Chapter T-3

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Present

Winter's Pov

"Anong sabi mo? Dito ka na titira?" nakapamewang ko na tanong kay Karina habang isa isa nyang binababa ang mga maleta galing sa loob ng magara nyang kotse.

Tinulungan sya ni kuya berto, katiwala ng lolo nya, ibabalik din kasi nito sa mansion nila yung sasakyan pag kahatid nito kay karina, dahil wala naman paparadahan dito sa amin. Baka gawing tambayan lang ng bibe at pato nila ang kotse, mahirap na.

"Yes po , opo darling" sagot ni karina pagkatapos nya ibaba ang huling maleta at humarap sa akin na akala mo nanalo sa lotto ang ngitian. 

Grabe ang gandang tao ni Karina. Ang pangit lang bumanat

Napapikit ako, mga ganitong linyahan may nakaukit na Ryujin dito eh, tapos dito pa titira si karina , good luck talaga sa presyon ko.

"Bakit?" tanong ko ulit

Oo nga at mag asawa na kami ng halos isang taon, pero hindi kami nag sama, parang kasal lang sa papel. Pagkatapos nga ng kasal namin umuwi din kami sa kanya kanyang bahay, walang honeymoon or ano, simple lang din naman, civil wedding lang. Ang lolo nya at pamilya ko lang. Parang pribado pa nga. Hindi ko alam anong purpose ng ipakasal kami kung ganito din naman. 

Hindi sa gusto ko yung normal na buhay mag asawa ang itsura ng pagsasama namin ni karina, dahil una sa lahat arrange marriage lang kami, wala naman talaga namamagitan samin, oo magkakilala kami pero siguro hindi rin sya kumportable kaya pumayag na din sya sa gusto ko, isa pa, ayaw ko iwan ang pamilya ko, ayaw ko din lumayo sa kanila, sinabi ko na talaga kay karina yan, dahil sa Maynila sya nakatira at nagtatrabaho, syempre bilang asawa na nya ako, doon na din ako kung tutuusin, pero ayaw ko, kaya isa yun sa kondisyon na pinag usapan namin ni Karina. 

Dahil dyan, apat na beses lang kami mag kita sa loob ng isang buwan, tuwing sabado at linggo lang kapag rest day nya, dadalaw lang si karina tapos yayayain nya ako lumabas, at oo nagbobonding din kami, dahil naisip namin na kailangan namin kilalanin ang isa't isa dahil kasal na kami. Ganun padin naman, parang yung bonding lang namin sa Plaza kapag nagbabakasyon sya dito. Pero hindi katulad dati na kasama namin sila ni ning at ryujin.

Ako yung napapagod para kay Karina, imbes na pahinga na nya yung dalawang araw na dayoff nya, bumabyahe pa talaga sya ng ilang oras para lang sa ganitong set up namin. Sinabihan ko na sya, pero matigas din ang ulo, hayaan ko na daw kasi toxic daw sa Maynila, kailangan nya mag unwind at magpahinga. Ewan dito, bahala sya dyan san sya masaya.

Hanggang labas lang kami, hindi sya tumutuloy sa amin maliban na lang kung susunduin nya ako para lumabas, hindi pa sya nakatulog sa amin or niyaya nya ako matulog sa bahay nila. Pansin ko din na ,kahit likas na makulit si karina at maharot, oo may kasamang harot ang kakulitan nito, hindi ito kumilos at nagpumilit sa mga bagay na hindi ko gusto,  pasalamat narin ako na kahit arriange marriage eh, sa ma-respeto at mabait ako napunta.

"Mas pinag-focus na muna kasi ako ni lolo sa business namin dito, so he told me to stay here muna , I think he already talked to lolo Vicente about this." natahimik ito pag katapos mag salita parang may iniisip

"I'm sorry, nag paalam muna dapat ako sayo, akala ko kasi sinabi na ni lolo vicente sayo, and I can't contact you personally" parang nahihiyang patuloy nito

Wala nga pala akong cellphone, Oo wala ako nun dahil wala akong hilig dyan, meron naman ako dati, ginagamit ko pantawag sa mga tindera sa palengke na pinagbibilhan namin ng rekado sa paninda, para maipagtabi kami ng mga kailangan namin,  pero dahil tamad na tamad ako magpipipindot o makipag usap sa tao, binigay ko na lang kay Ryujin, sya na lang din inutusan ko kumausap sa mga tindera,  tuwang tuwa naman ang loko. Mahilig kasi yun sa laro laro sa phone, nakikita nya sa mga kaklase namin dati.

"Ok lan-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng biglang sumigaw si Ryujin.

"PINSAAAAN!!" sigaw nito habang tumatakbo papunta sa kanila, pati tuloy yung nanahimik na bibe sa tabi nito ay nataranta at tumakbo palayo

Oo ganyan sila ka-close parang dalawang Ryujin na talaga ang aalagaan ko nito.

"PINSAAAAN!!" sigaw din ni karina at tumakbo para salubunggin si Ryujin , nakita ko kung paano I-Dawn Zulueta ni Karina si Ryujin,  at eto namang pinsan ko feel na feel ang hangin sa taas. May pag buka pa ng kamay at tingala sa langit , pumikit pa nga ata ang kumag.

Hmp palibhasa bansot, saya ka Ryujin?

Napairap ako sa kaitsurahan nila

Nakikinita ko na ang sakit ng ulo na aabutin ko sa dalawang to.

"Pinsan dito ka na talaga titira?" tanong ni Ryujin kay karina, habang tinutulungan nya kami iakyat sa taas ang mga maleta ni Karina.

Dalawang malaki ba naman, tig isa sila ng bitbit ni Karina paakyat, ako naman eh yung bagpack lang nya, ayaw pa nga nya ipabuhat sa akin dahil mabigat daw, Pero syempre , matigas din ang ulo ko at sa piling tao lang ako nakikinig, hindi sya kasama dun no. 

 

Potek! sana nakinig na lang pala ako, ano bang nilagay nya dito? 

"Ambigat!" angal ko at hingal na ibabagsak ko na sana ito ng mawalan ako ng balanse, at muntik na ako bumagsak pahiga , buti na lang at mabilis ako nahawakan ni karina sa bewang dahil kung bukol talaga abot ko.

Naramdaman ko na yung isa pa nyang kamay ay nilagay nya sa likod nag ulo ko. Dahilan para mapasubsob ako sa balikat nya. 

Ang bango naman nito.

Oo amoy na amoy ko si karina, nakayakap na kasi ito sa akin. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya ng makabawi ako sa gulat. Napatitig ako sa mukha nya, ang ganda gandang babae, bakit ba pumayag to na sa akin makasal?

Kung tutuusin higit na mas maraming magagandang babae sa Maynila o kahit dito na lang sa lugar nila, bakit ako pa? kapag pinag tabi kami pakiramdam ko magmumukha lang ako alila nito eh, kaya pag nalabas kami. Nanghihiram talaga ako kay Ningning ng damit. Kahit wala talaga ako hilig mag ayos at walang pake sa suot ko, gusto ko naman na maging disente kapag kasama ko si karina. Mahirap na, maraming marites dito sa amin, baka machismis pa si karina na pinapabayaan ako.Baka sabihin ang yaman yaman nya tas ang asawa nya punit ang manggas ng tshirt , saan ba kasi nagsusuot itong si ryujin at kung hindi punit ang short, yung tshirt naman, napapagod na ako tahiin mga damit nya. Haynaku

Pero pag kasama ko naman sya, normal lang si karina, malayong malayo sa office attire na nakikita ko na suot nito kapag kasama ang lolo nya, naka- short at tshirt lang ito tska tsinelas na alam ko na mamahalin, kahit mukhang simple, pero kasi, ang ganda masyado ni karina, kaya kahit ata basahan, mukha parin itong mabango. 

At oo hindi ako bulag. Nagagandahan ako sa asawa ko, maganda,makinis, maputi, mabango, ang tangkad pa.  

hay winter, bading moments.

"S-sabi sayo mabigat, kulit mo eh" sabi ni karina at maingat ako itinayo ng ayos, binitiwan nya na rin ako ng makasiguradong hawak na nya ang bag nya para hindi na ako matumba. "O-ok ka lang ba?" nauutal na tanong nya , iniiwas nya ang tingin nya ng magtama ang mata namin

Napakunot ako ng noo

"Ayos lang, salamat. Ikaw ba ayos ka lang? Bakit namumula ka? Mainit ba? Tanggalin mo nga yang jacket mo ang init init" nag aalala kong tanong sa kanya , habang tinapik tapik ko ng mahina likod nya.

Baka basa na ng pawis. Tapos pulang pula pa sya. Bakit naman kasi naka-jacket eh tag init na.

Kahit arrange marriage lang kami, may care naman ako sa kanya, kahit makulit at sutil , mabait naman at maalaga si karina, nakikita ko yan kapag magkasama kami, lagi nya ako inuuna at tinatanong kung ayos lang ba ako. Kahit nung magkakalaro pa lang kami, Hindi sya katulad ng ibang bata na lumaki sa karangyaan, hindi ko naman nialahat , opinyon ko lang to. Pero si karina mabait at mapagbigay sya, kahit kila ning at ryujin at sa ibang bata na nakakalaro namin. Magalang din sya kahit sa mga katiwala nila, kaya hindi ako mag tataka na halos pati si kuya berto na anlaki ng katawan eh umiyak na nung sinundo nya si karina sa Plaza, naaksidente kasi ito nung naglaro sila ni ryujin, napilayan. 

Kinuha ko ang electric fan sa tabi ng bintana at binuksan ito para itutok sa kanya. Hindi naman masyadong mainit dito sa taas ng bahay namin dahil bukas lahat ng bintana, pero baka sanay kasi sa aircon si karina kaya namumula na sa init .

"H-hindi, a-ano " Ayos lang ba talaga sya?  Utal utal, gagi baka napagod na to sa byahe tas ang bigat pa ng maleta nya na inakyat dito,  tata

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
134 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂