Chapter T-26

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

"A-aray!" nahampas ko ang likod ni Karina ng maramdaman ko ang pamumulikat ng binti ko. Ano ba to?! Kung kailan naman nasa kalagitnaan ako ng tulog! 

 

Napabalikwas naman ang asawa ko sa pagkakahiga at agad agad umupo para tulungan ako. 

 

"Mahal? Bakit?! Saan masakit?" natataranta nyang tanong sa akin. Naalipungatan pa ata ang asawa ko, dahil bumaba pa sya sa kama. 

 

"Y-yung binti ko! Sa kaliwa!" iaangat ko sana ang paa ko pero mas lalo ata nagalit yung mga muscle kaya lalong sumakit.

 

"Karina!" sigaw ko kaya agad agad nyang tinanggal ang kumot at inabot ang binti ko para pisilin. Umupo sya sa kama.

 

"M-masakit!" daing ko,  bwiset yan!  nakakaiyak sa sakit gusto ko lang naman matulog ng matiwasay bakit kailangan pulikatin pa?! Dapat talaga nakinig ako kila Lola na mag medyas ako eh. Ang sakit..

 

"Try to relax mahal...breath." paalala ni Karina ng makita nyang halos hindi ako huminga para pigilan ang sakit.

 

Huminga ako ng malalim, napahawak ako sa tiyan ko at hinaplos haplos to. 

Sorry baby, magmemedyas na talaga si Nanay pag tulog.   

Napapikit ako ng madiin ng tamaan ng kamay ni Karina kung saan tila pinipiga ang litid ko sa binti. 

 

"M-mahal masakit..." 

 

"I'm sorry, pero kailangan ko pisilin para mawala, konti na lang mahal ok, take a deep breath." sinunod ko sya, pinilit ko kumalma habang minamasahe nya ang binti ko. Ang sakit talaga, inabot ko yung unan nya at yun ang pinangigilan ko. 

 

Ilang minuto ang nakalipas at tila nawala wala na ang pananakit ng binti ko. Nag aalala akong tiningnan ni Karina.

 

"Hindi na masakit mahal?" tumango ako at dahan dahan umupo sa kama, lumapit si Karina para tulungan ako na lagyan ng unan ang likod ko para sandalan. 

 

"Thank you mahal, sorry nagising kita." hinalikan ko sya sa pisngi. Kawawa naman, laging napupuyat dahil sa akin. 

 

"It's fine mahal, no need to say sorry..are you ok na?" pinunasan nya ang pisngi ko na may luha dahil sa pag iyak ko at hinalikan ito pagkatapos. 

 

"Ok na mahal, salamat." 

 

"You're welcome. Sandali lang mahal." nagtaka ako ng tumayo sya at pumunta sa cabinet namin, may kinuha sya sa loob at pag harap nya ay nakita ko na may hawak na sya na medyas at naglakad pabalik sa akin, umupo sya sa gilid ng kama at binuksan ang drawer, kinuha nya ang kinaadikan namin dalawa,  katinko.

 

"Mahal.." 

 

"Massage ko binti mo mahal ha, lagyan din kita ng socks. Diba sabi ni Nanay at Lola you need to wear socks kasi malamig, pupulikatin ka." pumunta sya sa paanan ko at inabot ulit ang binti ko para ipatong sa kandungan nya, binuksan nya na ang katinko at pinahiran ang binti at paa ko tsaka nya ito sinimulan i-masahe ng marahan.

 

Napasandal ako sa unan sa likod ko at hinaplos ang tiyan ko. Ang sarap sa pakiramdam nung pagmamasahe ng asawa ko, samahan pa yung init mula sa kantinko. Parang inaantok na tuloy ulit ako. 

 

Ganun din ang ginawa nya sa kabilang binti at paa ko. Pagkatapos ay kinuha nya na ang medyas at sinuotan na din ako. Tinapik tapik nya pa ang paa ko pagkatapos nya itong medyasan. Napangiti ako, ang cute cute ng asawa ko! Gumapang sya palapit sa akin at hinalikan ako sa labi. 

 

"Relax na mga babies ko?" bumaba sya palapit sa tiyan ko at hinaplos ito bago halikan. 

 

"Thank you Mommy, I love you." inayos ko ang buhok nya na nalaglag sa pagkakapunglot at pinisil ang pisngi nya ng makita ko na lumabas ang dimple nya. Nanggigigil ako sa kanya ngayon ang lambot lambot! ang cute cute! 

 

"Always welcome Nanay. I love you too." hinalikan nya ulit ako sa tiyan at itinapat ang tenga nya dito.

 

"I love you too little mochi. Mommy and Nanay can't wait to see you. Laro tayo pag labas mo ok? Bonding tayo sa pakwanan." natawa ako, loko loko talaga, nahahawa na kay Ryujin.

 

Malamang talaga sa bukid ang bonding nilang tatlo. Mukhang madadagdagan ang sasawayin ko. Napailing na lang ako. Natawa ako sa naiimagine ko. Cute nila, magiging apat na yung Team bibe.

 

Tiningnan ko si Karina na kinakausap na ang tiyan ko at hinahaplos ito. Pinipilit ko itatak sa alaala ko ang mga sandaling ganito, dahil balang araw, gusto ko ikwento ito sa magiging anak namin. 

 

Ang saya ng puso ko, hindi na din ako makapaghintay, pero ok lang baby, kahit mahirap, nag eenjoy pa si Nanay na nandyan ka. Ang cute cute nyo makita mag bonding ni mommy mo habang nandyan ka. Love love ka ni Mommy and Nanay, baby ..."         

"Ang bigat naman ng papag mo insan! Giselle saluhin mo ako kapag nalaglag ako ha." narinig ko ang reklamo ni Ryujin habang magka-usong sila ni Karina para ibaba ang luma naming papag pababa ng hagdanan.

 

Naawa na din ako kay Ryujin dahil nangingitim na ang gilid ng mata nya sa puyat. Eto kasing si Karina walang pakialam! Nakakainis, parang gusto ko na ata magsisi na nagtanong pa ako sa doktor. Bumalik na naman ang pagiging bantay salakay ni Karina sa akin. 

 

Inabot pa kasi ng apat na araw bago kami makabili ng bagong papag dahil na-busy kami sa tuhog tuhog, summer na din kasi at maraming bakasyunista. Maraming nagsswimming malapit dito sa amin at dinadayo talaga ang tuhog tuhog namin pang-pulutan. 

 

"Bahala ka dyan, pagkatapos mo kainin yung ensaymada na bigay ni Ning." 

 

"Tinirahan naman kita ah!" 

 

"Kinain mo yung maraming margarine at asukal!" 

 

Jusmiyo, napa-iling na lang ako habang tinitingnan sila na maibaba na nila ang papag. Para talaga silang aso't pusa, pero lagi din naman silang mag kasama. Sumunod ako pababa at magkakausong na nilang tatlo binuhat ang papag sa ilalim ng mangga, katabi ng isa pang papag na tambayan namin doon.

 

Pagkatapos ay hinihingal silang tatlo na nahiga sa mga papag, si Karina at Giselle ay nahiga sa papag na tambayan namin, si Ryujin naman ay sa lumang papag ko. Rinig na rinig ang tunog ng papag ko ng humiga si Ryujin dahil sa natanggal na pako. 

 

"Sandali..." napadilat si Ryujin at inuga ang papag ko gamit ang katawan nya.

 

"B-bakit parang pamilyar ang tunog?" inuga nya ulit ito. 

 

Shet

 

Eto na nga yung kinakatakutan ko!

 

Nakita ko na mabilis na napatayo si Karina sa pagkakahiga sa kabilang papag. Pulang pula ang tenga nya.

 

"M-mahal tara sa taas, i-check ko yung bagong bed kung may sira.." dali dali syang lumapit sa akin at inakbayan ako at yayain sa loob ng bahay. 

 

Nakakahiya! 

 

"Insan!" napalingon ako kay Ryujin ng tawagin nya ako. 

 

Nakaluhod na sya sa ibabaw ng papag ko at nakataklob ang mga kamay nya sa tenga nya.

 

"Shuta ka insan..hindi pala yung alulod ang maingay." madrama syang sumubsob sa papag habang hawak pa din ang magkabilang tenga nya. 

 

"Ikaw pala yung tunog umiiyak na tuta! mga bwiset kayo...hindi na ako ...ang tenga ko.." pulang pula ako na tumalikod dahil tumatawa na si Ningning at Giselle habang pinapanuod na maglupasay si Ryujin sa papag.

 

"PANAGUTAN NYO ANG PUYAT KO! MGA MAPUSOK!" 

 

Sigaw ni Ryujin sa amin, nakakahiya bwiset talaga! Narinig ko na natawa si Karina sa tabi ko kaya siniko ko sya.

 

"Oww!" daing nya habang hawak ang tagiliran. 

 

"Tawang tawa ka dyan kasalanan mo to! maglaro ka na nga lang ulit ng ML kesa ako lagi ang ina-attact mo!" 

 

"Hindi ako pinapawisan dun eh" 

 

"Bwiset ka!" 

 

Nakakahiya talaga! Sana naman hindi na maingay itong bagong kama. Sarili ko na lang ang pag iisipan ko kung paano mananahimik. 

 

Karina kasi! napakaharot!

 

 

 

"Mahaaaal sama ka na please." nakayakap ako kay Karina habang nakatayo kami dito sa labas ng bahay. Hinihintay lang namin sila Nanay at Lola na bumaba, aalis kasi kami dahil nga may gender reveal ang baby namin sa makalawa, naisipan ni Karina na mag salon and spa at shopping daw kami ngayon. Pero hindi sya kasama. 

 

Kasama ko si Ning, Nanay, Lola at Aling Tess. Ayaw sumama si Lolo, mag iinuman na lang daw sila nila Ryujin at Karina pagkatapos ng gender reveal. Hindi din kasi sasama si Ryujin dahil kahit hindi kami nag tinda ngayon sa bahay, bukas naman ang pwesto sa bayan. Basta bilhan ko na lang daw sya ng Tshirt. 

 

Si Mang Berto ang mag ddrive sa amin ngayon. Kasi hindi sasama si Karina, may kailangan daw syang tapusin ngayon sa trabaho at urgent daw yun. Kaya nagmamaktol ako ngayon sa kanya. Gusto ko lang naman mag enjoy na kasama sya e. 

 

"After ng party, tayo naman mahal, promise ko sayo yan ok? Tsaka mag eenjoy ka dun mahal." nakita ko na naglalakad na sila nanay papunta sa van. 

 

"Mag relax ka lang dun mahal ha, hayaan mo, babawi ako pagkatapos nito. Babawi si Mommy baby, I love you both." hinalikan na nya ako sa labi at bumaba sa tiyan ko para halikan din nya. Pagkatapos ay inakbayan na nya ako para ihatid sa van.

 

Inalalayan na nya ako umakyat sa loob at sya na din naglagay ng unan na uupuan ko at nagkabit ng seatbelt. Pinag gigitnaan ako ni Lola at Ning. Sa likod naman ay si Aling Tess at Nanay na busy na sa pag-chichikahan.

 

"Mang Berto, please be careful po sa pagddrive lalo po sa malubak. Dahan dahan lang po ha." paalala ni Karina kay Mang Berto na nag-salute at ngumiti kay Karina. 

 

"Ako po bahala Ms Yu." 

 

"Thank you po." tumingin si Karina sa akin, nakanguso pa din ako. 

 

"Where's my I love you too?" umirap ako at niyaya sya para lumapit sa akin, mabilis ko syang hinalikan sa labi. 

 

"I love you too, tampo pa din ako." humalik sya sa pisngi ko at ngumiti. 

 

"I'm sorry, bawi ako ok? Enjoy mahal." 

 

"Pwede na ba kaming umalis? Mawalang galang na sa inyong dalawa ha, nasa gitna nyo ako." natawa sila Nanay sa reaksyon ni Ning. 

 

Nasa gitna nga pala namin si Ning, inuna ko kasi ang tampo tampo ko. Pasensya na bff.

 

"Oops! sorry Ning, ikaw muna bahala sa asawa ko ha. Pag uwi mo nandito na si Gigi." 

 

"Ok

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
134 streak #3
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #4
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #5
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #7
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #8
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #9
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#10
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.