Chapter L-4

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Manang Tessi, eto na lang po ba? Yung ibang banyera po kukunin ko na mamaya para iuwi sa inyo." tanong ni Jimin sa matanda ng mai-pwesto na nya ang hinila nyang huling banyera ng bangus sa loob ng pwesto ni Manang Tessi sa palengke. 

 

 

 

"Oo iha salamat ha? Eto pala, umuwi ka na at magpahinga muna, alam ko na may pasok ka pa mamaya sa talyer nila William, kaya pagbalik mo sa mga banyera eh magpahinga ka na muna hane?" nakangiting tinaggap naman ni Jimin ang bayad na inabot ni Manang Tessi sa kanya na kita nya ngayong araw.

 

 

 

Hindi na sana nya ito bibilangin dahil alam nya naman na tama magbigay ang matanda, ang kaso ay nahagip ng mata nya ang isang libo at limang daan na buo kasama ng baryang limang daan din na bayad sa kanya.

 

 

 

"M-manang , sobra po ata itong bigay nyo." kinuha ni Jimin ang sobra at tyempong ibabalik na sana nya ito sa matanda ng hawakan nito ang kamay nya at marahan na ngumiti sa kanya. 

 

 

 

"Sayo yan Jimin, bonus mo, limang araw ako mawawala at alam ko na mababawasan ang kita mo, kaya tanggapin mo yan para kahit papaano ay may panggastos kayong magkakapatid." 

 

 

 

Nahihiya man ay tumango na lang si Jimin at nagpasalamat, hindi naman na ito bago sa matanda, kalimitan ay may bonus talaga sya lalo na't kapag sarado ang pwesto nito. Noong una nga ay tinanggihan nya ang matanda dahil nahihiya sya, ang kaso ay nag-tampo ito sa kanya, kaya wala syang nagawa kundi tanggapin na lang ang mga ibinibigay nito sa kanilang magkakapatid. Wala din kasi itong anak, kaya ganoon na lang ang ginagawang tulong sa kanila. 

 

 

 

Muntik na syang maiyak sa kabaitan ng matanda sa kanya, parang totoong lola na kasi nya si Manang Tessi dahil hindi sya nababakante ng trabaho dito, ngayon lang dahil mag-mamahal na araw at uuwi ito sa probinsya para mamanata. Pati ang asawa nito na si Mang Boy ay sya din ang kinukuha na mamasada ng mga nababakanteng tricycle kapag may absent na driver sa paradahan nito. Kaya pasalamat talaga sya dalawang matanda.

 

 

 

"Maraming salamat po manang Tessi." pagpapasalamat nya dito na marahan lang syang tinapik sa balikat at ngumiti.

 

 

 

"Walang anuman, oh sige na't umuwi ka na at magpahinga. I-daan mo mamaya ang kambal sa bahay at gusto ko silang makita bago ako umuwi bukas sa probinsya, mamimiss ko ang dalawang yon, nasasanay na ako na may nagmamano sa akin tuwing umaga na mga cute na babies." 

 

 

 

"Opo dadaan po kami mamaya, una na po ako manang, maraming salamat po ulit." paalam ni Jimin, sinuot nya ang sumbrero nya, pagkatapos nyang punasan ang pawisan nyang mukha.

 

 

 

Lumabas na sya ng pwesto at isa-isa nyang pinagpatong-patong ang mga bakanteng banyera, pagkatapos ay tsaka nya ito hinila palabas ng palengke para isakay sa tricycle na gagamitin nya para ihatid ang mga ito sa bahay ni Manang Tessi. 

 

 

 

Alas onse pa lang naman ng umaga, ngunit tila galit na galit na ang sikat ng araw, at dahil tag-init na nga at mag-mamahal na araw kaya nagkalat na din sa paligid ng palengke ang mga nagtitinda ng mga palamig, halo-halo at snowball na favourite nya. Mas gusto nya yung classic na yelo at arnibal na pula lang. Ewan ba nya, mas nasasarapan sya dito kesa sa halo-halo. Natutungga nya kasi ito kapag tunaw na, napapatid na din ang uhaw nya.

 

 

 

Kaya napag-pasyahan nya muna magpalamig bago umuwi. 

 

 

 

"Utrog isang snowball nga, damihan mo arnibal ha? Paki-ayos din ang pag-kaskas ng yelo, nakauwi na ako't lahat sa bahay kahapon buo pa din yung yelo, potek na yan, ice cubes ata nilagay mo eh." 

 

 

 

"Ikaw na naman Jimin, arnibal na lang kaya ilagay ko sa baso mo? Apaka-demanding mo pa, masakit na nga kili-kili ko mag-kaskas dito." nakasimangot na reklamo ng tindero na si Utrog. 

 

 

 

Classmate nya noon si Utrog simula elementary hanggang highschool, pero hindi ito nakatapos, dahil nahuli lang naman ng tatay nyang dating tindero din ng halo-halo sa tapat ng school nila na nagcu-cutting classes ito, kaya pinatigil na lang sa pag-aaral at ayan, ito na ngayon ang naging tagapag-mana sa business nilang halo-halo.

 

 

 

Kung may dumadaloy man sa ugat ni Jimin ngayon ay hindi dugo, kundi arnibal, araw-arawin ba naman nya ang snowball na tinda ni Utrog. Malamang talaga kinakawayan na sya ng diabetes. 

 

 

 

"Reklamador mo naman, kunin mo na lang ako na taga-kaskas ng yelo, kahit 200 per day lang, okay na ako sa snowball na meryenda." biro nya dito.

 

 

 

"Potek na yan, wag na oy, lugi ako sayo. Tapos lahat pa ng suki ko na chicks dito makukuha mo pa? Di siguro, dun ka na lang sa loob ng palengke, tutal maraming tindera naman ang may crush sayo dun. Bigay mo na sa akin to Jimin." 

 

 

 

"Gago anong pinagsasabi mo dyan? Akin na nga yan snowball ko." 

 

 

 

Tahimik na naupo si Jimin sa bakanteng monobloc sa gilid ng kalsada para magpahinga sandali at kumain ng snowball bago sya umuwi. Sobrang napagod din talaga sya sa dami ng hinila nyang banyera ng isda, sumabay pa ang init ng panahon. 

 

 

 

Naisipan din nya na dumaan mamaya sa bilihan ng turon at maruya para bilhan ang kambal at si Winter ng pasalubong. Half day sya ngayon dahil karamihan sa mga raket nya ay aalis papuntang probinsya, kaya sa bakery sa kanto at sa talyer lang ng tatay ni Winter sya magtatrabaho ng dalawang linggo. 

 

 

 

Ayos na din yon, isip nya, may oras na sya para maka-bonding ang kambal at maalagaan ang mga ito kaya susulitin na nya. May naitabi pa naman syang pera kaya hindi sila magigipit magkakapatid. 

 

 

 

"Uwi na ako Utrog, salamat sa snowball mo, tamisan mo pa sa susunod ang arnibal medyo matabang eh." tinungga na nya ang natirang tunaw na yelo ng snowball bago sya tumayo para itapon ang plastic cup nya sa basurahan. 

 

 

 

"Sana asukal na lang pinapak mo." 

 

 

 

Natatawa lang sya tumalikod at kumaway dito bago sya dumaretso sa tricycle para umuwi na. 

 

 

 

____

 

 

Jimin's Pov

 

 

"Lalabs! Sino yan? Nang babae ka na naman? Paano na ako?" 

 

 

 

Yakap ang supot ng maruya at turon na pasalubong ko sa kambal at kay lalabs ay nanlulumo ako na napaluhod sa sahig.

 

 

 

Ang puso ko na naman, bakit ba ang babaera nito lalabs ko? 

 

 

 

Sabay na napalingon sa akin si Winter at yung kasama nyang magandang babae sa kwarto nya ng abutan ko silang magka-yakap. 

 

 

 

Shuta this, wala...wala na akong laban, mas maganda sa akin yung bago nya...hindi ko na maaasar si lalabs na mukhang ekwak yung nililigawan nya.

 

 

 

Kaiyak, anong laban ko dito sa bago nya? Ang ganda ganda nito, pati porma maganda, mukhang syang dyosang sugar mommy...

 

 

 

Napatingin ako doon sa dyosa-ay este sa sugar mommy ni lalabs ng mahinhin itong natawa ng makita ako. 

 

 

 

Shet...ang ganda talaga, pati mata nangiti...may eyesmile din naman ako, ang kaso hindi naman ako mahinhin.

 

 

 

Mahinhin ba type ni lalabs? Hindi naman ganon mga nililigawan nya dati ah, ngayon lang.

 

 

 

Kaiyak talaga, wala na Jimin...

 

 

 

"Pinagsasabi mo dyan Jimin? Tumayo ka nga dyan nakakahiya kay tita Tiffany!" gigil na bulong ni lalabs Winter sa akin ng mabilis nya ako lapitan.

 

 

 

Natulala ako, parang hindi pa nag-sink in sa akin ang sinabi ni lalabs kaya hindi ako tumayo mula sa pagkakaluhod ko dito sa sahig.

 

 

 

Mapapaluhod ka na lang kasi talaga sa kirot eh. Grabe ba.

 

 

 

"Jimin isa! Kakaltukan na talaga kita dyan! Nakakahiya!" 

 

 

 

Nagulat na lang ako ng hawakan ako ni lalabs sa kwelyo at inalog.

 

 

 

"H-hindi mo sya bagong chix?" paninigurado ko. 

 

 

 

Mahirap na, kahit lalabs ko yan si lalabs, wala naman ako balak maging kerida, baka ma-tulfo pa ako. 

 

 

 

"Aray ko po!" daing ko, sinuntok lang naman nya ako sa braso. 

 

 

 

"Tita ko nga!" pagalit nya sa akin.

 

 

 

Shet, nakakahiya!          

Mabilis akong tumayo sa pagkakaluhod at napakamot na lang ako ng ulo sa hiya, lalo na ng makita ko na natatawa ulit yung tita tiffany nya, parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kahihiyan, ang ganda pa ng tita nya kaya hindi din nakakatulong. 

 

 

 

Parang gusto ko na lang maging sugar baby nya.

 

 

 

Dejoke lang, kay lalabs pa din ako walang titibag.        

 

"Is she your friend Winter sweety? She's so cute, look, she's blushing too." 

 

 

 

Enebe tita ganda...          

"Hindi p-

 

 

 

"A-ano s-sorry po, a-ang ganda nyo po-araykopo!" daing ko ulit ng sikuhin ako ni lalabs sa tagiliran, at tila patay malisya lang naman sya ng tingnan ko sya sa tabi ko.

     

 

"Hello, I'm Tiffany, tita ako ni Winter, ikaw ba yung girlfriend nya?" 

 

 

 

"Hindi po!" 

 

 

 

"Hindi pa po." 

 

 

 

Nakatinginan lang kaming dalawa ni lalabs, nginitiian ko lang sya ng pagka-tamis-tamis with eyesmile pa na parang kay tita tiffany, kahit alam ko na napipikon na naman sya sa akin. Ayun nga lang napa-ilag na lang ako ng ambahan na naman nya ako ng suntok.

 

 

 

Pinaglihi ata ni tiya Wilma itong si lalabs kay pacman, hilig manuntok eh. 

 

 

 

"Wag kayo maniwala dyan tita, naalog kasi utak nyan nung baby pa sya." 

 

 

 

Hindi nga nya ako nasuntok, nakatikim naman ako ng hampas sa likod.

 

 

 

Potek, ambigat ng kamay, buti na lang talaga..             Down bad Jimin.

 

 

 

"Tita ayaw nga po ako sagutin ng pamangkin nyo, since elementary pa ako nanliligaw sa kanya." sumbong ko kay tita tiffany na lalo lang natawa, pati tawa nya maganda din. 

 

 

 

"Siraulo! Anong nanliligaw? Dun ka na nga, nasa kwarto ni nanay yung kambal." tulak nya sa akin palabas ng pinto, ang kaso nagmatigas ako, maton lang to si lalabs, pero mas matangkad at malakas naman ako sa kanya kaya wala din syang nagawa.

 

 

 

"Ang cute nyo, naalala ko kami ni Taetae sa inyong dalawa noong kabataan namin, manang-mana ka sa tita Taeyeon mo Winter, tsundere." nakangiting sabi ni tita sa amin. 

 

 

 

"Luh tita, saan nyo natutunan yan? Tsaka wag kayong nagpapaniwala dito kay Jimin, kinulang to sa turok nung bata pa sya." 

 

 

 

"Sayang tita, may jowa na po pala kayo, crush ko na pa naman na kayo." biro ko kay tita tiffany na lalong natawa sa akin. 

 

 

 

"Ang cute mo, pero bawi ka na lang next life, may Taetae na ako eh." napisil pa nga ako sa pinsgi.

 

 

 

Grabe ba. Kung sino man yung Taetae nya kabahan na siguro sya sa akin, mukhang ako na ang bagong happy pill ni tita tiffany. 

 

 

 

"Ah talaga ba iglot?" napangiti ako ng pagtingin ko kay lalabs ay nakataas na ang kilay nya sa akin at nakapa-mewang pa. 

 

 

 

"Tingnan mo tita, ayaw ako sagutin tapos magseselos." sumbong ko ulit kay tita tiffany na nailing na lang sa pagtatalo namin ng pamangkin nya. 

 

 

 

"Hindi ako nagseselos bwiset ka! Tita ko yan tas may crush ka?!" 

 

 

 

Kung hindi ko lang alam na hindi ako bet ni lalabs, iisipin ko talaga na nagseselos sya eh.

 

 

 

Agagalet sya oh.

 

 

 

"Crush lang naman ah, paghanga lang kasi maganda si Tita tiffany. Pero ikaw, lalabs kita, kahit masungit ka." 

 

 

 

"Manahimik ka na sabi!" 

 

 

 

"Ouch!" 

 

 

 

At humabol pa talaga ng hampas bago nya kunin yung hawak ko na supot, tsaka sya tahimik na kumuha ng maruya sabay talikod sa akin. 

 

 

 

"Winter darling, are you blushing?" 

 

 

 

"Yieee.. Harap ka nga patingin ako, kilig ka lalabs?" asar ko sa kanya. 

 

 

 

"Pakyu ka, manahimik ka dyan naiinis ako sayo hindi ako nagba-blush!" 

 

 

 

Ang cute! Parang syang hamster na galit, nakaumbok ang namumula nyang pisngi dahil sa maruya na kinakain nya. 

 

 

 

"Tita oh, nagsasabi ng bad word." 

 

 

 

"Winter stop na, bad yan." 

 

 

 

"Ugh kainis ka talaga iglot!" 

 

 

 

"Labyu." 

 

 

____

 

 

"Ate jimjim mag-play po kami ni Daf sa labas po." 

 

 

 

"Hindi na pwede baby, hapon na eh, lilinisin lang ni ate dito tapos uuwi na tayo para makakain na kayo." 

 

 

 

"okay.."

 

 

 

Napa-iling na lang si Jimin ng makita nya kung paano nanghaba ang nguso ni Saf, malungkot itong yumuko at tahimik na naglakad pabalik sa tabi ng kambal nito na nakaupo sa sirang gulong ng jeep. Hindi lang pala si Saf ang aamuhin nya, pati kasi si Daf ay nanghahaba na din ang nguso.

 

 

 

Ala singko pa lang naman ng hapon, tapos na ang raket nya ngayong araw, wala din kasi yung raket nya sa balutan kaya iuuwi na din nya ang mga kapatid nya sa bahay. Naisip nya kasi na lutuan ang mga ito ng fried chicken na paborito ng dalawa. Tamang-tama at makakasabay na ulit nya maghapunan ang kambal. 

 

 

 

Isang buong linggo kasi na halos hating gabi na nya nakukuha ang mga ito kila Winter dahil nag-hahapit nga sya sa mga raket nya, alam nyang mag-mamahal na araw at magbabakasyo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
rinagerie
#1
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#2
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#3
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1161 streak #4
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #6
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#7
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #8
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #9
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂
ryujinie__
694 streak #10
Chapter 12: Kambals, kayanin niyo ang hamon ng bohai HAHHAHAHA bwa 😭