Chapter L-10

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

Jimin's Pov 

 

 

"Maraming salamat po talaga Mang Kaloy, salamat po." 

 

 

Halos mayakap ko na si Mang Kaloy sa sobrang saya, paano ba naman, may regular na trabaho na ako! Sa wakas! 

 

 

Eto nga at ini-rekomenda ako ni Mang Kaloy sa mayaman nyang pinsan na may ari ng 7/11 dito sa amin at sa iba pang lugar sa Makati. Sakto naman at nangailangan yung branch nila dito sa may bandang kanto lang ng barangay namin, kaya ako yung i-pinasok ni Mang Kaloy. 

 

 

Sales clerk ang magiging trabaho ko, sobrang pasalamat ko kasi eto talaga ang gusto ko dati pa, yung magkaroon ng regular na trabaho. Para naman may oras na ako ma-asikaso at maalagaan ang mga kapatid ko. At ngayon nga ay para mabigyan ko din ng oras si lalabs, ayoko na sya lang ang palaging nag-aadjust sa amin. 

 

 

Simula kasi ng maging kami ay hindi na ako na-raket ng sabado, kaya naging sabado at linggo na ang dayoffs ko dahil inilaan ko na ang mga araw na iyon para sa kambal at kay lalabs.

 

 

Ayaw pa nga ni lalabs noong una dahil baka daw maka-apekto sa budget namin magka-kapatid kapag hindi ako rumaket ng sabado. I-pinaliwanag ko naman sa kanya yung dahilan, na mas mahalaga sya sa akin kesa sa kikitain ko, yung pera nandyan lang yan. Pero yung oras at panahon  hindi ko na maibabalik kapag lumipas na, kaya hangga't maari gusto ko gumawa kami ng maraming memories na mag-kasama.

 

 

Tsaka, walong oras lang ang regular na trabaho doon kasi nga shifting ang mga empleyado dahil 24 hours yung store, pero kahit 12 hours pa ako mag-trabaho, ang mahalaga hindi na katulad sa napaka-habang oras kapag na-raket ako. 

 

 

Pero kung maluwag ang oras ko ay ra-raket pa din ako, kasi sayang naman, lalo na kung 8 hours lang ako sa trabaho. Ayoko din kasi bitawan ang talyer, balutan at isdaan, dahil doon talaga ako nakita. Para yung ki-kitain ko doon ay para sa savings namin magka-kapatid, lalo na sa kambal para sa pag-aaral nila sa future, yung sa 7/11 naman ay sa pang-araw araw na namin. 

 

 

"Nako wala iyon Jimin, bumabawi lang ako sa pamilya nyo, at kung hindi dahil sa tatay at nanay mo ay baka wala na ang misis ko ngayon. Kaya wag ka mag-alala, hangga't kaya ko, nandito lang ako para tumulong sa inyong magka-kapatid." 

 

 

Muntik na ako ma-iyak ng kamayan ko si Mang Kaloy para magpaalam na din sa kanya dahil uuwi na ako. 

 

 

Naisip ko, siguro ay ginamit si Mang Kaloy ng nasa itaas para tulungan kami, kasi hindi ko naman alam na natulungan pala sila ng mga magulang namin kung hindi pa sya nag-kwento. Pero sadya talaga na kapag gumawa ka ng kabutihan, at hindi ka man humingi ng kapalit ay pagpapalain ka pa din sa ibang paraan, katulad ngayon. Sa amin magka-kapatid tila napunta yung good karma ng mga magulang namin. 

 

 

Halos hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nag-bibike ako pauwi ng bahay. Sa sobrang saya ko nga ay tinawagan ko pa si lalabs kung ano ang gusto nyang kainin kasi dadaan ako ng 7/11. Muntik pa nga ako pagalitan kasi gabi na daw, bakit hindi na lang daw ako dumaretso ng uwi, pero sabi ko ay may magandang balita ako na sasabihin sa kanya, kaya parang celebration na din ito. 

 

 

Buti na lang at pumayag si lalabs, at eto nga't bumili ako ng hotdogs para sa kambal, at malamang eh bukas na nila ito maka-kain dahil gabi na nga at tulog na ang mga siopaos na yon. Bumili din ako ng slurpee at malaking piattos para naman kay lalabs, sinamahan ko na din ng goya chocolate.

 

 

Napangiti ako ng pag-buksan ako ng pinto ni lalabs pagkadating ko ng bahay, ang sarap sa pakiramdam ng kahit anong pagod ko sa maghapon na trabaho, eh sya at ang kambal ang nakikita ko na naghihintay sa akin sa loob ng bahay. 

 

 

"Hi lalabs!" excited na bati ko kay lalabs ng pag-buksan nya ako ng pinto. 

 

 

Itinaas ko pa yung mga supot ng pasalubong ko, pero tinakpan nya lang ang bibig ko sabay hila sa damit ko papasok ng bahay namin. Sya na din ang nag-locked ng pinto dahil nga may hawak ako na mga pagkain. 

 

 

"Shhh! Wag ka maingay, kaka-tulog lang ng kambal." mahinang saway nya sa akin.

 

 

Pero lalo lang lumawak ang ngiti ko ng tanggalin na nya ang palad nya sa bibig ko, dahil tumingkayad sya para bigyan ako ng mabilis na halik sa labi. Ha-habol pa nga sana ako ng isa pang kiss, ang kaso ay tumalikod na agad sya dala ang mga pasalubong ko. Napa-iling na lang ako, dahil narinig ko sya na tumawa. 

 

 

"Tama na yang isang kiss lang, nagre-reklamo na ang kambal, puro na lang daw tayo kiss and hugs." natatawang sabi ni lalabs. 

 

 

Ipinatong nya muna ang mga dala ko sa center table sa sala bago sya bumalik sa akin. Ibinaba ko naman ang bagpack na dala ko sa gilid ng hagdanan pati na din ang suot kong sumbrero bago ko sinalubong ng yakap si lalabs. 

 

 

"Namiss kita lalabs ko." 

 

 

"I missed you too..."

 

 

Napa-kagat na lang ako ng mga labi para mag-pigil ng tili na muntik ng lumabas sa lalamunan ko. Dahil naramdaman ko ang pag-dako ng ilong at mga labi nya sa leeg ko. Mas humigpit din ang pagka-kayakap ng mga braso nya na naka-pulupot sa bewang ko. 

 

 

"Hmm... ang bango pa din kahit mag-hapon na sa trabaho." malambing nyang sabi, habang tuloy pa din sya sa pag-singhot sa akin. 

 

 

Natawa ako, bago ko sya halikan sa pisngi dahil nang-gigil ako, ang cute cute kasi ni lalabs habang todo singhot sya sa may bandang kili-kili ko.

 

 

Nasanay na din ako sa habits nya na ganito, ang hilig lang mang-amoy at mang-yakap. Ang akala ko pa naman ako yung mas magiging clingy sa amin dalawa, pero eto nga at kilig na kilig lang ako nang unti-unti ng lumabas yung naturalesa ng girlfriend ko. 

 

 

Kaya tuloy minsan, halos abutin na ako ng isang oras sa banyo para sure na mabango ako.

 

 

Mahirap na, baka hindi na ako amuyin ng jowa ko kapag may na-amoy syang hindi kanais-nais sa akin. 

 

 

Halos isang oras pa kami nag-kwentuhan sa sala, tapos na din si lalabs mag-midnight snack ng pasalubong ko sa kanya. Nai-kwento ko na din kay lalabs yung tungkol nga sa bagong trabaho na ibinigay sa akin ni Mang Kaloy. At syempre, tuwang-tuwa sya dahil kahit pa-paano daw ay may pahinga na ako.

 

 

Matagal na kasi nya ako sina-sabihan tungkol sa pagiging workaholic ko nga, kahit noong hindi pa kami. 

 

 

"Kaya lalabs, kapag dayoff ko o kaya naman maaga ako umuwi, dapat mag-date tayo ha?" 

 

 

Nakiliti ang tenga at pisngi ko ng mag-vibrate ang tiyan nya sa pag-tawa dahil naka-unan ako doon habang sya naman ay naka-higa sa sofa. Lalo ko lang isinik-sik ang mukha ko sa tiyan nya, dahil tinamaan na din ako antok, tapos naka-dapa pa ako sa pagitan ng mga hita nya habang mina-masahe nya ang ulo ko kaya naman sobrang relax na relax ako dito sa pwesto ko. 

 

 

"Sure hon, basta kapag magde-date tayo dapat halin-hinan o hati tayo sa gastos ha? Inaako mo lahat eh." reklamo pa nya, pinisil din nya ang tenga ko kaya tumango ako agad.

 

 

"Okay po, promise." 

 

 

"Buti naman, saan na kiss ko? Baka maka-tulog ka na dyan." 

 

 

Kahit hini-higit na ang diwa ko ng antok ay hindi ko naiwasan ang mangiti at kiligin dahil sa sinabi nya. Maangas lang talaga to si lalabs ko pero ang lambing lambing nyan. 

 

 

Nagulat sya ng bigla akong tumihaya ng higa at naka-ngusong tumingala sa kanya. 

 

 

"Ba yan, kiss lang.." kunwari'y reklamo ko sa kanya, tinaas baba ko pa ang kilay ko sabay kindat para asarin sya kunwari. 

 

 

"Aba't-"

 

 

Muntik na ako matawa ng manlaki ang mga mata nya at hindi makapaniwalang tinapunan ako ng tingin. 

 

 

"Walang hug?" natatawang dagdag ko agad "Utak mo lalabs ha? Grabe ka na-ouch!" 

 

 

Aray ko, napingot pa nga..

 

 

"Sira! Ikaw dyan eh, bahala ka ayaw ko na nang kiss." 

 

 

At nag-tampo na nga si lalabs ko, muntik pa ako mahulog sa sofa ng itulak nya ako pero syempre nag-matigas ako. Dumapa ulit ako at yumakap ng mahigpit sa bewang nya sabay siksik ulit ng mukha ko sa tiyan nya. Kahit pa nga itinutulak na nya ang ulo ko palayo, natatawa ako pero pinigilan ko na lang, at baka mapikon na talaga ng tuluyan. 

 

 

Pero syempre, yung pasmadong bibig ko medyo shunga. 

 

 

"Luh? Ikaw nanghihingi ng kiss lalabs eh-" 

 

 

"Ah ganon? Oh sige, one week ka walang kiss-"

 

 

Yare na.

 

 

Hindi pwede yon, hindi ko kaya.

 

 

"Jimin! Isa! Ang bigat mo!" impit nyang tili. 

 

 

Nag-alala na kasi ako na baka na-pikon na si lalabs, kaya sa taranta ko ng maramdaman ko na tatayo na sya ay hindi na ako nag-dalawang isip pa, dinaganan ko na sya. Hindi naman yung dagan na mai-ipit talaga si lalabs at masasaktan, pinigilan ko lang na wag syang maka-tayo. 

 

 

"Sorry, sorry na, joke lang eh, kiss na dali, wag ka na tampo lalabs ko~" lambing ko agad sa kanya.

 

 

Hinalikan ko sya, pero hindi sa labi, sa pisngi lang habang nilalambing ko sya, dahil kahit naman girlfriend ko na si lalabs, eh ayaw ko sya halikan basta basta lalo na kapag nai-inis sya.

 

 

Baka masuntok ako nito, bangas talaga abot ko dito. 

 

 

"Tigilan mo nga ako-Isa! Jimin mabigat ka sabi-ah!" 

 

 

Pero yung gigil ko habang pina-panuod ko syang nagma-maktol habang naka-patong ako sa kanya eh hindi ko napigilan.

 

 

Tapos ang cute-cute pa ng pisngi nya. 

 

 

"Sshhh wag ka maingay-! Aray ko!" daing ko habang sapo ang labi ko.

 

 

Kagatin ba naman ako sa labi? Hindi na ako naka-iwas kasi nga busy ako ma-cute-an sa kanya.

 

 

Pero sana may kiss pagkatapos ng kagat diba? Para okay lang kahit masakit kasi mawawala naman kapag may kiss. 

 

 

"Paanong hindi mag-iingay eh kinagat mo ako sa pisngi! Sa-sapukin kita dyan tingnan mo talaga-hmmp.." 

 

 

Bahala na masapok, ang mahalaga naka-kiss kay lalabs, sure naman ako na nakangiti pa din ako kahit may blackeye ako bukas. 

 

 

"Sweep na lang ulit tayo Daf, nagki-kiss naman sila hay..." 

 

 

Hindi nga ako na-bangasan sa sapak ni lalabs, bukol naman ang inabot ko ng malaglag ako sa sofa ng bigla akong itulak ni lalabs ng marinig naman ang boses ni Saf. Gulat na gulat namin nilingon ang kambal na uma-akyat na ulit sa hagdanan pabalik sa kwarto nila.

 

 

Hindi na namin sila narinig na bumaba dahil nga busy kami mag-mahalan ni lalabs ko dito sa sofa. 

 

 

(Kiss lang wag kayong ano.)

 

 

"Grabe ang bahay nyo hon, talo pa may cctv kapag nandito ang kambal." biro ni lalabs habang tinutulungan ako tumayo sa sahig. 

 

 

Natawa na lang kami kahit pa nga ang sakit ng bukol ko, sa susunod talaga sa kwarto ko na lang kami tatambay, baka kung ano pa makita nitong kambal mahirap na. 

 

 

Dejoke lang.

 

 

______

 

 

Alas singko pa lang ng umaga ay naka-handa na si Jimin para pumasok ng trabaho. Unang araw nya bilang isang mag-gagawa na sa wakas ay may regular ng trabaho, kaya naman sa sobrang excited nya ay alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na sya at naghahanda na sa pag-pasok. 

 

 

"Hon eto na yung baon mo, ubusin mo to ha? Wag ka mamimigay ng ulam, may dasal ko to." biro ni Winter na sya naman nag-prisenta na i-pagluto ng baon at almusal ang girlfriend nya. 

 

 

Natawa naman si Jimin dahil dito, kaya agad syang tumayo para yumakap kay Winter. Kahit hindi pa nga naka-suklay ang girlfriend nya ay talaga naman hindi ito pumayag na hindi sya ipagha-handa ng baon. Kaya bilang pasasalamat ay nilambing-lambing nya ito, niyakap at paulit-ulit nyang hinalikan ang pisngi nito. 

 

 

"Hon ano ba yan? Hindi pa ako naghi-hilamos oh, tapos amoy tapa at sinangang pa ako, magugusot din ang uniform mo.." reklamo ni Winter ng maramdaman nya ang pag-amoy-amoy ni Jimin sa batok nya habang naka-backhug ito sa kanya.

 

 

"Hindi naman eh, ang bango mo nga, tsaka kahit hindi ka pa mag-toothbrush iki-kiss pa din kita." 

 

 

Wala na lang din nagawa si Winter kundi ang magpadala sa kaharutan ng girlfriend nya, tinanggap na lang din nya ang matatamis nito halik at yakap. 

 

 

"Hmm..tama na, baka mamaya lumabas pa ang kambal makita na naman tayo." pigil nya kay Jimin na ayaw pa paawat kaya agad nyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito. 

 

 

Napangiti na lang si Winter dahil sa ka-cute-an ng girlfriend nya ng ngumuso ito na parang bata dahil inagawan ng candy. 

 

 

"Tulog pa yon sila, tsaka mamimiss kita eh." ani Jimin na yumakap ulit sa kanya. "At salamat lalabs ng madami sa paghahanda ng lahat ng to, hindi mo naman kailangan gawin pero nag-effort ka pa, kaya salamat... mahal kita." 

 

 

"Welcome and I love you too hon, mamimiss din kita..pero okay lang, atleast ngayon maaga ka na makakauwi." 

 

 

"Kaya nga lalabs eh, marami na ako time sayo at sa kambal." ani Jimin ng may bigla syang maalala." Ay oo nga pala lalabs, may laban tayo mamaya, sila Jean ulit, ano? Game ka? Nalimutan ko kasi sabihin sayo kagabi na tinext ako ni Ryu." 

 

 

"Oh sige ba, shuta yung parrot na yon, hindi pa ako nakaka-ganti sa pagtulak nya sa akin nung huling laban natin, gagong yon humanda sya sa akin mamaya." inis na sabi ni Winter ng maalala nya ang pandaraya ni Jean na kamuntikan na nyang ika-bangas. 

 

 

Agad naman hinaplos ni Jimin ang braso nito para pa-kalmahin dahil mukhang uminit bigla ang ulo ni Winter ng maalala nito ang nangyare. 

 

 

"Kalma lalabs, baka naman hindi basketball ang mangyari, baka mamaya suntukin mo bigla si Jean kapag nagkita kayo." 

 

 

"Wag lang syang manunulak ulit, uuwi talaga syang may bangas, bwiset sya." 

 

 

_______

 

 

"Jimin! Tara na! Basketball na basketball na ako." 

 

 

Napa-hinto si Jimin sa tapat ng computer shop na pagmamay-ari nila Ryujin ng tawagin sya nito. Sakto naman at patawid na din sya dahil nasa kabilang kalsada lang naman ang bahay nila. Mag-aalas tres na din ng hapon at kaka-out nya pa lang sa unang araw na pagta-trabaho sa convenient store. 

 

 

"Sandali lang naman Ryujin, kita mo naka-uniform pa ako oh, ni hindi pa nga ako nakaka-uwi." 

 

 

Napa-kamot na lang ng ulo si Ryujin, bago ngumiti kay Jimin na halos mag-salubong na ang mga kilay dahil sa mainit na sinag ng araw. Kahit hapon na nga ay santing pa din ang init ngayon sa Pilipinas. 

 

 

"Oh sya sige, pero naks! Congrats pala pre, mabuti din yan para naman may pahinga ka. Sige na, hintayin ka na lang namin ni Wintot sa computer-an, puntahan ko na sya sa kanila." 

 

 

Akto naman na aalis na sana si Ryujin papunta sa bahay nila Winter nang magsalita si Jimin para pigilan ito. 

 

 

"Nasa bahay si lalabs, kita na lang tayo sa shop nyo." ani Jimin.

 

 

Dahilan para mapa-hinto si Ryujin sa paglalakad, pagkatapos ay taka nitong tinapunan ng tingin si Jimin na halatang init na init na sa pagka-katayo nito sa gitna ng arawan.

 

 

"Luh? Nasa inyo na naman? Takteng Wintot yan, kaya naman pala hindi ko na naki-kita na pagala-gala sa barangay at computer-an, naging isang mabuting may bahay mo na pala." nangingiting asar ni Ryujin sa kaibigan. 

 

 

"Gago, pinagsasabi mo? Eh sya ang kasama ng kambal kaya nasa amin." pagda-dahilan naman ni Jimin.

 

 

Napa-irap pa sya ng malokong ngumisi si Ryujin sa kanya. 

 

 

Medyo nasasanay na din talaga sila sa pagiging tamang hinala ng mga kaibigan nila, kaya hina-hayaan na lang nila ni Winter. Wala naman na din silang magagawa dahil totoo naman na halos sa bahay na nila lagi na-tambay ang girlfriend nya. 

 

 

Hindi naman nagagalit ang magulang ni Winter, payag na payag pa nga ang mga ito dahil natatahim

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
rinagerie
0 points #1
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#2
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#3
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1160 streak #4
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #6
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#7
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #8
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #9
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂
ryujinie__
693 streak #10
Chapter 12: Kambals, kayanin niyo ang hamon ng bohai HAHHAHAHA bwa 😭