Chapter L-5

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter's Pov

 

 

"Para kang tanga Ryujin, ngini-ngiti mo dyan? Kanina ka pa sa simbahan, kung hindi lang ako magka-kasala sinapak na talaga kita." inis kong banta kay Ryujin. 

 

 

Nakaka-inis, kanina pa sya ngiti ng ngiti sa akin na parang nakaka-loko. Simula nung nag-peace be with you kami sa simbahan para na syang nang-aasar tumingin. Hanggang ngayon na nandito kami sa talyer at naka-tambay habang si Jimin at kuya William ang nag-aasikaso ng mga motor.

 

 

Tapos etong si Ryujin, busy din ako bwisitin, konti na lang talaga makaka-sapok na ako ng kaibigan. 

 

 

Ngumisi lang ulit sya at umakbay pa, itinulak ko papa-layo pero mas malakas talaga ang tukmol na to sa akin, bwiset!

 

 

"Halika kasi! May ibubulong ako sayo!" hila nya ulit sa balikat ko dahilan para ma-akbayan nya ako. Para kaming mga mosang dito sa likod ng glass cabinet na pinagla-lagyan ng mga gamit sa motor. Naka-siksik kami pareho dahil kay Ryujin na halos daganan na ako.

 

 

Kapag eto talaga walang kwenta, ipu-pukpok ko talaga itong side mirror na nasa tabi ko sa ulo nya.

 

 

"Ano ba yon? Maka-siksik ka naman--Potek! Ano ba yan pre?! Shutang pabango yan! Amoy kang bellias hayup ka! Na-tambay sa ilong ko." reklamo ko sabay takip sa ilong ko. 

 

 

Amoy tita tong gugong na to jusko, ka-amoy nya yung paboritong pabango ng mga titas noong araw na ino-order nila. May ganon din na pabango si nanay dati eh, ang sang-sang talaga.

 

 

"Tanga! Bigay to ng ate ni bebe Yeji ko galing sa Dubai! Mahal yan! Palibhasa bambini lang alam mo na pabango." 

 

 

"Atleast hindi ako amoy may sugar daddy." 

 

 

"Apaka-arte mo, si Jimin nga minsan amoy gasolina pero niyayakap mo pa din eh, nagkiss pa kayo sa misa kanina, mga ma-kasalanan." 

 

 

"Gago ka anong nag-kiss?!" gulat kong tanong, napa-lakas pa ang boses ko kaya napa-tingin sa amin si kuya William na may kinukuhang turnilyo sa tabi namin. Buti na lang busy sya at hindi na kami masyado pinansin ni Ryujin. 

 

 

"Kita ko kayo, nagbu-bulungan kayo kanina tapos bigla kayong nag-kiss, ang pabebe pa ng hampas mo kunwari! Yieeee tanggal angas mo no? Sabi na bibigay ka din kay Iglot eh. Ganyan din ako nung una kay Yeji, masasanay ka din maging bottom pre-Aray! potek ang sakit non!" 

 

 

Hinampas ko nga sa likod!

 

 

Napaka-daldal, fake news naman!

 

 

"Siraulo ka ba? Anong kiss? Gugong ka! May binulong lang sa akin si Iglot, alam mo naman yan si Jimin may pagka-chismosa kahit tahimik, tapos bigla akong napaharap--Wag kang tumawa hindi pa ako tapos magpaliwang!" a-ambahan ko sana ulit sya ng hampas ng tumawa sya habang nage-explain pa ako, ang kaso naka-takbo na palayo at nagtago sa likod ni Jimin na nagli-linis ng motor.

 

 

"Wag ka na mag-paliwanag, napaka-defensive mo pre! Eh kitang-kita ko kayo!" 

 

 

"Pwes! Pa-palitan mo na yang mata mo dahil kung ano-ano na ang nakikita! Halika dito!" 

 

 

Hinabol ko si Ryujin at nagpa-tintero kami gamit si Jimin na gina-gawa nyang harang para hindi ko sya ma-abot. 

 

 

"Jimin! Si Winter oh, ina-away ako! Wag mo na nga ulit i-kiss yan na-nanakit eh." sumbong nya kay Jimin na napatigil sa ginagawa nya at gulat na nilingon si Ryujin habang hila-hila ang lay-layan ng suot nyang t-shirt.

 

 

Aba't-      

"K-kiss saan?" takang tanong ni Jimin na nanlaki ang mata na napa-tingin sa akin. 

 

 

"Wag kang maniwala dyan kay Ryujin! Hawakan mo at sasapukin ko!"

 

 

"Hoy Jimin! Hinalikan mo ang bunso namin?!" pati si Kuya William na nagvu-vulcanize ng gulong napatigil din ng marinig ang sinabi ni Ryujin, kaya lalong nataranta ang walang kamuang-muang na si Jimin. 

     

"Oo kuya William nag-kiss sila sa misa kanina nakita ko po! Sige na po alis na ako, bye Winter pre! Congrats sa first kiss!" sumbong ni Ryujin kay Kuya sabay takbo palabas ng talyer namin. 

 

 

Ampota talaga-

 

 

"Tarantado ka ba? Anong kiss?! Bumalik ka ditong bwiset ka, ipapa-kiss ko sayo tong kamao ko!" habol ko, ang kaso ay may sa kabayo talaga itong si Ryujin. Pagka-labas ko ng talyer ay nawala agad sya, hindi ko alam kung saan na naman sumuot! 

 

 

"Bwiset ka Ryujin! Wag ka ng babalik dito hindi ako titigil hangga't hindi kita nasa-sapok!" sigaw ko sa gitna ng kalsada kung saan tanaw ang bahay ng tukmol na yon.

 

 

Inis akong bumalik sa talyer, at na-abutan ko si kuya William na hini-headlock na si Jimin na walang magawa at pilit kumakawala sa braso nya, sa laki ba naman ng katawan ni kuya na mukhang takas sa munti eh, hindi ka madurog.

 

 

"Kuya! Papatayin mo ba yan si Jimin?! Bitaw!" awat ko kay kuya ng makita ko na nagku-kulay blue na yung mukha si Jimin. 

 

 

Apaka-gago talaga ni Kuya!    

 

Kahit naman sutil itong si Iglot ayoko pa din sya matigok!

 

 

HIndi pwede.

 

 

Paano na ang kambal?

 

 

Paano na ak-

 

 

"L-lalabs urgh-t-tulong!" na-taranta na ako ng makita kong umu-ubo na si Jimin kaya nilakasan ko na ang hampas sa braso ni kuya. 

 

 

"Yari ka sakin Iglot! Bakit mo hinalikan si bunso?! Sinagot ka na ba?! Huh?!" 

 

 

Tangina.

 

 

"Kuya bitaw sabi eh! Hindi kami nag-kiss! Tama na! I-susumbong kita kay nanay! Isa-! Kuya!--Inay! Si kuya papatayin si Iglot!" agad kong sigaw sa loob ng bahay kay nanay nang hindi tumitigil si kuya, kahit pinag-papalo ko na sya sa braso nyang namumutok ang muscle.

 

 

"Eto naman si bunso hindi na mabiro, oh ayan-" muntik na ako mapa-subsob ng bitawan nya bigla at itulak sa akin si Jimin na u-ubo-ubo hawak ang leeg nyang sinakal ni kuya. "Sayo na yang jowa mo, mag-kiss na ulit kayo, sanaol may jowa!" naka-simangot nyang sabi sabay balik sa pagku-kumpuni ng motor na parang walang nangyari. 

 

 

"Para kang sira kuya, makaka-patay ka pa! Naniwala ka naman agad kay Ryujin na siraulo!" singhal ko kay Kuya na tinawanan lang ako.

 

 

Pag-lingon ko kay Jimin ay nagulat ako kaya itinulak ko sya palayo, hindi ko namalayan na naka-yakap na pala sya sa akin at parang enjoy na enjoy pa. 

 

 

Naka-tsansing na naman ang lintek na iglot.      

"Isa ka pa! Dun ka na nga-

 

 

"Kiss ko?" nguso nya.

 

 

Napa-kunot ang noo ko ng makita ko na hinawakan nya at mina-masahe ang batok at leeg nya na inipit ni kuya kanina. 

 

 

"Eh kung kis-kisin ko ng liha yang nguso mo?" banta ko, pero hindi maalis ang tingin ko sa batok nya. 

 

 

Nasaktan ata talaga sya. 

 

 

Ewan ba anong pumasok sa utak ko, dahil lumapit ako sa kanya at inalis ko ang kamay nya na naka-hawak sa batok nya para makita ko kung ayos lang ba sya. 

 

 

Medyo mapula ang batok nya. 

 

 

Napa-buntong hininga ako.

 

 

Nakaka-inis.

 

 

Naiinis ako sa kuya ko.

 

 

"Grabe ka lalabs, parang hindi tayo nag-kiss kanina.."

 

 

Natauhan na lang ulit ako ng mapa-dako ang tingin ko sa labi ni Jimin ng magsalita sya. 

 

 

Napa-atras ako dahil ang lapit nya sa akin.

 

 

Kung kanina ay halos masuka ako sa amoy ng pabango ni Ryujin, kabaligtaran naman ang kay Jimin. 

 

 

Tila hina-hanap ng ilong ko ang amoy ng gasolina sa kanya na tinutukoy ni Ryujin, na-curious ako kung totoo ba.

 

 

Wala naman..

 

 

Ang totoo ay mabango si Jimin..

 

 

Bakit ang bango ni Iglot kahit maghapon na sya dito sa talyer? Pawis-pawisan na din sya pero bakit mabango pa din?          Fake news na naman si Ryujin.      

Bumaba ang tingin ko sa labi nya, sa gilid kung nasaan ang nunal nya.

      Bagay pala talaga sa kanya.         ......         Teka sandale nga! Bakit ang dami kong napa-pansin ngayon sa kanya na hindi ko naman napa-pansin noon?

 

 

"Na-realized mo na ba na crush mo na din ako lalabs?" 

 

 

Napa-kunot ang noo ko ng pang-angat ko muli ng tingin sa kanya eh  nakangisi na sya at malokong nagta-taas baba ang kilay nya. 

 

 

"Manigas ka! Hindi naman talaga tayo nag-kiss! Bulong ka kasi ng bulong dyan!" inis kong binawi ang kamay ko na hindi ko namalayan eh mina-masahe ko na pala ang namumula nyang batok. 

 

 

"Sayang lalabs.." 

 

 

"Sira! Anong sayang? Nasa simbahan tayo puro ka chismis." 

 

 

Ngumiti sya sabay kindat sa akin. 

 

 

Parang tanga.

 

 

Inirapan ko lang sya at mabilis ko din agad syang tinalikuran ng maramdaman ko na nag-init ang mga pisngi ko.

 

 

Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko e, nai-inis ako sa sarili ko dahil alam ko na hindi ito dahil galit ako kanya kaya ako namumula. 

 

 

Tangina talaga yari ako.      

Napa-hawak ako sa dibdib ko..

      Yung puso ko bwiset na to, hindi na naman ma-kalma.          Kasalanan talaga ni iglot lahat ng to!         

Kanina pa sya sa simbahan, naka-sabay namin silang magka-kapatid magsimba kaya isang hanay na lang kami sa upuan. Katabi ko si Jimin at parang maling desisyon talaga na umupo ako sa tabi nya, dahil buong misa ay hinarot-harot nya lang ako. Yung pabulong-bulong nya ang dahilan kaya kami muntik mag-kiss. 

     

Hindi ko sya marinig kanina ng may i-binulong sya sa akin kaya humarap ako sa kanya, ang kaso, saktong u-ulitin nya pala yung bulong nya sa akin kaya muntik ng magsalubong ang labi namin, nagulat kami pareho. Tumawa sya kaya hinampas ko at yon ang nakita ng chismosang bestfriend ko. 

     

Yung sa yakap naman na sinasabi nya ay ang kambal ang may pakana non, dapat daw kiss or hug ang peace be with you kapag family. Kaya wala kaming nagawa ni Jimin kung hindi mag-yakap na lang, kesa naman ang kambal pa ang mamili at mapilitan kami mag-kiss. 

        Swerte naman ni Iglot, eh first kiss ko yon kapag nagka-taon.        

Tahimik akong bumalik sa pwesto ko sa likod ng cashier. Biglang bumalik sa akin yung mga realizations ko nitong mga nakaraang araw. Ini-iwasan ko na nga na wag mag-isip, pero parang sina-sampal talaga ako ng katotohanan kapag nandyan na si Jimin.

 

 

Hindi na pala talaga dahil sa kape itong nararamdaman ko, akala ko kasi ay may malala na akong sakit kaka-inom non kaya ako nagka-kaganito, hindi pala.

 

 

Hindi nga sakit, pero mas malala pa ata kapag nagkanda-leche-leche sa huli. 

 

 

Kasi naman, bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit si Jimin pa? 

 

 

Bakit sya pa na kaibigan ko?

 

 

Ayokong masira kung ano man ang meron kami ngayon bilang magkaibigan. 

 

 

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kahit naman ang dami kong niligawan, ngayon lang ako nagka-ramdam ng ganito. 

 

 

Isa pa, baka yung pangha-harot sa akin ni Jimin, eh trip nya lang.

 

 

Tapos eto ako...

 

 

Pucha talaga..

 

 

Sana totoong kabag na lang to.

 

 

Ang kaso hindi eh.

 

 

____

 

 

"Congrats! Galing mo talaga Jimin! Grabe naka-lamang pa tayo ng tatlo doon ah, akala ko talo na tayo." 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
rinagerie
0 points #1
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#2
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#3
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1160 streak #4
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #6
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#7
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #8
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #9
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂
ryujinie__
693 streak #10
Chapter 12: Kambals, kayanin niyo ang hamon ng bohai HAHHAHAHA bwa 😭