Chapter L-1

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

Jimin's Pov 

 

"ATEEEEEE!!!!!" 

 

 

"Aray ko po..." dali dali akong tumayo sa sahig galing sa pagkakabagsak ko dito ng marinig ko ang sigaw ng isa sa kambal.

 

 

Si Daf na naman to malamang, ano na naman kaya ang ginawa ni Saf?! 

 

 

jusmiyo  

 

Kakatulog ko pa lang anuba! Huhu      

Inabutan ko si Daf na pulang pula at umiiyak sa higaan nila, hawak hawak nya ang bote ng gatas na wala ng laman. Hinanap ko naman ang isa pang kambal at hindi na ako nagulat ng makita ko ang matataba nyang binti na nakalitaw sa ilalim ng papag nila, napailing na lang ako at nilapitan ko ang umiiyak na si Daf.

 

 

Napag tripan na naman ito ng kambal nya.  

 

Kawawa naman...  

 

"Sshhh andito na si ate jimjim, anong gusto ng bunso namin?" kinalong ko si Daf at pinahiram ko ang luha at sipon nya gamit ang bimpo na kinuha ko mula sa likod nya. 

 

 

"S-si S-saf..n-niubos m-mewlk k-ko atee." bulol bulol nyang sumbong sa akin at iniangat pa ang bote ng gatas na hawak nya para ipakita sa akin ang ebidensya.

 

 

Jusme Saf...kaning lamig na talaga ipapakain ko sayong bata ka, parang may alagang sawa sa tiyan e. Said na said ang gatas ni Daf.

 

 

Naawa ako pero hindi ko maiwasan na pupugin ng halik ang matambok na pisngi ng kapatid ko, napaka-cute ng alaga kong siopao. Hindi halatang naubusan ng gatas. Busog na busog ang katawan.

 

 

"Sshhh hayaan mo, pagtitimpla ka ulit ni ate ng milk ok ba? Tahan na bunso.." hikbing hikbi talaga sya kaya niyakap ko sya at binuhat para patahanin.

 

 

Ang likod ko...         Anong tama ng may karga ka na sako ng semento? Mas mabigat pa ata to sa mga binubuhat ko na mga paninda sa pwesto ni Aling Pacing sa palengke.      

"Nasaan na si Saf?" tanong ko kunwari.

 

 

"Saf?....Saffron...?" kunwari ay hindi ko nakikita ang malulusog nyang binti na nakalitaw sa ilalim ng papag at naririnig ang pigil nyang tawa.

 

 

"T-tago sya ate, k-kasi inom nya mewlk ko..." humihikbi pa din na sumbong sa akin ni Daf, nakahilig na ang ulo nya sa balikat ko. Mukhang makakatulog na naman to. 

 

 

"Ganun ba? Nako, alam mo ba? Kapag batang makulit daw kinukuha ng monster sa ilalim ng papag, lalo na yung umiinon ng hindi kanyang milk." 

 

 

Napahinto ang mahihinang tawa at pagpadyak ng matatabang binti sa ilalim ng papag ng kambal.

 

 

Napangisi ako at kinindatan ko ang humihikbing si Daf.

 

 

"Atehhhhhh aaaaahhhh higit mo ko, heeelp pooo ateeeehhh sowwy, dafdaf sowwwyyyy pweaseee." hingi ng tulong ni Saf sa akin.

 

 

Natataranta syang gumapang paatras sa ilalim ng papag para makalabas, pero nahinto sya ng sumabit ang suot nyang sando sa nakausling hanger na pinaglalaruan nila. Natawa ako pati na din si Daf na karga ko sa itsura ng kambal nya. 

 

 

Tutulungan ko na sana sya, nang todo lakas syang nagpumiglas na gumapang palabas ng papag, sumabit na ng tuluyan ang sando nya at tuluyan na itong nahubad sa kanya bago makalabas. 

 

 

Gulat na gulat syang umupo at tumingin sa amin ni Daf na nakatayo sa harap nya. Tiningnan nya ang sarili nya at tanging diaper na lang ang natirang suot nya, naiwan ang sando nya na nakasabit sa ilalim ng papag. 

 

 

"Ate jiwmm monsterrrrr!!!!" Dali dali syang tumayo ng maalala nya kung bakit sya nagmamadaling lumabas at yumapos sa binti ko. Pilit syang umaakyat at nahihila na ang laylayan ng t-shirt ko. 

 

 

"Karga mo ko pweaaseee atehhh!!!" nagmamakaawa nyang tawag sa akin at lumambitin pa nga sa laylayan ng tshirt ko, maya maya ay narinig ko ang tunog na parang napunit na tela at pag tingin ko sa laylayan ng damit ko na hawak nya ay may punit na ito. 

 

 

Bagsak ang balikat na napabuntong hininga na lang ako. 

 

 

Saffron....favourite tshirt ko yan...      

Yumuko ako para kargahin din sya. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ko para kargahan ng sabay ang mga siopao na to, pero kinakaya ko naman, masakit lang talaga sa likod lalo na kapag sabay silang inaatake ng pagiging datu puti.

 

 

"Saffron, di ba sabi ko sayo wag mo iinumin ang gatas ni Daf? May kanya kanya kayong bote ng gatas eh. Tingnan mo umiyak si Daf, gusto mo ba na sad sya?" ngumuso lang si Saf at yumuko habang nilalaro laro ang mga daliri nya sa kamay na mukhang breadstick. Napaka-cute!

 

 

Jimin, pigilan mo ang sarili mo...wag kang madala dahil cute ang kapatid mo, pangaralan mo jimin, mamaya kana kumagat.      

Eto yung ayoko kapag napapagsabihan ko sila, sobrang cute kasi, parang gusto ko na lang palampasin, pero kasi ayoko silang lumaki na maging pasaway kaya wala akong magagawa kundi kagatin na lang ang labi ko para pigilan ang gigil ko.

 

 

"S-sowwyy ate j-jiwm, s-sowwyy Dawf ...hindi ko na inom mewlk mo dapat, kaso I'm gutowm." 

 

 

Kelan pa naging conyo ang batang to?      

"Next time magsasabi ka kay ate kapag gutom ka Saf ok? Wag ka kukuha ng hindi sayo ng walang paalam, bad yun." nakanguso pa din sya habang nakayuko. 

 

 

"Ano po ang sagot?" tanong ko, nag angat sya ng tingin sa akin, naawa ako ng makita ko na nangingilid na ang luha nya. 

 

 

"O-opo ate s-sowwy po, sowwyy dawf..mag ask na ako n-next time..g-galit ka po ate jiwm?" hindi naman to iyakin si Saf, sa kanila ni Daf, si bunso ang iyakin. Si Saf iiyak lang yan kapag alam nyang mali sya at napagalitan ko. 

 

 

Ngumiti ako at hinalikan ko sya sa pisngi. 

 

 

"Hindi naman galit si ate eh, gusto ko lang matuto kayo na wag kukuha ng hindi sa inyo. Kasi magiging sad si ate kapag ganun." 

 

 

"Sowwwyy..." tumulo na ang mga luha nya na kanina pa nya pinipigilan. Kaya umupo na ako sa kama nila at kinandong ko sila pareho. 

 

 

"Hindi galit si ate, Love ko kayo ni Daf, kaya ko kayo pinagsasabihan. Tahan na baby...hug mo na si Daf kasi sad sya kanina." nilapit ko sila sa isa't isa at niyakap naman ni Saf ang kambal nya kahit nanunulis pa din ang nguso nitong bunso namin, tampururot kasi tong batang to, ewan ba kanino nagmana to. 

 

 

"Sowwy dawf, kishh.." natawa ako ng ngumuso si Saf kay Daf na kunot ang noo na tiningnan lang ang kambal nya. 

 

 

Makulit kasi talaga to si Saf, pero napakalambing na bata, gustong gusto nya kapag lagi syang niyayakap at kinikiss. Sya pa ang lalapit sayo kapag gusto mo syang pang gigilan.

 

 

"Kiss na Daf, nag sosorry na si Saf oh." 

 

 

"Hmp!" angil nito pero lumapit naman sya para ikiss din ang kambal nya sa lips. Tuwang tuwa lang si Saf. Haynaku sutil.

 

 

"Hug na si ate, tapos baba na tayo para kain na kayo." parang nagsisi ako bigla. Nasakal ako ng dalawang sumo wrestler. 

 

 

"O-ok na, s-sandali h-hindi ako makahinga.." tawang tawa lang sila na bumitaw sa akin at kiniss ako sa magkabilang pisngi. 

 

 

"Lab lab ate jiwmjiwm." napangiti ako, sulit na sulit ang sakit ng katawan ko sa pag aalaga sa kanila, kasi mabait at malambing sila na mga bata. 

 

 

"Lab na lab din kayo ni ate." tumayo na ako para kargahin sila pareho papunta sa kusina. 

 

 

Nadaanan ko ang litrato ng mga magulang namin sa ibabaw ng eskaparate sa sala namin. 

 

 

Nay, Tay , ang laki na nila oh, ang laki na ng mga bulaklak nyo.. Miss na miss ko na kayo sobra, pero salamat po, kahit wala na kayo, iniwan nyo sa akin sina Saffron at Daffodil na nagpapasaya sa akin ngayon, sila talaga yung dahilan na kahit mahirap at malungkot minsan. Mas pinipili ko lumaban. Aalagaan ko po sila, pangako po. 

 

 

Kapatid ko sa ina sina Saf at Daf, anak ako sa pagkadalaga ng nanay namin, naanakan si Nanay ng isang koreano ng mag ofw sya sa korea. At dahil nga sa kultura ng ama ko, kahit anong g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
rinagerie
0 points #1
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#2
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#3
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1160 streak #4
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #6
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#7
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #8
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #9
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂
ryujinie__
693 streak #10
Chapter 12: Kambals, kayanin niyo ang hamon ng bohai HAHHAHAHA bwa 😭