Chapter T-50

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

"Abbrrrffff" 

 

 

 

Good morning world!              May pa-shower agad si Khio.           

Umaga na, at nauna na naman magising si Khio sa amin ng mommy nya, hindi na kagaya ng dati na tahimik lang si Khio na naglalaro habang hinihintay nya kami magising ni Karina, ngayon ay marunong na mang-gising ang bochog namin. Lalo na at katabi namin sya matulog, minsan magigising na lang kami sa pagpapa-ulan ng laway nya, o hindi naman kaya ay pag-dudot naman sa mata at ilong namin ang trip nyang ipang-gising sa amin ng mommy nya. 

 

 

 

At eto nga, nagising ang diwa ko sa pagpapaulan ni Khio sa mukha ko. 

 

 

 

"Good morning baby ko..." nakangiting bati ko kay Khio at tsaka ko idinilat ang isang mata ko para silipin sya. 

 

 

 

Lalong lumaki ang ngiti ko ng makita ko ang itsura ni Khio habang nakatagilid sya paharap sa akin at yakap nya si kuku, ganun na lang ang ngiti nya ng makita nya na nag dilat ako ng mga mata dahil umirit na naman sya at iwinasiwas si kuku. 

 

 

 

Tuwang-tuwa ang bata batuta, siguro ay kanina pa sya gising at naghihintay na may makipag-laro sa kanya. 

 

 

 

Sobrang cute ng bochog namin!

 

 

 

Mukha syang siopao na may dimples jusko! Ang cute cute ng baby namin!

       

"Aah! Mmm brrfff!" tuwang tuwa nyang inabot ng kamay nya ang mukha ko kaya lumapit ako sa kanya para maabot nya ako, paano ba naman, naiipit ang malulusog nyang braso at binti tsaka ang pisngi kaya hirap sya makadapa. 

 

 

 

Ang lakas din kasi kumain ni Khio, kaya sinisigurado ko na gulay at prutas lang ang kinakain nya. Ayaw din nya talaga pumayag na tubig ang panulak nya pag-nakain, iinom man sya pero kaunti lang, pagkatapos ay na-ungot na yan kasi gusto na dumede. Kaya ang ginagawa ko ay sa umaga at hapon lang ang solid foods nya, sa tanghali naman ay dede lang sya.

 

 

 

Ang kaso nga lang ay binabawi nya din sa dede, dahil kahit tulog sya sa tanghali ay nagigising talaga sya at nagagalit kapag inaalis ko na sya sa pagkakadede sa akin. Ewan ba dito kay mochi, parang may alagang dinosaur sa tiyan. 

 

 

 

"Hi mahal ko." nakangiting bati ko kay Khio ng makalapit na ako sa kanya, hindi pa din nawawala ang ngiti nya, hinihintay nya talaga na may magising sa amin ng mommy nya, nakatingin sya sa mata ko habang nakahawak pa din sa magkabilang pisngi ko ang mga kamay nya. 

 

 

 

"Pahingi naman ng good morning kiss si nanay sa baby ko na yan- aww ang bait naman." natawa ako ng mag-kiss nga sya sa akin at may kasama pa na ngab-ngab sa pisngi ko. "Pa-kiss din si nanay-muah! I love you baby Khio."

 

 

 

"aaayyhhh!" 

 

 

 

Nakiliti naman sya ng i-kiss ko sya sa pisngi at leeg nya. Kaya niyakap ko na sya at pinupog ng halik sa mukha. Pagkatapos ay inamoy-amoy ko na din.

 

 

 

Bango bango!

 

 

 

Ang bango talaga ng mga baby kahit bagong gising.

 

 

 

Hay, ayaw ko pa lumaki ang Khio namin. Bakit ba kasi ang bilis ng panahon? Gusto ko, lagi ko lang syang malalambing ng ganito. 

 

 

 

Ang aga aga, nag-eemote na naman ako, lalo na kapag naiisip ko yung mga milestones nya sa araw-araw, baka sa susunod ay ayaw na nya magpa-lambing sa amin ng mommy nya kasi big girl na sya.

 

 

 

Nako, Iiyak talaga ako. 

 

 

 

Khio ko, wag ka muna lumaki anak, okay lang kahit masakit na likod ni nanay kakabuhat pagpapadede sayo. Basta forever baby ka lang anak. 

 

 

 

Ang tagal ko ata natulala ng dahil sa iniisip ko, naramdaman ko na lang ang labi ni Khio sa pisngi ko. Kiniss na naman nya ako, ang mochi ko...

 

 

 

Kahit puro laway na ang pisngi ko dahil hindi ko alam kung kiss ba o ngab-ngab ang ginawa nya, ay hindi ko ipagpapalit ito sa kahit ano. Ang sarap lang sa pakiramdam na lumalaki na ganito si Khio, malambing at mabait na baby. Nakaka-intindi na din talaga sya, marunong na mag-lambing ang anak namin.

 

 

 

Minsan kapag binibiro ko sya, kunwari ay ayoko sya padedehin o hindi ko sya pinapansin, ang gagawin nya hihigitin nya ang t-shirt ko at magpapakarga, kakargahin ko naman sya pero hindi ko pa din sya papa-dedehin. Pero gagawin nya hihilig sya sa balikat ko at maya-maya lang mararamdaman ko na kikiss sya sa pisngi ko at tsaka sya yayakap sa akin. 

 

 

 

Sobrang natutunaw ang puso ko kapag ginagawa nya yon, ang galing lang talaga na mentor ng asawa ko. Kuhang-kuha ng anak namin ang pagiging malambing at clingy ni Karina. Pati na din ang puso ko, kuhang-kuha nilang mag-mommy dahil kahit minsan ay makulit sila, hindi ko talaga sila kayang tiisin. Isang kiss at hug lang nila, rurupok na si nanay Winter. 

 

 

 

"Brrrfff!" 

 

 

 

"Anak wag ka magpa-ulan, paano tayo makakapag-park nyan kapag umulan na?" 

 

 

 

Pigil ko kay Khio na todo ang paglalaro ng laway nya. May kasabihan kasi ang matatanda, na kapag naglalaro ng laway ang baby ay nagpapa-ulan daw ito, hindi naman ako naniniwala pero kapag nag-gaganito si Khio ay nagkakataon na umuulan talaga. Kaya para sure, pinigilan ko na sya. Gusto ko din kasi talaga lumabas ng penthouse para makapag-family day kami. 

 

 

 

Sabado ngayon at walang pasok si Karina, hindi din kami makakauwi sa San Isidro dahil pinagpahinga ko muna sya, tambak ang trabaho nya nitong buong linggo dahil maraming investors ang pumasok sa kumpanya. Kaya itong asawa ko ay gustuhin man umuwi ng maaga ay hindi nya magawa.

 

 

 

Hindi naman na sya inaabot ng hating gabi sa opisina kagaya noon, pero ang maagang uwi na nya ngayon ay alas nuwebe na ng gabi dahil sa dami ng trabaho nya. Pag umuuwi nga ay akala mo pusa dahil panay ang siksik sa akin, at yakap kay Khio, namiss nya daw kami. Kaya naman sinisigurado ko na kapag ganito sya ka-busy ay bumabawi kami sa isa't-isa kapag sabado at linggo. Nag-bobonding talaga kami mag asawa, at nagkikipag-laro kay Khio.

 

 

 

Kagaya ngayon, dito kami mag anak natulog sa sala dahil nag movie marathon date kami kagabi, syempre kasama si Khio, napagpasyahan din namin na itabi na sya sa pagtulog. Naki-puyat din talaga sya sa amin ng mommy nya at nakipag-laro. Namiss nya din siguro talaga si Karina dahil kalimitan ay tulog na sya kapag dumadating ang mommy nya galing sa trabaho, at sa umaga naman bago umalis si Karina ay kakagising lang nya kaya sandali lang sila magkita.

 

 

 

At eto nga, ang routine namin kapag hindi kami nakaka-uwi sa San Isidro kapag weekend ay ang mamasyal. Pero dahil favourite ko ang park dito malapit sa amin ay laging doon ang pinipili ko na puntahan. Ang tahimik kasi at mangilan-ngilan lang ang tao, malinis at maraming puno at bulalak, family friendly talaga yung ambiance ng lugar. Kaya kahit maghapon kami doon ay hindi ako nagsasawa, nakakapag-relax din kasi si Karina at malawak ang nagagapangan ni Khio. 

 

 

 

"Excited ka na ba baby? Gisingin mo na si mommy para makapag-ready na tayo." sabi ko kay Khio na nag iingay na. Pero itong si Karina mukhang pagod talaga, kahit anong ingay ni Khio ay hindi pa din sya nagigising, nakanganga pa nga at nakataas ang dalawang kamay sa sarap ng tulog. 

 

 

 

"Mommy gising po..." tinapik-tapik ko ang balikat ni Karina pero hindi talaga sya nagising. Kaya wala na akong choice kung hindi gamitin ang secret weapon ko. 

 

 

 

Si Khio. 

 

 

 

Inilapag ko si Khio malapit kay Karina at hinayaan ko na gumapang sya sa dibdib ng mommy nya. Gumalaw naman si Karina ngunit bumalik ulit sya sa pagtulog. Nakangiting pinanuod ko lang si Khio na nasa ibabaw na ng dibdib ng mommy at ready na mang gising. Inumpisahan na nyang dutdutin ang nakapikit na mata ni Karina at nang hindi ito gumalaw ay ang ilong naman nito ang dinudot nya. Maya-maya pa ay tila naramdaman na ni Karina si Khio pero hindi pa din sya gumising, hinawakan nya lang ito sa likod para hindi gumulong. 

 

 

 

"Mmmm aaagghh!" 

 

 

 

Ang tawa ko ng mabilis na nag-dilat ng mata si Karina ng bigla syang ngab-ngabin ni Khio sa ilong na tila nang-gigil na sa mommy nya dahil hindi sya nito pinapansin. May sound pa yung gigil nya, sabi nga, mainip na ang lahat wag lang ang baby dinosaur namin. Buti na lang at wala pa syang ngipin, malamang ay puro kagat na ang inabot namin ni Karina sa kanya.

 

 

 

"Oww Khio..." daing ni Karina ng mai-alis nya sa mukha nya si Khio at itinaas nya ito, pero inaabot pa din talaga sya ni mochi. Tawang-tawa ako dahil kahit nai-angat na nya si Khio ay todo padyak at wasiwas pa din ito ng mga paa at kamay para abutin ang mommy nya. 

 

 

 

"Gosh, mochi, akala ko totoo na yung panaginip ko na naabutan ako ng mga baby dinosaurs tapos nakagat na ako. Ikaw lang pala yon." 

 

 

 

Napa-iling na lang ako sa panaginip ng asawa ko. Kahit sa panaginip ay may dinosaurs pa din talaga syang kasama. Pasalamat talaga ako na extinct na ang mga dinosaurs ngayon, dahil kung hindi, baka may pet na kami na t-rex sa bakuran namin dahil sa kanilang mag-mommy. 

 

 

 

"Kiss mommy again love, I want a kiss baby, and no biting please..." ibinaba na ulit nya si Khio para ilapit sa mukha nya at nakinig naman ang bochog namin dahil nag-kiss talaga sya sa mommy nya at pagkatapos ay yumakap dito. 

 

 

 

Ang sarap nilang panuorin, ang saya saya sa puso. Sana lagi kaming ganito, sa araw araw na gumigising ako na nakikita ko na masaya ang pamilya ko, lagi ko itong ipinag-papasalamat. Sila yung dahilan kung bakit kuntento at masaya na ako kung anong meron ako ngayon. 

 

 

 

"I love you, good morning love.." napangiti ako ng mag tama ang mata namin ni Karina ng yakapin nya din si Khio na napasarap na ata sa pwesto nya dahil tumahimik na. 

 

 

 

"Good morning nanay Winter. How's your sleep?" malambing na bati ni Karina sa akin at minuwestra pa na lumapit ako sa kanila. Kaya agad din naman ako lumapit sa tabi nya at yumakap sa kanila ni Khio. 

 

 

 

"Good morning too mommy Jimin. Okay naman ako, masarap ang tulog ko, nagising lang ako sa pa-shower ng mabait na baby mochi na ito." biro ko at tinapik-tapik ko ng marahan ang suot na diaper ni Khio. Tumingin naman si Khio sa akin galing sa pagkakahilig nya sa balikat ni Karina at ngumiti. 

 

 

 

Ang dimples, ang lalim! Apaka-cute ni Karina liit!            

"I think she's excited nanay, let's go to the park na baby? And then mag-play tayo doon with nanay. Tara na po?" 

 

 

 

"aahh!" 

 

 

 

"Okay po! Let's go nanay." nakangiting yaya ni Karina sa akin. 

 

 

 

"Let's go mah famileehh." masayang pagsang-ayon ko din. 

 

 

 

"Wait mahal." uupo na sana ako ng pigilan ako ni Karina. Kaya nilingon ko sya, at tama ako, nakanguso na nga ng baby damulag ko. Napa-irap na lang ako at nangingiting lumapit sa kanya para bigyan sya ng kiss sa labi, at dahil maganda ang gising ko ngayon kaya nag-kiss pa ako sa pisngi nya. At isa pa ulit sa labi na ikinatuwa nya, sumimple pa nga ng pisil sa bewang ko.

 

 

 

Aga aga pag-harot talaga ang inuuna ni Karina. Keber na sa walang hilamos at mumog, kiss muna bago ang lahat. 

 

 

 

"I love you nanay. Good morning ulit." nakangiting bati nya at sya naman ang humalik sa akin. 

 

 

 

"Good morning mahal ko, I love you too mommy."

 

 

 

Bumalik din ulit ako sa pagkakahiga at sumiksik pa lalo kay Karina. 

 

 

 

At syempre hindi pa talaga kami babangon nyan dahil maglalambingan pa kaming mag asawa at makikisali na si Khio dahil pakiramdam ko ay naiirita na ang anak namin sa kaharutan namin ng mommy nya. 

 

 

 

Sorry anak, ganito lang ang nanay mo. 

 

 

 

Marupok sa mommy mo. 

 

 

 

Walang char kasi totoo naman.      

 

Good morning pelepens.         ______    

Winter's Pov 

 

 

"Mahal gusto ko ng fruit shake." sabi ko kay Karina na busy makipag-laro kay Khio sa tabi ko. 

 

 

 

Nandito na kami sa park at dito kami nakapwesto sa ilalim ng puno ng acacia dahil malilim dito at maginhawa. Nag-latag din kami ng mat para may higaan kami at gapangan si Khio, may mga baon na din kami na pagkain dahil balak talaga namin mag-tagal dito. Hindi din kasi nakaka-inip dito sa park dahil maraming pwedeng ikutin na pasyalan. Mamaya nga ay pupunta kami doon sa mini river nila na man-made, nadaanan kasi namin yon kanina at natuwa ako sa bridge, ang ganda lang kaya niyaya ko si Karina na balikan namin yon mamaya. 

 

 

 

"Anong flavor gusto mo mahal? Dito na lang kayo ni Khio, ako na ang bibili." tanong ni Karina, pagkatapos ay nag-suot na sya ng rubber shoes nya. 

 

 

 

"Watermelon mahal please, thank you." malambing na sagot ko. Ngumiti naman si Karina at tumango.

 

 

 

"Okay po, anything else? Snacks?" 

 

 

 

"Yun lang mahal, busog pa naman ako, gusto ko lang ng malamig." 

 

 

 

"Okay mahal, mabilis lang ako." nag-kiss muna sya amin ni Khio bago sya umalis.

 

 

 

Nakita ko pa na lumapit sya kay Kuya mike na nakapwesto sa hindi kalayuan at tila sya may sinabi dito bago sya nagpatuloy na lumakad papunta sa cart na nagtitinda ng fruit shake. Maya-maya lang ay nakita ko na naglakad si Kuya Mike palapit sa amin at huminto ng ilang metro sa pwesto namin mag ina. Siguro ay pinabantayan kami ni Karina dahil aalis sya sandali. 

 

 

 

"Winter?" 

 

 

 

Napatingala ako sa harapan ko ng may narinig ako na tumawag sa pangalan ko. 

 

 

 

Kunot noo at nagtataka ko na tiningnan ang babaeng nakatayo sa harapan ko. Naka-pang opisina at mapustura ang itsura nito, may blonde na highlights ang mahabang buhok nya. Pilit ko syang tinititigan dahil pamilyar sya pero hindi ko maisip kung sino. Pero alam ko kilala ko sya. 

 

 

 

"Winter ako to! Si Margarita!" excited na sabi ng babae, sa lakas ng boses nya umiyak si Khio sa gulat kaya tumayo ako para kargahin agad sya at patahanin.

 

 

 

"Ay sorry natakot ata si baby sa akin." hinging pasensya ng babae.

 

 

 

"Marga? Oh! Marga! Sorry, namumukhaan naman kita pero ngayon ko lang ulit naalala. Kamusta?" tanong ko ng ma-realized ko kung sino sya. 

 

 

 

"Ayos naman, eto, kakagaling ko lang sa office, kaka-start ko lang kasi sa work this week kaya kahit sabado may work ako. Ikaw? How are you? How's life? Anak mo?" maarteng tanong nya at tinuro pa si Khio na nakahilig sa balikat ko at na-ungot. Natakot talaga sya sa boses ni Margarita. Sanay naman sa maingay ang anak namin, pero dahil bagong boses sa kanya kaya natakot siguro sya. Tinapik-tapik ko na lang ang likod nya para pa-kalmahin. 

 

 

 

Hindi naman sa pang aano, pero maarte pa din talaga si Margarita. Si Margarita lang naman yung leader ng tropang pochi noon sa amin sa San Isidro noong mga bata pa kami. At simula noong inaway nilang magkakaibigan si Karina noon sa plaza ay hanggang sa mag-highschool kami ay mortal enemies namin sila. Kasi naman, maldita at inggitera talaga, kahit hindi mo na pansinin eh talagang mang aaway, tapos kapag pinatulan naman nag-susumbong sa nanay.

 

 

 

Buti na lang at noong nag-college na sya ay lumipat na sila dito sa Maynila, nawala na yung tinik sa San Isidro, char! Pero totoo. Natahimik na kami nila Ryujin at Ningning, wala ng nagpaparinig sa harapan ng tuhog tuhog namin. Sana lang ay nagbago na sya, matatanda na kami para mag-sabunutan pa kami dito.

 

 

 

"Oo an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
134 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂