Chapter T-30

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

At dahil nga 8 months na ang pagbubuntis ko, nagpagpasyahan namin ni Karina na mag-enroll kami sa Lamaze class sa hospital na pagmamay ari nila. Noong una ay hindi naman namin alam yung lamaze na yan, basta sinuggest lang ng OB namin dahil nga daw first time mommies kami at malaki daw ang maitutulong nito pag nag-labor at nanganak na ako. 

 

 

Tinanong ako ni Karina kung ok lang ba sa akin, pumayag naman ako. Kasi sa totoo lang, habang palapit ng palapit ang panahon ng panganganak ko, medyo kinakabahan na ako. Nagtatanong din kasi ako kay nanay tungkol sa panganganak, ang sabi nya, mahirap daw talaga at masakit manganak, pero kapag nakita mo naman na daw ang anak mo eh, sulit naman daw ang sakit. 

 

 

Pero parang hindi ako nakukuntento, ayaw lang siguro ni nanay na matakot ako. Ang kaso nga mas natatakot ako lalo kapag naiisip ko na may lalabas na bata sa perlas ng silanganan ko, ang daming tanong na pumapasok sa isip ko katulad nang,

 

Paano ba umire?

 

Parang jejebs lang ba?

 

Pero sa ano lalabas yun eh, iba ba ang ire sa na-jejebs at manganganak?

 

Paano kung maipit ulo ni Mochi kasi hindi ako marunong umire? 

 

 

Minsan nga gusto ko na lang ipasawalang bahala, ang kaso hindi ko talaga maiwasan, lalo pa ngayon na ilang linggo na lang ay kakaway na si mochi sa real world. Ayoko na din mag google, kung saan saan umaabot yung pagreresearch ko, nag-ooverthink lang ako ng malala.

 

 

Kaya ayon, ako pa mismo ang bet na bet na mag-lamaze class kasi hindi lang daw kami ni baby ang matutulungan, pati na din daw ang asawa ko, para alam nya ang gagawing support lalo na sa labor. Kasi sa tuwing may konting iniinda ako na normal lang sa buntis, kitang kita ko kung paano nerbyosin si Karina, ayokong himatayin sya sa delivery room katulad ng ibang napapanuod ko sa videos kapag nanganganak na ang asawa nila.

 

 

Sasapakin ko talaga sya.

 

 

Eto pa, napakabilis nyang umiling nung sinabi ko na sasama sya sa delivery room kapag nanganak na ako. Siraulo sya, ako mismo kakaladkad sa kanya papasok doon kapag hindi nya ako sinamahan. Ano to? Magaling lang sya kumaldag at gumawa ng bata tapos kapag lalabas na matatakot sya? Ipitin ko talaga alaga nya dyan.

 

 

Kaya nga kahit nasa bahay kami nirereview namin yung mga napag aralan namin sa lamaze para naman hindi sya clueless kapag lalabas na yung mini me nya.

 

 

Ngayon nga ay nasa six session na kami, kung saan ituturo ang active labor and delivery. May sinabi pa nga ang instructor sa amin na magpapanuod pa sya ng video ng labor and delivery. Pero bago ang lahat may konting introduction muna.

 

 

"Insan? Tagal pa ba? Gutom na ako." tanong ni Ryujin sa tabi ko.

 

 

Pinayagan kasi sya sumama sa loob, dahil nag sosolo sya sa hallway kanina. Nagprisinta kasi maging driver namin papunta dito. Hilig gumala simula noong natuto mag driver, kaya ayan sinulit ni Karina, kasi daw bago pa lang si Ryujin sa pagddrive kaya masaya pa. Kapag tumagal na daw tatamarin na to.

 

 

"Ako din mahal gutom na." bulong naman ni Karina na nasa likod ko. Nakasandal ako sa harapan nya sa pagitan ng mga hita nya, habang nakaupo kami sa sahig ng klase. 

 

 

"Mag hintay kayong dalawa dyan at makinig kayo, gusto nyo kayo umire dito?" nangigigil ko na bulong sa kanila. Kanina pa kasi ako kinukulit na gutom na sila, paano, hindi kumain bago umalis ng bahay at gustong mag pares sa plaza, ang kaso nalate kami kaya dumaretso na kami dito.

 

 

"Busog pa pala ako insan hehe."  sagot ni Ryujin, narinig ko din ang mahinang tawa ni Karina sa likod ko at paghalik nya sa likod ng ulo ko. 

 

 

"Ok mommies, alam naman natin kung saan lumalabas ang bata, hindi ba?" pa-biro lang na tanong ng instructor sa amin dahil puro first time parents nga ang mga nandito. Kaya ganun na lang ang gulat ko ng biglang nagtaas ng kamay si Ryujin sa tabi ko at akala mo ay graded recitation ang sinasalihan. 

 

 

"Yes po? Alam nyo naman po di ba?" ngumiti ang instructor kay Ryujin na tango ng tango at nakataas pa din ang kamay. 

 

 

"Opo mam! Sa pu- " halos sabay kami ni Karina na inabot ang bibig ni Ryujin para takpan ito.

 

 

Ryujin....

 

 

Napapikit ako ng mag tinginan ang ibang mga couples sa aming tatlo na nasa likuran.

 

 

"A-ah sorry po, ano po..M-may I go out po yung sasabihin nya, masama po ata ang tiyan, saan po ba ang cr?" pagdadahilan ko dahil lihim na natatawa na yung ibang couples sa amin. 

 

 

"It's fine misis, sa may kanan po paglabas ng pinto." nakangiting sagot ng instructor sa akin. 

 

 

Hindi inalis ni Karina ang kamay nya sa bibig ng nagtatakang si Ryujin, at itinayo na nya ito sabay akbay papuntang pinto.

 

 

"Natatae ka diba Ryujin? Tara na sa cr, kaya mo pa pigilan?" tanong ni Karina habang nakaakbay sa napiglas na si Ryujin.

 

 

"Gago hindi nam-" sagot ni Ryujin ng matanggal nya ang kamay ni Karina sa bibig nya, pero tinakpan ulit ito ni Karina  at dali dali ang asawa ko na binuksan ang pinto.

 

 

"Natatae ka, wag ka na mahiya sa akin, para ka naman nyang others. Sandali lang mahal ha. Samahan ko lang si Ryujin sa cr." paalam ni Karina sa akin bago sila tuluyang lumabas. Napahilamos na lang ako ng mukha. 

 

 

"Tama naman ang isasagot nya." biglang sabi ng instructor at hindi na napigilan ng ibang couples na matawa. 

 

 

Jusko Ryujin, ang kalat mo!

 

 

 

 

Parang nahawaan ata ako ng gutom ng dalawang to, kumakalam na din ang sikmura ko kung kelan palabas na yung ulo ng bata sa pinapanuod namin na video. Hindi tuloy ako makapag-focus. 

 

 

Hindi na ako natakot or naasiwa dahil nakapanuod na ako nito noong 2nd year highschool kami sa biology class, at dinala na din ako ng google sa ganitong video nung nagsesearched ako. Nakatulong din talaga yung ibang sessions namin sa lamaze dahil ngayon hindi na ako masyadong nag aalala, kahit papaano may ideya na ako kung paano ang gagawin. Kahit pa nga sigaw ng sigaw itong nasa video na nanay na nanganganak. Kailangan ba talaga sumigaw? Hindi ba magagalit ang mga doktor nyan? 

 

 

"Mahal, daan tayo sa palengke mamaya bago umuwi ha, gusto ko ng may sabaw na ulam." bulong ko kay Karina sa likod ko, hindi sya kumikibo kaya inabot ko ang kamay nya na nasa magkabilang bewang ko. 

 

Ang lamig ng kamay ni Karina.

 

 

"Mahal.." tawag ko pero hindi pa din sya kumikibo kaya nilingon ko na sya.

 

 

Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko na namumutla na sya habang nanlalaki ang mata nya na nakatingin sa projector na pinapanuoran namin, sakto pa at palabas na yung ulo ng bata. 

 

 

"Mahal!" kinabig ko sya palapit sa akin para tapikin ang pisngi nya. 

 

 

Eto na nga ba sinasabi ko eh! Ninenerbyos sya!      

"Karina ano ba! Huminga ka nga! Mahal huy!" dali dali ko syang hinarap at taranta ko na tinapik tapik ang pisngi nya at hinagod ang likod nya. Halos wala na kasing kulay ang labi nya.

 

 

Tila napansin kami ng instructor at kaagad kami nil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
131 streak 0 points #2
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #3
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #4
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
188 streak #6
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #7
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #8
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#9
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.
howdoyouknowmee
528 streak #10
Chapter 82: Ang sakit naman ng bawang sa nyortang naynay wahahahahaha