Chapter L-8

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Jimin uwi-uwi din pag may time, dalawa lang kapatid mo hindi sampu." 

 

 

"Eto na nga po uuwi na." 

 

 

Ibinalik na ni Jimin sa loob ng garahe ni Mang Kaloy, ang basket at styrofoam box na pinag-lagyan nya kanina ng mga paninda nyang balot at penoy pati na din ng chicharon at nilagang mani. 

 

 

Ala-una na ng madaling araw naka-ubos si Jimin ng kanyang mga paninda, malakas kanina sa plaza ang benta dahil may liga kaya naubos agad ang balot at penoy na tinda nya. Yung mani at chicharon naman ay inilako na lang nya dahil hindi talaga sya napayag na may matitirang paninda. Hangga't maari, pini-pilit nyang ipa-ubos ito, dahil sayang ang kikitain nya. 

 

 

Sakto naman at may nadaanan syang nag-iinom at kakilala nya ang isa doon kaya inuto na lang nya para ipa-pakyaw ang mga natirang chicharon at mani. Ayon nga lang, kinailangan nya pa tumagay para lang bilhin ng mga ito ang paninda nya.

 

 

"Uwi na ho ako Mang Kaloy, salamat po." paalam nya kay Mang Kaloy na kumaway din sa kanya.

 

 

"Ingat ka Jimin, akayin mo na lang kaya yang bike mo. Parang may tama ka na iha." ani Mang Kaloy ng makita nito na medyo gumewang si Jimin pag-sakay nito sa bike. 

 

 

"Ayos pa po mang Kaloy, kaya pa." sagot naman ni Jimin.

 

 

Pero ang totoo ay medyo may tama na talaga sya, naka-limang shots din kasi sya ng gin bilog kaya eto nga't nag-halo na ang pagod at kalasingan sa katawan nya. Pero sigurado naman sya na kaya nya maka-uwi dahil hindi naman eto yung first time na pinatagay sya para lang bilhin ang paninda nya. 

 

 

Marami pa naman tao ang dumadaan ngayon sa baranggay nila, karamihan ay mga galing sa trabaho. Malapit lang din naman ang bahay ni Mang Kaloy kaya sampung minuto lang din itong bina-bike ni Jimin. 

 

 

Napa-hinga ng malalim si Jimin ng tumigil sya sakay ng kanyang bike sa tapat ng bahay nila, binuksan na din nya ang gate na gawa sa lumang bakal at yero. Hindi maiwasan ni Jimin ang mangiti ng matanaw nya ang bukas na ilaw sa sala ng bahay nila. Kaya nagmamadali syang pumasok, kahit pa nga muntik na syang matipalok sa naka-usling graba sa bakuran nila. 

 

 

Bubuksan na sana nya ang pintuan ng bigla itong bumukas at ang naka-kunot noong mukha ni Winter ang bumungad sa kanya. 

 

 

"Jimin, alas dos na, grabe ka naman sa katawan mo, halika na dito at matulog ka na." mahinahong sermon ni Winter kay Jimin. 

 

 

Na-isipan ni Winter na dito na lang sa bahay ng magkakapatid sya matulog dahil nga alam nyang kapag may liga ay madaling araw na kung umuwi si Jimin. Ayaw na din nyang sunduin nito ang kambal sa bahay nila dahil naawa sya sa mga ito, napuputol ang tulog ng dalawa.

 

 

"Salamat sa pagbabantay sa kambal lalabs, halika, may dala akong siopao, bagong luto to." 

 

 

Napa-buga na lang ng hangin sa bibig nya si Winter ng hawakan sya sa kamay ni Jimin at yayain maupo sa sofa. May dala nga itong apat na pirasong siopao na halatang bagong luto pa dahil pagbukas nito ng plastic ay umuusok pa ito. 

 

 

"Kain lalabs." naka-ngiting yaya ni Jimin sa kanya. 

 

 

Napa-iling na lang si Winter ng makita nyang pagod na sumandal si Jimin sa sandalan ng sofa. Nakaramdam sya ng awa dito, naka-tatlong raket kasi ito ngayong araw. Sa umaga ay nag-tinda ito ng pandesal, tanghali naman ay nasa talyer, at eto nga't kagagaling lang sa pagtitinda ng balot at penoy.

 

 

Buti na lang din at hindi pa sumabay ang canteen at palengke na raket nito. Dahil baka guma-gapang na talaga si Jimin pauwi ng bahay sa sobrang pagod. 

 

 

"Matulog ka na, amoy alak ka Jimin, napa-tagay ka na naman no?" kunot noong tanong ni Winter ng ma-amoy nya ito.

 

 

Narinig nya ang mahinang tawa ni Jimin bago ito tumango. 

 

 

"Konti lang lalabs, para maubos yung paninda ko. Sulit naman, pinakyaw nila." 

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Winter, hanga talaga sya sa kasipagan ni Jimin, pati na din ang pagmamahal nito sa kambal. Kahit bugbog na ang katawan sa sobrang pagod kaka-trabaho ay ginagawa nito ang lahat, para lang mabigyan ng maayos na buhay ang mga kapatid nito. 

 

 

"Dito ka lang, ipag-titimpla kita ng kape para mahulasan ka." tinapik nya ito sa balikat at hindi din naiwasan ni Winter ang mangiti ng mapungay ang mga mata na ngumiti sa kanya si Jimin.

 

 

"Salamat lalabs, pakasal na tayo?" napa-tigil sya sa pag-tayo ng marinig ang tanong ni Jimin, alam nyang lasing ito kaya kung ano ano na ang sinasabi.

 

 

Natawa na lang si Winter bago nya pinisil ang mamula-mula ng pisngi ni Jimin.

 

 

"Sira, hindi mo pa nga ako sinasagot kasal agad?" 

 

 

"Sinasagot na kita, tayo na lalabs." 

 

 

"Heh, lasing ka, mamaya pag-gising mo hindi mo pa alam yang sinasabi mo." 

 

 

Hindi naman sa ayaw ni Winter na sagutin sya ni Jimin, ang totoo ay huma-hanap na lang sya nga tiyempo at tatanungin na nya ulit ito. Alam nyang mahal nya si Jimin at hindi na sya maka-paghintay na maging girlfriend ito, tiyempo na lang talaga. 

 

 

Pero hindi sa ganitong pagkakataon, gusto nya ay yung hulas ito at hindi dahil lasing lang kaya sya sinagot. 

 

 

Nakita nyang umungot at napa-nguso si Jimin kaya marahan nyang tinapik ang pisngi nito. 

 

 

"Hindi naman ako lasing, tipsy lang." pag-dadahilan pa ni Jimin. 

 

 

"Lasing man o tipsy pa yan, pareho lang yon, bawal mo ako sagutin ng may espirito ka ng alak sa katawan Iglot." sabi pa nya sabay pabirong umirap dito.

 

 

"Bukas pwede na?" pagpu-pumilit pa din ni Jimin. 

 

 

"Bahala ka..." 

 

 

"Sige bukas lalabs." 

 

 

Natatawa na lang si Winter, kumukulit na kasi si Jimin, tanda na may tama talaga ito. Pero may parte sa puso nya na masaya, dahil kilala nya si Jimin, nagiging sobrang honest nito kapag nakaka-inom. Kaya naisip nya na, siguro, totoong gusto na syang sagutin nito. 

 

 

"Hay nako, sandali nga, dyan ka lang ha? Timpla ako ng kape mo." paalam nya, i-pagtitimpla na muna nya ng kape at baka sakaling kahit pa-paano ay mabawasan ang hang-over nito bukas. 

 

 

"Thank you ulit lalabs..." 

 

 

"Welcome." 

 

 

Ngunit hindi pa man nakaka-layo si Winter ay narinig nya na nagsalita ulit si Jimin, mahina lang iyon, pero rinig na rinig nya ang malinaw na salitang dalawang beses pa na inulit nito. 

 

 

"Mahal kita...mahal kita Winter..." 

 

 

Pakiramdam ni Winter ay parang tatalon ang puso nya nang marinig nya iyon mula sa bibig mismo ni Jimin. Nakaramdam sya ng sobrang saya, na parang mai-iyak na sya. At ganoon nga ang nangyari, nanginit ang paligid ng kanyang mga mata, at tila ba may bumara sa lalamunan nya. 

 

 

Hindi na sya nag-isip pagkatapos noon, agad nyang hinarap si Jimin na maayos ng naka-upo sa sofa at nakangiting nakatingin sa kanya. Tila biglang nawala ang tama ng alak dito.

 

 

Hindi naka-pagsalita si Winter ng tumayo si Jimin at huminto ito sa mismong tapat nya, napa-tingala na lang sya sa dalaga, pagkatapos ay dahan-dahan sya nitong yakapin. Ang kaliwang kamay nito ay humawak sa likod ng bewang nya at marahan sya nitong hinapit para maglapit ang mga katawan nila. Ang kaliwa naman ay sa likod ng kanyang ulo, at marahang minasahe ng mga daliri ni Jimin ang anit nya. 

 

 

Tila nawalan ng lakas ang katawan ni Winter sa mga oras na iyon, hinayaan na lang nya si Jimin sa gina-gawa nito sa kanya, ang tanging nagawa na lang nya ay i-hilig ang ulo nya sa dibdib nito. At kabaligtaran sa mahinahong kilos ni Jimin ay sya naman bilis ng tibok ng puso nito, dinig na dinig iyon ni Winter, pakiramdam nya ay nagsa-sabay na ang tibok ng puso nilang dalawa ng mga sandaling iyon.

 

 

"Lalabs?" 

 

 

Napa-hinga ng malalim si Winter ng marinig nya ang mahinang pag-tawag ni Jimin sa pangalan nya. 

 

 

"Hmmm?" sagot nya.

 

 

"Okay lang ba na, ganito muna tayo?" tanong ni Jimin na ikinangiti nya.

 

 

"Magka-yakap?" 

 

 

"Oo sana..." 

 

 

"Kahit higpitan mo pa." sya na ang nag-kusa at ibinaon na ang mukha nya sa pagitan ng balikat at leeg ni Jimin. Pagkatapos ay isinik-sik nya pa ang sarili sa pagkaka-yakap nito sa kanya.

 

 

Narinig nya ang mahinang tawa ni Jimin, para iyong naging musika sa pandinig nya, gustong-gusto nya ang boses nito. Malalim iyon, at may kung ano dito na tila nagpapa-kalma sa kanya kapag naririnig nya iyon.

 

 

Naramdaman ni Winter na mas humigpit pa ang yakap ni Jimin sa kanya, hindi yung higpit na masakit at hindi sya makaka-hinga. Eto yung higpit na parang mararamdaman mo yung assurance at security, yung biglang kumalma ang lahat sa kanya, maging ang paligid nila.

 

 

Napa-pikit si Winter, pakatapos ay iniligay nya ang dalawa nyang kamay sa likod ni Jimin para yumakap din dito. Pakiramdam nya, kahit naka-tayo silang dalawa ay parang makaka-tulog na sya sa ganitong pwesto. Ganoon yung kalma na nararamdaman nya ngayon, parang safe na safe sya sa pagkaka-yakap ni Jimin sa kanya.

 

 

"Akala ko, hindi ko na magagawa ito, akala ko talaga hanggang pangarap na lang na mayakap kita ng ganito lalabs."

 

 

Maya-maya ay narinig nyang muling nag-salita si Jimin, malapit ang bibig nito sa tenga nya kaya naman tila nag-taasan ang mga balahibo nya sa katawan. Napa-yakap na lang sya dito ng mahigpit dahil parang nanlambot ang tuhod nya. Dagdagan pa na, naramdaman nya ang pag-dampi ng labi nito sa gilid ng ulo nya. Nanatili ito doon ng ilang segundo bago ulit sya kinabig ni Jimin para yakapin pa. 

 

 

"Totoo na ang lahat Jimin, hindi mo na kailangan mangarap. Dahil yayakapin kita ng ganito, hangga't gusto mo." 

 

 

Kahit nanginginig sa halo-halong kilig, saya at kung ano ano pang emosyon ay pinilit ni Winter na mag-salita. Para i-parating kay Jimin na sa wakas, nag-tagpo din ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. 

 

 

"Sobrang saya ko ngayon alam mo ba yon, lalabs? Simula ng mawala sila nanay at tatay, pakiramdam ko, ngayon na lang ulit ako sumaya ng ganito." ani Jimin, huminga pa ito ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

 

 

"Masaya naman ako sa buhay ko kung ano ang meron ako kasi nandito ang kambal, pero iba yung ngayon, eto yung saya na nawawala ang lahat ng alalahanin ko, yung pagod ko, hindi ko alam lalabs, hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko, masaya ako kasi, nandito ka." 

 

 

Hindi lang ipinahalata ni Winter kay Jimin, pero palihim nyang pinunasan ang luha na pumatak sa gilid ng mga mata nya. Hindi sya emosyonal na tao, oo at may ilan syang iniyakan noong mga panahon na naba-basted sya ng mga nililigawan nya.

 

 

Pero lahat ng iyon, dahil sa sama ng loob.

 

 

Ibang-iba kay Jimin, umiiyak sya ngayon dahil sobra yung saya nya, umiiyak sya dahil natatawa sya sa sarili nya, ang tagal-tagal nyang naghanap ng taong mamahalin nya at mag-mamahal sa kanya. Ang hindi nya alam, yung tao na pala na yon, ay yung taong akala nya ay bini-biro lang sya dati. 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
rinagerie
0 points #1
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
0 points #2
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#3
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1160 streak #4
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #6
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#7
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #8
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #9
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂
ryujinie__
693 streak #10
Chapter 12: Kambals, kayanin niyo ang hamon ng bohai HAHHAHAHA bwa 😭