Chapter T-57

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"nyanyaaa aahhh uwaahhhhh." 

 

 

 

"Aba Khio, hindi naman laruan ang gusto mo anak. Halika na dito para makaligo ka na." 

 

 

 

"Mmm aahhhh nyaaaa!" 

 

 

 

"Hay nako Khio, mapapalo ko talaga kayo ng mommy mo, pareho na kayong pasaway." 

 

 

 

Napabuntong hininga na lang si Winter habang pinapanuod nya si Khio habang umiiyak ito at nagpapagulong-gulong sa katre na higaan nila.

 

 

 

Para hindi ito malalag, ginamit nya ang binti nya pang-harang sa tabi ni Khio dahil malapit na ito sa bukana ng higaan. Pero nagpupumilit pa din na inaabot ni Khio ang hawla ng mga napanalunang sisiw ng asawa nya na nakapatong sa dantayan ng bintana.

 

 

 

Eto ang unang nakita ni Khio kanina pag-gising, at dahil makukulay nga ang mga ito kaya aliw na aliw lang ang anak nila at gustong kunin.

 

 

 

"Good morning mahal." 

 

 

 

Speaking of pasaway, napairap na lang si Winter ng naka-ngiting pumasok ang bagong gising na si Karina sa kwarto, malamang ay nagising ito sa pag-mumuryot ni Khio.

 

 

 

"I missed you, ang lamig sa labas mahal." nakanguso at nagpapaawa effect pa na ungot nito sa kanya sabay siksik ng mukha nito sa balikat nya. Hinayaan nya din na halikan sya nito sa pisngi at noo dahil hindi naman nya maitatanggi na namiss din nya ang asawa nya dahil sa sala nga nya ito pinatulog. 

 

 

 

"Eh sinong may kasalanan?" tanong ni Winter sabay taas ng kilay kay Karina na napakamot na lang ng ulo dahil alam naman nya ang kasalanan nya. 

 

 

 

"I'm sorry mahal, bati na tayo please-" 

 

 

 

"M-mimi ammhh.." naputol ang sasabihin sana ni Karina dahil napatingin silang mag-asawa kay Khio ng tawagin sya nito. 

 

 

 

Napailing na lang si Winter ng makita nya ang itsura ng anak nila. Humihikbi ito na akala mo inapi habang tinatawag si Karina, itinaas pa nito ang mga kamay dahil gustong magpa-buhat sa mommy nya. 

 

 

 

Nag-sumbong pa nga ang bochog na ito, akala mo naman takot ako sa mommy nya, paluin ko pa sila pareho eh. Char!

 

 

 

"See, namiss din ako ni Khio, come here love.. Why are you crying baby? Inaaway ka ba ni nanay? Don't worry, hindi natin sya bati." lambing ni Karina kay Khio ng buhatin nya ito, umupo sya sa kama at niyakap ang sanggol na sumiksik agad sa leeg nya habang doon muling umiyak. 

 

 

 

"M-mi.." 

 

 

 

"Aww It's ok love, mommy's here-ouch! Mahal naman, bakit namamalo?" nakangusong daing ni Karina ng bigla na lang sya paluin ni Winter sa hita. 

 

 

 

"Pag yang anak mo lumaki ng matigas ang ulo, pareho ko talaga kayo papa-dipahin na may nakapatong na libro sa braso." inis na sermon ni Winter ng makita na naman nya kung paano amu-amuhin ni Karina ang anak nila, at alam na nya ang susunod dito, ibibigay na nito ang gusto ng anak nila. 

 

 

 

"Hey that's so mean...and correction mahal, anak natin." sabi pa ni Karina habang hinahalik-halikan ang ulo ni Khio at hinahaplos ang likod nito. "Tahan na love, ano gusto ng baby na yan? Tell mommy po." 

 

 

 

Ayan na naman kami.          

Nasabi na lang ni Winter sa sarili.

 

 

 

Nakita nyang nalibang na ang asawa at anak nya, kaya na-pagpasyahan na muna nyang asikasuhin ang mga ka-kailanganin ni Khio sa pagligo. Tumayo sya para kunin ang mga baby essentials, damit at tuwalya ni Khio sa bag nito sa gilid. 

 

 

 

"Mimi.." 

 

 

 

"Yes po? Mahal ano ba gusto nya? Bakit umiiyak?" kunot noong tanong ni Karina kay Winter na naghahanap ng damit ni Khio sa bag nito.

 

 

 

"Eh ano pa? Edi yung sisiw na nakuha nyo sa peryahan, alam mo naman yang anak mo, manang-mana sayo, akala ata lahat ng hayop ay pwede nyang maging pet." sagot ni Winter. 

 

 

 

"What color do you like ba baby-ouch! Mahal ang sakit ng kurot mo.." daing ulit ni Karina sabay haplos sa tagiliran nyang kinurot ni Winter.

 

 

 

Nagulat sya, hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.

 

 

 

"Madadagdagan pa yan tingnan mo lang, nag uumpisa ka na naman Karina ha, nag-usap na tayo, hindi pwedeng iiyakan ka lang ng anak mo ibibigay mo na agad ang gusto nya kahit hindi pwede." nakapa-mewang pa na sermon ni Winter kay Karina na nanghahaba ang nguso.

 

 

 

Sa loob-loob ni Karina, gusto nyang i-dahilan kay Winter na hindi nya matiis ang ka-cute-an ng anak nila kapag may gusto ito, lalo na kapag umiyak na si Khio, ayaw na ayaw nyang umiiyak ang anak nila. At dahil may kakayahan naman syang ibigay ang mga gusto nito, kaya bakit hindi susundin? 

 

 

 

Ang kaso hindi nya pwedeng sabihin ito sa asawa nya. Ayaw na nya matulog sa sala kasama sina Yeji at Giselle. 

 

 

 

"Khio, parang wrong timing yung pasok ni mommy, nadamay ako anak." napairap na lang si Winter ng marinig nya ang ibinubulong ni Karina kay Khio. 

 

 

 

"Okay lang naman na tingnan nya lang sa hawla, ang kaso gusto pa nya makuha. Alam mo naman ang nangyari nung pinahawakan natin sya ng sisiw nung nakaraan, muntik na maging cannibal ang mochi na yan." 

 

 

 

Hindi makalimutan ni Winter ang nangyari noong subukan nilang ipahawak kay Khio ang alaga nilang sisiw, natuwa sila dahil hindi ito natakot, tuwang-tuwa pa nga ang anak nila, ayun ay hanggang sa bigla na lang isubo ni Khio ang ulo ng sisiw dahil nang-gigil ito at hindi na nakuntento sa paghawak at pagyakap sa kawawang nilalang. Mabuti na lang at bumitaw agad si Khio ng mag-sisigaw na sya ng tulong sa mga tao sa bahay.

 

 

 

Awang-awa lang sila sa sisiw ng mabitawan ito ni Khio, hindi naman ito na-tigok, mabilis pa nga ito na nanakbo palayo ng ma-ibalik na nila ito sa loob ng poultry at nagtago sa mga dayami sa takot. 

 

 

 

Tumango naman si Karina sa sinabi ni Winter, kahit sya noon ay naawa din sa sisiw na muntik na gawing pananghalian ni Khio. 

 

 

 

"It's okay Khio, ligo muna ikaw baby, tapos pupuntahan natin yung malaking birds sa labas after mo maligo okay po?" yaya ni Karina kay Khio na tahimik na ngayon, nakayakap pa din ito sa kanya pero hindi na naiyak. 

 

 

 

"Pabo ang tawag doon mahal." pagtatama ni Winter na malumanay na ngayon. Hindi nya din talaga kayang mainis ng matagal kay Karina. Lalo na't nakikita nya kung paano nito lambingin ang anak nila. 

 

 

 

Mommy's girl talaga ang bochog na ito.           

Ayaw na kasi bumitaw ni Khio sa mommy nya ng akma itong ihihiga ni Karina sa katre.

 

 

 

"Come on, I'll hold you, I'm not going anywhere I promise, and say sorry na din kay nanay anak, next time kapag sinabi ni nanay na hindi pwede, susunod po ikaw okay?" 

 

 

 

"Nay..." 

 

 

 

Tila kinurot naman ang puso ni Winter ng nag-angat ng tingin sa kanya si Khio at tinawag sya nito. Humihikbi-hikbi at namumula ang ilong at pisngi nito kakaiyak. Kaya lumapit sya agad kay Karina para kunin si Khio na sumama at yumakap naman agad sa kanya. 

 

 

 

Na-guilty sya lalo ng marinig nya ang mahinang hikbi nito. 

 

 

 

"Sorry anak, sorry na si nanay, tahan na." malambing na alo ni Winter kay Khio na nakahilig sa balikat nya habang hinahaplos nilang mag-asawa ang likod nito. "Hindi kasi pwede yon anak, hayaan mo, babawi si nanay sayo okay po? Lalaro tayo kasama si mommy, tapos pupuntahan natin yung mga pabo na gusto mo, diba po mommy?" 

 

 

 

Ngumiti naman si Karina at tumango, lumapit din sya kay Winter at Khio para yakapin at bigyan ng halik sa noo ang mag-ina nya. 

 

 

 

"Sure nanay, tapos hindi lang pabo, may gansa din sa labas love, papahabol tayo sa gansa." biro ni Karina na ikinatawa ni Winter. 

 

 

 

Naalala na naman nya yung takbo at tili ni Giselle ng habulin ito ng dalawang gansa kahapon. Sa takot nito ayaw na halos lumabas ng bahay hangga't nakikita nito yung mag-anak na gansa na pagala-gala sa bakuran. 

 

 

 

"Kayo na lang dalawa, kaya nyo na yan." 

 

 

 

"Hala baby oh, ayaw ni nanay." 

 

 

 

"Char, syempre joke lang, kung saan happy ang baby bochog namin na yan, go si nanay. I love you Khio, sorry na si nanay, tahan na anak." 

 

 

 

"Nay bababahh.." 

 

 

 

"Ano ba yang bababah na yan anak? May bago ka na naman natutunan na word." nagtatakang tanong ni Winter. Ilang araw na kasi itong paulit-ulit na binibigkas ni Khio.

 

 

 

"Yeji's fault mahal, she keeps on playing and singing the minion song ba yon, na puro bababa and banana ang lyrics. Narinig ni Khio and you know our daughter, ang bilis nya maka-pick up." 

 

 

 

"Si Yeji na naman jusmiyo." 

 

 

 

Hindi na nag-taka si Winter, kung dati ay si Ryujin ang may pakana ng lahat ng kalokohan, ngayon mild lang yon sa mga trip ni Yeji.

 

 

 

"Pasaway talaga yang tita mo Khio." nasabi na lang ni Winter, suko na talaga sya kay Yeji. "At ikaw naman mommy, tulungan mo na ako para makaligo na itong baby bochog natin." 

 

 

 

"Sure nanay, I love you." 

 

 

 

"I love you too, kahit pasaway ka." 

 

 

 

"hehe.." 

 

 

 

"bababahh titi!"

 

 

_____

 

 

Winter's Pov

 

 

 

"Isang ulit mo pa ng gento gento na yan Yeji Hwang, sa labas ka ulit matutulog mamayang gabi." inis na sabi ni Ryujin kay Yeji na kakapasok lang sa loob ng bahay para ihatid ang mga dahon ng niyog na gagamitin namin pambalot sa suman. 

 

 

 

Nandito kami sa kusina ni Lola Puring at nagbabalot ng suman sa dahon ng niyog, nakapalibot kaming tatlo nila Ryujin at Ning sa isang batsa na may malagkit na bigas na hinaluaan ng gata. Habang yung tatlo naman ay nagki-kiskis ng dahon ng niyog sa labas.

 

 

 

"Hindi na ako yon baby, si Gigi at Yuji yon." depensa naman agad ni Yeji na natakot na sa banta sa jowa nya. 

 

 

 

"Tinuruan mo na naman siguro ng kalokohan yung dalawa no? Ikaw, bahala ka dyan, malapit ka na buminggo kay insan at kay Ning." 

 

 

 

"Luh, Winter, Ning, naiinis na ba kayo sa pa-gento namin nila couz?" 

 

 

 

"Dalawang ulit na lang, tabi-tabi na naman kayo matutulog tatlo sa sala mamaya gabi." si Ning na ang sumagot para sa amin dalawa, dahil kahit ako naririndi na sa kakaulit-ulit nila ng kanta na yon. 

 

 

 

Nanlaki naman ang mata ni Yeji kaya bumalik agad sya sa labas kung saan nagkikiskis ng dahon ng niyog si Karina at Giselle para sa suman.

 

 

 

"Gigi! Yuji! Itigil nyo na yang gento gento na yan kung ayaw nyong umuwi tayong tatlo na may lamig sa likod." narinig namin na sabi ni Yeji sa dalawa, wala pang ilang segundo ay nawala na agad ang malakas na tugtog galing sa speaker ni Giselle. 

 

 

 

Natatawa kaming nagkatinginan tatlo nila Ryujin at Ning. 

 

 

 

"Parang pati tuloy ako napapakanta na eh." ani Ryujin. 

 

 

 

"Ako din kaya, aba, nagulat na lang ako na nagpatugtog nyan si Giselle kagabi at kanina, hindi naman ganyan yung mga trip nyang music." inis naman na sabi Ning na gigil na gigil habang nagbabalot ng suman sa tabi ko. Hindi ko alam kung kay Giselle sya naiinis o sa suman ba na limang minuto na ata nya binabalot ang kaso ay natatanggal ang tali nito.

 

 

 

"Si Karina nga kinakanta pa kanina sa banyo habang naliligo eh. Ewan sa tatlong yan ano ang nakain at biglang nag-gento gento na." dagdag ko din. 

 

 

 

Hindi namin alam ang nangyari basta pag uwi nila galing sa perya kagabi. Ayon n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂