Baby Khio's Special Chapter 🦖👶

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

"ah-aray! anak! Wag ka sabi ma-ngangagat bad yon eh, Khio ikaw ha, nahihilig ka na naman mangagat--ayan oh, may wawa na si nanay.." saway ko sa bochog namin sabay turo sa kamay ko na kinagat nya. 

 

 

 

"wawa.." mahinang ulit ni Khio.

 

 

 

Pag-angat nya ng tingin sa akin ay nakita ko na humihikbi na sya at nangingilid na din ang luha sa mga mata nya, kaya pinigilan ko ang sarili ko na wag madala sa ka-cute-an ng mochi na to. At baka masanay na okay lang mangagat kapag pinalampas ko. 

 

 

 

"Oo wawa kasi kinagat mo oh, red na.." turo ko ulit sa kamay ko na halos matuklap na ang balat. 

 

 

 

"naaaay wawaaaa!" at umiyak na ngang tuluyan. Akala mo naman sya yung nasaktan kung maka-iyak ang bochog na to. Yung mga luha nya talaga ang lalaki ng patak. 

 

 

 

"Ikaw na nga na-ngagat dyan, ikaw pa talaga ang may gana umiyak, oh sya tahan na, di na galit ang nanay." alo ko sa mochi namin. 

 

 

 

Bini-bihisan ko sya ngayon dahil nga pawis-pawisan na kakalakad sa labas, at tyempong nahubaran ko na ng damit nya ay nahagip naman ang kamay ko na kinagat nya. 

 

 

 

Nabigla ako, napa-lakas pa nga ang boses ko pag-saway sa kanya kaya sya umiyak. Ang sakit naman kasi, para akong kinagat ng kuting, pinong-pino kung kumagat itong si Khio. 

 

 

 

"n-nay b-bubuh..naayy.." 

 

 

 

Iyak ni Khio habang hawak ang kamay ko na kinagat nya. Kitang-kita yung bakat ng apat nyang ngipin, jusmeng bata to. Wala naman akong magagawa at bata, pero kahit pa-paano ay nakaka-intindi na si mochi, minsan kapag napapag-sabihan namin sya ay tumitigil naman, eto lang talagang pa-ngangagat ang hindi nya maiwasan.

 

 

 

Nang-gigigil kasi sya kapag ayaw nya ng ginagawa sa kanya. Katulad ngayon, ayaw nya pa umakyat ng bahay para magbihis, gusto lang nya magpa-lakad lakad sa bakuran namin. Eh napaka-init ng panahon ngayon, pawisin pa sya kaya inakyat ko na muna para bihisan. Eto nga't nag-maktol, sobrang gala ni Khio, parang enjoy na enjoy sya dahil ngayon ay nakaka-lakad na sya kahit akay pa lang. 

 

 

 

"Tahan na anak, hindi na galit ang nanay, basta wag ka na mangangagat uIit ha? Para hindi na sad si nanay." 

 

 

 

Napangiti na lang ako ng hindi pa din sya tumahan, parang lalo lang syang naiiyak kapag nakikita nya yung kagat nya sa kamay ko na hindi pa din nya bini-bitawan. Na-awa naman ako at pula na ang mukha, tayung-tayo na din ang pawisan nyang buhok. Tanging diaper na lang ang suot nya at yung medyas na mukhang ulo ng dinosaur.

 

 

 

Grabe, ang bintog ng anak ko, parang nakikita ko tuloy sa kanya yung mga cute na pandas na laging pinapanood ni Karina bago matulog.

 

 

 

"N-nay..b-bubuh..." hikbi nya, sinisinok-sinok pa nga. 

 

 

 

Nagulat naman ako sa ginawa nya pagkatapos, kaya muntik ko na alisin ang kamay ko sa pagkaka-hawak nya, ang akala ko kasi ay kakagatin nya ulit. Pero imbis na kagat, ay iki-kiss nya naman pala iyon, tinapik nya pa pagkatapos nya halikan.

 

 

 

"n-nay.." humihikbi pa din syang nag-angat ng tingin sa akin.

 

 

 

Ang baby ko..

 

 

 

Sa sobrang tuwa ko kay Khio, napayakap ako sa kanya, ang sweet sweet talaga ng Karina Jr. ko na ito. Nagugulat na lang talaga ako sa mga kaya na nyang gawin, katulad nito. Nai-intindihan na nya na nakasakit sya kaya nag-kiss sa kamay ko. Ganon kasi ang ginagawa ni Karina sa kanya kapag nau-untog o nasasaktan sya, i-kikiss ng mommy nya kung saan ang masakit, pag-katapos non, okay na sya. 

 

 

 

o kaya naman kapag napagalitan namin, tinuturuan sya ni Karina na mag-sorry, tapos i-kikiss na namin sya ng mommy nya. 

 

 

 

Yung "bubuh" na word ni Khio, dalawa ang ibig sabihin non, I love you at sorry. Nalaman namin yon noong inuulit-ulit nyang sabihin isang beses na napagalitan sya ng mommy nya, hindi nya pa kasi mabigkas ang letter S, kaya bubuh ang sinasabi nya.

 

 

 

Mabilis maka-tanda itong bochog namin, makulit, pero sobrang sweet nya na bata, malambing din, mini me talaga ni Karina. 

 

 

 

"I love you too baby ko, tahan na, okay na si nanay." lambing ko kay Khio, na isiniksik ang ulo sa dibdib ko. Sinisinok pa din kaya hinagod ko ang likod para pa-kalmahin sya. 

 

 

 

Kawawa naman...

 

 

 

Kinuha ko na din ang bimpo para punasan ang buhok at mukha nya, sobrang pawisin ng ulo ni Khio. Yung buhok pa naman nya para laging na-kuryente ang style, ewan ko ba bakit hindi na ito bumaba, ang lago-lago pa naman. 

 

 

 

"d-didi.." narinig ko na sabi ni Khio ng maramdaman ko ang pag-higit nya sa damit ko.

 

 

 

"Opo, dede tapos tulog muna ha? Mamaya na tayo lalabas ulit sa hapon anak, masyadong mainit, pulang-pula na yang pisngi mo."  pinahid ko ang luha nya sa mukha bago ko sya pupugin ng halik sa pisngi nyang pagka-lambot-lambot at mamula-mula pa.

 

 

 

"Ang cute cute ng mochi ni nanay na yan..kiss-hmm bango bango din kahit pawisin, I love you Khio ko~" 

 

 

 

Ilang minuto ko muna nilambing ang mochi namin dahil inaatake na din ako ng gigil, gusto ko talaga syang laging yakapin at halikan. Ang bango-bango din kasi talaga ng baby nato.

 

 

 

Hay..natutuwa ako na lumalaki na sya pero may parte sa puso ko na ayoko pa, ma-mimiss ko yung ganito na na-kikiss at nayayakap ko sya kapag gusto ko. Yung tuwang-tuwa pa sya kapag pinang-gigigilan namin sya ng mommy nya. 

 

 

 

Sana lang ay paglaki ni Khio, sweet pa din sya sa amin ng mommy nya. 

 

 

 

Humabol pa ako ng isa pang kiss sa pisngi nya bago ko sya binihisan, sinuotan ko na lang muna ng sando dahil mainit, sa gabi ko na lang lalagyan ng pang baba. Tanghali naman kaya ayos lang na sando at diaper na lang muna ang suot nya. 

 

 

 

"Mimi.." tawag nya kay Karina ng mabihisan ko na, lumingon pa sya at ini-ikot ang tingin sa loob ng kwarto namin na tila hinahanap ang mommy nya. 

 

 

 

"Nasa tuhog-tuhog anak, mamaya aakyat si mimi." 

 

 

 

Inihiga ko na sya agad sa kama tsaka ko sya tinabihan para pa-dedehin dahil iiyak na naman ito kapag naalala nya na wala ang mommy nya. 

 

 

 

Nasanay na talaga si Khio na si Karina ang nagpapa-tulog sa kanya sa tanghali, ako na lang kasi ang madalas tumao sa tuhog-tuhog namin ngayon, dahil kabuwanan na ni Ryujin at ayaw na namin sya pakilusin masyado.

 

 

 

Ngayon nga ay si Karina ang nag-volunteered para daw makapag-pahinga muna ako. Kaya ang mochi namin, na-miss agad ang mommy nya. 

 

 

 

At eto nga, pinapa-dede na't lahat ang dami pa nyang seremonyas bago matulog. Andyan yung sundutin ang ilong, bibig, pati na din ang mata ko inaabot nya. Hinawakan ko ang kamay nya para tumigil, ang kaso, inilusot naman nya sa t-shirt ko at ang kabilang dibdib ko naman ang pinuntirya. 

 

 

 

Jusme Khione Yu, manang-mana ka sa mommy mo.          

"Nay didi.." yumuko ako para tingnan sya at ang malokong bata nakangiti pa habang pisil-pisil ang kabilang dibdib ko at nadede naman sa kabila. 

 

 

 

"Hay nako, anak ka talaga ni Karina Yu...matulog na po, tama na ang laro Khione Yu." saway ko pero hinayaan ko na lang, hindi din naman sya makakatulog kapag pinigilan ko dahil gawain nya talaga ito habang na-dede sa akin. 

 

 

 

"didi..." 

 

 

 

Aba't-

 

 

 

"Aray ko! Khio tulog na, na-dede ka na nga nangu-ngurot ka pa." kunwari ay seryoso kong saway ng maramdaman ko ang pagkurot nya.

 

 

 

Nang-gigigil na naman, jusme talaga..

 

 

 

Kaloka itong si Khio, maka-pindot akala mo stress ball ang hawak. 

 

 

 

Maya-maya lang ay naka-tulog na din ang mochi namin, hindi nga lang ako maka-alis dahil sa tuwing gagalaw ako ay natuloy sya sa pag-dede. Kaya napagpasyahan ko na sundin na lang si Karina, matutulog muna kami mag-nanay. 

 

 

 

"I love you Khio, tulog muna tayo anak, mamaya na ulit tayo maghabulan." bulong ko kay Khio bago ko sya halikan sa ulo. 

 

 

 

Magpapahinga muna ako, dahil pag-gising ng bochog na ito ay may energy na naman sya para magtatakbo sa labas. 

 

 

 

______

 

 

 

"Khio pahinga na muna tayo pagod na ako, mamaya na ulit." 

 

 

 

"Nono titi..." 

 

 

 

"Anong no? Jimin! Winter! Ang kulit ng anak nyo!" 

 

 

 

Natatawa na lang na pinanuod ng mag-asawang Karina at Winter si Yeji, dahil hinahabol na nito ang anak nila na na-ngangabay sa mga puno, papunta sa kural kung saan gusto lagi nito tumambay dahil sa mga alaga nilang baboy.

 

 

 

Na-isipan ng pamilya nila na mag-boodle fight sa kubo dahil linggo, at kumpleto sila sa bahay. Sakto naman at si Yeji ang unang natapos kumain kaya ito ang nag-alaga muna kay Khio habang nakain pa ang magulang nito. 

 

 

 

"Giselle! Bilisan mo kumain dyan ikaw naman dito pagod na ako!" reklamo ni Yeji habang buhat-buhat sa balikat nya si Khio na akala mo sako ng bigas, nagpu-pumadyak pa ito habang hawak ang buhok ng tita nya. 

 

 

 

Ayaw nito umalis sa kural kaya binuhat na ng tita Yeji nya, nagpupumilit kasi nitong nilulusot ang katawan sa pagitan ng gate na harang sa kural. Kaya ng pigilan ito ng tita nya ay nagpumiglas na, hirap na hirap naman si Yeji dahil hita pa lang ni Khio ay talaga naman maluluha ka na lang kapag natamaan ka. 

 

 

 

"Mag-praktis ka na Yeji, para kapag ganyang edad na ang anak nyo sanay ka na." natatawang sabi ni Winter na napa-iling na lang ng makita nyang na-abot ni Khio ang ilong ng tita nya na hina-habol pa ng kagat nito. 

 

 

 

"A-aahhh Khio-ouch! H-hindi naman kasi ata bata tong si Khio, dinosaur ata to-aray!--oo na, babalik na tayo sa mga peppa pigs mo wag ka na mangagat." 

 

 

 

Natawa na lang sila ng mabilis na lumiko si Yeji pabalik sa kural habang karga si Khio na nakahawak pa din sa ilong nito.

 

 

 

"Sana ayos lang si Yeji." na-ngingiting sabi ni Ning. 

 

 

 

"Tirahan nyo ng ulam si Yeji, pagbalik non dito gutom ulit yon kakahabol kay Khio." biro naman ni Ryujin na puno ang bibig kakain ng pakwan. 

 

 

 

"I'll go with them babe." paalam ni Giselle kay Ning bago ito tumayo at pumunta sa kural kung saan nandoon ang mag-tita. 

 

 

 

"Khio no! Pagkain ng baboy yan baby." na-abutan na lang ni Giselle na natataranta ng pinipigilan ni Yeji si Khio na may hawak ng kaning baboy sa isang kamay nito, nahablot lang naman nito ang imbakan ng pagkain sa baboy sa tabi ng kural.

 

 

 

"nyamnyam!" sigaw ni Khio habang pilit na hini-higit ang kamay na may kaning baboy habang hawak ni Yeji.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
aegiminjeong
0 points #1
Chapter 82: hala!!! nabayi ang tanga!! HAHAHQHHAHhA
sepvenanje 0 points #2
Chapter 82: baby mochiiii
sepvenanje #3
Chapter 82: miss ko na ang baby mochi

feeling ko next update manganganak na si Wintot
asdfghjklmaeee
135 streak #4
Chapter 82: My sweet and adorable khio na singerist na nang Yu fam HAHAHAHA. Hindi ko rin alam kung maawa ba ako o matatawa nung nagtanong siya kung mahal ba siya ni naynay HAHAHAHA at least mochi alam mo ang priority mo papay is life pa rin 😂
Karinaenjoyerrr #5
Chapter 82: Singerist si Mochiiii namana nya sa naynay Winter nya 😩😩😩
crimson_snow #6
Chapter 82: Nag-lag ako slight sa "tan itidyo" hahahahaha I feel like I'm having a quiz pag si Khio nagsasalita super cute na bulol 🥹😭
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 82: Ang sweet sweet naman ng mochi na yan.

Sanga naman pala kasi 😅.haha. More concerts to go mochi. Future singer naman pala ang gusto.

Magiging SONE pa nga ang mochi namin.
stillintoyu
190 streak #8
Chapter 82: cutie so much huhu 😭💙
tipsylesbi #9
Chapter 82: natatayota ta khio hahahahaha
bigaomyeon #10
Chapter 82: 🤣🤣🤣

Dapat katas ng ampalaya na lang nilagay nila para ma off na talaga si khio sa kaka didi niya. Char! Pero di tayo sure, baka bet naman pala ni mochi ng ampalaya haha

Tama yan mimi. Ipanood ko ng ipanood ng soshi para sa susunod mag “SAN ISIDWO, PURRITBAKOWNNNN!” si mochi tapos memorize na lahat ng steps!

Ang laugh trip ng update today! Thank you po! Sana madala ko sa pagtulog yung good vibes 😂