Chapter T-4

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Note: At dahil fiction ito, kaya posible ang mga imposible 😌

 

Winter's Pov

         At eto na nga, parang kakapikit ko pa lang eh nagising na ako, napaka-likot matulog ni Karina! Nagising ako ng ala una kanina na para akong sinasakal, akala ko kung ano ng nangyayari sa akin, si Karina lang pala, yung braso nya nasa leeg ko na at yung mukha nya nakasiksik na sa ulo ko, napabalikwas nga ako dahil sa gulat ng huminga sya sa tenga ko! May kiliti ako sa tenga! 

Ano ba tong pinasok ko? akala ko nakaligtas na ako dahil hiwalay na kami ng kwarto ni Ryujin, pakiramdam ko noon nasa kural ako ng baboy natutulog dahil sa lakas ng hilik nya, eto namang si Karina ang pumalit. Kaiyak lang. Akala ko kapag gising lang sya clingy, mas malala pa pala kapag tulog. 

Napabuga ako ng hangin at tumihaya, nakatakilod na sya sa akin dahil itinulak ko sya kanina nung nagising ako, tumama na kasi yung kamay nya sa hindi dapat tamaan, shuta sya. Ang liit na nga pinatungan nya pa! bwiset sya! Kung gising lang sya masasampiga ko talaga to eh. Pasalamat talaga sya. 

Namula ako sa nangyari. Bwiset hay

Napa-tingin ako sa may taas ng pinto ng kwarto. May orasan kasi dito na nakasabit, 2:30 pa lang ng umaga, alas tres kami aalis para mamalengke. Kailangan ko na kumilos. Tiningnan ko si Karina na tulog na tulog parin.

Isama ko ba sya? Mukhang pagod na pagod pa sya. 

Iaangat ko na sana ang kamay ko para tapikin sya at gisingin ng gumalaw sya, humarap uli sya sa akin at hinigit ako sa braso para yakapin, sa sobrang gulat ko napapikit na lang ako, nang magdilat ako ng mata nasa leeg na nya ang mukha ko, gago talaga! Anong akala nya sa akin? Unan?!

Umurong ako ng dahan dahan para bumitaw sya, pero ang sira ulo talaga, idinantay pa nya ang hita nya sa bandang hita ko! Hindi ako nakakilos , ang bigat nya!

"Gago ka Karin-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may maramdaman ako banda sa puson ko na tumukod.

Napatigil ako, gumalaw ulit sya at mas ramdam ko na ngayon dahil inipit nya ulit ako para yakapin.

Nanlaki ang mata ko! Nalimutan ko na may ano nga pala si Karina.

Isa si Karina sa iilang mga babae sa mundo na may ganitong kaso. May parte si karina ng lalaki na dapat ay lalaki lang ang mayroon, pero sa kalagayan nya, ipinanganak syang meron nito. Hindi na ito kakaiba dahil maraming sanggol na batang babae ang pinapanganak na meron din nito, ang nakakagulat pa ay pwede silang makabuo ng bata katulad ng mga normal na lalaki dahil pareho lang din ang reproductive system nila, hindi pa napapag aralan and dahilan kung bakit may ganitong case ayon sa mga dalumbhasa.

Isa din ito sa dahilan kaya kakaunti ang naging kalaro nya dati, tinutukso sya ng mga kalaro nya dahil kakaiba sya, pero kami nila Ryujin at Ningning humanga pa nga kami. Ang astig lang daw, sabi ni Ryujin,

Kaya simula nun tanggap namin sya.

Pero mabalik tayo sa problema

YAWA YAWA YAWAAAAAA AAAAAHHHH BASTOS!

Sa inis ko, buong lakas ko talagang itinulak ang binti nya para makawala sa yakap nya.

WALANGYA!

Pakiramdam ko pati dulo ng buhok ko namula nang dahil sa nangyari

Wala na akong pake kung nalaglag sya sa kama, inabot ko ang mga unan at pinababato ito sa kanya!

"BWISET KA MANYAK!" sigaw ko habang pinagbabato sya ng unan.

Naka upo lang sya sa sahig sa gulat at pilit na sinasalag ang unan na ibinabato ko

"S-sandali! MAHAL! WAIT! Ouch!" sigaw nya rin habang sinasalag ang mga binabato ko,  ubos na ang unan kaya yung kumot naman

"BASTOS KA! AKALA MO BA TULOG AKO?!" hampas parin ako ng hampas sa kanya. Nakakahiya huhu

"ANO B-BA K-KASI YUN?" binato ko sya ng tuwalya na pinatuyo ko sa bed frame 

"KUNYARI KA PA UGH!" ewan ko kung ano na ang sunod ko na binato narinig ko na lang ang daing nya.

"OUCH! HEY ! STOP! YOU JUST HIT ME IN THE HEAD!" napatigil ako sa sigaw nya nakuha nito ang atensyon ko, parang nahimasmasan naman ako, nakita ko na lang na hawak na nya ang ulo nya at katabi nya na yung bote ng baby powder. Yung malaking bote pa.

"PUCHA!" dali dali akong bumaba sa kama papunta sa kanya at hinawakan ang kamay nyang hawak din ang ulo nyang natamaan. jusko! Baka na-brain damage na sya! Kapag nangyari yun, ipapakulong ako ng lolo nya. Pati lupa namin madadamay. Nataranta ako

Ay bwiset winter! 

Ano ba yan bakit ganito naiisip ko?! Nasaktan ko na nga ang asawa ko.

"IKAW KASI! " singhal ko sa kanya, pero nanginginig na talaga ang kamay ko habang kinakapa ang ulo nya, nag aalala din ako baka mapaano sya,  nakahinga ako ng konti ng makita ko na wala naman dugo, pero may konting bukol. Buti na lang at baby powder lang ito at plastic ang lalagyan, baka hindi lang ganito ang nangyari kung may ibang bagay pa ako na nadampot. Napapikit ako, naguilty ako sa nagawa ko,  naisip ko na sobra yung naging reaksyon ko sa nangyari. Tulog si Karina, kaya walang alam yung tao. Nagulat lang talaga ako 

Nahahawa na talaga ako nang pagka-oa kila ningning at ryujin.

"Sorry, sorry sorry!" paulit ulit kong sabi habang hinahamplos ang ulo nya, hinalikan ko pa ito ng paulit ulit at hinipan, ganito kasi ginagawa ni lola kapag nabubukulan kami ni Ryujin

"Hindi ko sinasadya, nagulat lang ako, sorry!" nahihiya ako na tingnan sya

Bakit kasi napaka-oa winter?!

Narinig ko na suminghot sya. 

"Winter" tawag nya

Hindi ako tumigil sa bawat haplos ko sa ulo nya halik at ihip

Sobrang nagguilty ako, namuo na yung luha ko sa gilid ng mata ko

"hey..." marahan nyang inabot ang kamay ko na nasa ulo nya at pinisil, tiningnan nya ako, kitang kita ko na namumula yung mata nya, lalong nadurog ang puso ko. Nasaktan ko si Karina.

"Sorry.." maluha luhang bulong ko

Pinisil nya ulit ang kamay ko at maranghang tumango

"Tell me what happened?" mahinahon na tanong nya , dahan dahan ako na nag angat ng mukha at tiningnan sya. May marahang ngiti sa labi nya 

"Tell me mahal" ulit nya, hinaplos pa ng hinlalaki nya ang kamay ko para pakalmahin. Medyo nanginginig pa kasi ako.

Pero bago ko masabi ang dahilan ay bumukas ang pinto ng kwarto at nag aalalang mukha nila lolo ang tumambad sa amin,  may hawak pa ngang kahoy si Ryujin, yung pang habol nila ng daga ni lolo sa bukid. 

Kami lang kasi ang nasa bahay ngayon, nakila tiya mercy sila nanay at lola sa kabilang bayan, tumulong sa pagkatay ng baboy na pang benta.

"ANONG NANGYARI? AYOS LANG KAYO? MAY NAKAPASOK BA SA KWARTO NYO? " natatarantang tanong ni lolo,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
130 streak 0 points #1
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr 0 points #2
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #3
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #4
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
187 streak #5
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #6
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #7
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#8
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
526 streak #9
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha
dandileon #10
Chapter 82: Leron-leron sinta SNSD version pala tong si Khione