nag-aaway ni Karina na nagsi-sigawan, sa pagsasama namin, kahit kailan hindi nya ako nataasan ng boses.

 

 

Sobrang kalmado ng asawa ko dahil ang gusto nya, kesa mag-talo kami, eh pag-usapan namin ng maayos ang nangyari. Hindi din kami natutulog ng hindi nagba-bati, ayaw nya daw ako patulugin na may sama ng loob sa kanya. Kaya kahit ako minsan ang may kasalanan, sya na yung unang nag-sosorry para lang mag-bati na kami. 

 

 

Ang hirap pala kapag sya na yung nag-mamatigas, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako sanay na nagta-tampo ng ganito si Karina sa akin. Ang masama pa, hindi ko alam ang ikinaka-tampo nya. 

 

 

____

 

 

Winter's Pov 

 

 

Ang bigat ng pakiramdam ko kanina pa, dahil hindi kami naka-pag-usap mag-asawa kagabi, tulog na kami ni Khio ng maka-uwi si Karina. Galing sya sa pag-tingin ng mga materyales na ga-gamitin sa pina-patayo namin na bahay dito sa tabing lote nila lolo. Bu-bukod na kasi kami pagkatapos ng kasal namin, bale ganoon din sila Ryujin at Yeji na nagpapa-tayo na din ng bahay sa tabi lang din namin, kaya busy nga ang asawa ko at ang pinsan nya sa pag-aasikaso. 

 

 

Mabalik tayo sa tampururot na si Karina, gusto ko na talaga syang komprontahin ng sapilitan, aba naman, pagka-gising ko kaninang umaga, hindi ko sya katabi!

 

 

Sobrang tampo ba nya talaga sa akin na kahit pag-tabi sa pagtulog ay ayaw na din nya? Nagising na lang ako kanina nandoon na sya sa kabilang side ni Khio. Inis na inis ako, muntik na ako mag-dabog kanina kung hindi lang ako ma-iiyak sa inis sa kanya. 

 

 

"Dito ka pa din ba nakatira? Kamusta naman ang Thailand, Michael?" 

 

 

"Oo dito pa din, okay naman doon, puro trabaho lang, kaya eto single pa din." 

 

 

Napangiti ako nang makita ko na natawa si Michael na kausap ko ngayon. Classmate ko si Michael dati, simula elementary hanggang highschool, sya lang yung lalaking hindi ako nailang kasi ayoko talaga na nakikipag-kaibigan sa lalaki. Pero kasi mabait naman itong si Michael, kaya naging kaibigan din namin sya ni Ryujin, hindi yung kaibigan na laging kasama kung saan-saan, kumbaga sa school lang talaga kami nagka-kasamang tatlo. 

 

 

At eto nga, kakauwi lang nya galing sa Thailand, teacher sya doon, nagkita na din kami kahapon sa mall nung nagtingin-tingin kami ni Karina ng souvenirs. Ang kaso may pupuntahan daw sya, kaya nagmamadali na din syang umalis. Sinabi na lang nya na da-daanan ako dito sa bahay para maka-pag-kamustahan daw kami.

 

 

"Nako, mag-hanap ka na, kahit jowa lang." biro ko pa na ikinatawa nya lalo. 

 

 

May itusra naman kasi itong si Michael, maputi at malinis sa katawan.  Eto pa, mukhang bagong gawa ang ilong, medyo nahiya nga ako kasi naman, ang kinis ng balat nya, parang makintab, ganon. Kaya nagta-taka ako kung bakit single pa din ito ngayon, dahil wala talaga sa itsura nya na magiging single.

 

 

"Wala eh, may nauna na-" 

 

 

Blagh!        

"Ay kabayo! Karina ano ba naman yan nagulat ako! Ayos ka lang ba?"

 

 

Halos malaglag ang puso ko sa gulat ng may biglang kumalabog sa may poso. Pag-lingon ko ay nandoon si Karina buhat-buhat ang dalawang buko na ga-gamitin namin sa buko juice. Kinabahan ako, akala ko ay nabagsakan na sya o nadulas. 

 

 

"Sorry, nabitawan ko yung buko, nalaglag sa bucket." sabi lang nya na parang robot dahil walang emosyon ang mukha nya. Pagkatapos ay bumalik na ulit sya sa pagbubuhat ng mga buko, madami-dami kasi iyon, dala ng kaibigan ni lolo. 

 

 

Napa-buntong hininga na lang ako, yung bigat ng pakiramdam ko sa nangyayari sa amin ni Karina lalo lang na-dagdagan. Hindi pa din nya talaga ako kina-kausap ng maayos.

 

 

"May problema ba?" 

 

 

Mabilis akong napa-lingon kay Michael at pinilit ko na lang ang sarili ko na ngumiti sa kanya. Ayoko naman na mahalata nya na may problema kami ng asawa ko. 

 

 

"Wala, nagulat lang ako, akala ko kasi nadulas na ang asawa ko." sabi ko na lang. 

 

 

"Ang ganda ng asawa mo ah." naka-ngiting sabi ni Michael na hinabol pa ng tanaw si Karina na nasa poso, kaya napa-kunot ang noo ko. 

 

 

"Hoy, asawa ko na yan, may anak na kami at wedding renewal namin sa katapusan ng buwan kaya umayos ka." simangot ko sa kanya na nagpa-tawa ng malakas kay Michael.

 

 

Sapakin ko talaga sya kapag humanay pa sya sa mga taong nagkaka-gusto sa asawa ko. Wag ngayon, nako, baka sa kanya ko ma-ibunton ang inis ko kay Karina. 

 

 

"Pero mas maganda ka, grabe Winter, parang wala ka pa din, anak. Mas gumanda ka pa ata." 

 

 

Nagulat ako sa biglang puri nya sa akin, ang lakas pa naman ng boses, buti na lang walang costumer at baka kung ano pa ang isipin ng mga marites na nabili dito. 

 

 

"Thank you, pero may anak na talaga ako, kita mo yung mochi na yon?" turo ko kay Khio na nanakbo papunta kay Karina na kaka-tapos lang mag-hakot ng mga buko. "Ang cute diba?"

 

 

"Oo nga mana sayo-" 

 

 

"I'll go take Khio to the room, balik kami later." 

 

 

At sa pangalawang pagkakataon, nagulat na naman ako kay Karina ng bigla itong sumulpot galing sa likuran ko, karga na nya si Khio na pumipiglas pa sa pagkaka-karga nya. 

 

 

"Nay! Naaaaay! Papay! Papay! Papaaaay!" 

 

 

"Okay.." tanging nasagot ko na lang dahil parang namalik-mata ako ng makita ko na parang sinamaan ng tingin ni Karina si Michael na ngumiti lang naman sa kanya.

 

 

Pagkatapos noon ay tumalikod na ng walang sabi-sabi ang asawa ko karga ang mochi namin. 

 

 

"Mukhang medyo seryoso yung asawa mo, Winter." ani Michael na nakatingin pa din sa asawa ko. 

 

 

"Mukha lang, pero sobrang bait nyan ni Karina, lagi talaga syang napapag-kamalan na suplada pero mabait yang asawa ko na yan. Sobrang lambing at maalaga din-" 

 

 

"Inlove na inlove yan?" tila nang-aasar na tanong ni Michael, nakita ko kasi na maloko syang ngumisi sa akin. 

 

 

"Syempre, kung hindi sya dumating sa buhay ko, baka pareho na tayong single dito na tatandang dalaga at binata na lang."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
136 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
191 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂