Chapter L-3

Lalabs
Please Subscribe to read the full chapter

Third Person's Pov

 

 

"Pssst! psst!" 

 

 

 

Napakunot ang noo ni Jimin ng may marinig sya na sitsit malapit sa pwesto nya sa gripo habang naglalaba sya sa may bakuran nila, kaya nag angat sya ng tingin at ganoon na lang ang gulat nya ng may makita syang mata na nakasilip sa gate nila na yari sa yero. Butas butas na din kasi ito dahil sa kalumaan at inaalagaan na lang nya sa tira-tirang pintura para magmukha pa ring maayos. 

 

 

 

"Parang ka talagang ewan dyan Ryujin." simangot nya ng mamukhaan nya kung sino ang nakasilip sa butas ng bakod. Hindi nya ito pinansin dahil alam nya ang pakay ng kaibigan nya, itinuloy na lang nya ulit ang pag babanlaw ng labahan nya. 

 

 

 

"Bebeko tara laro!"

 

 

 

"Kita mo ng naglalaba ako dito eh, kayo na lang muna."  

 

 

 

Hiindi sya nakapaglaba kahapon dahil nga sinulit nya ang sandali na nasa bahay nila si Winter at inuna na lang nya manuod sa kambal at kay Winter na nagbobonding sa kwarto ng mga ito, kahit na nga kinakawayan na sya ng tambak na labahan nila sa marumihan. 

 

 

 

"Bakit ba kasi ngayon ka naglalaba? Linggo ang schedule mo ng laba diba? Himala ata wala ka sa mga raket mo ngayon."  tanong ni Ryujin na na nakasilip pa din sa butas. 

 

 

 

"Busy ako kahapon, may importanteng ganap ako, nakapag-tinda naman na ako ng pandesal kanina tsaka kakagaling ko lang sa pwesto ni manang Tessi sa palengke. Pass muna ako sa canteen, baka wala na kaming ma-suot pag hindi ako naglaba." 

 

 

 

"Edi tara, pagkatapos nyan laro na tayo." pagpupumilit pa din ni Ryujin.

 

 

 

"May raket pa ako mamayang ala-singko sa talyer nila lalabs, may inuutos sakin tatay nya." 

 

 

 

Sa totoo lang ay gusto nya sumama dito na maglaro ng basketball sa plaza, kaya lang ay magluluto pa sya ng tanghalian nila dahil pagkagising ng kambal gutom na ang mga ito.

 

 

 

"May oras pa naman pre, tara na. Monthsary namin ni bebs, manlilibre ako ng lunch sama mo ang kambal." muntik na syang matumba sa pag-kakaupo nya sa bangkito sa gulat ng tapikin sya ni Yeji sa likod. Hindi nya namalayan na nakapasok na pala ito ng bakuran nila.

 

 

 

"Gago ka! Nagulat ako!" singhal nya dito, natawa lang naman si Yeji sa reaksyon nya, sumunod din si Ryujin na pumasok sa loob ng bakuran nila dala ang bola ng basketball. 

 

 

 

"Inuna mo kasi harot, huy! nakita ko kayo ni Winter kahapon sa mall ah, ginamit mo pa talaga ang kambal para lang humarot. Yiee~" tukso ni Yeji sa kanya, hahampasin nya sana ito ng tabo pero naka-ilag ito kaya hindi na lang nya ito pinansin. 

 

 

 

Lagi kasi syang binuburaot nito dahil napaka-bagal daw nya. Kahit pa sabihin nya dito na aksidente lang ang pagkikita nila kahapon ni Winter ay siguradong hindi naman ito maniniwala sa kanya, kaya hinayaan nya na lang. 

 

 

 

Eh sa ayaw nga sa kanya ni Winter, alanganan naman na ipilit nya ang sarili nya? Mahirap naman yon, kaya nga idinadaan na lang din nya sa pang aasar minsan para lang pansinin sya nito. Masaya na din sya na kahit na mag-kaibigan lang sila ni Winter, ang mahalaga nakikita nya ito. 

 

 

 

"Nag-kiss na ba kayo?" 

 

 

 

"Gusto mo ba, bangasan ako non?" irap nya kay Ryujin na nakangisi sa kanya, halatang nag aasar. Umupo ito sa harap nya sa kabilang side ng batsa at pinanood lang sya mag-banlaw.

 

 

 

"Ano? Tara na kasi, gutom na ako bebeko, libre naman ni bebs eh. Tara na." pangungulit pa din nito sa kanya. 

 

 

 

 

"Monthsary nyo tapos isasama nyo kami? Anong trip nyong mag jowa?" 

 

 

 

Ewan ba nya sa dalawang ito, ilang taon na halos magjowa pero nagcecelebrate pa din ng monthsary. 

 

 

 

Apaka-corny.          

Pero naisip nya din, kung maging sila ni lalabs nya in the future, baka kahit secondsary i-celebrate nya sa saya. Yon nga lang, parang paningin nya lang yon, blurred. Malabong mangyari...

          Mangarap ka na lang Jimin. Dahil imposible mangyari yang iniisip mo.            

"Miss ko na din yung kambal, tara na kasi Jimin, pabebe ka pa eh, kasama naman si Winter, niyaya namin kanina, may aasikasuhin lang daw sya tapos susunod na sya sa atin." napatingala sya agad kay Yeji na nakatayo naman sa gilid nya ng marinig nya ang pangalan ni Winter. 

 

 

 

"Parang timang naman, ano pang hinhintay nyo dyan? Tulungan nyo na ako dito para matapos na. Okay na sa akin dalawang banlaw lang, damit ko na lang naman yan." nagmamadaling yaya nya sa dalawa na nagulat din ng biglang mag-bago ang isip nya. Tumayo na din sya at kinuha ang balde na pinaglalagyan ng bagong banlaw na damit ng kambal para isampay.

 

 

 

"Pucha, hindi pa ako nasanay talaga na ang magic word para sumama ka eh, Winter." 

 

 

 

"Dami mong ebas dyan Yeji, mag-piga ka na dito kasama ng jowa mo, isasampay ko na itong nabanlawan ko na. Sandale." kinuha nya ang bangkito na inuupuan nya at tsaka nya pinaupo dito si Ryujin. 

 

 

 

"Ayan, dyan ka Ryu, baka sabihin ng jowa mo pinapahirapan kita. Banlaw well." paalam nya kay Ryujin na wala ng nagawa kundi ang umupo na lang. Pagkatapos ay dali dali ng pumunta sa likod bahay nila si Jimin para isampay ang mga damit ng kambal.

 

 

 

"Hayuf na yan, baka may boxer shorts mo pa dito ha!" rinig nyang sigaw ni Ryujin na nagsisimula na din mag-banlaw ng iniwan nya. 

 

 

 

"Wala na, nandito na lahat. Arte nito parang hindi ka pa nagka-paglaba ng boxers ni Yeji ah." 

 

 

 

"Malamang jowa ko naman to! Sira ulo ka talaga!"

 

 

 

"Ayos lang yan, thanks in advance bebeko muah! " natatawa nyang sagot. Nakita nya din na nagtulong na ang mag-jowa na mag banlaw ng mga damit nya ng bumalik sya para kunin ang sipit sa tabi ng mga ito. 

 

 

________

 

 

"Oh yes! Nice one bebeko!" muntik na matumba si Jimin ng biglang dumamba si Ryujin sa kanya pagkatapos nya makatira ng three points dahilan para maipanalo nila ang laban. 

 

 

 

83-60

 

 

 

Lamang sila. 

 

 

 

Hindi naman kasi talaga pustahan dapat to, sadyang may saltik lang talaga si Ryujin at Yeji kaya nauuwi lagi sa pustahan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero medyo may alam talaga sya sa paglalaro ng basketball dahil dating suma-sideline na referee ang tatay nila noong nabubuhay pa ito at lagi sya nitong isinasama sa plaza. 

 

 

 

Dahil doon nga ay natuto syang maglaro, kaya sya ang laging hinihigit nina Yeji at Ryujin kapag na-tripan ng mga ito na mag-laro, malakas din ang loob ng dalawa na makipagpustahan sa mga nakakalaro nila na dayo dahil kasama sya. Mabuti na lang din talaga at sinuswerte sila na manalo. 

 

 

 

"Idol talaga kita Jimin, walang kupas! eto, para sa kambal, para may fried chicken sila mamayang hapunan." tinanggap nya ang limang daan na bigay ni Yeji galing sa napanalunan nila, bale tatlong libo ang napanalunan nila kaya tig 500 silang magkakakampi. 

 

 

 

Wala naman talaga syang ambag sa pustahan dahil alam ng mga ito ang kalagayan nilang magkakapatid, kaya si Yeji ang sumasagot sa kanya dahil sigurado naman daw na panalo na sila kapag kasama sya. Pero kapag hatian ng napanalunan ay may parte din sya kaya pasalamat sya sa mga kaibigan nya, nag-enjoy na sya sa paglalaro, kumita pa sya. 

 

 

 

Maliban sa mag-jowa na sina Yeji at Ryujin, kakampi din nila si Winter at si Chaeryeong na kababata ni Ryujin. Taga kabilang barangay si Chaeryeong pero nadayo pa ito sa kanila kapag tinatawag ni Ryujin para mag laro. Ang 500 naman na sobra ay pinang-fofoodtrip nila sa paresan sa tabi ng plaza.

 

 

 

"Salamat." pagpapasalamat nya kay Yeji, nakangiti syang tumingin sa kambal na nagchecheer na ngayon sa di kalayuan habang nakain ng sramble. Binilhan ni Jimin ang mga ito dahil nag-promised din ang dalawa sa kanya na hindi sila maglilikot basta bilhan sila ng scramble.

 

 

 

"Easy money talaga kapag ikaw ang ka-team bebeko, eto kasing si Wintot pupol maglaro ampotek, sa kalaban pinapasa-agoy!" biglang daing ni Ryujin, muntik na itong tumilapon ng itulak ito ng nakasimangot na si Winter. 

 

 

 

"Manahimik ka nga dyan, kamukha mo kasi si Jean, kaya akala ko ikaw ang napasahan ko, pareho pa kayo ng highlights ng buhok." mataray na sabi ni Winter, sabay irap pa nito kay Ryujin na hawak ni Yeji sa bewang dahil ito ang sumambot ng muntik ng matumbay si Ryujin sa pagkakatulak ni Winter. 

 

 

 

Lihim na nangingiti na lang si Jimin habang pinapanuod nya ang nagtataray na si Winter. 

 

 

 

Malala na ata talaga ako, kinikilig pa din ako sa pag tataray ni lalabs ko.

 

 

 

"Gago ka ba? Excuse me, Hindi hamak naman na lamang ako ng limang ligo doon." 

 

 

 

"Hindi mo sure..." 

 

 

 

"Aba't-" 

 

 

 

"Bebs tama na yan, mas maganda at mabango ka talaga kay Jean, sa akin ka maniwala." awat naman ni Yeji sabay akbay kay Ryujin na tila susugurin na ng suntukan ang nakatingin lang sa kanya na si Winter, nakataas lang ang kilay nito na tila hinahamon pa lalo si Ryujin.

 

 

 

Napailing na lang sina Yeji at Jimin sa dalawa, sanay na sanay na sila sa dalawang ito, pero ang totoo ay mag-bff talaga sina Winter at Ryujin since birth pa, dahil magkakaibigan ang mga magulang ng mga ito. Kaya parang wala na lang sa kanila ang mga ganitong ganap ng dalawa.

 

 

 

Dahil mamaya din naman ay sila din ang magkasama, lalo na't kapag walang ginagawa sa talyer si Winter ay madalas sa computer shop na pagmamay-ari ng Kuya ni Ryujin ito nakatambay. Nakikipaglaro ng online games kay Ryujin dahil ito ang bantay doon. 

 

 

 

"Lalabs tara, date tayo sa paresan-aray ko..." napahawak si Jimin sa tagiliran nya ng bigla syang sikuhin ni Winter ng akbayan nya ito, agad-agad syang bumitaw dito at lumayo ng ambahan pa sya nito ng suntok. 

 

 

 

"Mag tigil ka nga dyan Iglot! Kukunin ko na yung kambal, uuna na kami nila Ryujin at Chaeryeong sa paresan, tapos ibalik nyo na ni Yeji yung mga bola na ginamit natin sumunod na lang kayo. Tara na Ryu, Chaer!" utos ni Winter sa kanya sabay talikod para puntahan ang kambal na nakita nyang mabilis na nanakbo para salubungin ang ate Winter nila. 

 

 

 

"Bilisan nyo bebs huh? Order na din kami. Love you." paalam ni Ryujin kay Yeji, humalik pa ito sa pisngi ng kasintahan na lalo atang ikina-singkit ng mga mata ni Yeji sa kilig.

 

 

 

"See you bebs, love you too." kaway ni Yeji sa papalayong si Ryujin.

 

 

 

Natawa na lang si Yeji ng makitang nyang masama ang tingin ni Jimin sa kanya kaya inakbayan nya ito sabay tapik sa balikat ng kaibigan. 

 

 

 

"Inggit ka? Ligawan mo na kasi ng ayos si Wintot para may ka-I love you-han ka na din. Kung babagal bagal ka, pumikit ka na lang kapag nag-bebe time kami ng bebs ko, kasi alam mo? Kapag inggit, pikit." 

 

 

 

"Pakyu ka." 

 

 

 

"Hoy! Bunganga mo, baka mamaya matuto ang kambal sayo, nako Jimin, kokotongan talaga kita." 

 

 

 

"Sayo ko lang sinasabi yan. Nakaka-highblood ka kasi, apaka-yabang ampotek, ako naman first kissed ng jowa mo." 

 

 

 

"Pakyu too." 

 

 

 

"No thanks, hindi tayo talo." 

 

 

 

"Bastos kang bwiset ka!" mahinang syang sinuntok ni Yeji sa balikat na ikinatawa nya.

 

 

 

Simula kasi ng nangyari ang aksidenteng "pinakurat scene" nila ni Ryujin noong highschool eh, ayon na ang pinang-aasar nya kay Yeji kahit alam naman nito na aksidente ang lahat. Gusto nya lang talaga gumanti, dahil lagi sya nitong inaasar kay Winter. Torpe daw kasi sya. Hindi nga nya alam kung paano sya naging torpe eh halos araw araw sinasabihan nya si Winter na manliligaw sya, pero araw araw din sya nitong binabasted. 

 

 

 

Akala ata ni lalabs nagbibiro ako, mukha ba akong clown?           Hindi ko din naman sya makausap ng matino dahil lagi atang hina-highblood sa akin si lalabs.           

"Ayoko naman ipilit ang sarili ko sa kanya Yeji, mahirap kaya yon. Hindi naman pinipilit ang love diba? Kung dumating man yung panahon na mahahanap na nya talaga yung taong mamahalin nya ng totoo, magiging masaya na lang ako para sa kanya kahit hindi ako yung taong yon." 

 

 

 

"Awww yakap na mahigpit para sa kaibigan ko na nagmamahal ng totoo." hinila ni Yeji sa balikat ni Jimin para yakapin ito.

 

 

 

Na-touched sya sa sinabi ni Jimin. In-lababo talaga ang bestfriend nya, saksi sya sa araw araw na pagtatangkang panliligaw nito kay Winter at araw araw din na pangba-basted ni Winter dito. Kahit na itinatawa lang ito ni Jimin ay alam nya ang pakiramdam na ma-basted dahil naranasan nya din ito kay Ryujin noong una. Pero dahil mahal nga nya si Ryujin ay talagang ginawa nya ang lahat para mapatunayan dito ang feelings nya. Worth it naman, sana lang ay ganoon din ang bestfriend nya at si Winter sa huli. 

 

 

 

"Yeji?" 

 

 

 

"Hmm?" sagot ni Yeji habang tinatapik-tapik nya pa ang likod ang kaibigan para damayan ito.

 

 

 

"Hanap ka ng kahoy, kakatok ako. Baka magkatotoo ang sinabi ko, potek masakit yon. Iiyak talaga ako kapag hindi ako ang nakatuluyan ni lalabs ko."  

 

 

 

Mabilis naman agad syang binitawan ni Yeji sabay batok sa kanya. Natawa na lang sya sa itsura ni Yeji na halatang nauurat na naman sa kanya.

 

 

 

Nakakalungkot naman talaga para sa kanya kapag nangyari yon sa hinaharap at wala syang magagawa kundi tanggapin na lang ito, pero sa ngayon ayaw nya muna isipin yon. I-eenjoy nya muna ang kasalukuyan kung saan masaya na sya kahit naasar si Winter sa kanya. Atleast nakakasama nya ito. 

 

 

 

"Parang gago ampota, bahala ka na nga dyan, hindi ka talaga matino kausap, kaya laging beastmode si Wintot sayo eh." inis na sabi ni Yeji. 

 

 

 

"Hindi mo ba ako susuportahan dyan bestfriend?" 

 

 

 

"Ewan ko sayo Iglot, pero malay natin, sinuwerte nga ako na mapasagot ang babaeng siga na katulad ni bebs ko e,  malay mo naman ganito din ang ending nyo ni Wintot. Kaya tiyaga lang bestfriend." inakbayan na ulit  ni Yeji si Jimin para isa-uli ang mga nakakalat na bola sa court. 

 

 

 

"Salamat bff, nawa'y mag dilang anghel ka, kahit dimunyu ka minsan." 

 

 

 

"Apaka gago mo, ma-basted ka sana ulit." 

 

 

 

"Hoy! Joke lang eh!" 

 

 

______

 

 

"Lalabs! Huy lalabs!" 

 

 

 

Kunot noo na nagpa-linga-linga ng tingin si Winter sa paligid para hanapin ang ka-isa isang tao na tumatawag sa kanya ng ganoon. 

 

 

 

"Lalabs I'm here yohoo!" 

 

 

 

At hindi nga sya nagkakamali ng makita nya si Jimin na nag-didrive ng tricycle sa di kalayuan, todo ngiti ito ng mag-tama ang mata nila, maya maya pa ay huminto ang tricycle na dina-drive nito mismo sa tapat nya, nasa labas sila ng palengke at pakiramdam nya ay malulusaw na sya sa sobrang init dahil katanghaliang tapat 

 

 

 

"Uuwi ka na ba lalabs? Halika na, sabay na tayo umuwi, tapos na ang raket ko ngayong araw." yaya ni Jimin kay Winter.

 

 

 

Kita nya din kasi na tila nabibigatan na ang dalaga sa bitbit nitong malaking bayong at isang maliit na karton. Mukhang madami-dami itong pinamili.

 

 

 

"May laman kaya yung loob ng tricycle, saan ko ilalagay to?" kunot ang noo na tanong ni Winter, itinuro pa nito ang dalang mga napamili na ngayon ay inilapag na nya sa daanan. Masakit na din kasi talaga ang kamay nya. 

 

 

 

"Sa likod lalabs, sandale." mabilis na bumaba ng tricycle si Jimin para puntahan si Winter at tulungan ito. "Sakay ka na lalabs, ako na dito, mainitan ka pa lalo." patuloy nito. 

 

 

 

Binuhat agad ni Jimin ang bayong na dala ni Winter at inilagay sa likod ng tricycle, pagkatapos ay ang maliit na kahon na akala nya eh magaan lang, kaya laking gulat nya ng buhatin nya ito. 

 

 

 

Potek, ang bigat, paanong nabuhat ni lalabs ko ito mag isa? Buti na lang nakita ko sya agad. 

 

 

 

Nasabi na lang ni Jimin sa sarili ng ma-ilagay na nya ang mga pinamili ni Winter sa likod ng tricycle. Kumuha na din sya ng lubid para itali ang mga ito at maka-siguradong hindi mag-laglagan habang nasa byahe.

 

 

 

"Ok tapos na." nakangiting bulong nya sa sarili, nilingon nya si Winter sa tabi nya at ganon na lang ang pagtataka nya ng makita nya itong nakatulala lang ito sa kanya. 

 

 

 

May sumilay na m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
hi , thank you po sa subs and votes 🍂🧡

Comments

You must be logged in to comment
rinagerie
0 points #1
Chapter 12: HAHAHHA YUNG BWA SA FLOOW
taytaysbetty
0 points #2
Chapter 12: At bakit nasa floow ang bwa ni ate Wintew? 🤔

Happy 6th Monthsary, mag-Lalabs! 🫶🏻
lazchata17
#3
Chapter 12: Jusko Winter Pearl bat may bwa mo sa floow?
iamriou_
1160 streak #4
Chapter 12: huyyy hdjskahfjksdhk cute talaga nilaaa
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 12: Ang cute cute naman ni ate jimjim, napaka inosente. Ate wintew, tama na ang kwekkwek kung ano ano iniisip mo.

Ano pong back story nung bwa ni ate wintew?🤔😅 sana behave sila.
At na stress na nga ang mga siopao, at least nga raw hindi na sila nag kikiss.

Happy monthsary sa inyong mag lalabs.

Thanks for the update author .
Minjeonglabz #6
Chapter 12: Bwisit na kwek kwek at kikiam yan, nabuga ko iniinom kong kape HAHAHAHAHHA Ang inosente ng kambal napulot pa nga bwa ni ate wintew. Atlit di na sila kiss di ba mga siopaos😂
andeng09
#7
Chapter 12: hooooy ano yan bat may bwa sa lapag???? HAHAHHAHAHA
sepvenanje #8
Chapter 12: ang inosente lang wala kami iniisip bwa lang yun
Eybrelros #9
Chapter 12: HAHAHAHAHAHAHA awit na kwekkwek pa din na yan. Akala ko makakakain na ako ng matiwasay nyan hindi pa din pala🥲 at bakit naman pakalat kalat ang bwa na yan winter pearl jusko ka may mga bata beh 🧹🙂
ryujinie__
693 streak #10
Chapter 12: Kambals, kayanin niyo ang hamon ng bohai HAHHAHAHA bwa 😭