Chapter T-48

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

Kinusot ko ang mga mata ko ng magising ako sa tunog ng tilaok ng manok sa labas ng bahay namin. Muli akong pumikit para sana bumalik sa pagtulog ng pagkatapos ng manok ay narinig ko naman ang tunog ng mga itik at boses ni lolo na dumaan sa baba ng bahay, at sakto pa sa tapat ng bintana ng kwarto namin dito sa taas ay dinig dinig ang ingay, malamang ay dadalhin nya na ang mga ito sa irigasyon para pakainin.

 

 

 

Hindi na ako muling nag-tangka pa na bumalik sa pag tulog kahit na nga inaantok pa ako, kapag nagising na kasi ako ay nahihirapan na ulit ako makakuha ang tulog. Simula ng maipanganak ko si Khio ay naging ganito na ang nangyayari, ang una agad pumapasok sa isip ko kapag nagising na ako sa umaga ay kung ayos ba ang anak namin, kung gutom ba sya, kung nilamok ba sya, basta ganun. Sya agad inaalala ko pagkagising ko ng umaga, kaya hindi na din ako nakakatulog.

 

 

 

Minsan kasi ay hindi na namin namamalayan na gising na pala sya at naglalaro ng mag isa sa kuna nya. Mabait naman na baby si Khio, hindi sya katulad ng ibang baby na iiyak kapag nagising at wala nakitang tao. Si Khio, iiyak lang kapag gutom na sya, kalimitan makikita o maririnig na lang namin sya ni Karina sa umaga nilalaro nya lang yung dinosaur stuff toy na favourite nya. Kuntento na sya hanggang sa magising na kami ng mommy nya.

 

 

 

Speaking of my asawa and my baby mochi, nag-taka ako ng pagharap ko sa tabi ko ay wala akong nakitang Karina at Khio, hindi ko sila naramdaman na umalis ng higaan. Napagod ata talaga ako at napuyat na din sa maghapon na ganap namin mag anak, at sa nangyari na din kagabi sa anak namin.

 

 

 

Halos wala din kasi kaming tulog mag-asawa pag uwi namin galing sa ospital. Mahimbing naman na ang tulog ni Khio pag uwi namin sa bahay, pero dahil nga sa nangyari kaya hindi din kami agad nakatulog ni Karina, pinanuod na lang ata namin matulog si Khio mag-damag, dahil pinapakiramdaman pa din namin sya. 

 

 

 

Kapag naiisip ko yung nangyari kay Khio kagabi parang bumabalik pa din yung takot na naramdaman ko. Pasalamat na lang talaga kami na walang nangyaring masama sa anak namin. 

 

 

 

"aaahhhh brrrfff aaahhhh" 

 

 

 

"You're so ticklish, here, pakiss si mommy hmmm you smell so good baby!" 

 

 

 

"aaaahhhh!"

 

 

 

Napangiti ako ng marinig ko ang tawa ni Karina at irit ni Khio sa baba ng bahay namin. Ansabe ng ingay ng mga manok at itik sa tinis ng boses ng anak namin. Ang daming mamanahin sa akin, ka-ingayan ko pa talaga. 

 

 

 

Nag-unat na ako at dali-daling lumabas ng kwarto para mag banyo at mag-linis muna ng sarili, mamaya ko na lang liligpitan ang hinigaan namin. Gusto ko muna maki-bonding sa asawa at anak ko, lalo na't good mood ang baby mochi namin.

 

 

 

Nang matapos ay dumaretso na ako sa baba ng bahay at naabutan ko si Karina karga si Khio habang nag-bibilad silang mag-mommy sa sinag ng araw. Nakahubad na ang bochog namin at diaper na lang ang suot nya habang itinalikod sya ng mommy nya sa araw. Maganda kasi na pinapaarawan ang bata lalo na't pasikat pa lang ito, maraming vitamins ang makukuha para sa babies. 

 

 

 

"Good morning nanay, happy birthday!" masayang bati sa akin ni Karina, tumagilid pa sya para makita ako ni Khio na nakahilig sa dibdib nya at busy lapirutin at ngab-ngabin ang paborito nyang laruan na dinosaur. 

 

 

 

Nakangiti ako na lumapit sa kanila at niyakap silang pareho, sinalubong naman ako ng asawa ko ng isang halik sa labi. 

 

 

 

"Thank you mahal, I love you." inihilig ko din ang ulo ko sa dibdib ni Karina ng kabigin nya ako sa bewang para ikulong kami ng anak namin sa bisig nya. Magka-tapatan na kami ni Khio kaya natawa ako ng ngumiti sya sa akin ng makita nya ako, tumulo pa nga ang laway kaya pinunasan ko agad ito gamit ang kamay ko. 

 

 

 

"I love you too, how are you mahal? Ang aga mo naman magising, hindi ka nakatulog ng ayos..." nag aalalang tanong ni Karina sa akin at naramdaman ko ang paghalik nya sa tuktok ng ulo ko. 

 

 

 

"Okay naman ako mahal, hindi na din ako inaantok, mas gusto ko dito sa inyo. Gusto ko ng morning hug galing sa babies ko..." sabi ko at isinik-sik ko pa lalo ang sarili ko sa kanila at yumakap sa bewang ni Karina. 

 

 

 

Ang sarap lang talaga gumising sa umaga na ganito ang ganap namin mag anak, parang araw-araw birthday ko kapag ganito kami.

 

 

 

"Sure nanay, hug us all you want." natatawang sabi ni Karina, at niyakap nya kami ni Khio na halos magtabi na ang mukha namin mag ina. 

 

 

 

"Mmmm brrfff!!!" 

 

 

 

Napa-pikit na lang ako sa ginawa ni Khio.

 

 

 

"Anak, nagkapag-hilamos naman na si nanay, grabe ka.." tawang-tawa lang si Karina habang pinupunasan ko ang mukha ko gamit ang manggas ng tshirt nya. Binendisyon lang naman ako ni Khio ng laway nya, sabay tawa dahil narinig nya na tumawa ang mommy nya. 

 

 

 

"Atleast patas na tayo mahal, ginawa nya din sa akin yan kanina eh." natatawang sabi ni Karina. Napailing na lang ako sa kalokohan ng anak namin. May future talaga eh, may future paputiin agad ng maaga ang buhok ko. 

 

 

 

"Haynako, manang-mana sa mom-eww Khio, puro laway na si nanay sayo eh." napa-atras na lang ako ng ibunggo nya yung buntot ng laruan nyang dinosaur sa ilong ko na puro laway na dahil sa kakangat-ngat nya dito. Muntik na nga pumasok sa butas ng ilong ko yung buntot, jusmeng bata to talaga. 

 

 

 

"Trip na trip ka nya ngayon nanay." 

 

 

 

"Pinagti-tripan mo ba ako baby? Sige, bukas wala si nanay, kayo muna ng mommy mo ang magkulitan, sa bottle ka muna dedede anak." sabi ko kay Khio na binitiwan bigla ang laruan nya at humilig sa dibdib ni Karina. Ngumuso pa nga sa akin na tila nagpapa-awa, akala mo talaga naintindihan nya ang sinabi ko na aalis muna ako. 

 

 

 

Pag-tingin ko naman kay Karina ay hindi ko maiwasan ang mapangiti ng makita ko na pati sya naka-nguso at nagpapaawa effect na din na naka-tingin sa akin. Mukha talaga silang pinagbiyak na bunga ng anak namin, pati sa mga ganitong style ng mommy nya kuhang-kuha ni Khio. Marunong na magpa-cute. 

 

 

 

Ginaya ko din ang itsura nilang dalawa at yumakap ulit sa kanila. Mamimiss ko mga abunjings ko, pero kailangan ko kasi muna silang iwan bukas, first time ko na aalis na wala sila, first time ko na malalayo kay Khio. Iniisip ko pa nga lang na hindi ko sila makakasama ng buong mag-hapon ay tila nahihirapan na ako.

 

 

 

Nasanay na ang katawan ko na laging nakadikit sa akin si Khio, malalayo man sya minsan, iyon ay dahil pamilya namin ang nag-aalaga sa kanya kapag busy kaming mag asawa. Pero kita ko pa din sya at dito lang yon sa bahay dahil na-dede nga sya sa akin, kaya bawal syang malayo. Pero ngayon maiiwan ko muna sya sa mommy nya.

 

 

 

"Wag na kaya ako sumama, ayoko umalis mahal, mamimiss ko kayo." malungkot na ungot ko kay Karina na hinalikan naman ako sa noo. 

 

 

 

"Mamimiss ka din namin, pero para sa pangarap mo to mahal, uuwi ka pa din naman sa amin ni Khio eh, hihintayin ka namin nanay, and I just want you to know na sobrang proud kami sayo. Unti-unti na natutupad yung pangarap mo mahal." 

 

 

 

"Thank you mahal, hindi naman mangyayari to kung wala kayo. Kung hindi tayo nagtutulong-tulong. Thank you talaga." humarap ako sa kanya at tumikayad para bigyan sya ng halik sa pisngi bilang pasasalamat.

 

 

 

"You're always welcome. Nandito lang ako palagi mahal." 

 

 

 

Wala na akong mahihiling pa.

 

 

 

Napangiti ako sa sinabi ni Karina, totoo, natutupad na ang pangarap ko. Yung dating maliit na pwesto lang ng tuhog-tuhog dito sa tapat ng bahay namin, sinong mag aakala na magkakaroon na ng pangalawang branch? Minsan naluluha na lang ako kapag naalala ko yung panahon na walang-wala kami at tanging sa tuhog-tuhog lang kami nakuha ng pang gastos namin sa araw-araw, lalo na't walang tahiin si nanay at lola, tapos wala pang ani si lolo. Eto talaga ang nagtawid sa pamilya namin sa hirap.

 

 

 

Tapos eto na, magkakaroon na kami ng second branch. Kaya nga bukas ay aalis muna kami kasama ko si Ryujin at nanay para tingnan ang pwesto na inaalok ng kumare nya sa kabilang bayan ng San Roque. Malapit ulit ito sa pamilihang bayan, simbahan at paradahan. May mga eskuwelahan din na malapit doon kaya tiyak na papatok ito sa mga taga San Roque. 

 

 

 

Nagpag-kasunduan na din namin ni Ryujin na kumuha na din kami ng mga tatao doon. Uupa na din kami ng mag-dedeliver at mag-gagawa ng mga paninda namin, pero syempre nandito pa din kami ni Ryujin para tumulong, pati na din sila nanay. May mga suppliers na din kami ng mga lahok at mga kakailanganin sa paninda para hindi na kami pupunta sa palengke. Daretso na dito sa bahay dahil gusto namin ni Ryujin ay kami mismo ang titingin para sure na malinis. 

 

 

 

Kailangan na din kasi namin ng maraming tutulong dahil magiging madalas na wala ako, dahil palagi na kaming luluwas mag anak sa Maynila. Pero kapag ok na, matutulungan ko na ulit ng ayos si Ryujin. Payag naman sya, basta daw ako na lang daw taga-compute ng kita at ng iba pang pangangailan sa mga tindahan namin, sya na daw bahala naman daw nag bahala mag-supervise. Sasabihan na lang daw nya ako kapag may iba pang kailangan.

 

 

 

Yung tuhog-tuhog namin dito sa bahay ayaw namin isara, kasi eto ang original, ang pinagmulan ng lahat. Nasanay na din kasi kami sa routine namin sa pwesto namin dito kaya mahirap na bitawan. 

 

 

 

Nakakatuwa talaga, sobrang saya lang na yung pinaghirapan ng pamilya ko, nakikita na namin ang bunga. Hindi naman masama mangarap pa ng bongga, pero sana dumami pa yung branches ng tuhog-tuhog namin. Para may mai-pamana naman kami ni Ryujin sa mga magiging/junakis namin. Kung ayaw ni Khio at ng magiging pamangkin ko kay Ryujin ang maging Ceo o engineer, welcome naman silang mag-paypay ng mga tuhog-tuhog namin na paninda sa mga tindahan namin. 

 

 

 

_______

 

 

Winter's pov

 

 

"Wag na kayo bumaba mahal, wag nyo na ako ihatid ni Khio sa sasakyan at baka magbago pa ang isip ko, baka magpa-iwan na lang ako." malungkot na sabi ko kay Karina habang binababa ko ang suot ko na T-shirt. Kakatapos ko lang kasi padedehin si Khio na nakatulog na ulit habang karga ko. 

 

 

 

Paalis na din kami, pero maaga pa naman kaya sabi ko kila nanay na papadedehin ko muna si Khio bago kami umalis. Kaya lang parang napasama pa nga ata para sa akin itong ginawa ko, lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Ayoko na talagang umalis, ang tagal ko pa nga kumilos kanina pagkagising ko, ayoko ng umalis sa tabi ni Karina at Khio. Mamimiss ko talaga sila. 

 

 

 

"Okay mahal, don't be sad na, mag-vivideocall kami ni Khio sayo mamaya para hindi mo kami mamiss." marahang ngumiti si Karina bago sya lumapit sa akin para yakapin ako at bigyan ng halik sa labi. 

 

 

 

"Tatawag ka agad mahal kapag may problema ha? Marami naman ako na-pump na gatas sa ref, pero kapag kinulang, tawag ka agad para makauwi na ako. Tapos wag mo kakalimutan, kailangan ni Khio mag-burp pagkatapos nya dumede. Yung diaper nya i-check mo lagi mahal, kasi baka magka-rashes sya mahirap na. Pag-mamatulog sya lagi mo kapain yung likod at ulo nya kasi pawisin si Khio, lahat na lang talaga minana sayo. Tapo-"

 

 

 

Napahinto ako sa pagsasalita ng haplusin ni Karina ang likod ko. Napatingin ako sa kanya, at tumango naman sya sa akin at ngumiti.

 

 

 

Naramdaman din siguro ng asawa ko ang pag aalala ko, hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pag dating kay Khio, sadyang hindi lang mawala sa akin ang mag alala dahil first time ko lalayo sa kanilang dalawa na sila lang. Wala din kasi sila lolo at lola dahil nasa Batangas sila. Si Karina at Khio lang talaga ang maiiwan sa bahay. 

 

 

 

"Relax na nanay, ako ang bahala kay baby, promise tatawag ako palagi sayo para i-update ka." paninigurado ni Karina sa akin.

 

 

 

"Sorry mahal, hindi naman sa wala akong tiwala sayo, si Khio kasi..." 

 

 

 

"I understand mahal, kaya wag ka mag alala, aalagaan ko si Khio. Aabutan mo pa din kami ng maayos, promise ko yan sayo. Kaya focus ka lang doon okay? Hintayin ka namin ni baby." 

 

 

 

"Thank you, I love you mahal.." hinalikan ko si Karina sa labi bago ko naman halikan si Khio sa noo at pisngi. Hinamplos ko pa ang buhok nya at tinitigan ang payapa nyang mukha habang natutulog sya. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

 

 

 

Mamimiss ka ni nanay, baby ko..          

"I love you baby ko, pakabait ka kay mommy okay po? Mamimiss ka ni nanay sobra." bulong ko kay Khio, hinalikan ko ulit sya sa noo at ilang segundo namaligi ang labi ko doon bago ko sya ilipat sa bisig ni Karina. 

 

 

 

Naiiyak na talaga ako, pero kailangan ko na umalis. Naririnig ko na si nanay sa labas na tumatawag sa akin. Nandyan na daw si Yeji, dapat ay si Mang Berto ang driver namin ngayon pero dumating si Yeji kaya sya na ang nag-prinsinta na sumama sa amin. 

 

 

 

"Alis na kami mahal, tawag ka ha?" paalala ko ulit kay Karina na tumayo na din karga ang tulog na tulog pa din na si Khio. 

 

 

 

"Okay mahal, ingat ka, hintayin ka namin ni Khio. I love you." mabilis ko ulit syang hinalikan sa labi at pagkatapos ay ang kamay naman ni Khio. 

 

 

 

"I love you too, ikaw na muna bahala mahal kay Khio. Alis na ako." mabilis ako naglakad papunta sa pinto at kumaway kay Karina. Ayoko na lumingon sa kanila dahil baka yung natitirang pagpipigil ko na wag umalis ay maubos na. Parang pinipiga yung puso ko habang palabas ako ng kwarto namin.

 

 

 

"Ingat nanay!" narinig ko na paalam ni Karina bago ako kumaway ulit sa kanya at tuluyan ng lumabas ng kwarto namin. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag umiyak kahit na nga iyak na iyak na ako. Inisip ko na lang na uuwi din naman ako mamaya, makikita ko na ulit si Karina at Khio.

 

 

 

Pinagdadasal ko na lang na sana, maging ayos lang sila kahit sila lang dalawa.

 

 

 

Pwede bang fast forward na? Gusto ko na umuwi sa asawa't anak ko.           ______        

"Oaaahhhh oaaahhhh" 

 

 

 

"Wait love, sorry napa-init masyado ni mommy yung milk mo eh. Wait lang baby..."

 

 

 

Kahit na natataranta ay pinipilit pa din ni Karina na kumalma habang karga nya ang nagmumuryot na si Khio. Kakagising lang kasi nito galing sa tatlong oras na tulog kaya pagkagising ay naghahanap na ng gatas. Ang kaso nga napatagal yung pagpapa-init nya nito, kaya ngayon ay binababad nya muna ang bote na may laman na gatas sa malamig na tubig. 

 

 

 

"Aahhmmm oaaahhhh" 

 

 

 

"Baby wait po, eto na, here na po, I'm sorry love, mommy's fault. Here's your milk na po."

 

 

 

Mabilis na ipinatak ni Karina sa likod ng palad nya ang gatas para maramdaman nya kung mainit pa ba ito. At nang makasigurado na sakto na ang init ay inilapit nya agad ang tsupon sa bibig ni Khio na tumahan din naman agad. Nakahinga na ng maluwag si Karina ng makita nyang masaya na ang anak nila na dumedede.

 

 

 

"Your nanay is right, mainipin ka nga baby, lalo na kapag hungry ka na." nangingiting sabi nya na lang kay Khio. Inilapag nya na din ito sa kama para makadede ng ayos. 

 

 

 

Simula ng umalis sila Winter kaninang umaga ay hindi na tinangka pa ni Karina na umidlip ulit, dahil alam nya sa sarili nya na kapag nakatulog sya ay baka hindi nya marinig o maramdaman kapag nagising na ulit ang anak nila. Kaya hinintay na lang nya na magising si Khio. 

 

 

 

Tatlong oras din halos nakatulog si Khio, kaya na-isingit pa nya ang ibang trabaho gaya ng pa-checheck at reply ng mga emails nya sa kumpanya. Inaayos nya na ito para kapag bumalik na sila sa trabaho pagkatapos ng holiday ay kaunti na lang ang gagawin nya. Tamang-tama naman at pagkatapos nya mareplyan ang huling email ay nagising na din si Khio. 

 

 

 

"Baby, behave ka po today okay po? Wala si nanay eh, tayo lang dalawa. Pero don't worry madami naman iniwan si nanay na milk for you. And I promise baby, maglalaro lang tayo maghapon, tapos mamaya nandito na ulit si nanay. Happy happy na ulit, diba baby mochi?"

 

 

 

"Mmm

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
Rin_HM 0 points #1
Chapter 5: Ang ganda talaga nito🥹 kahit paulit-ulit ko na nabasa hindi parin ako nag sasawa
Jaeeeeee_
196 streak #2
Kamusta ang bakasyon? Enjoy ka po 😭
aegiminjeong
#3
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje #4
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #5
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
141 streak #6
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #7
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #8
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
193 streak #10
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙