Chapter L-11

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Winter's Pov

 

 

"Tay, na-vulcanized ko na po yung gulong ng van ni Mang Goryo, tapos na din po yung sa motor ni Jeff, natapalan ko na din po yung iba." tawag ko kay tatay na nagku-kumpuni sa ilalim ng van ni Mang Goryo.

 

 

"Sige bunso salamat." narinig kong sagot ni tatay. 

 

 

Iginalaw-galaw ko muna ang bewang at mga braso ko pagkatapos, dahil nakaramdam ako ng pangangalay, mabigat kasi ang mga gulong na tinapalan at hinanginan ko kaya pwersado talaga ang katawan ko ngayon. 

 

 

Napa-hinga ako ng malalim ng makita ko ang kalat paligid, pakiramdam ko parang biglang nadagdagan ang pagod ko sa dami ng lilinisin ko. 

 

 

Pero ayos lang, dahil sa wakas natapos na din ang duty ko sa talyer namin ngayong araw.

 

 

Nang makapag-pahinga ako ng konti ay isa-isa ko na din inayos ang mga ginamit ko, yung mga gulong, machine na pang-vulcanize, pati na din yung mga ginamit ko sa pang-tapal ay iniligpit ko na din. 

 

 

Grabe, hindi ko namalayan na alas singko na pala ng hapon, sobrang busy namin ngayong araw. Ewan ko ba kung bakit dinagsa kami ngayon ng mga nabutasan ng gulong at na-singawan. Hindi tuloy ako naka-gala dahil ako yung naka-tutok dito, may pinuntahan kasi ang kuya Wilson ko kaya kinulang sa tao si tatay. 

 

 

Tagaktak na ang pawisan ko at nagla-lagkit na din, mag-hapon ba naman na nandito ako sa talyer tapos napaka-init pa ng panahon. Magpa-pahinga lang ako saglit at maliligo na din ako, baka mamaya makita pa ako ni Jimin dito, amoy pawis at grasa pa naman ako-

 

 

"Lalabs!" 

 

 

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, speaking of iglot. 

 

 

"Love mabaho ako, wag ka muna lumapit sa akin, Jimin! Kadiri ka pawisan ako." tulak ko palayo sa jowa ko na todo yakap at naka-halik pa nga sa pisngi ko. 

 

 

Jusko, first time ko ata ma-concious ng bongga sa sarili ko, hindi pa naka-tulong na amoy baby cologne si Jimin, samantalang ako amoy mag-hapon na. 

 

 

"Okay lang kahit hindi ka maligo lalabs, mabango ka pa din para sa akin. Namiss kasi kita at mukhang pagod na pagod ka, tamang-tama, eto oh, may dala akong slurpee tsaka siopao. Mag-meryenda muna kayo ni Tiyo, ako na maglilinis dito lalabs ko." 

 

 

Wala na din akong nagawa ng yayain na nya ako na maupo sa monoblock chair na nasa tabi ng cashier, inihanda na din nya yung mga pasalubong nya sa amin ni tatay. At nang makasigurado si Jimin na maayos na ako sa pwesto ko ay mabilis ulit syang humalik sa pisngi ko, pagkatapos ay tinulungan naman nyang tumayo si tatay galing sa pagku-kumpuni nito sa ilalim ng sasakyan. 

 

 

"Nag-abala ka pa Jimin, salamat sa pa-meryenda mo, ikaw ba ay kumain na? Baka hindi ka pa nakakapag-pahinga." tanong ni tatay na halatang gutom din, nakalahati nya agad yung siopao sa isang kagatan lang. 

 

 

"Nakapag-pahinga na ho ako at nakakain na din.." naka-ngiting sagot naman ni Jimin. Habang hawak nya yung walis tingting na gamit ko kanina dahil sya na nga daw ang magtu-tuloy ng paglilinis. 

 

 

Maya-maya ng matapos syang mag-walis ay napakunot ang kilay ko, tapos na din kami kumain ni tatay at naka-tayo na lang si Jimin sa harap namin.

 

 

Nagtaka ako dahil tila lumikot ang mga mata nya na tumingin sa akin at pagkatapos ay kay tatay, para bang nahihiya sya na nag-kamot ng batok nya kaya tinaasan ko sya ng kilay ng mag-tagpo ang mga mata namin, pero ngumiti lang sya sa akin at muling tumingin kay tatay. 

 

 

"Ahmm t-tiyo, pasensya na po kayo kung biglaan ito, ano po kasi, p-pwede ko po ba i-pagpaalam si lalabs sa inyo? 6th monthsary po kasi namin ngayon, kung ayos lang po sa inyo, gusto ko po sana syang yayain na lumabas para makapag-celebrate po kami." 

 

 

Napa-tigil ako sa pag-sisip sa slurpee na hawak ko, at nanlalaki ang mga mata na napatingin na lang ako kay Jimin na pulang-pula ang mukha habang naghihintay sa sagot ni tatay.

 

 

Shet! Nalimutan ko na monthsary nga pala namin ngayon!      

Nakita ni Jimin ang naging reaksyon ko dahil napatayo talaga ako bigla sa gulat, may ini-handa naman talaga ako na surprise para sa kanya at regalo. Ang kaso eh hindi ko pa naba-balot, nawala kasi sa isip ko yung petsa ngayon dahil nga ilang araw na kami busy sa talyer. 

 

 

"Love-" 

 

 

"Aba ay oo naman, pwedeng-pwede, iwan mo na din dito ang kambal at ang tiya mo na ang bahala sa kanila." pumayag naman agad si tatay, sabay lingon sa akin. "Bunso lakad na, maghanda ka na at magde-date pala kayo ni Jimin, siguraduhin mo na maligo at mag-hilod kang mabuti, i-suot mo na din yung palda na binili ng nanay mo sayo." dagdag pa ni tatay na may halong panunukso din sa boses nito.

 

 

Umismid ako sa kanya kaya lalo syang natuwa sa pang-aasar nya sa akin.

 

 

Di na bale uy, magka-ubusan man ng damit, hinding-hindi ko isu-suot yung mga pambabaeng damit na bini-bili sa akin ni nanay, mabulok na yon sa drawer ko, pero no way talaga. 

 

 

Ewan ko ba bakit bumibili pa si nanay ng mga yon, alam naman nyang simula mag-grade 1 ako eh hindi na talaga ako nag-susuot ng mga pambabaeng damit. Pwera na lang sa school uniforms ko, sapilitan pa nga noong komunyon dahil walang choice, tsaka yung JS prom.

 

 

"Luh? Ayoko nga po tay, kabagin pa ako sa iksi ng mga yon, tsaka baka lalong ma-inlove sa akin yan si Iglot." tukso ko din pabalik kunwari kay Jimin, pero tumango-tango lang ang Iglot sabay tapik sa balikat ko. 

 

 

Shuta, minsan talaga hindi ko na alam kung mag-jowa ba kami o mag-kumpare dahil sa mga asta namin dalawa.

 

 

"Oo nga po tiyo, tsaka tama na yung mga babae na lang ang pipigilan ko lumapit kay lalabs, baka maka-sapak na ako kapag pati hakdog eh umaligid na din sa kanya." sabi pa ni Jimin na hindi pa nga tumigil sa pag-tapik sa akin.

 

 

Inakbayan pa nya ako na akala mo eh tropa nya lang ako, ang sarap lang sikuhin. 

 

 

Napailing na lang ako habang tawang-tawa pa sila ni tatay, nagkaka-sundo talaga sila pagdating sa kalokohan.

 

 

"Oh sya sige, lakad na." ani tatay, tinapik na din nya si Jimin sa balikat nito bago ito muling na-upo sa karton na ginagamit nyang latag sa pagku-kumpuni sa ilalim ng van na ginagawa nya. "Jimin, ingatan mo ang dalaga ko ha, alam ko na pa-siga-siga yan si bunso, pero baby girl ko yan-".

 

 

"Tay! Ano ba yan kadiri." inis kong saway kay tatay na nasa ilalim na ng van, narinig ko yung mapang-asar nyang tawa kaya napa-irap na lang ako. 

 

 

Pati si Jimin na lihim na natatawa eh sinamaan ko din ng tingin pero imbes na matakot ay ngiting-ngiti lang sya na yumuko para bigyan ako ng halik sa pisngi. Hinayaan ko na dahil nawala na din naman yung hiya ko na baka may ma-amoy syang hindi ka-nais-nais sa akin, binalaan ko naman na sya, makulit lang talaga itong si Iglot. 

 

 

"Lakad na bunso, mag-iingat kayo, huwag masyadong magpapa-gabi." narinig ko pang paalala ni tatay. 

 

 

Kaya hinarap ko na si Jimin at tumingkayad na din ako para halikan din sya sa pisngi. Bago ako nag-paalam na maliligo na muna ako, uuwi pa naman sya para maligo din kahit amoy bagong ligo na sya. 

 

 

Ang bango lang talaga ng jowa ko, amoy baby. 

 

 

"Opo tiyo, maraming salamat po." sagot naman ni Jimin. 

 

 

"Puntahan kita sa inyo love ha." paalam ko sa kanya.

 

 

"Hindi na lalabs, dadaanan na lang kita kasi dadalhin ko din naman ang kambal dito, kaya see you lalabs, I love you, happy monthsary." 

 

 

Napangiti ako ng hapitin nya ako sa bewang, nilingon ko pa nga si tatay kahit hindi naman nya kita ang kaharutan namin ng jowa ko. Bago ako muling tumingin kay Jimin, natawa ako kasi nakanguso na talaga sya sa akin. 

 

 

"Happy monthsary love, I love you too." 

 

 

Nakangiting bati ko din sa kanya, bago ko sya mabilis na hinalikan sa labi ng tatlong beses, at ang huli nga ay tumagal din siguro ng tatlo segundo.

 

 

Pero bago pa mauwi sa french kiss-charot! Walang ganon, wholesome kami. Eh lumayo na ako at mabilis na kumaway sa kanya bago ako pumasok ng bahay namin para maligo at mag-handa sa date namin.

 

 

At dahil maharot ako, muli akong sumilip sa pinto at hindi nga ako nagka-mali, nandoon pa si Jimin at ngiting-ngiti pa na naka-tingin sa akin. Parang alam nya din na si-silip pa ako, kaya naman bago ako tuluyang pumasok ulit ay nag-flying pa ako sa jowa ko na akala mo bata na naghi-hintay mabigyan ng candy sa labas ng pinto. 

 

 

Sa ka-corynihan namin dalawa ay kunwari sinambot pa nya yung flying kiss ko, at inilagay iyon sa labi nya pagkatapos. 

 

 

Pero sadyang marami talagang istorbo kapag nandito kami sa bahay, katulad nitong ungas kong kuya na bigla akong hinawi para sya yung sumalo ng flying kiss ng jowa ko. Inalog-alog nya pa iyon sa kamay nya sabay dampi nito sa labi ko. 

 

 

Napa-atras talaga ako sa gulat nang maramdaman kong basa ang kamay nya na ini-hawak nya sa labi ko. 

 

 

"Hayop ka kuya! Basa pa yang kamay mo saan ka galing?!" inis kong tulak sa kuya ko, sabay hampas sa balikat nya, pinunasan ko din ang labi ko na hinawakan nya dahil basa nga. 

 

 

"Sa banyo nag-jebs, nag-hugas naman ako-aray!" natatawang daing pa ni Kuya Wilfred ng suntukin ko sya sa balikat nya. 

 

 

"Kadiri ka! Nay! Si Kuya ang baboy!" nagda-dabog na sumbong ko kay nanay, tuluyan na din ako pumasok ng bahay ng kumaway na sa akin si Jimin. 

 

 

"Kayong dalawa pag-uuntugin ko na talaga kayo! Araw-araw na lang puro kayo bangayan! Hindi na natahimik dito sa bahay! Ano kayo? Mga bata?" narinig kong tuloy-tuloy ng ratrat ni nanay na nasa sala. 

 

 

Lihim kami na nagsi-sikuhan ni Kuya habang papasok sa sala dahil nag-simula na naman ngang mag-rap ang nanay namin.

 

 

Bwiset kasi talaga tong mga kuya ko, mga hakdog talaga!

 

 

_____

 

 

"Love, para sayo." 

 

 

Nagulat na lang si Jimin nang pag-lingon nya ay nakita nya si Winter na may dala nang rose bouquet at malaking toblerone chocolate na may red ribbon pa nga. 

 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
551 streak 0 points #1
May update din pala toooo
sepvenanje 0 points #2
tor baka naman may saf and daf pov ka jan 👉👈
karinayoooooo 0 points #3
Chapter 12: ANU KYA NANGYARI BAKIT NASA FLOOW ANG BWA💔💔💔
1234_qwerty
#4
miss ko na agad sila 😭
rinagerie
#5
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
#6
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#7
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1173 streak #8
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #10
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂