Chapter T-52

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

 

"Hoy bakla ka, humawak ka sa poso ang bigat mo Luningning!" 

 

 

 

"S-shet beshie! P-paano mo nakaya mag-lihi ugh! Kadiri mag-suka-blek-" 

 

 

 

Hindi na natuloy ni Ningning ang sasabihin nya ng maduwal na naman sya habang hawak ko ang braso nya bilang suporta, halos sumubsob na nga dito sa tabi ng poso kakasuka. Nakita nya kasi si Ryujin na nagsusuka kanina sa lababo sa baba ng bahay namin kaya noong naamoy nya ay sya naman ang sumunod. Buti na lang at hindi pa ako nag uumagahan, malamang ay nailabas ko na din ang kinain ko kakanuod sa dalawang buntis na to na magpalitan magsuka. Kahit siguro hindi buntis mahahawa sa dalawang to eh, isama mo pa yung tunog na ginagawa nila. 

 

 

 

"Bleukkk!" nagulat ako ng may maramdaman ako na mainit-init sa paanan ko, napatingin ako kay Giselle malapit sa akin na hawak ang bibig nya at naduduwal na din.

 

 

 

Sya kasi ang nagbo-bomba sa poso para malinisan ang nilalabas ng jowa nya. Ang kaso nga ay mahina talaga ang sikmura nito ni Uchinaga, kaya eto nga't ako ang naalalay sa bff ko.

 

 

 

"Giselle! Sinukahan mo yung paa ko!" inis kong singhal kay Giselle na iniwan kami ni Ning sa poso at nanakbo sa tabi ng puno ng mangga.

 

 

 

"I-i-m so sorry Winter, I couldn't stop it-bleuk.." hinging tawad nya, napahawak pa nga sa puno ng mangga ng masuka na naman sya. 

 

 

 

Diring-diri ako na napatingin sa paa ko na sinukahan ni Giselle ng makita ko ang halos buo-buo pa na inumagahan nya. 

 

 

 

Bwiset na Uchinaga na to, hindi ata nginuya yung kinain kanina, buo pa yung tangkay ng pechay, pati yung noodles!      

 

"Shutacca! May buo-buo pa yung pancit canton na kinain mo dito! Hoy! Bumalik ka nga dito, linisin mo to!" sigaw ko, gusto ko na bitawan si Ning at hugasan ang paa ko, ang kaso masusubsob si gaga sa batsa kapag ginawa ko yun. 

 

 

 

"I'll help you mahal." 

 

 

 

Naputol ang inis ko kay Giselle ng marinig ko si Karina sa tabi ko, pag tingin ko ay karga nya si Khio habang binobombahan nya ang poso para tulungan ako na linisin ang paa ko at ang ikinakalat ni Giselle.

 

 

 

"I'm sorry about Gigi, kaya hindi natuloy sa med school yan e, mauuna pa sya sa pasyente nya kapag nagkataon." naiiling na lang na sabi ni Karina habang nagbo-bomba sya ng poso at nangingiting nakatingin kay Giselle na tuluyan ng nagtago sa likod ng puno ng mangga. 

 

 

 

Tingnan mo nga't nag tago na, hirap talaga kapag madidiriin.  

 

 

"Masasampiga ko talaga yan si Uchinaga, b-bwiset sya, sya ang kasama ko gumawa ng bata tapos sa paglilihi iiwan ako! Giselle!" inis na inis na tawag ni Ning sa jowa nya ng makabawi na sya ng lakas, mukhang ayos na sya dahil nagmamaldita na naman. 

 

 

 

Ibinigay ko sa kanya ang bimpo na nakasampay sa balikat ko at inalalayan sya na maglakad pabalik sa kubo sa dating pwesto ng mga papag sa ilalim ng puno ng mangga. 

 

 

 

Tuluyan na ngang ipinagawa ni lolo na kubo itong mga papag dahil lagi nga kaming nandito, madalas din ay dito nakatambay yung dalawang buntis at natutulog kasama si Khio habang ako naman ang nag-aasikaso sa tuhog tuhog namin. Halos maghapon ay ito na ata ang naging pinakabahay namin, simula umaga hanggang hapon ay nandito si Khio kasama ng tita Ryujin nya at Ninang Ning nya. Pabor naman sa akin dahil naaasikaso ko ang ihawan habang may nag-aalaga kay Khio. 

 

 

 

Dito na din kasi pansamantalang nakatira si Ning, si gaga, ang daming aayawan na amoy, yung amoy pa ng bagong lutong tinapay. Eh nasa baba lang ng bahay nila ang bakery nila kaya kapag naamoy nya ito ay talaga naman nagkakalat si bakla. Kaya ayon, ng malaman nila nanay ang kalagayan ng bff ko, sila na ang nagsabi kay Aling Tess na dito muna si Ning habang naglilihi pa ito dahil naaawa sila sa bestfriend ko. Tuwang-tuwa naman si Ningning dahil hindi na daw sya maglalakad para makipag-chikahan sa akin at makita si Khio. Pinag-lilihian nya din ata ang inaanak nya, dahil panay ang lapirot nya kay Khio lalo na sa binti nito. 

 

 

 

Nandito na din madalas si Giselle at lalo na si Yeji, ang nakakatuwa sa mga to kahit madalas nag-aasaran ay napag-desisyunan nila na magsabay na lang ikasal. Oo, ikakasal na din sina Yeji at Ryujin, tuwang-tuwa ang magulang ni Yeji sa balita na buntis si Ryujin at magkaka-apo na sila. At itong si Yeji "Speed" Hwang, ayon, niyaya na magpakasal ang pinsan ko, ayaw daw nya maipanganak ni Ryujin ang anak nila na hindi sila kasal kaya sa isang buwan ay ikakasal na sila kasabay nila Giselle at Ning. 

 

 

 

Civil wedding pa lang naman, tsaka na daw ang bonggang wedding kapag nangitlog na sina Ning at Ryujin, dahil hindi daw papayag ang bff ko na hindi bongga ang kasal nila ni Giselle, ngayon kasi ay hindi nya maasikaso dahil nga sa kalagayan nya kaya civil muna. At dahil nga chinese itong si Ningning kaya baka dalawang beses sila ikasal ni Giselle, para sundin ang tradisyon nila. 

 

 

 

"I'm sorry babe, hindi ko talaga kaya." agad naman kaming sinalubong ni Giselle at tinulungan ako na alalayan si Ning sa kubo ng makarating kami. 

 

 

 

"Nasaan na yung manggang kalabaw ko? Kanina pa kita pinapakuha non Uchinaga naiinis na talaga ako sayo!"  natawa na lang ako ng biglang nagtago si Giselle sa likuran ko ng ambahan sya ni Ningning ng bimpo na ihahampas sana sa kanya. 

 

 

 

"Babeee, I don't know even know where to get mango buffalo eh." ungot ni Giselle sa likod ko. 

 

 

 

"Mango buffalo ampotek, amaccana Uchinaga, sumama ka na lang kay Yeji at pinsan, pupunta sila sa tabi ng parang para kumuha ng puting mais, may puno ng manggang kalabaw doon." Sabi naman ni Ryujin na kalong si Khio, ibinigay muna ni Karina si Khio dahil narinig ko na nagpa-pasama si Yeji kanina sa pinsan nya para kumuha ng mais na pinaglilihian ni Ryujin. 

 

 

 

"Sumama ka na babe please, kanina pa talaga ako naglalaway sa mangga eh." nakangusong maktol ni Ning, kaya nakalapit na ulit si Giselle para lambingin ang jowa nya. 

 

 

 

"Okay babe, I will go with them para kumuha ng mangoes for you and baby." lambing nito kay Ning na akala mo hindi pinag-bantaan hampasin ang jowa nya kanina dahil panay na ang siksik dito. 

 

 

 

"Arte arte ng buntis na to." bulong ni Ryujin sa tabi ni Ning habang nilalaro si Khio 

 

 

 

Hay, ayan na naman sila, araw-araw na lang nagba-bangayan, ang tataray mag-buntis ng dalawang to. 

 

 

 

"Arte pala? Akala mo hindi kita nakita kanina? Iyak-iyak ka pa dyan kay Yeji kasi nalimutan ka bigyan ng good morning kiss." nakataas ang kilay na sabi ni Ning kay Ryujin na tinaasan din sya ng kilay pabalik. 

 

 

 

"Inggit ka lang, hindi ka kasi kinikiss ni Uchinaga tuwing umaga." 

 

 

 

"Hey, I kissed her this morning!" mabilis na depensa agad ni Giselle dahil sinamaan na naman sya ng tingin ni Ning.

 

 

 

"Edi wow." 

 

 

 

Jusme..          

Hindi ko na sila pinansin at lumapit na ako kay Karina na kakagaling lang sa bahay kasunod si Yeji, may dalang silang sako at bolo, mukhang ready na sila manguha ng mga pinaglilihian nung dalawang buntis. Napangiti ako at yumakap kay Karina, yumakap din sya pabalik sa akin at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. 

 

 

 

"Parang dati ikaw yung sinasamahan nila para manguha ng pinaglilihian ko, ngayon ikaw na yung sasama sa kanila mahal." 

        Ang bilis lang ng panahon, magkakaroon na agad ng kalaro ang baby mochi namin, samantalang dati nanghihingi lang sya ng macopa at star apple sa tiyan ko kahit madaling araw.           

"Buti na lang well trained ako ng leader namin." natatawang bulong ni Karina sa akin. "Alis muna kami mahal, kaya mo na ba si Khio at yung dalawang mataray na buntis?" panay ang bulong ni Karina sa akin, natakot na ata sya sa nangyari noong isang araw dahil narinig sya nung dalawa na tinawag nyang mataray. Ayon, pinagtulungan sya, nanghahaba ang nguso na nag-sumbong sa akin, kinagat daw kasi sya ni Ning sa likod. 

 

 

 

Iba talaga yung tama ng pagbubuntis sa pinsan at bff ko, nagiging wild. 

 

 

 

"Tara na Yuji, Ikaw naman Sakuragi sumama ka, hindi ako papayag na kami lang maghihirap dito." yaya ni Yeji kay Giselle na inirapan lang sya. 

 

 

 

"Stop calling me Sakuragi!" 

 

 

 

"Eh sino ba kasi yung tinatawag ni Ningning na Sakuragi? Hindi ba ikaw yon? Ikaw lang naman japanese dito ah." nagtatakang tanong ni Yeji.

 

 

 

Nagulat na lang kami ng tumawa ng malakas si Ning with matching hampas pa kay Giselle na namumula na ngayon. 

 

 

 

"Babeee stop it, they might find out, it's embarrassing.." namumulang saway ni Giselle kay Ning na pilit pinipigilan ang tawa nya. 

 

 

 

"Apaka-chismosa mo Yeji, saan mo narinig na tinawag ko si Giselle na Sakuragi?" nagpupunas ng luhang tanong ni Ning. Tawang-tawa si gaga, ano na naman kayang kalokohan yang sakuragi na yan? 

 

 

 

"Excuse me? Hindi ako chismosa, ang lakas-lakas kaya ng boses mo noong dumaan ako sa kwarto nyo, tapos bukas pa ang pintuan, kaya narinig ko yung sinabi mo." depensa naman ni Yeji na lumapit kay Ryujin para halikan ito sa pisngi. 

 

 

 

"Ano ba sabi baby?" nangingiting tanong ni Ryujin kay Yeji.

 

 

 

"Sabi nya, "Sakuragi, kelan ka ba ulit makikipaglaro? Miss ko na slam dunk mo."

 

 

 

"Shut up!" 

 

 

 

"Potaena mo Yeji siraulo ka talaga!" 

 

 

 

Pulang-pula yung mag-jowa, nabato pa nga ni Ning ng bimpo si Yeji na nasambot din naman agad nito, sabay peace sign kay Ningning na inirapan lang sya. Ang tawa namin kay Yeji, gayang-gaya nya kasi yung tinis at harot ng boses ni Ningning, tumitirik-tirik pa yung mata nya, bwiset! Sobrang pang-asar. Natawa pa kami lalo dahil nagka-ideya na kami bigla kung sino si Sakuragi. 

 

 

 

"Ang cool non, bakit hindi ko naisip dati yon? Biglang gusto ko na lang palitan ng pangalan yung akin, gusto ko ng Takenori Akagi." tuloy pa din si Yeji na sinegundahan naman ng asawa ko, grabe, nahahawa na si Karina ng mga kalokohan nila, mas lumala nung si Yeji na yung kasama nya palagi. 

 

 

 

"Ako si Rukawa, loveteam ni Sakuragi." 

 

 

 

"Tarantado ka Yuji, si Haruko loveteam ni Sakuragi." 

 

 

 

"Ops sorry, ibang slamdunk ata napanood ko." biro ni Karina.

 

 

 

Napahilamos na lang ako ng mukha sa kagaguhan nilang mag-pinsan.

 

 

 

"You two, let's go before I use that bolo to cut your balls off." napahawak naman yung dalawa sa harap nila sa banta ni Giselle. Mabilis na humalik si Karina sa akin at kay Khio na kalong ni Ryujin. Ganoon din si Yeji kay Ryujin, pumisil pa nga sa binti ni Khio at hinalikan ang pamangkin nya sa ulo, bago nila sundan si Giselle na nauna na magpaalam kay Ning. 

 

 

 

"Boss Gi, char lang! Labyu idol!" mabilis na akbay ni Yeji kay Giselle na siniko lang sya sa tagiliran. 

 

 

 

"See you mahal, don't worry, hindi itutuloy ni Gigi yon, makikita mo pa din si Rex mamayang gabi." pilyang bulong ni Karina sa akin sabay kindat bago natatawang tumalikod at humabol kina Giselle at Yeji. 

 

 

 

"Apaka-harot talaga ng itlog na to." naiiling na sabi ko na lang sa sarili. 

 

 

 

_____

 

 

"Mang Tony, salamat po pala sa mais, first time po namin makakita nito at makakain, masarap po pala." pasalamat ni Yeji sa may ari ng maisan na kumpare ng lolo nila Ryujin. 

 

 

 

Nakakuha na sila ng kalahating sako ng puting mais, gusto pa nga ng matanda e isang sako na ang kunin nila, pinigilan lang nila ito dahil nahihiya na sila. Bibili lang kasi dapat sila, pero noong nalaman na para ito sa apo ng lolo Vicente nila ay tinulungan pa sila nito manguha kanina at libre na daw.

 

 

 

Tuwang-tuwa ang matanda ng malaman na buntis si Ryujin, lalo na't wala daw sa itsura nito ang mag-aasawa agad. Lagi kasi itong kasama ng lolo nito sa bukid, kung minsan ay nakikita daw ng matanda na nakiki-pagbalyahan sa basketball court kalaro ang mga kabataang lalaki doon. 

 

 

 

"Ikaw ba iha ang aasawahin ni Ryujin?" tanong ni Mang Tony habang tinatanggal nito ang sunog na dayami na sinilaban nito kanina, doon kasi nila binato at niluto ang ibang mais na ipinatikim sa kanila ng matanda.

 

 

 

Manghang-mangha lang silang magka-kaibigan, lalo na't laking Maynila, bago sa paningin nila ang mga ganitong pamamaraan sa probinsya. Kahit na ilang beses ng makita ni Karina ang ganito ay natutuwa pa din sya. Nasubukan nya na ito dati sa kamoteng gapang na niluto nila ni Ryujin pagkatapos nila mag-saka noon. Simula noon, ganitong way na ng luto sa kamote ang nagustuhan nya, naamoy nya kasi yung dayami na kumapit ang amoy sa kamote. Pakiramdam nya mas malinamnam kapag ganitong luto kesa sa nilaga. 

 

 

 

"Opo." sagot naman ni Yeji.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂