Chapter T-53

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

"Aaahhhh wwaaahhh naynaayy aahh!" 

 

 

 

"Anak sandali, dede na lang sa nanay kung nagugutom ka na, kawawa naman si Kuku oh, lalabhan muna natin sya." 

 

 

 

"Oaahhh aafffbbb! nyayaaa naynay!" 

 

 

 

Napa-kamot na lang ako ng kilay ko habang pinapanuod ko si Khio na mag-pagulong-gulong sa kama namin dahil nag-uumiyak ito. Kinuha kasi muna namin si Kuku kaya sya nagkakaganito, paano ba naman, basang-basa na ng laway nya yung laruan nyang dinosaur mula ulo hanggang buntot, kaya pinakuha ko na muna kay Karina para malabhan ko mamaya.

 

 

 

Kada dalawang araw ang paglalaba ko kay Kuku lalo na't ngayon ay nahihilig si Khio na mag-ngat-ngat ng mga laruan nya. Yung mga malalambot lang na laruan nya muna ang pinapalaruan ko sa kanya. Yung mga dinosaurs na umiilaw itinabi ko na ulit dahil delikado sa gilagid nya baka masugatan. 

 

 

 

"Shhh love, come on stop crying na, mamaya matutuyo na si Kuku tapos play na ulit kayo." malambing na alo ni Karina kay Khio na nagpa-pagulong-gulong pa din sa kama namin at umiiyak.

 

 

 

Grabe, parang syang bola.

 

 

 

Maya-maya pa ay nagka-tinginan na lang kami mag-asawa ng umiiyak na tinalikuran lang sya ni Khio. 

 

 

 

"Ammhh uwaahhh oaaah.." humihikbi-hikbing ungot nito habang nakatalikod sya sa amin ng mommy nya. Gumapang pa sya palayo at yumakap sa mini hotdog nya na unan na kasing liit lang din nya. 

 

 

 

"Mana sayo nanay." malokong nginitian ako ni Karina ng makita namin sa unang pagkakataon kung paano mag-tampo ang mochi namin. 

 

 

 

"Sira!" inirapan ko lang sya sabay hampas ko ng mahina sa hita nya, natawa lang sya. Pagkatapos ay inabot nya ulit si Khio pero lalo lang lumalakas ang iyak nito kapag hinahawakan sya. Natatawa tuloy ako na naaawa sa anak namin, marunong na mag-tampo ang bochog na ito.

 

 

 

"Why do I feel like I'm making suyo to my girlfriend?" biro ni Karina.

 

 

 

Totoo, kitang-kita ko ang sarili ko kay Khio ngayon, ganitong-ganito ako lalo na minsan kapag gusto ko magpa-lambing kay Karina. 

 

 

 

Nag-totoyo din ako. 

 

 

 

Sinubukan nya pa ulit na hawakan sa likod si Khio pero natawa na lang kami pareho ng gumapang ulit palayo si Khio sa amin hila yung unan nya, natuptop ko na lang ang bibig ko para pigilan ang tawa ko kasi ang cute nya gumapang, hindi pa nya nagagamit ang tuhod nya kaya para syang malusog na uod habang hila-hila nya yung unan nya.

 

 

 

Paminsan-minsan din syang hihinto tapos i-susubsob nya ang mukha nya sa kutson para umiyak sandali, pagkatapos ay tutuloy ulit sya sa pag-gapang palayo sa amin ng mommy nya. 

 

 

 

"She's so cute!" mahinang bulong ni Karina sa tabi ko, tawang-tawa sya sa kalokohan ng anak namin eh. 

 

 

 

Nang makarating si Khio sa tabi ng pader ay nakatalikod pa din sya sa amin, kung may pagitan lang siguro ang pader at kama namin malamang nalaglag na sya. Aba naman, tampong-tampo ang mochi na to, naririnig pa namin ng mommy nya ang ungot nya, may bulong pa na "nyanya, naynay at mimi" habang nakaharap sa pader. Siguro kung nakakapag-salita lang sya, nagre-reklamo na sya sa amin ng mommy nya kung bakit kinuha namin si Kuku the dinosaur sa kanya. Kulang na lang yumakap na sya sa pader sa sobrang pagtatampo. 

 

 

 

Jusmiyo, yung mga minana sa akin ni Khio yung tipong ikakasakit ko din ng ulo sa future. Lalo na itong pagiging toyoin, kaloka.          

"Baby ko, sorry na si Nanay at Mommy, halika na anak, ida-dryer natin si Kuku para mabilis matuyo." nilapitan ko na sya at malambing na kinausap, alam ko na hindi pa nya ako naiintindihan, pero kapag kinakausap ko sya ng ganito lalo na kapag umiiyak sya, nakikita ko na kumakalma naman sya. 

 

 

 

"Ahmm naynay...." mahinang ungot nya, inihilig nya ang mukha nya para tingnan ako dahil nakadapa sya, at ganun na lang ang awa ko ng makita ko ang malalaking luha nya na pumatak sa cover ng kama namin, tapos hikbing-hikbi sya. Pulang-pula yung ilong, kilay, pisngi at labi nya kakaiyak. Na-guilty tuloy ako na natawa pa ako kanina sa kanya. 

 

 

 

"Aww baby, I'm sorry my love, come here anak.." 

 

 

 

Siguro ay naawa din si Karina kaya sya na ang kumuha kay Khio na agad din naman sumama sa mommy nya.

 

 

 

"M-mimi..." sinisinok-sinok pa na tawag ni Khio kay Karina ng buhatin sya ng mommy nya at yakapin.

 

 

 

Mabilis ako na lumapit sa kanilang dalawa pala lambingin ang mochi namin, kinuha ko na din ang bimpo nya sa tabi ko para punasan ang pawis nya at baka matuyaan. Basang-basa na kasi ang ulo nya lalo na ang makapal nyang buhok na akala mo bagong ligo. 

 

 

 

"Sorry baby, sorry na si Nanay and Mommy..." bulong ko sa kanya habang pinupusan ko ang ulo nya at tinatapik-tapik naman ni Karina ang likod nya. Nakasuk-sok ang mukha ni Khio sa leeg ng mommy nya at pa-minsan-minsan pa din ang pag ungot nya. 

 

 

 

Kawawa naman, dapat pala tinanong ko si Yeji kung saan nya binili yung t-rex ni Khio para bibili na lang kami ng kapalitan ni Kuku. Hindi kasi talaga sya nakakatulog kapag wala yung pet nya na yon. Kunin mo na lahat ng laruan nya, wag lang si Kuku at talaga naman nagiging dinosaur na din sya. Muntik pa nga kagatin ang tita Yeji nya noong biruin nito na kukunin si Kuku. 

 

 

 

"Halika na anak, dede na sa nanay..." 

 

 

 

"nay..." 

 

 

 

"Opo, sorry na si nanay, baby ko." humihikbi pa din sya ng ibigay sya sa akin ni Karina. 

 

 

 

Kawawa naman ang mochi ko na to..          

Hinalikan ko si Khio sa pisngi at tsaka ko sya niyakap, naawa kasi talaga ako. Lumapit din si Karina sa amin para bigyan din ng halik si Khio sa likod ng ulo nito, bumulong pa ito ng sorry at I love you sa anak namin bago sya tumayo para ayusin ang electric fan at itapat sa amin mag-ina. Basa na kasi ng pawis ang likod ni Khio kaya sinapinan ko ng bimpo. Summer pa naman ngayon at maalinsangan kaya binabantayan ko talaga si Khio dahil sobrang pawisin nya. 

       

Nitong mga nakalipas na araw madalas na bugnutin si Khio, napapansin namin ang pagiging iyakin nya hinidi katulad dati. Ngayon, konting matagalan lang kami ng pag-bigay ng gusto nya nahihirapan na talaga kami na patahanin sya. Lalo sa gabi dahil nagba-bago na naman ang oras ng tulog nya. Kaya ilang araw na rin kaming puyat ni Karina. Isang beses pa nga ay hindi ko na pinaluwas si Karina dahil ala-singko na natulog si Khio at ang asawa ko ang nag-bantay dahil hindi ko na kinaya ang puyat at pagod, maghapon ba naman nag-umiyak ang mochi namin.

     

 

Maya-maya pa ng medyo kumalma na si Khio ay ini-angat ko na ang damit ko para padedehin sya, napangiti na lang ako ng maupo sya paharap sa kandungan ko at tsaka sya nag-simulang dumede. Ang dami na din talagang alam ni Khio, ganito na sya dumede ngayon sa akin, ayaw na nya ng nakahiga sya, umu-upo sya sa kandungan ko at dedede habang naka-upo.

 

 

 

Minsan pa sa madaling araw nagigising na lang ako na nag-iihit na ng ubo si Karina, yun pala ay nasakal na sya ng binti ni Khio dahil ang bochog namin dumedede sa akin habang naka-patong ang mga binti nya sa leeg ng mommy nya. Kaya ang ginagawa ko ay hindi ko sya iginigitna sa amin ng mommy nya. 

         

"Anak tahan na, ida-dryer mamaya ni Nanay si Kuku para matuyo agad okay? Sor-Ah! A-aray ko! Khio anak, masakit wag mo kagatin si nanay..." daing ko ng biglang mang-gigil si Khio at kagatin ang dibdib ko.

 

 

 

Bumitaw naman sya agad at umiyak ulit dahil napa-lakas ang sigaw ko, pati si Karina na magba-banyo sana ay biglang napatakbo pabalik sa amin mag-ina ng sumigaw ako.

 

 

 

"Mahal what happened?!" nag-aalalang tanong ni Karina, mabilis nyang kinuha muna si Khio sa kandungan ko nang makita nya ang dahilan ng pag sigaw ko. 

 

 

 

"Omg mahal..." naawang nasabi na lang ni Karina, habang maluha-luha ko pinunasan ang paligid ng dibdib ko para mawala ang sakit. 

 

 

 

Namula yung palibot ng utong ko na kinagat ni Khio. Wala pa naman ngipin si Khio pero madalas na talaga syang mangagat ngayon, napapa-sigaw at napapa-iyak talaga ako kapag ginagawa nya ito. Pero wala akong magawa, parte to ng pagiging nanay ko, lalo na at feed si Khio, iniisip ko na lang na hindi lang naman ako ang nanay na nakakaranas ng makagat sa dibdib.

 

 

 

Pero masakit talaga, minsan tuloy natatakot ako na baka matanggal na yung utong ko kakakagat ni Khio. Jusme..

 

 

 

"Anak, please don't bite nanay po, dede ka lang.." mahinahong alo ni Karina kay Khio na lumiliyad na naman at iyak ng iyak kaya tuluyan na nyang kinuha ito sa akin dahil ayaw na dumede ni Khio.

 

 

 

Kukunin ko na sana sya ulit ng may mapansin ako sa bibig ni Khio ng ngumanga sya. 

 

 

 

"Mahal? Pakilapit naman si Khio sa akin, may pula sa gilagid nya, baka may na-isubo sya." agad kong tawag kay Karina na sinilip din agad ang bibig ni Khio. 

 

 

 

"No, wala syang nasubo mahal, yung gums nya sa taas namumula." nag-aalalang sabi nya. 

 

 

 

Tila nakalimutan ko ang sakit ng pag-kagat ni Khio sa akin sa sinabi ni Karina, agad ko  kinuha si Khio sa kanya at inihiga para tingnan ang gilagid nya.

 

 

 

Namumula nga ito, nag-alala na ako dahil lalong umiyak si Khio ng mahawakan ko ang gilagid nya. Na-iihit na sya kakaiyak at bigla na din syang inubo, kaya binuhat ko na sya ulit at tinapik-tapik ang likod. 

 

 

 

"Sshhh sorry baby, hindi nakita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂