Chapter T-35

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's Pov

 

Puyat is real na talaga ngayon sa aming mag asawa. Nagkatotoo na yung sabi nila nanay na tulog sa umaga ang sanggol at sa gabi naman gising. Ok lang sana sa akin, kasi nakakatulog ako sa umaga o tanghali dahil hindi pa nila ako pinapakilos sa bahay kahit anong pilit ko, ang pinag aalala ko si Karina, sya yung nag aasikaso sa amin mag ina. Isinisingit nya pa yung trabaho nya sa kumpanya. Naawa ako kapag nakikita ko yung itim sa gilid ng mata nya. 

 

 

"Mahal, matulog ka na muna kaya, gigisingin na lang kita kapag may kailangan ako." tawag ko sa kanya habang karga nya si Khio na gising na gising at game na game makipag-kwentuhan sa mommy nya. Puro huni na nya ang naririnig sa buong kwarto dahil isinasayaw sya ni Karina.

 

 

"Mamaya na nanay, nag uusap pa kami ni Khio eh. Diba po? Mamaya na tutulog si mommy kasi gising ka pa, sabay na tayo mag sleep baby.." sabi nya at saka pinupog ng halik si Khio sa tiyan na lalong ikina-ingay nito. 

 

 

Napailing na lang ako, tiningnan ko ang orasan sa taas ng pinto.

 

 

Alas dos na. 

 

 

Hindi pwede to, puyat na naman si Karina.    

 

"Hindi pwede Karina, apat na oras na nga lang ang tulog mo kagabi putul putol pa, halika dito ibigay mo na sa akin yan si Khio at papadedehin ko na. Matutulog kayong dalawa sa ayaw at sa gusto nyo." utos ko sa kanya. Pinilit ko maging seryoso kahit sobrang cute nilang dalawa mag bonding.

 

 

Papagalitan ko talaga silang dalawang mag-mommy. Habang hindi pa nakakalaban si Khio na alam ko na kakampi sa mommy nya pag laki nya. Ngayon pa lang tuturuan ko na. Aba naman, mag-dadalawang buwan pa lang alam na alam na paikutin ang mommy nya. 

 

 

"Gagalet na si nanay, tulog na tayo baby, baka mapalo tayo eh hehe."  ngingiti ngiting lumapit si Karina sa akin at iniabot si Khio. At ng makita ko ang itsura ni Khio, napasabi na lang ako sa sarili ko ng "Good luck nanay Winter." dahil ni walang bakas na antok sa mata nya.

 

 

"Ikaw naman Jimin Jr, tutulog na po ok? Dede na sa nanay tapos tutulog na." kunwari pagalit ko sa kanya, na ginantihan lang naman ako ng ngiti. "Aba't ngingiti pa, alam ko naman na cute ka anak, pero matulog ka na please, malapit na maging panda bear si mommy mo." 

 

 

Narinig ko na natawa si Karina sa tabi ko, humiga na sya at yumakap sa bewang ko para isiksik ang mukha nya dito. Hinaplos ko ang buhok nya at minasahe ang bandang batok nya gamit ang isang kamay ko. Pagod ang asawa ko, kawawa naman, hihilutin ko nga to bukas kapag nakatulog si Khio. Napansin ko kasi na napaigtad sya ng diinan ko ang pag-masahe sa may bandang leeg at balikat nya. 

 

 

"Tulog na mahal, kaya ko na to, puro tulog na nga lang ako maghapon." umungot lang sya at may sinabi pero hindi ko masyado narinig dahil nakasubsob sya sa tagiliran ko. 

 

 

"Ano yon?" 

 

 

Ini-angat nya ang ulo nya at ngumuso sa akin. 

 

 

"Kiss ko nanay..." napa-irap na lang ako. Parang dalawang baby na yung inaalagaan ko talaga. Isang totoong baby at isang baby damulag. 

 

 

"Sige, paano ako yuyuko? Nadede ang anak mo." 

 

 

Umupo naman sya agad at binigyan ako ng halik sa noo at labi. 

 

 

"I love you, wake me up if you need help ok? Or kapag inaantok ka na, wag ka magpupuyat mahal." bilin nya. Tumango ako at hinalikan ko na din sya sa labi. 

 

 

"Ok po, I love you too, wag ka mag alala mahal, mukhang pasuko na din ang isang to, sasabay na ako ng pagtulog sayo." tiningnan namin si Khio na pilit nilalabanan ang pagpikit ng mata nya sa antok. Natawa na lang kami pareho. 

 

 

 

Sobrang cute!     

 

"I love you Khio, good night anak..." hinalikan na ni Karina sa noo si Khio, at tila good night lang talaga ng mommy nya ang hinintay nya at tuluyan na syang pumikit. 

 

 

"Tsk grabeng favoritism yan, harap harapan. Kung hindi lang talaga kayo cute dalawa, magtatampo na ako eh." napapa-iling na lang na reklamo ko. 

 

 

Humiga na ulit si Karina sa tabi ko at unti unti ko na inilapag si Khio sa kuna nya, nang makasigurado ako na mahimbing na ang tulog nya ay inayos ko na ang paligid nya at sinigurado ko na walang gamit na pwede syang masubsob o matabunan ang mukha nya. Nang ok na ang lahat ay tumabi na ako kay Karina at ginawang ko ng unan ang braso nya bago ako yumakap sa kanya.

 

 

"Ok lang yan nanay, gawa na lang ulit tayo ng bago." bulong nya sa akin. 

 

 

Napaka-harot talaga.

 

 

"Owww..."

 

 

Kinurot ko nga sa tagiliran. 

 

 

"Baka gusto mo na maligo muna ulit?" 

 

 

"Joke lang mahal, may heater nga tayo, malamig din naman paglabas ng cr. Tulog na lang ako. Good night mahal." 

 

 

"Buti alam mo, good night, I love you." sumiksik na ako sa leeg nya. At hinapit nya ako sa bewang palapit sa kanya. 

 

 

"I love you too." 

 

 

____

 

Winter's Pov 

 

Nandito kami ngayon sa ospital sa pedia ni Khio. Naka-appointment kasi ang unang bakuna nya. Tiningnan ko si Karina na syang may hawak kay  Khio sa tabi ko na todo ngiti, nagkukulitan na naman kasi silang dalawang mag mommy.

 

 

"Super brave po ikaw diba baby? Hindi naman masakit yung turok anak, parang kagat lang ng langgam, so may tatlong langgam na kakagat sayo mamaya..." napatigil sya at tiningnan si Khio na nakatingin lang din sa kanya. Pagkatapos ay nakita ko na ngumuso sya at bago sya tumingin sa akin.

 

 

"Mahal sure na ba na tatlo talaga yung ituturok sa kanya? Ang dami naman, kawawa naman si Khio..." 

 

 

Napa-buntong hininga na lang ako. Iniisip ko na lang na para din naman kay Khio to, kesa naman magka-sakit ang anak namin. 

 

 

"Oo mahal, para sa hepatitis, tetanus at influenza daw to eh, kawawa lang kasi puro sa hita."  

 

 

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

 

 

"It's ok Khio, Mommy will take care of you inside ok po? Don't be scared anak, hihintayin ka po ni nanay dito sa labas para mag-mimilk na ikaw, tapos uuwi na tayo." alo nya kay Khio habang hinahalikan nya ito sa pisngi. Napa-ngiti kaming mag asawa ng ngumiti si Khio na tila naiintindihan ang mommy nya. Hindi nya lang alam, kabado na kami dito ng mommy nya.

 

 

Kanina pa ako ninenerbyos, sa bahay pa lang sinabihan ko na si Karina na hindi ko kayang hawakan si Khio kapag tuturukan sya, yung umiiyak pa nga lang sya kapag gutom o inaantok, para ng pinipiga ang puso ko, yung makita ko pa kaya syang tusukin ng karayom? Baka dalawa na kami mag nanay umiyak doon. Kaya sabi ni Karina sya na lang daw ang sasama sa loob. 

 

 

"OAHHH OAAHHH." napahawak ako sa braso ni Karina sa gulat ng may lumabas na mag asawa, kasama ang isang sanggol na iyak ng iyak pag-labas ng kwarto ng pedia. 

 

 

Nag umpisa ng kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba, grabe yung iyak ng bata, ang sakit sa puso marinig, kahit hindi ko naman anak yun. Rinig na rinig kasi na may iniinda yung iyak nya. Tinignan ko si Khio na nakatulog na habang naka-sandal sa dibdib ni Karina, sa kaba ko lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa ulo ng ilang segundo. 

 

 

"Sorry anak, hindi ka masasamahan ni nanay sa loob, hindi ka naman papabayaan ni mommy eh...sorry mahal ko, hihintayin kita dito ok?" hinalikan ulit sya sa ulo at narinig ko na bumukas na ang pinto ng pedia room.

 

 

"Good morning po Mrs Yu, pwede na po kayo pumasok sa loob." nakangiting sabi ng nurse sa amin.

 

 

"Ako lang ang sasama nurse." tumayo na si Karina karga si Khio. Tila napako naman ako sa pag kaka-upo ko dito. Naramdaman ko na lang ang halik ni Karina sa noo ko.

 

 

"I'll take care of her mahal, don't worry ok?" bulong nya sa akin at mabilis nya ako binigyan ng halik sa pinsngi. Marahang tango lang ang naging sagot ko sa kanya, pagka-tapos ay sumunod na sila sa nurse para pumasok na sa loob. At naiwan ako na ninenerbyos dito sa labas. 

 

 

Ok lang yan Winter, sabi nga nila kapag nanay ka na, araw araw ka na mag aalala sa anak mo.         Sana ok lang si Khio...

 

____    

"Hello baby Forrest, how are you? Wow, lalo ka nagiging pretty habang nalaki ka ah." napangiti na lang si Karina habang pinapanuod nya si Khio na behave na behave na nakahiga sa timbangan, chine-check up muna kasi ito bago turukan. 

 

 

"How's Winter, Ms Yu?" tanong ng doctor kay Karina pagkatapos nito i-check ang timbang ni Khio. Pagkatapos ay binuhat na nito ang sanggol at ibinigay sa kanya. 

 

 

"She's doing good, nasa labas po sya." 

 

 

"I'm glad that they are both healthy. I understand what she's feeling right now. Normal sa mga nanay na hindi nila masamahan ang baby nila para sa injection dahil sa awa sa baby, kalimitan mga asawa or magulang nila ang kasama nila dito sa loob." 

 

 

Inayos na ng doctor at nurse ang mga gagamitin at inutusan na sya na ihiga ulit si Khio sa bed, kinakabahan din talaga sya pero wala naman silang choice ngayon mag asawa, kailangan ni Khio maturukan para hindi ito maging sakitin. 

 

 

Lumapit na ang doctor at inalis na ang tela na humaharang sa binti ni Khio. Pinunasan muna nito ng bulak at marahang pinisil pisil. Nasa ulunan sya ni Khio kaya wala syang nagawa kundi i-distract lang ang anak nila kaya hinalikan nya ito sa ulo at nilaro laro. Hinahabol lang naman sya ng tingin ni Khio. 

 

 

"Mabilis lang to baby ok po? Eto na.." napapikit sya ng itinusok na ng doctor ang karayom sa binti ni Khio at kasunod noon ay ang malakas na palahaw ng sanggol. 

 

 

"I-it's ok love, dalawa na lang po, matatapos na..." mahinang sabi nya sa tabi ni Khio, hindi nya kayang tingnan ang ginagawa ng doctor dahil nakita na naman nya na naglalagay ito ng gamot sa syringe para iturok kay Khio na iyak na ng iyak. At tila nanlambot ang tuhog nya at nanlabo ang paningin nya ng makita nya ang syringe.

 

 

"Nurse pakihawak ng isa nyang leg." utos ng doctor dahil sa kanan naman na hita nito tuturukan si Khio. 

 

 

Hindi na nya alam ang mararamdaman nya, parang dinudurog ang puso nya sa pagpalahaw ni Khio. 

 

 

"OAHHH OAHHH OAAHHHH" naramdaman nya na nag-init ang gilid ng mata nya ng marinig na naman nya ang malakas ng iyak nito ng dahil sa pangalawang turok. Kinagat nya ng madiin ang labi nya at lumunok para pigilan ang iyak na kanina nya pa pinipigilan lumabas sa kanya. 

 

 

I can't cry...         I need to be strong for Khio...        

"I-im sorry love...I'm sorry..." yumuko sya sa tabi ng ulo ni Khio ng matapos nya halikan ito sa pisngi, naramdaman nya sa labi nya ang mga luha nito kaya hindi na nya mapigilan na mai

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
Emgeelex
0 points #1
Chapter 90: Aww my baby Khio 🥺🥺
GimmeGummiesTY
0 points #2
Chapter 90: haay ang ate khio nameen. Lika dali hug din kitaaa
0101ae_cj 0 points #3
Chapter 90: baby mochi😭😭😭😭
SunFany012
0 points #4
Chapter 90: Ang online inaanak ko 🥹
redhorsejuseyo 0 points #5
Chapter 90: pati ako naiiyak sayo mochi
lazchata17
0 points #6
Chapter 90: Ambebe Khio namin na yan. 🥹🥹
howdoyouknowmee
607 streak 0 points #7
Chapter 90: Gusto lang naman mag-merienda ng mochi huhu buti na lang masarap ang banana.....
eviee_
0 points #8
Chapter 90: khioo 🥹
Jingg19 0 points #9
Chapter 11: HHAHAHAHA ALING TES NAMAN😭😭😭
iamriou_
1229 streak 0 points #10
Chapter 90: Ang bait bait ni ate khio 🥹🥹🥹 big girl mochi 🥺🥺