Chapter L-9

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Gutom ka ba Jimin? Pangatlong refill mo na ng kanin yan ah." nag-aalalang tanong ni Yeji sa kaibigan na kaka-balik lang ulit sa pwesto nila galing sa pag-order ng kanin. 

 

 

Nandito sila ngayon sa paresan sa kanto ng barangay nila, kaya naisipan nilang kumain muna magka-kaibigan dahil kadadating lang ni Giselle galing Japan, kung saan nag-bakasyon ito ng isang buwan kasama ang girlfriend nito na si Ningning. 

 

 

Nanlibre si Giselle ng tanghalian, kaya nagkapag-bonding na din silang magka-kaibigan, magkakasama sila sa isang lamesa. Si Jimin at Winter ay napapa-gitnaan ang kambal sa kabilang side. Si Yeji, Ryujin at Ningning at Giselle ay sa kabila naman katapat ng apat. 

 

 

"Tinanghali kasi ako ng gising, hindi na ako nagkapag-almusal kaya dumarecho na ako sa pagtitinda ng pandesal." puno ang bibig ng kanin na sagot naman ni Jimin, habang tinu-tulungan nito si Saf na humigop ng sabaw. Ganoon din si Winter na busy punasan ang bibig ni Daf.

 

 

"Gagi huy, umayos ka nga, pina-patay mo na nga sarili mo kaka-trabaho tapos hindi ka pa kumakain ng ayos." kunot noong sermon ni Yeji sa kaibigan. 

 

 

Kahit na laging nagta-talo ay parang kapatid na talaga ang turing nina Yeji at Jimin sa isa't-isa, kaya naman kahit alam ni Yeji na workaholic ang kaibigan ay lagi nya itong pina-paalalahan na magpahinga. Lalo na't mas mahirap magka-sakit, at higit sa lahat, mahal pa ang magpa-gamot. 

 

 

"Sagutin mo na kasi si Wintot para may nag-aalaga na sayo, tapos hindi ka puro trabaho lang, ayaw mo non? Bebe time ang pahinga mo." dagdag pa ni Ningning. 

 

 

Ang totoo ay kanina pa pina-panuod ni Ningning sina Winter at Jimin, halos tatlong buwan na din kasi simula ng manligaw ang bestfriend nya kay Jimin, at ang huling kamusta nya kay Winter noong nakaraang linggo ay maayos naman daw, at talagang hini-hintay na lang nito na maging handa na si Jimin. Kahit alam naman talaga nilang lahat na ready pa ito sa ready.

 

 

"Loko, ginawa mo naman babysitter si lalabs." ani Jimin na napapa-iling na lang sa mga kaibigan nila.

 

 

Lihim silang nagka-tinginan ni Winter at hindi nila maiwasan na mangiti na lang sa sitwasyon nila. Dahil wala pang kaalam-alam ang mga ito sa estado ng relasyon nila ngayon, halos dalawang linggo na din simula ng maging sila. At ni isa sa mga kaibigan nila ay walang ideya na mag-girlfriend na sila. 

 

 

Sigurado naman silang dalawa na mayayari sila sa oras na malaman ng mga ito ang pagtatago nila ng kanilang relasyon. Pero dahil naging busy din kasi ang barkada nila nitong mga nakaraang linggo at hindi sila nagkita-kita, kaya napag-pasyahan nila na sarilinin muna kung ano ang meron sa kanilang dalawa.

 

 

At ngayong araw nga nila napag-desisyunan na mag-sabi na sa mga ito. 

 

 

"Hayaan mo bebs, hindi makaka-tagal yan si Iglot, kapag nainggit yan sa bebe time natin, sasagutin din nyan si Wintot." ani Yeji na ngumiti pa na tila nang-aasar kay Jimin. 

 

 

"At bakit naman ako mai-inggit?" 

 

 

"Kasi walang nagla-lambing sayo, katulad nito-" 

 

 

Halos sabay lang na napa-irap sina Jimin at Winter ng harap-harapan na hinalikan ni Yeji si Ryujin na nasa tabi nito na tila nang-iinggit. Nagka-tinginan na lang ulit silang dalawa at napa-iling na lang din sa kaharutan ng mga kaibigan nila. 

 

 

"Ganon, pakitaan nyo nga din to Ning at Gigi, immuned na kasi ang dalawang to sa bebe time namin ni bebs ko eh." utos ni Yeji na agad din naman sinunod ni Giselle.

 

 

Ang kaso'y na-hampas ito ni Ningning sa gulat. 

 

 

"Giselle ano ba yan! Ang lagkit ng nguso mo." 

 

 

"Sorry baby, nautusan lang." 

 

 

"Puro kayo kalokohan, immuned na din yan si Jimin sa amin, nako, good luck talaga sayo Wintot, para kang nanligaw sa dalagang Filipina nyan." dagdag pa ni Ningning.

 

 

Dumepensa naman agad si Winter at palihim nya muna tiningnan ang reaksyon ni Jimin, napangiti sya ng makita nyang naubos na ulit nito ang bagong kuha lang na kanin sa mangkok nito.

 

 

"Ok lang, sobrang worth it naman." sagot nya.

 

 

Ipinagpa-tuloy na ulit ni Winter ang pagkain at nagpatay malisya na lang, dahil narinig na nya ang panunukso ng mga kaibigan nila sa kanilang dalawa ni Jimin. 

 

 

"Yiee~" 

 

 

"Oh san ka pupunta?" tanong ni Ryujin kay Jimin, tumayo kasi ito dala ang dalawang mangkok na kinainan ng kambal.

 

 

"Kukuha ng kanin ng kambal." sagot ni Jimin.

 

 

Huminto pa ito sa likod ni Winter at yumuko para tanungin ang girlfriend nya.

 

 

"Lalabs ikaw? Kanin ka pa?" mahina bulong ni Jimin malapit sa tenga ng dalaga. 

 

 

Lumingon naman si Winter at sakto paglingon nya ay halos mag-dikit na ang mga mukha nila ni Jimin. Dinig ang malakas at sunod-sunod na pag-singhap ng mga kaibigan nila kaya naman hindi na nila napigilan dalawa ang mapangiti. 

 

 

"Half rice na lang love, thank you." malambing na sagot ni Winter. 

 

 

At mas lalong lumakas ang singhap sa paligid na may kasama pang mahinang tili na galing kay Ningning, nang walang ano-ano ay binigyan ni Winter ng mabilis na halik si Jimin sa labi nito, dahilan para mamula ang mukha ng girlfriend nya kahit na ina-asahan na nito ang gagawin nya. 

 

 

"W-welcome, wait lang ah." halos mautal naman si Jimin sa gulat. 

 

 

Kahit na dalawang linggo na silang mag-girlfriend ni Winter ay hindi pa din sya nasasanay sa epekto ng mga halik at paglalambing nito sa kanya. Wala kasi talaga sa itsura ng dalaga ang maging malambing, lalo pa't nasanay sya dito na lagi syang sinu-sungitan. Maging ang pabago-bago nitong endearment sa kanya, at ang latest nga ay love.

 

 

Nasanay din kasi sya sa Iglot o Itlog na tawag nito sa kanya, ngayon ay bibihira na lang iyon.

 

 

"Omg!

 

 

"Gagi! Hoy!" 

 

 

"Kayo na?!" 

 

 

"Kelan pa?! Parang hindi kayo mga bestfriend ah! Hoy iglot! Bumalik ka dito magpaliwanag ka!" 

 

 

"Mamaya, atat yan?" nginisihan lang ni Jimin ang mga kaibigan nila na nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sa nasaksihan, at iniwan na muna ang mga ito para umorder ulit ng kanin para kay Winter at sa kambal.

 

 

"Hoy Winter Pearl! masa-sabunutan talaga kitang lukaret ka! Bakit wala akong alam?" inis na tanong ni Ningning kay Winter na mabilis umiwas ng muntik na syang hablutin nito.

 

 

"Parang hindi bestfriend!" dagdag pa ni Ryujin na sinamaan pa sya ng tingin.

 

 

Napa-irap na lang si Winter, ang totoo ay kating-kati na talaga syang sabihin sa mga ito na napa-sagot na nya si Jimin at sila na. Ang kaso ay naging busy din talaga ang mga ito, nag-kanya-kanya kasi ng out of the country at out of town ang magjojowa kaya naisip nila ni Jimin na pagbalik na lang ng mga ito nila sasabihin.

 

 

Para na din personal, at gusto din talaga nila makita ang reaksyon ng kanilang mga kaibigan, dahil sa wakas! hindi na sila magiging fifth at six wheel ni JImin kapag magka-kasama sila.

 

 

"Sorry naman, ayaw kasi namin na ma-istorbo kayo sa bakasyon nyo, kaya naisipan namin na pagdating nyo na lang sabihin. And yes mga kumag, kami na ni Jimin dalawang linggo na-ouch! Sorry na nga Luningning~!" daing ni Winter ng tuluyan na syang mahagip ng hampas ni Ningning sa balikat.

 

 

Wala na din syang nagawa kundi tanggapin na lang iyon, dahil ina-asahan na talaga nila ang iba't-ibang reaksyon ng mga ito, dahil nga hindi agad nila pinaalam ang estado ng relasyon nila.

 

 

"Ang tagal ko hinintay yan, hindi mo ba alam na mas ini-isip ko pa yan kesa kung magu-gustuhan ng mommy ni Gigi yung sushi na first time ko ginawa? Nang-gigigil ako sayo ngayon Winter Pearl naku talaga.." ani ni Ningning na umamba pa ulit ng isang hampas kay Winter pero dahil nga nasaktan ito sa unang hampas ay mabilis na itong umiwas, habang hina-haplos pa din ang balikat na natamaan kanina.

 

 

"May bayad ka na sa kompyuteran namin for one week, akala mo dyan Wintot." nagtatampong dagdag pa ni Ryujin.

 

 

Napa-kamot na lang ng ulo si Winter, hinanap nya agad ng tingin si Jimin at naka-hinga naman sya ng maluwag ng makita nya itong palapit na ulit sa pwesto nila dala ang tray ng order nilang kanin.

 

 

"Isa pa tong itlog na to." nagta-tampo din na sabi ni Yeji ng makita ang kaibigan nya na padating.

 

 

Lihim na nag-senyasan na lang sina Jimin at Winiter, pagkatapos ay tumango si Jimin para i-parating sa nobya nya na sya na ang bahala. Tahimik nyang ibinigay ang kanin ng kambal at ni Winter tsaka sya muling na-upo sa pwesto nya. 

 

 

Napa-hinga na lang sya ng malalim at pinilit ang sarili na maging seryoso kahit pa nga nakita nyang nagha-haba ang nguso nina Yeji at Giselle sa kanya.

 

 

"Sorry talaga guys, alam namin na mali kami sa hindi pagsasabi, ang punto kasi talaga namin ni lalabs eh masabi sa inyo ng personal, at hindi din kami maka-istorbo sa bakasyon nyo lalo pa't kasama sa bakasyon ang pamilya nyo..kaya sorry na..." paliwanag naman ni Jimin, humingi na din sya ng paumahin sa mga ito.

 

 

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang magka-ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
rinagerie
0 points #1
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#2
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#3
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1160 streak #4
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #6
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#7
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #8
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #9
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂
ryujinie__
693 streak #10
Chapter 12: Kambals, kayanin niyo ang hamon ng bohai HAHHAHAHA bwa 😭