Chapter T-15

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

​​​​​​Winter's Pov

 

 

"Karina maligo ka na sabi kanina pa kita pinapaligo mala-late ka na!" saway ko sa asawa ko habang naka-backhug sa akin.

 

Alas syete na ng umaga eto pa rin kami sa kusina at nag hahanda ako ng umagahan namin at pang baon nya. Alas otso ang pasok ni Karina, ang sabi naman nya ay dalawampung minuto lang ang byahe nya papunta sa opisina. Pero ako yung natataranta sa pinag-gagawa nya.  

 

Dahil nga nasanay na ako magising ng maaga, alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako para mag handa ng kakailanganin ni Karina pag pasok. 

 

Katulad nga ng sabi ko, hinding hindi na sya makakatikim ng pagkain sa mga fastfood restaurant na nakasanayan nya nung mag isa pa lang sya, dahil pagbabaunin ko na talga sya ng pagkain. Hindi naman pihikan sa pag kain ang asawa ko, napaka-lakas nga kumain nyan, kaya hindi ako mahihirapan na lutuan sya ng pagkain na ipapabaon sa kanya.

 

Mabalik tayo, eto na nga, natataranta na ako, dahil kahit anong aga ko gumising tinanghali parin ako mag-luto, sinisisi ko talaga si Karina! hindi ko naman alam na pag bangon ko ng higaan namin ay kasunod ko na din pala sya. Nagulat pa ako habang nagtitimpla ako ng kape at may biglang yumapos sa akin mula sa likod.

 

Pinapabalik ko sya sa pagtulog dahil maaga pa at late na sya natulog kagabi dahil ang dami nya pang tinapos na trabaho pero ayaw nya, at talagang kahit anong gawing ko na kilos sa kusina ay hindi talaga sya nabitaw sa pagkakayakap sa akin.

 

Maya-maya pa nga ay hindi ko na namalayan na malamig na yung kape sa tabi ko, naka upo na ako sa ibabaw ng kitchen counter at hinahalikan na ako ni Karina. 

 

Hindi pa sya nakuntento, binuhat nya pa ako papuntang sofa at doon tinuloy ang kaharutan nya, simula talaga nung hinayaan ko sya na halikan ako ng ganon, parang nilubos-lubos na ng asawa ko ang mga pagkakataon. Nakakaloka!

 

Gusto ko naman enebe! Pero wag lang yung mga ganito sana na nagmamadali kami.

 

Mamaya na lang pag uwi nya. 

 

Ang landi ko na talaga hay..pakaharot kasi ng asawa ko!

 

Magkayakap kami sa sofa ngayon ng sinaway na kami ng mga baga namin na kailangan namin huminga para mabuhay. Nakahiga ako at yakap yakap ang ulo ng nakatulog na uli na si Karina sa dibdib ko, habang nakaibabaw sya sa akin . Nang mapatingin ako sa digital clock sa malapit sa t.v. hindi ko naiwasan na mapa-upo sa gulat! 6:30 na! kahit si Karina na natutulog ay nagulat din ng bigla akong umupo. Napatakbo ako sa kusina at naiwan sa sofa ang naalipungatan na asawa ko. 

 

Nasobrahan kami sa halikan jusme! Hindi ko na napansin ang oras! Pero may kasamang cuddle naman yun at hindi lang halikan.

 

Wag kayo dyan! halikan lang ah. Wag utak lumot mga te , eme

 

_____

 

 

"Karina isa!" banta ko sa kanya ng sumunod sya sa akin sa kusina at yumakap ulit, ayaw na naman bumitaw, nahihirapan ako mag prito dito ng itlog! 

 

"Maaga pa mahal...pwede naman ako na hindi pumasok, balik na lang tayo sa bed."  pinalo ko ng mahina ang braso nyang nakayapos sa bewang ko

 

"Hoy Karina Yu! Hindi kamo't ikaw ang may ari ng kumpanya eh hindi ka na papasok kapag tinatamad ka, may meetings ka pa ngayon, paano naman yung mga empleyado mo na nagpuyat para matapos ang trabaho nila sa binigay mo na deadline? hala sige maligo ka na, para makakain na tayo ng agahan."

 

Alam ko na mahaba pa ang oras para makapaghanda sya bago pumasok, nasanay lang kasi talaga ako sa probinsya na madaling araw pa lang ay gising na ang mga tao para maghanda para sa trabaho sa maghapon, ayoko talaga na nahuhuli ako at may pinaghihintay, mas ayos na ako ang maghintay. Tsaka sabi nga nila, maganda na yung maaga para nauuna sa biyaya.

 

Siniksik nya ang mukha nya sa batok ko at humalik tsaka sya bumitaw sa akin. 

 

"Ok po Mrs.Yu, sorry na, gagalet agad naglalambing lang eh." ngumuso sya.

 

"Dalawang oras mo na ako hinaharot Karina, muntik pa masunog itong itlog na niluluto ko." tinaasan ko sya ng kilay.

 

Ngumiti lang sya sa akin ng nakakaloko " Hindi ka naman tumanggi mahal." sabi nya sabay kindat.

 

Aba't loko to ah!  Inambahan ko sya ng pang sandok ng kanin na ikinatakbo nya papuntang hagdan, tawang tawa sya habang paakyat.

 

Sira ulo talaga, napaka-sutil! 

 

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pag hahanda ng baon nya at ng umagahan namin. Beef steak na may mushroom at broccoli , sosyal! Napanuod ko lang sa youtube yan. Prutas na orange, mansanas at kiwi naman ang pang-himagas. Bawal muna ang matatamis sa kanya dahil hinahayaan ko naman sya mag ice cream sa gabi. Wag lang softdrinks, kaya pala lagi syang nagpapabili ng softdrinks kay Ryujin sa tindahan kapag meryenda, dahil dito ay ginagawa na nyang tubig! 

 

 

__________

 

 

Pagkatapos nga ng maraming tukaan, char! ang tagal bago ko sya napalabas sa pinto dahil ayaw talagang pumasok sa trabaho. Isasara ko na sana ang pinto ng hilahin na naman nya ako para halikan. 

 

Grandpa yung apo nyo ayaw na magtrabaho! Gusto na lang maging suso! Kaloka!

 

"K-karina late ka na.." pigil ko sa kanya ng hahalik na naman sya sa akin. Buti na lang talaga at sya lang ang nakatira dito sa floor na ito dahil kanina pa kami nagtutukaan sa labas ng pinto nya ! Nakakahiya!

 

"Ok.." hinalikan na nya ako sa noo at pinagdikit ang noo namin.

 

"Are you sure you ok here? I can eat my lunch naman dito mahal, malapit lang naman ako e."

 

Tinulak ko na sya ng marahan sa balikat at inayos ang suot nya. Ang ganda ng asawa ko grabe! Naka-high ponytail sya, white polo, slacks, high-heels at hawak nya ang coat at bag nya pati lagayan nya ng baon. Kanina habang naghihintay sya ng oras sa loob napapatunganga talaga ako, pakiramdam ko hindi totoo ang asawa ko, bigla tuloy ako nahiya sa kanya kapag nahuhuli nya ako na nakatingin sa kanya tapos ngingiti sya sa akin.

 

​​​​​Naalala ko tuloy yung mga pinapagawa ni Lolo sa kanya sa probinsya, pinag gapas ng palay, pinangahoy, pinanguha ng suso sa tubigan para pakain sa itik. Ako naman pinagtuhog ko ng ihaw ihaw at pinagpaypay, pinagbuhat ko ng mga napapamili sa palengke.

 

Tapos dito, halos lahat ng makasalubong nya niyuyukuan sya, lahat inihahanda para sa kanya. Isang tawag nya lang at utos may mga tao agad na natataranta para sundin ang utos nya.

 

Grabe lang yung pag-aadjust ni Karina sa amin para makisama sa pamilya ko. Ang swerte swerte ko talaga sa asawa ko. 

 

Pero kahit iba ang kinalakihan at nakasanayan nya. Ibang iba si Karina kapag nasa probinsya, kahit alam ko na pagod sya sa trabaho nya sa bukid kasama sila Lolo at Ryujin, hindi nawawala ang ngiti nya, yung tawa nya kapag nagbibiruan sina Ningning at Ryujin, yung kakulitan nya na para syang bata na masaya na sa simpleng pag akyat ng puno. 

 

Samantalang dito nakikita ko na bibihira sya ngumiti lalo na kapag hindi kami nag iisa o nandyan ang mga nagtatrabaho sa kanya. Lagi syang seryoso, kung hindi ko lang alam ugali nya ay baka kapag ako ang tiningnan nya,  mapatakbo din ako sa talas nyang tumingi.

 

Yung mga nakakasalubong nga namin lalo na kapag kilala sya, tila takot sila sa kanya. Siguro ay dahil na rin sa galing sya sa mataas at kilalang pamilya.

 

Hindi lang nila alam, mala-unggoy yan sa manggahan at parang hito sa lawa kapag kasama si Ryujin.

 

"Mag tigil ka Karina papagurin mo ang sarili mo, ayos lang ako dito, sanay ako na nasa bahay lang, wag ka mag alala sa akin." ngumiti sya at hinawakan ako sa kamay.

 

"If you feel bored, call Mang Berto ok? Kapag gusto mo mag mall or maglakad lakad sa labas, he will drive you there. May mga bodyguards din na nandito lang, call them if you need something, they will get it for you." napakunot noo ko, may body guards dito?

 

"Bodyguards?" takang tanong ko. Ngumiti sya at tumango.

 

"Yup, na-saved ko kagabi yung numbers nila sa phone mo. I'm sorry I forgot to tell you and I also put card and cash on your wallet, so you can buy anything you want kapag lumabas ka." 

 

Dismayado ko syang tiningnan.

 

"Karina, pinag usapan na natin to di ba?..."  Ayoko talaga na binibigyan nya ako ng pera, ok na ako sa ganito. Ang dami na nyang natulong sa pamilya namin.

 

"I insist mahal, asawa kita , you have the rights sa lahat ng meron ako, ang akin ay sayo na din. Pum

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
yeppeungom
0 points #1
Chapter 66: yung mga angst readers ingat kayo baka huntingin kayo Ng mga fluff reader😂🫶🏻
yeppeungom
0 points #2
Chapter 66: eyy satisfying yung sampal ni rina Kay lily sa totoo lang proud Ako Kay wintot Kasi di nya pinakinggan Ang Galit nya at mas pinili na pakinggan si karina🫶🏻
ratedkmj
0 points #3
Chapter 66: ayyy bilis naman binawi tor, dapat nag rambulan muna winter vs lily HAHAHAHHAA para namnam talaga namin ang angst #angstenthusiast
luh_KEY 0 points #4
Chapter 66: Ang satisfying na ang unang bungad ay sampal. Kasi last time, ganoon ang gusto naming gawin kay water lily. Mabuti na lang talaga natuto na silang mag-asawa about confrontations. Naiyak na lang ako doon kay Khio nung hinahanap niya mimi niya. Wala na pwedeng magpalungkot sa pamangkin namin aba naman!
kwinterrr_
118 streak 0 points #5
Chapter 66: yeyyy
ilyy12020530 0 points #6
Chapter 66: Juskoooo... Magbunyi!!!! No to angst! Mga nagrequest ng angst,papaharang ko kayo sa kanto! Chos!

Thanks author!!!!
Bibbibs 0 points #7
Chapter 66: Kung may magcocoment uli ng angst i mamass report ko na talaga🥰
purplejoch
524 streak 0 points #8
Chapter 66: ahhh finally naayos agad, authornim salamat salamat kasi inahon mo kami agad sa angst huhu,
sa nag comment last mo na yun please
naawa ako kay khione nangulila sa mother dinosaur niya 🦖🦕
sabi ko na nga ba napaka hitad talaga ni lily at tinolerate pa talaga ng tatay niya, buti na lang maraming ebidinsya si karina 😭 naawa naman ako dun pumayat pa tuloy buti na lang hinde natiis ni nanay winter si mimi karina, at katuwa din kasi nakita natin na mas nag level up pa yung relationship ng mag asawa in terms of maturity at sana ma pag usapan din nila yung nangyari. cute cute din ng inaanak namin na yan marunong ng tumakas kay nanay at sumasagot na rin 🫣
gorjushuya 31 streak 0 points #9
Chapter 66: HUHUHUHU NAIIYAK AKO. ANG LAKING IMPROVEMENT NITO KAY MARENG WINTER. TSAKA ANG CUTE CUTE NI KHIO. TAPOS ANG CUTE DIN NI KARINA. AAAAA NAIIYAK AKO. TANGINA ANG SAYA SAYA KO LANG 😭😭😭😭
Elle_Altair 0 points #10
Chapter 66: Jusko buti nalang... hindi ko talaga naitulog kagabi yung ganap eh. Nagbasa pa ako ibang winrina au na fluff para maiwasan lang pero pabalik balik parin yung last ud sakin huhuhu author last mo ng angst yan ah😑. Fluff enthusias tau dto author🥺