Chapter T-54

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

"K-khio" 

 

 

 

"Mahal?" 

 

 

 

"Khio...KHIO!" 

 

 

 

"Mahal!" 

 

 

 

Nagulat si Karina ng napa-balikwas ng bangon si Winter sa pagkakatulog, wala sa wisyo nitong iginala ang paningin sa paligid na tila takot na takot at may hinahanap.

 

 

 

Si Khio...nasaan ang anak ko?!    

 

 

"Mahal, are you okay? Nanaginip ka ata kanina, umiiyak at sumisigaw ka kaya ginising kita." nag-aalalang tanong ni Karina kay Winter na hinihingal at umiiyak na nakatingin lang sa kanya. "Breath mahal, did you have a bad dream?" 

 

 

 

Umupo sya sa tabi ni Winter sa kama at marahang hinagod ang likod ng asawa nya na tila wala pa din sa sarili. Tuloy-tuloy ang pag-daloy ng mga luha nito sa pisngi kaya agad nya itong pinunasan gamit ang kamay nya. Kitang-kita nya ang takot sa mga ni Winter ng mag-tama ang mga mata nila. 

 

 

 

Bad dream..

 

 

 

"K-karina.." 

 

 

 

"Mahal ayos ka lang ba?" kunot noong tanong ni Karina habang tuloy pa din sya sa pagpunas sa luha ni Winter. 

 

 

 

"S-si Khio? Nasaan si Khio? A-ang anak natin Karina! Nasaan si Khio?!" natatarantang sigaw ng asawa nya. Nanlaki ang mata ni Karina sa gulat lalo na ng pumiglas si Winter sa pagkakahawak nya at akmang tatayo ngunit mabilis din nya itong napigilan at niyakap. 

 

 

 

"Hey, hey calm down mahal. Why are you crying? She's with-" napatigil na lang si Karina ng biglang humagulgol ng iyak si Winter na tila takot na takot. Nanginginig ang mga kamay nito habang madiin na nakahawak sa laylayan ng t-shirt nya. 

 

 

 

Mabilis nya itong niyakap ng mahigpit at pilit na kinalma, ramdam na ramdam nya ang takot at panginginig ng buong katawan ni Winter, lumalakas na din ang iyak nito at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng anak nila. 

 

 

 

"N-nasaan si Khio? Mahal p-arang awa m-mo na...si K-khio..." 

 

 

 

"Shhh tahan na, nasa baba lang si Khio kasama ni nanay, nagpapa-araw, Okay na sya, panaginip lang ang lahat mahal, Khio's fine, don't worry..." marahang bulong ni Karina kay Winter habang paulit-ulit nyang hinahalikan at hinahaplos ang ulo nito. 

 

 

 

Maya-maya pa ay naramdaman na nya na tila kumalma na ito kahit papaano. Lumuwag na din ang pagkakahawak ni Winter sa laylayan ng damit nya. 

 

 

 

"A-ang sama ng panaginip ko m-mahal...akala ko, a-akala ko totoo na, takot na t-takot ako..parang totoo, akala ko..mawawala na ang anak n-natin." muling napahigpit ang yakap ni Karina kay Winter ng humagulgol na naman ito ng iyak sa dibdib nya habang ikinukwento ang napanginipan nito. 

 

 

 

Mabilis na inabot ni Karina ang baso na may laman na tubig na nakapatong sa tabi ng kama nila ng maramdaman nyang sinisinok na kakaiyak si Winter sa dibdib nya. Naisip nya na siguro sa sobrang pagod, puyat at pag-aalala nito kagabi kay Khio ng apuyin ng lagnat ang anak nila ay hanggang sa pag-tulog nadala na ito ng asawa nya. 

 

 

 

Wala silang tulog mag-asawa, ang lola at nanay nila ay ganoon din, kahit sina Yeji at Giselle ay maya't-maya din ang pag-pasok ng kwarto para kamustahin sila. Nag-aabang kung sakaling mapag-desisyunan na nila na isugod sa ospital si Khio. Mabuti na lang at nakuha sa ni-resetang gamot ng pedia ni Khio ang lagnat nito.

 

 

 

Nahihiya man si Karina sa lola at nanay nila ay laking pasasalamat nya sa mga ito, kitang-kita nya ang pagmamahal ng mga ito sa anak nila, dahil kahit na sabihing may karanasan na ang mga ito sa pag aalaga ng bata ay hindi maiwasan na nerbyusin pa din ang mga lola at lolo ni Khio.

 

 

 

Pare-pareho silang pagod pero walang ng mas papantay pa sa paghihirap ng asawa nya, hindi na din kasi nag-pababa si Khio mag-damag sa pagpapa-karga kay Winter, tila sa mga pagkakataon na masama ang pakiramdam ng anak nila ay ang kalinga ni Winter ang hinahanap nito.

 

 

 

Nang muling magka-gana ulit dumede si Khio pagkatapos nito maka-inom ng gamot ay nakita nya kay Winter na nabuhayan ito ng loob. Walang reklamo nitong inihele si Khio ng halos isang oras habang pinapadede hanggang sa mahimbing na ulit na nakatulog ng anak nila. 

 

 

 

Kaya kanina ng makita nyang nakatulog si Winter ay hinayaan nya na ito na makapagpahinga. Magaling naman na si Khio dahil napa-inom na nila ng gamot na nireseta ng pedia nito, napasugod pa sila ni Yeji sa botika para makabili ng gamot ni Khio. Inuubo pa din ito pero hindi na katulad kaninang madaling araw na sumusuka ito at ayaw dumede.

 

 

 

Nang magising nga si Khio ay napag-pasyahan nya na ilabas muna ang anak nila para makapagpa-init sa labas. 

 

 

 

"Drink this mahal, tahan na, okay na si Khio.." alo nya kay Winter na tahimik na ininom ang tubig na ibinigay nya. Tinulungan nya na itong hawakan ang baso dahil nanginginig pa din ang mga kamay nito. 

 

 

 

"M-mahal, pakikuha si Khio please..." paki-usap ni Winter ng ma-kalma na ito kahit papaano. 

 

 

 

"Sure mahal, wait lang ha? Kun-" 

 

 

 

"Karina anak, pakikuha muna si Khio, magsasaing lang ako para sa pang-umagahan natin." 

 

 

 

"Nyaanyaa!" 

 

 

 

"Opo, kay mommy ka muna apo hane? Magluluto lang si lola tapos kakain na din po ikaw, kailangan magpa-lakas ng bochog namin na yan at baka mamayat ano po?mawawala ang paboritong pata ni lola." 

 

 

 

"Ahbrrffff aahh!" 

 

 

 

"Nako po, wag ka muna magpa-ulan apo, may sinampay pa tayo." 

 

 

 

Huminga ng malalim si Winter ng marinig nya ang boses ni Khio sa labas ng pintuan, kahit papaano ay gumaan na ang nararamdaman nya. 

 

 

 

Nandito ang anak ko.

 

 

 

Hindi nya kami iniwan.

 

 

 

Winter, masamang panaginip lang ang lahat.           

"She's here mahal, Khio is here, bad dream lang ang lahat mahal, please stop hurting yourself..." agad na napatingala si Winter kay Karina ng hawakan nito ang kamay nya at marahang pinisil, hindi nya na namalayan na kinukurot na pala nya ang sarili nya. 

 

 

 

"S-sorry.." napayuko si Winter, gusto lang naman nya makasigurado na hindi panaginip ang nangyayari sa kanya sa kasalukuyan.

 

 

 

Hindi ko talaga kakayanin kapag nawala si Khio, hindi talaga, hindi ko kaya...

 

 

 

"You don't need to say sorry mahal, I understand, I love you." binigyan sya ng marahang halik ni Karina sa noo, bago ito tumayo at pumunta sa pintuan upang buksan at kunin si Khio sa lola nito. 

 

 

 

"Mimi!!" 

 

 

 

Maluha-luhang napangiti si Winter ng marinig nya muli ang matinis na boses ni Khio ng makita nito si Karina,  tanaw nya mula sa kama nila si Khio, tuwang-tuwa ito na yumakap sa asawa nya. 

 

 

 

Buhay si Khio, buhay ang anak namin!          

"Hi love, aww did you miss mommy? I missed you too my clingy baby." natatawang bati ni Karina ng yakapin sya ni Khio ng makuha nya ito sa nanay ni Winter. 

 

 

 

"Nako, parang nag-dahilan lang ang batang yan, ayon at nag-takbuhan ang mga pabo at gansa ni itay, tumili ba naman ng tumili ng dumaan sa harap namin yung gansa." natatawang kwento ng nanay nila habang hinahaplos nito ang likod ni Khio. Todo yakap pa din ito kay Karina na tila hindi sila nag-kita mag-mommy ng matagal. 

 

 

 

"Thank you po nay." nakangiting pasasalamat ni Karina sa matanda. Na ginantihan din sya ng ngiti at haplos sa braso. 

 

 

 

"Walang anuman, para sa inyong mga anak ko at para sa apo ko, nandito lang ang nanay." sagot nito, humalik pa ito sa likod ni Khio bago ito nag-paalam na magluluto muna para sa pananghalian nila. 

 

 

 

Pagkasarang-pakasara ng pintuan ay natawa si Karina ng biglang nagpupumiglas at nagsusumigaw sa tuwa si Khio ng makita nito si Winter na mabilis na bumaba ng kama at sinalubong sila. 

 

 

 

"Naynay!" 

 

 

______

 

Winter's Pov

 

 

 

"Naynay!"

 

 

 

"Mahal ko! H-halika kay nanay dali..." 

 

 

 

"Nay!" 

 

 

 

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko ng makarga ko ulit si Khio. Niyakap ko sya ng mahigpit sa dibdib ko at tila naramdaman din ng anak namin ang nararamdaman ko ng sumiksik sya sa leeg ko at bumulong ng "naynay" sa akin. 

 

 

 

Nararamdaman ko na ulit ang pag-hinga nya.

 

 

 

Naririnig ko na ulit ang boses nya.  

 

 

Yung tibok ng puso nya.

 

 

 

Kabaligtaran lahat sa masamang panaginip ko.          

Napapikit ako ng tila bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari sa panaginip ko. 

 

 

 

Ayoko ng maalala.

 

 

 

Khio...      

 

"D-dito ka lang kay nanay at mommy a-anak ha? Wag mo kami iiwan, m-mahal na mahal ka namin.." bulong ko kay Khio na tahimik lang na nakahilig sa balikat ko.

 

 

 

Inalalayan kami ni Karina sa kama para maupo, pagkatapos ay niyakap nya kami ni Khio. Hindi sya nagsasalita, niyakap nya lang kami ni Khio sa dibdib nya. Hanggang sa maramdaman ko na unti-unti na ulit ako napapanatag, unti-unti na ulit na kumakalma ang puso ko. 

 

 

 

Nagpapasalamat ako sa asawa ko, kung sa iba siguro ito, nasabihan na ako ng praning o nahihibang na. Pero eto, katulad pa din ng lagi nyang ginagawa, inunawa ako ni Karina. 

 

 

 

Hindi ko alam kung kelan mawawala yung takot ko ng dahil sa panaginip ko. Pero hangga't nandito si Khio, nakikita, nararamdaman at naririnig ko sya ayos na ako.

 

 

 

Magiging ayos din ako. 

 

 

 

 

"You need to sleep na mahal, pagod na ka na, ako na ang bahala kay Khio." 

 

 

 

Naramdaman ko ang pag-yakap ni Karina mula sa likod ko habang pinapadede ko si Khio, nakahiga ang anak namin sa tabi ko at nagsisimula na din makatulog. Pagod na pagod na ang katawan ko, inaantok na din ako. Pero mas natatalo ng pag-ooverthink ko ang pisikal ko na nararamdaman.

 

 

 

Nahihirapan ako matulog, ayokong mawala sa tabi ko si Khio, ayokong pumikit ulit at makatulog, natatakot ako na baka pag-gising ko... wala na sya.

 

 

 

Kaya ko pa naman eh, kahit hindi na ako matulog, babantayan ko na lang sya.

 

 

 

"Sleep na mahal please, baka ikaw naman ang magkasakit nyan eh." 

 

 

 

"S-si Khio kasi mahal..." 

 

 

 

Naramdaman ko na humigpit ang yakap ni Karina sa akin, maya-maya pa ay lumipat sya ng pwesto at tumabi kay Khio kaya napapagitnaan na namin sya ng mommy nya. 

 

 

 

Tumagilid sya ng pagkaka-higa, magka-tapatan na kaming mag-asawa, isang malumanay na ngiti ang binigay ni Karina sa akin bago nya hawakan ang kamay ko na nakapatong sa dibdib ni Khio. Tulog na tulog na si Khio, may maliit na ngiti na sumilay sa labi nya ng mag-tagpo ang kamay namin ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂