Lalabs
Description
Kung saan hikab na lang ang pahinga ni Jimin sa dami ng raket nya sa araw araw, pero wag ka, may time parin sya para sa lalabs nya na si Winter, yung magandang siga na bunsong anak ng may ari ng talyer sa tapat ng bahay nila, na may limang kapatid na lalaki na puro maton.
"Alam mo lalabs, baka kaya lagi ka nababasted ng nililigawan mo eh dahil hindi talaga para sayo ang maging manliligaw, bakit hindi mo i-try magpaligaw? umpisahan mo sa akin." itinaas baba pa ni Jimin ang kilay nya at ngumiti kay Winter na naka-upo sa monobloc na upuan sa harap ng talyer nila. Na-basted na naman kasi ito ng pang sampung nililigawan nya, kaya badtrip na naman.
Tiningnan lang sya nito ng masama.
"Wag ngayon Jimin, baka ipukpok ko sayo tong screw driver sa tabi ko." banta nito sa kanya, kaya tumango na lang si Jimin, alam nya kasi na gagawin talaga ito ni Winter. Nabato na kasi sya nito ng lumang gulong noong nakaraang araw.
"Sige try ko ulit bukas." sumakay na ulit si Jimin sa bike nya at akmang aalis na ng may makalimutan sya, kaya bumalik ulit sya sa tapat ni Winter na bumusangot na naman pagkakita sa kanya.
"Nalimutan ko yung pandesal mo." bumaba sya ng bike nya at binuksan ang styro sa likod ng bike na pinaglalagyan ng itinitinda nyang pandesal. Kinuha nya ang isang supot ng pandesal at iniabot ito kay Winter.
"Tama na yang pag busangot mo dyan, wag ka mag alala, kapag nagkagusto ka na sa akin sabihin mo lang. Promise, tulog ka na at lahat nakangiti ka pa din. Eto na yung pandesal mo, tusdado yan, ako pumili nyan lalabs."
"Suhol na naman ba to?" nakakunot ang noo ni Winter ng buksan nya ang supot at tumambad sa kanya ang amoy ng bagong lutong pandesal.
"Huy grabe ka! hindi ah, para sayo talaga yan, pero...ano.. pabantay muna ulit ako sa kambal kung pwede, maraming tao ngayon sa canteen eh, baka hapon na ako makauwi tapos dadaretso ako dito pag uwi ko, may inuutos pa tatay mo sa akin na gagawin ko na motor."
"Natutulog ka pa ba? tapos may time ka pa talaga na humarot harot dito."
"Syempre para sayo lalabs, gagawa ako ng time." kumindat pa ito at sumakay na ulit sa bike nya.
"Ewan ko sayo, mag-deliver ka na nga! Pupuntahan ko mamaya ang kambal, dadalhin ko dito sa bahay."
"Salamat lalabs, dalhan kita banana que mamaya pag hatid ko ng pagkain ng kambal, Bye! Labyu! Muah!" nag-flying kiss pa ito sa kanya, bago umalis.
"Kadiri! hindi tayo talo!" sigaw nya sa palalayong si Jimin na tumatawa lang.
"Kainis! Buti na lang masarap pandesal nya, hmph!" pumasok na sya sa bahay nila para maghanda ng aalmusalin ng tatay nya at mga kuya nya. Pupuntahan pa kasi nya ang mga kapatid ni Jimin para bantayan habang na-raket ito.
Foreword
Isang walang kalatoy latoy na istorya na naman. 😅
Kapag tapos ko na ang tuhog tuhog tsaka ko uumpisahan to at baka mabaliw na ako kapag pinagsabay ko.
ngayon pa lang pasensya na sa spellings, at grammars kahit tagalog to lol
See yah 🍂
Comments