Chapter T-71

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

 

"Ay ang ganda ganda ng mochi ko~! Hi baby ko, namiss ka sobra ni nanay~" 

 

 

"Nay! Nay! Pwetty! Nay pwetty!" 

 

 

Kanina pa ako nagiging emosyonal, dumagdag pa talaga ng biglang pumasok si Khio sa loob ng hotel room na tinu-tuluyan ko. Miss na miss ko na sila ng mommy nya. Halos tatlong araw na kasi kami hindi nagkikita ni Karina kahit sa videocall man lang, tapos si Khio dalawang araw na, nagvi-videocall naman kami mag-nanay. Ang kaso naiwan sya sa San Isidro dahil nga nag-a-ayos kami para sa kasal namin ni Karina. 

 

 

At dahil sa pamahiin ng lola at lolo ko, ay hindi kami pwedeng mag-kita ni Karina bago ang kasal namin. Nandoon sya sa penthouse namin, at nandito naman ako sa hotel malapit sa intramuros kung saan idaraos ang kasal namin. 

 

 

Oo mga dzai, vintage wedding ang ibinigay ng asawa ko sa akin. Sobrang saya ko lang, dahil sa buong buhay ko, hindi ako nag-isip ng tungkol sa kasal kasal na yan dahil nga wala naman akong plano. Pero ang bait talaga ng maykapal, ibinigay nya sa akin ang isang taong nagpa-bago ng lahat ng mga desisyon ko sa buhay, yung dahilan kung bakit gusto ko din maranasan ang ikasal sa lugar na hindi ko a-akalain na pa-pangarapin ko pala. 

 

 

Kasama ng taong pina-panalangin ko na makasama habang buhay. 

 

 

"Namiss kita baby ko, miss na miss ka ni nanay, anak." 

 

 

Pinigil ko na wag maiyak habang yakap-yakap ko si Khio pero hindi ko talaga maiwasan, dahil ngayon lang ako na-hiwalay sa kanya ng higit sa isang araw. 

 

 

"Besh, yung make-up mo te! Baka mag-mukha ka nang si valak nyan sa kasal mo." 

 

 

Tarantang awat sa akin ni Ning, pati si Ryujin ay todo punas ng tissue sa gilid ng mga mata ko, kaya naman mabilis kong hinalikan sa labi at pisngi nya si Khio bago ako umupo ulit sa gilid ng kama dahil pati ang suot ko na gown ay inayos nila. 

 

 

Hini-hintay ko na lang yung bridal car para sunduin ako. Kahit sabihin na renewal of vows na itong kasal namin ni Karina, pakiramdam ko ay first time pa din namin ika-kasal. Dahil parang ganon na nga, dahil pirmahan lang naman ang nangyari noong unang kasal namin. 

 

 

Pero ngayon iba na, yung kasal-kasalan namin nauwi na sa totohanan, at nag-bunga pa nga ng isang cute na cute na mochi. 

 

 

"Ang ganda ganda mo beshy, nai-iyak ako sa sobrang saya para sa inyo..." ani ni Ning na naluluha akong niyakap, at nang makita ko si Ryujin ay naluluha na din sya.

 

 

"Wag nga kayo mag-iyakan dyan, masasakal na tayo ng make-up artist, kanina pa sya nagre-retouch sa atin tatlo." ani Ryujin na pilit pini-pigil ang luha nya sa mata gamit ang q-tip. 

 

 

Natawa na lang kami ni Ning dahil totoo naman, buti na lang at mabait si ate Yeri, kahit pa nga na-stressed sya kay Ryujin, hindi kasi sanay ang pinsan ko mag-make up kaya ayon. Naluluha sya kapag nilalagyan ng kung ano-ano sa mata nya. 

 

 

"Nay, mimi hew!" sabi ni Khio sa akin ng tumahan na kaming tatlo. 

 

 

Napansin ko na may dala pala syang box na kulay yellow, tapos may print yon ng sunflowers. Ina-abot nya sa akin ang hawak nyang box at panay ang sabi ng "Mimi hew (Mimi here)". Kaya naman kinuha ko iyon sa kanya at binuksan, pakakita ko ng laman noon ay hindi ko na talaga napigilan ang iyak ko. Panay ang sorry ko kay Ate Yeri na tumatawa lang at panay din ang sabi ng okay lang daw at nai-intindihan nya. 

 

 

Buti talaga mabait sya, kasi kung si Mica ang kinuha ko na make-up artist dahil nagpu-pumilit si bakla. Ay baka nasabunutan na nya kaming tatlo dito. Buti na lang talaga hindi. 

 

 

At eto nga ang laman ng box na dala ni Khio, jewelry box pala iyon, isang set ng alahas na may kwintas, hikaw at bracelet. Sobrang ganda, kasi yung chain nya ay snowflakes na puro diamonds. Simple, pero sobrang elegante ng itsura, sa dami ba naman nung maliliit na diamonds, ewan na lang talaga.

 

 

Habang manghang tini-tingnan ko iyon ay nahagip ng mga mata ko iyong engagement ring na bigay sa akin ni Karina, at nangiti ako. 

 

 

Pareho ito ng design doon sa mga alahas. 

 

 

"Nay hew.." 

 

 

Napa-tingin ako kay Khio ng tumalikod sya sa akin, at ang tawa na lang namin matatanda sa kwarto, dahil may naka-ipit pala na card sa likod ng suot nyang dress. Kulay yellow din iyon at katulad ng box ng alahas ay may print din iyon ng sunflowers. 

 

 

Alam kasi ng asawa ko na paborito ko ang kulay yellow at sunflowers. 

 

 

"Kalokohan talaga ng mommy mo, dinamay ka pa anak." natatawang sabi ko pagkatapos ay kinuha ko iyon sa likod ni Khio at binasa. 

 

 

To my beautiful wife, Winter                        Hello my love, I can't wait to marry you again, here is my simple gift to you, this is the whole set of my mom's favourite jewerlries, alam mo ba na dito ko nakuha yung designed ng engagement ring mo mahal, pakiramdam ko nga naka-tadhana talaga na makilala at mahalin kita dahil sa set ng jewelries na ito, favourite daw ni mommy to sabi ng bestfriend nya.                  Yung first out of the country daw kasi nila ni mama is sa London, and that time, Winter season. And It's mommy Taeyeon's first snow, kaya simula noon, gustong-gusto na nya yung about sa Winter Season, especially snowflakes, kaya na-isipan ni mama Tiffany na ipina-gawa itong jewelries for her.       Si mommy din siguro ang dahilan kaya Winter ang pangalan ng naging asawa ko. ( I'm not kidding, mahal okay? Ini-isip ko talaga yan.).                    Mahal, I'm entrusting it to you from now on, just like I trust you with my heart. It's very important to me because that's the only memory that my parents have left me. I hope you like it, I love you so much Winter, and I can't wait to see and be with you again my love.

 

                                                                                             Love, Karina ♡

 

 

"Nay.." 

 

 

Tuloy-tuloy ang agos ng luha sa mga mata ko ng tingnan ko ulit si Khio na naka-tayo sa harapan ko, pagkatapos ko basahin ang sulat ni Karina sa akin. Kamukhang-kamukha nya talaga ang mommy nya, mas lalo ko tuloy namiss si Karina. Kaya naman pina-lapit ko sya sa akin at paulit-ulit na hinalikan ang pisngi nya. 

 

 

"Thank you baby, ikaw na lang muna ang i-kikiss ko ha? Kasi mamaya ko pa makikita ang mommy mo, mahal ko." 

 

 

"Yabyu nay!" ani Khio na yumakap pa sa akin pagkatapos ko sya pupugin ng halik sa pisngi. 

 

 

"I love you too, mahal na mahal ko kayo ng mommy mo, baby ko." 

 

 

At dahil pina-iyak ako ng asawa ko ay kailangan ulit i-retouch ni ate Yeri ang make-up ko, at tsaka isinuot na din nila sa akin ang jewelries ni mommy Taeyeon. Ang ganda talaga, bagay na bagay sa suot ko na gown.

 

 

"Grabe, parang naniniwala na ako kay Karina na ikaw talaga ang ibinigay ng magulang nya sa kanya para mapangasawa. Tingnan mo naman, parang nag-terno talaga sa gown mo yung jewelries ng mommy nya." ani Ningning na manghang naka-tingin sa suot ko na gown at alahas. 

 

 

Si Ryujin naman ay panay ang picture sa tabi namin kasama si Khio na hindi din nagpa-talo sa pag-pose sa mga selfies nilang mag-tita. 

 

 

Tiningnan ko muli ang itsura ko sa salamin at napa-ngiti ako. Totoo ngang tila lalong lumitaw yung ganda ng suot ko dahil sa jewelries ni mommy Taeyeon. Napa-hinga ako ng malalim at pagkatapos ay tahimik ako na umusal ng dasal at nagpasalamat sa kanila ni mama Tiffany.

 

 

Dahil alam ko kung nasaan man sila ngayon ay masaya sila. At ipinangako ko din na patuloy kong mamahalin at aalagaan ang anak nila habang buhay.

 

 

Maya-maya lang din ay napukaw ang atensyon ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto namin. Binuksan iyon ni Ryujin at sumilip doon si Kuya Mike na nakangiting tumingin sa akin. 

 

 

"Mrs Yu, nandito na po ang bridal car." 

 

 

Ngumiti din ako kahit pa nga nanginginig na ako sa kaba, excitement at saya. Nai-iyak din talaga ako, ewan ko ba, ganito ata talaga kapag masayang-masaya ang nararamdaman mo. 

 

 

"Salamat po Kuya Mike, susunod na po kami." 

 

 

Pagkatapos noon ay inalalayan na ako nina Ryujin at Ning na syang mga brides maid ko pababa ng building at papunta sa sasakyan. Nandoon na din si Khio ng maka-pasok na ako sa loob kaya tuwang-tuwa ang mochi namin. Paulit-ulit pa nya ako sina-sabihan na ang pretty ko daw habang panay ang halik sa kamay ko. 

 

 

Ang sweet sweet talaga ng mochi namin, parang mommy nya talaga. 

 

 

Halos wala pa atang sampung minuto ang byahe namin ng dumating kami sa venue, at ang napili nga namin ni Karina na darausan ng kasal namin ay sa Puerta Real Gardens, garden/vintage wedding ang mangyayari. At kahit alam ko na ang magiging itsura ng venue ay hindi ko pa din maiwasan ang mamangha. Ang ganda ng kinalabasan sobra, parang bumalik talaga kami noong unang panahon. 

 

 

May isang pathway pa ako na dadaanan bago maka-rating sa isang tunnel kung saan ang labas noon ay ang pathway naman na lalakarin ko papunta sa aisle, kung saan tatagpuin ko si Karina. 

 

 

Halos ma-iyak na ako pag-bukas pa lang ng pintuan ng sasakyan, kasi naman, ramdam na ramdam ko na ikakasal na talaga kami ni Karina. Tapos may background music pa na I was made for loving you ni Tori Kelly and Ed Sheeran, melody lang ang na-tugtog gamit ang harp at cello, at yung mismong mga na-tugtog ay nandoon sa dalawang gilid ng tunnel na da-daanan ko. Naka-dagdag pa iyon sa ambiance ng paligid, sobrang magical, parang ganon. 

 

 

"Halika na beshy, congratulations sa inyo ni Karina, dasurb na dasurb mo itong bonggang kasalan, I love you." ani Ning na syang sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan, mas nauna pa ngang umiyak sa akin, habang si Ryujin naman ay naluluhang ina-alalayan din si Khio na pababa ng sasakyan. 

 

 

"Maraming salamat sa inyo Ning and Ryu, mahal ko kayo sobra.." 

 

 

Niyakap ko sila pareho, at nagpasalamat na din, sobrang laki ng tulong nila sa amin ni Karina, simula sa unang pakikita pa lang namin mag-asawa, hanggang ngayon na ikakasal na kami ng totoo. Nandito sila para suportahan kami palagi kasama ng anak namin. Kaya naman halos mag-iyakan na kaming tatlo dito, buti na lang talaga, waterproofed na yung make up namin. 

 

 

Pagkatapos noon ay naglakad na kami papunta sa tunnel. Huminto lang ako bago pumasok dahil mauuna ang entourage at sila Ning at Ryujin, nandoon din sina Giselle at Yeji na syang partner nila, kinawayan ako nung dalawa kaya kumaway din ako at nag-mwestra pa nga si Yeji na umiiyak na daw si Karina sa unahan kaya natawa ako.

 

 

Maya-maya ay nag-simula ng maglakad ang entourage hanggang sa kami na lang ni Khio na syang little bride ko ang natira sa loob ng tunnel.

 

 

"Nay, yabyu!" ani Khio na lumapit pa sa akin dahil sya na ang susunod na lalakad. 

 

 

Dahan-dahan akong yumuko at hinalikan ko sya sa labi, nagulat na lang ako ng halikan nya ako sa noo pagkatapos, maluha-luha akong ngumiti sa mini me ng asawa ko. 

 

 

"Tee you nay..yabyu.." 

 

 

"I love you too anak, see you."  

 

 

Kumaway na si Khio sa akin, pagkatapos ay nagsimula na syang maglakad, natawa pa ako kasi kumakaway pa sya sa mga bisita na todo picture sa kanya. Nakaka-tuwa, kasi ang laki na nya, nakuha nya agad yung itinuro ng ninang Ning nya sa kanya na gagawin nya ngayon. May pag-kaway pa nga at flying kiss, kaya ang mga bisita ay aliw na aliw sa kanya. 

 

 

Nang hindi ko na matanaw si Khio ay kumabog na ang dibdib ko sa kaba at saya, huminga ako ng malalim dahil nanginginig ang mga kamay ko na may hawak na bouquet ng bulaklak. 

 

 

Oras na para ako naman ang maglakad, pumasok na ako sa tunnel at nagsimulang maglakad, at ganoon na lang ang halo-halong emosyon na naramdaman ko ng makarating ako sa pinaka-dulo ng tunnel at nakita ko na ang buong venue ng kasal namin ni Karina. 

 

 

Natanaw ko sila nanay, lolo at lola na naghihintay sa akin sa git

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂