Chapter T-49

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

 

 

"Ang dami naman nito Karina.." 

 

 

 

"Para sure, binili ko na din yung iba't ibang brands." 

 

 

 

"Nakakaloka ka, nag-eexpect ka ba?" 

 

 

 

"Slight-" 

 

 

 

Napabuntong-hininga na lang ako sa itsura ni Karina na pangiti-ngiti sa akin, bago ko ulit hinarap ang sandamakmak na pregnancy test kit na nasa harapan ko sa center table dito sa sala. Jusme, sabi ko dalawang piraso lang ang bilhin, upak ba naman bumili ng tig-iisang kahon ng kada brand. Nahihilo na nga ako, lalo lang nasakit ang ulo ko sa asawa ko na to. 

 

 

 

Eto na nga, ang kinakatakutan ko mangyari, ang posibilidad na baka masundan na agad si Khio. May tiwala naman ako sa pills na iniinom ko, ang kaso kinabahan na ako nitong nakalipas na dalawang araw dahil nahihilo ako at kain ako ng kain ng kung ano-ano, madalas din na tinatamad at inaantok ako. Hindi ko maiwasan na mag-overthink, dahil ganito din ang sintomas ko dati bago ko malaman na buntis ako kay Khio. 

 

 

 

Nakakakaba lalo na ngayong nasa Maynila na kami, mas madalas naso-solo na ako ni Karina, at alam na kapag ganon, complete attendance si rex. Mas walang absent yan lalo na kapag hindi kami nakaka-uwi ng weekend sa San Isidro at rest day ni Karina. Napaka-sipag lang ng asawa ko na patulugin lagi ang anak namin dahil may binabalak na sya sa akin. 

 

 

 

Hindi na nga ako nakatiis at nagsabi na ako kay Karina, kahit sya nagulat at kinabahan din. Hindi ko nga lang alam kung sa takot ba na masundan agad ang anak namin o dahil sa excitement. Napatakbo talaga sya sa pharmacy ng nakapang-tulog kaninang madaling araw dahil nahilo na naman ako habang nagluluto ako ng babaunin sana nya. Ayokong mag-alala sya kaya sinabi ko na sa kanya yung mga sintomas na nararamdaman ko, na baka buntis na naman nga ako. 

 

 

 

"Oaaahhhh Oaaahhhh oaaahhh" 

 

 

 

Gising na si Khio, kaya mabilis na tumayo si Karina para kunin ang anak namin, nasa sala lang din naman si Khio sa crib nya dito. 

 

 

 

"Pag talaga nag positive to, masasapok talaga kita Karina sinasabi ko sayo." banta ko sa kanya. Parang wala lang naman kay Karina, mas lalo atang ginanahan na i-hele ang anak namin habang karga nya. 

 

 

 

"Ayaw mo non? Ate na agad si Khio?" 

 

 

 

"Wala pa ngang ngipin yang anak mo, gusto mo na agad sundan! Nako Karina Yu, kapag ako buntis na naman talaga, 2 years kita ida-diet." 

 

 

 

"Mahal naman, hindi ko na kasalanan na mas malakas kami ni rex kesa sa pills mo." 

 

 

 

"Loko-loko! Bantayan mo si Khio ha, banyo lang ako para matapos na to." 

 

 

 

Hindi ko alam ang mararamdaman ko pagkapasok ko ng banyo para simulan ang pagchecheck kung buntis nga ako, kumuha ako ng tig-iisang pirasong pregnancy test sa bawat brand na binili ni Karina, bali anim to. Maganda na din yung sigurado, pagkatapos ay umupo na ako sa inodoro. 

 

 

 

Noong unang ginawa ko ito ng pagbubuntis ko kay Khio, magkahalong kaba, saya at excitement ang naramdaman ko, kasi syempre kahit hindi pa namin inaasahan ni Karina noon ang pagdating ni Khio, handa naman na kami, handa ako, kasi napapag-usapan naman na talaga namin ni Karina ang pagkakaroon ng anak. Napa-aga nga lang dahil sa mga nangyari, pero alam ko sa sarili ko na handa ako. 

 

 

 

Malaking kaibahan sa nararamdaman ko ngayon, hindi ko maiwasan mag-alala, naiisip ko si Khio, nag aalala ako na baka kapag buntis nga ako ngayon, hindi na namin maibigay yung atensyon at pag aalaga na kailangan nya, dahil mahahati na ang oras namin para sa kanya at sa magiging kapatid nya. Ang baby pa ni Khio, gusto ko muna maranasan nya yung kumpletong pag aalaga at atensyon na galing sa amin ng mommy nya. 

 

 

 

Ayos lang naman sa akin na masundan si Khio, gusto ko din naman na magkaroon sya ng mga kapatid, dahil kahit sabihin pa na maluwag na ang buhay namin ay napakahirap kung wala syang kapatid na karamay balang araw, lalo na kapag tumanda na sya at wala na kami ng mommy nya. Ayoko na mag isa sya. 

 

 

 

Pero yung may gap naman sana kahit 2 years ganon, kaso jusko, 6 months pa lang si Khio, pero eto, mukhang pumalya pa ata yung pills na iniinom ko.

 

 

 

Kaya hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon, pero kung ibibigay naman sa amin talaga ang panibagong baby, syempre tatanggapin namin sya ng buong buo ng mommy nya, bahala na kung magkanda-puyat kami sa pag-aalaga, isang napakalaking blessing ang magkaroon ng bagong baby sa pamilya, dahil hindi lahat napapagkalooban na magkaroon ng anak, kaya kung dadating man si baby number 2, sobrang magiging thankful kami mag asawa. Kami na ang bahala ng mommy nila sa time management, ang mahalaga masaya at kumpleto ang pamilya namin. 

 

 

 

Huminga ako ng malalim habang hinihintay ko ang result ng pt ko. At sa pagka-inip ko ay tumayo na ako pagkatapos ng ilang minuto, dahil alam ko na may result na. Yung kabog ng dibdib ko habang tinitingnan ko ang mga resulta, kaya mas lalo ako nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at nakita ko si Karina na karga si Khio, yung kaninang pangiti-ngiti nya sa sala ay napalitan na ng pag aalala. 

 

 

 

"Are you okay mahal? Anong result?" kunot noong tanong nya sa kin. Tulog na ata uli si Khio dahil tahimik lang ito na nakahilig ang ulo sa balikat ni Karina. 

 

 

 

"Negative..." sagot ko, lumapit ako sa kanila at niyakap ko sa bewang si Karina, bago ko isiniksik ang mukha ko sa leeg nya. 

 

 

 

"It's fine mahal, tara sa hospital, kailangan mo magpa-check up kung hindi symptoms ng pregnancy yung pagkahilo mo." nag aalalang sabi nya. 

 

 

 

"I'm sorry..." bulong ko kay Karina, hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya dahil kahit hindi nya sabihin alam ko na disappointed sya, alam ko na excited ang asawa ko kanina.

 

 

 

""Bakit ka nag sosorry? It's fine mahal, maybe hindi pa talaga ito yung time para sa baby number 2 natin." malambing na sabi nya sa akin, kinabig nya ako sa bewang palapit sa kanya, tsaka nya ako hinalikan sa noo, at ilang segundo din namalagi ang labi nya sa noo ko. 

 

 

 

Naiiyak tuloy ako, hindi ko alam kung bakit.

 

 

 

"Ako nga dapat ang mag-sorry sayo mahal, I'm sorry kasi nag-expect ako kahit alam ko naman na hindi ka pa ready talaga para masundan si Khio. Dapat inisip ko muna yung nararamdaman mo, pero inuna ko ma-excite, I'm sorry mahal, I'm really sorry." 

 

 

 

"Hindi ka malungkot na wala pang baby number 2?" tanong ko, tumingala ako sa kanya para makita ko ang itsura nya. Alam ko naman na hindi magsisinungaling ang asawa ko sa akin tungkol sa nararamdaman nya. Malumanay syang ngumiti sa akin at hinalikan nya ulit ako sa noo.

 

 

 

"Honestly no, kasi may na-realized ako kanina pagkapasok mo sa bathroom, na-realized ko na positive or negative, magiging thankful ako kung ano yung ibibigay sa atin, nung pumasok ka ng cr, umiyak si Khio, tapos naisip kita, bigla na lang pumasok sa isip ko yung hirap mo simula noong nag-buntis at nanganak ka kay Khio, hanggang ngayon...naisip ko na ang unfair ko lang sa part na nanghihingi agad ako ng kasunod ni Khio, samantalang ikaw naman ang sobrang mahihirapan. Tapos si Khio...tama ka mahal, sobrang baby pa ni Khio, kawawa naman sya kung may kahati agad sya ng atensyon natin. Tama ka na dapat mag-focus muna tayo sa kanya." 

 

 

 

Pinunasan ni Karina ang luha sa pisngi ko na hindi ko na namalayan na tumutulo na pala, hindi ko nga namalayan na umiiyak pala ako kasi nakikinig ako sa kanya. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na katulad ni Karina ang napangasawa ko, sobrang maintindihin at mapagmahal. 

 

 

 

"Please don't cry mahal, I love you so much." 

 

 

 

"I love you too, salamat kasi naiintindihan mo ako mahal. Pero kung nag-positive naman kanina, okay lang sa akin mahal, kasi blessing ang baby hindi ba? Kakayanin naman natin, ang mahalaga magkasama tayo." 

 

 

 

"Kaya natin basta magkasama tayo. Pero hindi pa siguro ito yung time. Si mochi daw muna ang i-baby natin, diba mochi? Eyyy, I know you're awake love." nilingon ni Karina si Khio na nakahilig sa balikat nya at nakaharap sa pintuan ng banyo. Nagulat ako ng biglang gumalaw si Khio na akala ko tulog na dahil tahimik ito. "See, she's not even sleeping, nagmamarites lang sya sa atin nanay."  natatawang sabi ni Karina, pati tuloy ako natawa ng humarap si Khio sa akin habang kagat-kagat nya ang ulo ng laruan nyang dinosaur. 

 

 

 

"baahhh brrrff" 

 

 

 

"Anak, ang galing mo na magtulug-tulugan, big girl ka na talaga." mahina kong pinisil ang pisngi nya tsaka ko sya hinalikan dito. 

 

 

 

"I love you baby mochi." 

 

 

 

"Waabbbb" humabol naman si Khio sa akin at tila gusto din kumiss kaya itinapat ko ang pisngi ko sa kanya at agad agad din naman sya nag-kiss sa akin.

 

 

 

Napaka-sweet lang ng baby mochi namin, mommy nya kasi ang nagtuturo sa kanya ng mga ganito, kaya sobrang lambing din ni Khio, parang Karina liit din, clingy at minsan nagugulat na lang ako kasi nag-kikiss sya sa akin kapag karga ko sya. Hinahawakan nya pa ako sa magkabilang pisngi tsaka sya kikiss, tapos yayakap na yan sya sa akin.

 

 

 

Noong unang ginawa nya ito sa akin natawa si Karina kasi naiyak ako, sobrang lambing kasi ng baby mochi namin, na-touched ako, para syang hindi 6 months old, big girl na sya, ayoko pa lumaki ang baby namin, gusto ko baby sya forever...ang kaso hindi naman pwede yon..

 

 

 

"Ang sweet ng baby na yan kay nanay, mana sa mommy.." niyakap ko silang dalawa at isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanila. 

 

 

 

"Ofcourse, para laging happy si nanay, di ba love? We'll take care of nanay po di ba? and make lambing sa kanya?" 

 

 

 

"Wawayahhhh" 

 

 

 

"Cutie, I love you my eggnog." natawa ako sa bagong nickname ni Karina kay Khio, lalo na ng halikan nya ito sa pisngi at naipit ang bochog nyang pisngi. 

 

 

 

Inaasar kasi nila Ryujin na mukha daw itlog si Karina gawa ng hugis ng mukha nya, eto naman asawa ko imbis na maasar, sinakyan lang nya yung mag jowa, tinawag nyang eggnog si Khio kasi daw mini me nya daw ang anak namin. Tuloy itong si Khio, lumilingon na din kapag tinatawag syang eggnog ng mommy nya. Kaloka talaga silang dalawa. 

 

 

 

"Tara mahal, punta tayo sa doctor, kailangan mo magpacheck up para malaman natin kung bakit ka nahihilo." yaya sa akin ni Karina, pero umiling lang ako at ngumiti.

 

 

 

Mukhang alam ko na kung bakit ako nagkakaganito, kanina pa kasi medyo kumikirot ang puson ko at kani-kanina lang naramdaman ko na. May dalaw lang pala ako, hindi ko naisip sa sobrang pag-ooverthink ko na baka buntis ako, nalimutan ko na ganito nga pala ako kapag malapit na magkaroon. Kaya pala hilo, cravings at pagiging antukin lang ang sintomas ko at walang pagsusuka dahil lang pala sa magkakaroon lang ako. 

 

 

 

"Mukhang diet ka ulit ng isang linggo." nangingiting sabi ko na ikinakunot ng noo nya. Pinanuod ko lang ang ekspresyon ng mukha nya na mag-bago, from naguguluhan to panlulumo.

 

 

 

"Ohgosh...meron ka?" 

 

 

 

"Oo, kaya lumabas na muna kayong mag mommy at mag lilinis muna ako." sabi ko, hinalikan ko na sila pareho sa pisngi bago ko sila palabasin ng banyo at hindi ko na sya hinayaan na makasagot pa dahil isinara ko na agad ang pinto. 

 

 

 

"Mahal, pwede pa yan, sa cr tayo." rinig kong sigaw ni Karina sa labas ng pinto. 

 

 

 

Napailing na lang ako sa kalokohan ng asawa ko. Parang lalagnatin kapag hindi nakakaldag. Jusme, mukhang kailangan ko na ng mas malakas na dosage ng pills. Nakakakaba na sila ni Rex.

 

 

 

"Magtigil ka dyan, kumain ka na at papasok ka pa." 

 

 

 

"Isa lang-" 

 

 

 

"Karina Yu isa!" 

 

 

 

"Fine, hmph! Sungit ng nanay mo Khio, tara na baka maging dinosaur pa sya." 

 

 

 

Jusmiyo, lalo lang nasakit puson ko sa kalokohan ni Karina. 

 

 

 

______

 

Winter's Pov

 

 

Eto yung masama sa akin kapag meron ako, sobrang sakit ng puson ko, nanlalambot talaga ako kaya kapag first day ko itinutulog ko na lang. Ang kaso nga may anak ako na kailangan asikasuhin. Sobrang clingy pa naman ni Khio lalo na't kami lang dalawa, nasanay kasi sya na kapag nandito ang mommy nya lagi syang nilalaro, kaya kapag kami lang ang naiiwan sa bahay ay sa akin sya nakikipaglaro. Ang kaso nga sobrang sakit ng puson ko. Gusto ko na lang mamaluktot dito sa sofa. 

 

 

 

"Baaaahhhh mmm..." 

 

 

 

Naawa naman ako sa anak namin dahil nakatingin lang sya sa akin at inaantay nya na laruin ko sya. Kinalong ko na kasi si Khio ng marinig ko na nag-uumpisa na syang magmuryot sa loob ng kuna. Kahit masakit ang puson ko ay pinilit ko pa din tumayo para kunin sya, dahil kapag umiyak sya ay mas mahihirapan pa ako. 

 

 

 

"Sorry baby ko, masama pakiramdam ni nanay, wait natin si mommy okay? Para mag-play kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
sepvenanje 0 points #1
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
133 streak #3
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #4
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #5
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #6
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
189 streak #7
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #8
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #9
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂
Reann_3
#10
ang cute cute talaga ng online pamangkin ko, Ey!!!HAHAHAHAHA

Salamat sa update tor, more powers sayo ate.